Chapter 21

1192 Words
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin k okay Ivan habang nakaupo ito sa sofa at napapahilamos sa kanyang mukha ng sabihin ko sa kanya na hindi naman talaga ako buntis paano ba naman ang bilis naman kasi niyang maniwala sa mga naririnig niya kaya kung ano-ano nadin ang kanyang iniisip. Hindi ko naman masisisi si Ivan dahil talagang maniniwala nalang siya sa sasabihin ng ibang tao dahil wala naman akung sinasabi sa kanyan na kahit ano. Nasanay na kasi si Ivan na sinasabi ko sa kanya ang mga problema ko pero ngayon mas pinili ko nalang na itago sa kanya hindi ko naman siguro pwedeng sabihin sa kanya ang lahat ng kabaliwan ko sa aking isipan. “Pero bakit ka nagkakaganito Kleyton kung hindi ka naman buntis alam kung may hindi ka parin sinasabi sa akin,” ano pa ang aasahan k okay Ivan malamang kilala niya talaga ako mula ulo hanggang paa at siya lang ang taong nag-alaga sa akin kahit ako mismo hindi kuna maintindihan ang buhay na meron ako. “Bakit ka bumalik sa San Nicholas kung maayos ka lang ba talaga? May problema kaba? Pwede naman kitang tulungan,” ngumiti ako kay Ivan at dahan-dahan na lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit at tinignan siya deritso sa mga mata. Ayaw kung pati siya madamay sa kabaliwan ko masyadong mahalaga sa akin si Ivan para isali sa kung ano man ang meron ako ngayon. “May bagay siguro na hindi kuna pwedeng sabihin sayo Ivan mga bagay na ako lang siguro ang dapat makaalam at ako lang ang makaka-ayos nito,” mahina kung saad kay Ivan kaya mabilis naman itong napabuntong hininga at pabalik na hinawakan ang kamay ko. “Alam kung nag-aalala kasa akin pero kung kailangan ko nga siguro ng tulong ikaw ang unang lalapitan ko pero sa ngayon ako muna, hayaan mo muna akung harapin ang sarili kung problema,” mas lalong napabuntong hininga ng malalim si Ivan sa akin at kaagad nalang akung hinanap dahil hindi niya naman ako mapipilit kung hindi ko sasabihin sa kanya mas mabuti na hayaan niya nalang muna ako at suportahan kung ano man ang gusto ko. “Basta palagi mo lang tandaan na kahit ano man ang mangyari nandito lang ako sa tabi mo para suportahan ka at handa akung tulungan ka kapag tinawag mo ako,” tumango naman ako sa kanya at niyakap ito pabalik habang nakangiti ako dahil alam kung naiintindihan ako ni Ivan at hahayaan niya ako. “Mag-iingat ka palagi at handa akung tulungan ka kahit p*****n pa kaya umayos ka ha,” tumango ako habang yakap-yakap ako ni Ivan at marahan nitong hinahaplos ang likod ko bago ito kumalas sa pagkakayakap naming dalawa at hinawakan ako sa balikat. “Maiwan na kita dito magpa-hinga kana at may pasok pa tayo bukas,” isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko dahil balang araw ako ang pinaka-masayang tao kapag nahanap nan i Ivan ang babaeng para sa kanya. “Ikaw din mag-iingat ka pauwi ha,” mabilis itong tumayo at kinuha ang susi ng kanyang kotse sa mesa at pinisil pa ang gawi ko bago ito tuluyang lumabas sa apartment ko at naiwan akung nakaupo dito at napasandal sa sofa habang napapahilamos sa aking mukha. Mabilis akung humiga sa sofa at hinayaan ang sarili kuna lamunin na naman ng antok at hindi nga nagtagal nakatulog na ako dito sa sofa. Kagaya ng dati sa pagdilat ko ng aking mga mata ang magagandang tanawin na naman ang bumungad sa akin at mariin akung napapikit dahil pakiramdam ko hindi napapagod ang puso kuna masaktan. Kahit ito na ang panaginip ko hindi naman ako napupuyat o may kung anong nararamdaman na pagod dahil pero pakiramdam ko kasi totoo ang lahat ng ito lalong-lalo na si Rayle. Marahan kung hinakbang ang paa ko hanggang sa tuluyan na akung maka-apak sa harden at doon bumungad sa akin si Rayle na nakatayo habang punong-puno na naman ng emosyon ang kanyang mukha na parang inaabangan niya talaga ako, sino ang hindi magtataka nito dahil maka-ilang beses na itong nangyari at talagang hinihintay niya ako at kakaiba nag kanyang mga sinasabi sa akin. “Kleyton,” marinig ko palang ang boses ni Rayle kaagad ng kumabog ng malakas ang puso ko kagaya nalang ngayon na nasa harapan ko na siya at tutok ang tingin sa akin. “Sa wakas nagkita din tayo ulit,” hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko habang nakatingin kay Rayle na mabilis na hinawakan ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. “Matagal din kitang hinintay pero ang mahalaga nandito kana ngayon sa tabi ko,” mabilis nitong binaon ang kanyang mukha sa leeg ko habang ramdam na ramdam ko ang malalim nitong buntong hinga. “Rayle bakit na naman ako nandito?” tanong ko kay Rayle na kaagad naman niyang ikina-bitaw sa akin at hinawakan ako sa balikat at tinignan sa mukha. “Hindi ko alam kung bakit na naman ako nandito pero noong isang araw hindi naman ako bumalik dito pero ngayon nandito na naman ako,” mahina kung saad kaya malalim na napabuntong hininga si Rayle at muli na naman ako nitong niyakap. “Ayaw mo ba akung makasama at makita Kleyton?” mahinang saad ni Rayle at kaagad namang kumirot ang puso ko sa kanyang sinabi hindi naman sa hindi ko gusto makita siya pero kasi hindi kuna talaga maintindihan ang nangyayari sa akin pati nadin sa panaginip ko. Hindi nalang ako sumagot sa kanya at kinalimutan kuna naman ang nais kung itanong sa kanya dhail baka kung ano na naman ang maging sagot nito at mas gugustuhin ko paring makasama nalang siya kaysa sa magtanong ng magtanong ng kung ano sa kanya. Kaunting oras lang ang meron ako para makasama siya at mas mabuti na susulitin ko nalang ito. “Alam mo mas mabuti pana umupo muna tayo sa swing kasi nangangalay pa ang paa ko,” saad ko kaya narinig ko naman ang munting tawa ni Rayle at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti na naman ako ulit sa kanya at ako na mismo ang humila sa kanya hanggang sa makaupo na kaming dalawa sa swing. Ang sunod na ginawa ni Rayle ang mas nagpagulat sa akin dahil bigla nalang siyang humiga sa paa ko at pumikit ang kanyang mga mata. “Hayaan mo muna ako kahit ilang sandali lang kukuha lang ako ng lakas sayo,” hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapakamot sa ulo ko sa kanyang sinabi dahil mas lalo lang talaga naguguluhan sa kanya. Mariin kung tinignan ang kanyang mukha at dahan-dahan na hinaplos ito pababa sa kanyang labi at ilong at bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko at mariin itong hinalikan. “Kapag ikaw nga talaga ang kasama ko ang bilis bumalik ng lakas ko ngiti mo palang malakas na kaagad ako,” napangiti nalang ako at hinayaan nalang siyang halikan ang kamay ko ng paulit-ulit. Damn! Alam kung mali ito pero hindi ko naman mapigilan ang sarili kuna huwag mahulog ang loob kay Rayle at iyon ang kinakatakot ko dahil panaginip lang ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD