Chapter 19

1051 Words
Uminom ako ng maraming tubig habang nakaupo sa upuan habang ang mga tao naman na nandito sa San Nicholas ay nasa harapan ko at naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. Wala naman akung sasabihin sa kanila dahil hindi naman siguro ganon ka bigdeal ang nangyari sa akin sa loob pero alam kung malaking bagay na iyon para sa kanila. “Ayos ka lang ba iha?” mabilis na tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya kaagad naman akung napangiti sa kanila upang ipaalam na ayos lang naman ako pero ang totoo nandito parin sa puso ko ang kaba. “Talagang makakalabas ka nga talaga ng mansion na iyon kung gugustuhin mo,” saad na naman sa akin ni Aling Dalia habang nasa tabi nito ang kanyang mga kaibigan at naghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. “Hindi naman po mahirap lumabas doon kagaya ng inaasahan niyo na mahirap dahil may multo,” mahina kung sgaot sa kanila at napabuntong hininga ng malalim. “Na komperma kuna ang gusto kung malaman dito,” mabilis kung kinuha ang petals ng rosas na kinuha ko doon sa loob ng mansion at kaagad na ipinakita sa kanila ang naging kulay abo na petals at napangiti ng pagak dahil ng hawakan ko ito kanina ang ganda pa nito at humahalimuyak ang kanyang bango pero ng lumabas ako ng mansion bigla nalang naging ganito na hindi ko alam kung paano. Nakakagulo naman kasi talagang isipin pero kapag pinag-tuunan ko naman ito ng pansin baka tuluyan na akung mabuang at mawala sa sarili ko. Hindi kuna iisipin pa ang bagay na ito ayaw kung isipin na ito at wala na akung balak na bumalik pasa lugar na ito. “Ano iyan iha? Doon mo ba ito kinuha sa mansion?” tanong sa akin ng isa kanila kaya kaagad naman akung tumango at binalik sa bulsa ko ang hawak ko kanina. “Bakit mo kinuha? Nakita mo ba ang nakatira doon?” tanong na naman nito sa akin sa pagkakatanda ko kaibigan ni Aling Dalia ang babaeng ito pero hindi nalang ako sumagot sa kanya ng may nakita akung putting kotse na paparating at kilalang-kilala kuna kung kaninong kotse ito. Bigla itong tumigil sa daad at doon bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Ivan na galit pero may halo namang kaba at takot na hindi ko maintindihan. Sa oras na nagtagpo ang mga mata naming dalawa malalim itong napabuntong hininga at mabilis na lumapit sa akin at kaagad akung hinawakan sa kamay. Mukhang nagulat naman ang taga San Nicholas sa pagdating ni Ivan at sa mabilis na paglapit nito sa akin malamang sinabi ni Hailey kay Ivan kung saan ako pumunta at sa malamang mabilis naman akung pinuntahan ni Ivan dito. “Kleyton naman ano ang pumasok sa utak mo at bumalik ka dito! Halos liparin kuna hanggang Manila papunta dito para lang tignan ang kalagayan mo dahil wala ka namang sinabi sa akin na pupunta ka dito buong akala ko nasa trabaho ka tapos nandito ka pala! Ano ba kasi ang ginagawa mo sa lugar na ito!” malakas na singhal sa akin ni Ivan at hindi naman ako nag-rereklamo dahil kasalanan ko din naman ito at malamang talagang mag-aalala sa akin si Ivan. Biglang napatingin sa kanya ang mga tao at ako naman nanatiling tahimik at walang imik sa kanya hanggang sa napayuko nalang ako at narinig ang kanyang buntong hininga. “Kaano-ano mo ba siya iho?” tanong bigla sa kanya ng kaibigan ni Aling Dalia habang si Ivan ay nasa harapan kuna at hinawakan ang kamay ko. Sana maintindihan ako ni Ivan kung bakit wala parin akung sasabihin sa kanya matapos ng makita niya ako ngayon o ano man ang sitwasyon ko. Ano ba kasi ang dapat malaman ni Ivan dahil puro lang nama kabaliwan ang lahat ng ito ng utak ko. “She’s my wife,” malamig na sagot sa kanila ni Ivan kaya mas lalo naman akung napatingin sa kanya habang gulat na gulat ako sa kanyang sinabi kasi hindi ko naman inaasahan na sasabihin iyon sa kanila ni Ivan. “I will bring her home now,” hindi na ako nakapag-react ng mabilis na kinuha ni Ivan ang maleta ko sa tabi ko at walang sabi-sabi na hinila nalang ako patayo. Hindi parin mawala sa mukha nila ang gulat sa sinabi ni Ivan lalo pa at sinabi nila sa akin na ako daw ang reyna ng multo ng mansion na iyon tapos malalaman nila na ganito at sinabi pa talaga ni Ivan na asawa niya ako. “Aalis kana ba talaga? Paano nalang ang nalaman mo,” mahinang saad ni Aling Dalia sa akin habang nagsusuma ang kanyang mukha. Alam kung paniniwala nito at nirerespeto ko naman pero nalaman kuna ang nais kung malaman dito at wala akung pakialam sa kung ano man ang pinaniniwalaan nila sa mansion na iyon. “Pasensya napo Aling Dalia pero hindi napo ako babalik dito kung ano man siguro ang pinaniniwalaan niya sa inyo nalang poi yon nalaman kuna ang gusto kung malaman at ayaw kuna ng maraming iisipin dahil mas lalo lang gugulo ang utak ko,” mapait akung napangiti sa kanila at nilingon ang mansion na nasa dulo. “Kung ano man siiguro ang nasa mansion na iyan sana matahimik na siya at hindi ako ang sinasabi ninyo baka nagkataon lang ang lahat-lahat ng ito at napag-kamalan niyo lang talaga ako,” mahina kung sagot sa kanila at mapait na ngumiti habang si Ivan naman ay mabilis na nilagay sa likod ng kanyang kotse ang maleta ko. Wala akung natanggap na sagot mula kay Aling Dalia hanggang sa maka-pasok ako sa kotse ni Ivan nanatiling nakatingin lang sila sa akin habang si Ivan naman ay pumasok nasa kanyang kotse habang nakakunot ang kanyang noo. Alam kung galit si Ivan kaya hindi na ako nagsalita o ano man dahil baka magkasagutan lang kami dito at alam ko naman na ako ang may kasalanan. Dahil sa kabaliwan ko at paniwawala sa mga sabi-sabi ng iba pati siya naabala ko pa at ayaw ko namang magalit sa akin si Ivan dahil sa kabaliwan ko paano pa kaya kapag ang panaginip kuna ang sinabi ko sa kanya baka tuluyan na ako nitong dalhin sa mental.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD