Chapter 27

2999 Words
Inilibot ko muli ang tingin ko sa buong paligid at dito sa bulaklak na moonrise talaga nakatuon ang aking pansin. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung makikita muna muling nabuhay ang mga butterfly at biglang umilaw ang dahon ng mga bulaklak pero kaagad namang nawala ng muling nabuhay ang lahat-lahat ng butterfly. Pero kaagad akung bumuntong hininga at kumuha ng lakas dahil hindi lang naman ito ang unang beses na nakakita ng kakaibang nilalang o pangyayari siguro kailangan ko lang huminahon at isipin ang susunod kung gagawin at hindi kailangan na magwala ako kaagad. Dahan-dahan na naman akung lumapit dito at hinawakan ang glass kung saan mabilis na naman na lumipad ang mga butterfly sa kamay ko kahit nasa labas na ito ng glass at napatingin ako sa bulaklak na kanina parang lanta ito pero ng humawak ako sa glass kaagad na nabuhay ulit ito hindi ko alam kung namalik-mata lang ako pero iyon naman talaga ang nakita ko. Si Rayle lang talaga ang makakasagot sa mga tanong ko pero kanina pa ako dito hindi ko parin siya nakikita kung noon susulpot nalang siya pero ngayon bakit wala? Dahan-dahan na naman akung lumayo sa glass at napatingin sa mga isda na nasa glass pero mas natuon ang atensiyon ko sa hagdan baka nandoon sa silid nito si Rayle sa sobrang laki ng palasyo hindi ko kaagad makikita si Rayle wala naman siya doon sa labas nasaan kaya siya? Ilang minute pa ang nagdaan at nakailang balik na ako sa kanyang silid hindi lang nga talaga minute dahil malapit na akung abutin ng isang oras dito hindi ko parin siya nakikita nasaan kaya ang lalaking iyon. Wala naman akung pwedeng puntahan para hanapin siya anong alam ko sa buong lugar na ito? Pero mabilis akung napatayo ng maalala kuna baka nandoon siya sa batis na pinuntahan namin noon kaya mabilis akung lumabas ng palasyo at inikot ang paningin ko pero kaagad namang napatampal ako sa nook o dahil kailangan pala ng kabayo para makapunta doon pero wala namang kabayo dito at talagang mababasa ako kapag pumunta ako doon at isa pa hindi naman ako marunong sumakay sa kabayo. Lakas loob akung humakbang at binagtas ang dinaanan namin noon ni Rayle alam ko pa ang daan na ito ano ang silbi ng pagiging tour guide ko kung hindi ko kaagad matatandaan ang mga daanan at isa lang ang masasabi ko sobrang taas ng mga damo dito ang iba nga mataas pasa akin at malamang hindi mo makikita ang tao sa dulo mo dahil sa taas ng damo. Noong nakasakay ako sa kabayo ni Rayle ang ganda tignan ng mga paligid dahil sa mga bulaklak dito pero ngayon ang hindi kuna makikita ang mga bulaklak na iyon paano ba naman ang taas ng mga damo. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko kahit ang sukal-sukal at muntik na akung madapa sa mga damo, lagot ka talaga sa akin Rayle kapag wala kapa doon pero kaagad naman binundol ng kaba ang buong puso ko paano nga kapag wala si Rayle doon paano na ako? Paano na naman ako makabalik sa mundo ko? Mag-isa lang ako dito? Kaagad akung umiling ng sunod-sunod dahil sa aking naisip dahil kapag inisip ko iyon baka mas lalo lang talaga akung kabahan kaya ipinag-patuloy ko nalang ang paglalakad ko alam kung nandito si Rayle kailangan ko lang hanapin kung nasaan ang mokong na iyon ng makausap kuna siya ng tuluyan at maliwanagan na ako. Kaagad akung napabuntong hininga ng tuluyan na akung makalabas sa masukal na damuhan na iyon pero kaagad naman akung napatampal sa nook o ng makita ang ilog kung saan mababasa talaga ako kapag dumaan ako diyan. May magagawa ba ako o may dadaanan ba ako kung hindi ako dadaan diyan dahil wala kaya nilangoy ko nalang ang ilog hanggang sa makarating ako sa kabila nito at talagang basang-basa nga ako malalim ang ilog siguro lagpas pa ito sa akin kung ganon hindi ito nilakad ng kabayo ni Rayle malamang nilangoy niya ito. Itinali ko ang aking buhok at hinanap ang dinaanan namin noon ni Rayle at nagawa ko naman itong mahanap ng tuluyan kaya hindi na ako nagatubili pa at tinahak kuna ang daang iyon hanggang sa makarating ako sa batis na pinagdalhan sa akin ni Rayle noon at kung ano ka ganda ito ng una kung makita ganon din ito ka ganda ngayon. Dahan-dahan akung lumapit doon at tumayo sa bato pero wala akung nakita ni anino ni Rayle hindi ko makita at wala akung bakas na pwedeng magbigay sa akin ng pag-asa na baka nandito si Rayle. Dahan-dahan akung napaupo sa bato at inikot ang buong paningin ko sa buong paligid pero wala parin akung nakita ni kabayo ni Rayle hindi ko makita kaya mas lalong binalot ng kaba ang aking puso habang binabalot na ako ng lamig dahil sa basa nga ako. Ngayon ano na ang gagawin ko dito wala naman dito si Rayle saan na ako pupunta nito? Babalik nalang ako sa palasyo at doon ko nalang siya hihintayin ano pa ang gagawin ko dito kung wala naman siya baka kung ano na naman ang makita ko dito mamaya kung magtatagal ako dito. Dahan-dahan akung tumayo at hinakbang ang aking paa para umalis nasa lugar na iyon ng maka-amoy ako ng malansang amoy na parang galing sa kanal na hindi ko alam at ng inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng makita ang isang nilalang na gumagapang habang punong-puno ng putik ang kanyang mukha at buong katawan. Binalot na naman ng kaba ang buong puso ko dahil biglang ngumisi ang nilalang na parang isang tao pero mahaba ang kayang dila na parang ahas habang gumagapang palapit sa akin at nagbabaga ang kanyang mga mata. Tangina ano na naman ito! Hindi ko alam kung nasaan na ngayon si Rayle at hindi ko alam kung darating siya para tulungan ako dito ngayon dahil mukhang gagawin na naman akung hapunan ng kung anong nilalang na ito. “Putangina ano na naman ito!” malutong kung mura habang nakatingin sa nilalang na ngayon ay parang pagong na unti-unting lumalapit sa akin pero ako urong naman ako ng urong. Umiikot pa ang kanyang ulo na mas lalong ikina-mura ko sa aking isipan ngayon lang ako nakakita ng nilalang na umiikot ang ulo na literal na umiikot talaga ang kanyang ulo. “Damn!” mura ko ng muli na namang umikot ang kanyang ulo isabay mo pa ang mahahaba niyang mga paa at kamay na akala mo naman balat ng palaka. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ito pero tangina papatayin ako ng aswang na ito at baka gagawin din niya akung hapunan nito. “Pagkain!” hiyaw nito habang nakangisi ang kanyang mukha at sobrang tulis ng kanyang mga ngipin na sigurado kapag kinagat ka niya makukuha niya kaagad ang balat mo kaya mas lalong binalot na naman ng kaba ang aking puso. Putangina Rayle kung nasaan Kaman ngayon sana puntahan mo ako dito dahil kapag ikaw hindi dumating talagang mawawalan kana talaga ng reyna dahil gagawin akung hapunan ng hayop na ito! “Tangina mo kung ano kaman hindi ako pagkain!” sigaw ko sa kanya pero mas lalong naglaway pa nga ito habang nakatingin sa akin. “Lumayo ka tangina mo lumayo ka!” hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ako basta iyon nalang ang naisiggaw ko alangan naman ano ang gagawin ko kasi hindi naman ako makakalaban sa ganitong nilalang. Mahigpit akung napakuyom sa aking kamao habang binubundol ng kaba ang buong puso ko. Bigya akung napaigik sa akit ng bumangga ang paa ko sa aking malaking bato at wala na akung mapuntahan o maurungan manlang habang patuloy na lumalapit sa akin ang hindi ko maipaliwanag na nilalang na ito. Gusto kung umiyak nalang pero kaagad na nabuhayan ang loob ko ng makarinig ako ng yapak hindi lang basta yakap kundi parang isang hayop na tumatakbo at doon bumungad sa harapan ko ang putting kabayo ni Rayle na mabilis na tumatakbo habang sakay nito si Rayle at mabilis na binunot ang kanyang espada at sa isang iglap tumilapon na naman ang ulo ng nilalang na kanina ay nasa harapan ko. Wala nga niyang kahirap-hirap na pinutol ang ulo nito na parang normal nalang ito sa kanya habang ako naman napatulala at sa ganon ka bilis napatay na niya ang nilalang na iyon. Biglang bumaba si Rayle sa kanyang kabayo at mabilis na lumapit sa akin at sabay hubad ng kanyang kapa at binigay sa akin at nakalimutan kuna Hari pala itong nasa harapan ko. Mabilis niya akung hinawakan sa kamay at kaagad na tinignan ako sa mga mata hanggang sa lumipat ang kanyang kamay sa aking pisngi habang punong-puno ng pangamba ang kanyang mukha. Mugto pa ang mga mata nito na akala mo naman nanggaling ito sa iyak pero parang isang sampal ito sa akin dahil naalala kuna bago pala ako umalis dito umiiyak si Rayle at rinig na rinig ko mismo ang kanyang mga hikbi. “Are you okay? Sinaktan kaba niya? Nasugatan kaba?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Rayle habang inililibot nito ang kanyang tingin sa akin hanggang sa bumalik na ang kanyang tingin sa akin mga mata kaya ngumiti ako sa kanya at sunod-sunod na umiling ito ang delikado kapag nandito ako dahil ang rupok-rupok ko makita ko lang si Rayle lumalambot na ang puso ko at nakakalimutan ko ang sakit na naranasan ko sa kanya din mismo. “Bakit basang-basa ka bakit ka pumunta dito paano nalang kung hindi ako dumating napahamak kana naman sana at nasaktan,” mabilis nitong saad habang siya mismo ang umayos ng nilagay nito sa katawan ko para hindi ako lamigin. Makita ko palang ang mukha ni Rayle masaya na ako at kakaibang t***k ng puso ko ang nabibigay niya sa akin. Dahan-dahan kung hinawakan ang kanyang kamay kaya mabilis itong napatingin sa akin na parang nagulat at hindi alam ang kanyang sasabihin o gagawin. “Dumating ka naman para iligtas ako,” mahina kung sagot sa kanya habang hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi na parang walang nangyari noong huling nandito ako. “Kahit naman siguro nasa panganib ako darating ka para iligtas ako diba?” tanong ko ulit sa kanya na mas lalong nagbigay sa kanya ng kakaibang emosyon pero nanatiling nakatingin naman siya sa akin. “Gusto ko ng maliwanag sa lahat-lahat ng ito Rayle,” biglang napahilamos si Rayle sa kanyang mukha at napaupo nalang ng tuluyan sa aking harapan. “Buong akala ko hindi kana babalik dito akala ko tuluyan muna akung makakalimutan matapos mong malaman ang lahat-lahat ng ito pero umaasa naman ako na babalik ka pero hindi ko lang inaasahan na ganito ka aga,” dahan-dahan akung nilingon ni Rayle at muli na naman niyang hinawakan ang aking kamay. “Handa akung ipaliwanag ang lahat-lahat sayo Kleyton alam kung mahirap paniwalaan pero ang lahat-lahat ng sinabi ko sayo ay totoo,” hinaplos nito ang aking pisngi at malalim na napabuntong hininga. “Ikaw ang buhay ng buong lugar na ito lalong-lalo na ako your my life Kleyton,” bigla niya akung niyakap ng mahigpit na labis ko namang ikina-gulat pero kusa nalang yumakap din ako sa kanya at sa oras na napayakap ako sa kanya kaagad na gumaan ang aking pakiramdam na parang ang gaan-gaan at nawala ang tinik sa aking mga puso. “Bumalik nalang muna tayo sa palasyo nilalamig na kasi ako,” biglang napabitaw sa pagkakayakap si Rayle sa akin at mabilis itong tumayo at tinulungan akung tumayo. “Ang tagal kaya kitang hinanap alam mo halos isang oras na akung naglibot sa palasyo pero hindi naman kita makita tapos pumunta ako dito at nilangoy ko ang ilog na iyon kahit mababasa ako nasaan kaba at hindi kita makita dito kanina?” tanong ko sa kanya kaya kaagad naman itong napabuntong hininga ta naunag umakyat sa kanyang kabayo at inabot ang kamay ko at walang kahirap-hirap mabilis niya akung naisakay dito. “Nasa loob ako ng palasyo sa library natutulog hindi ko naman napansin na nandoon ka nalaman ko lang ng tinawag mo ako gamit ang isipan mo,” mabilis akung napatingin sa kanya kahit na nasa likod niya ako talagang sinilip ko siya dahil sa sinabi nito na narinig niya akung tinawag ko siya gamit ang aking isipan. “Tinawag mo ako na humihingi ka ng tulong kaya kaagad akung nagising at doon ko palang nalaman na nandito ka pala kaya mabilis kitang pinuntahan doon,” literal na napanganga ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko lubos akalain na pwede pala iyon kung ganon kapag kailangan ko ng tulong tatawagin ko lang paano kapag mahulog ako dito sa kabayo tutulungan niya ba ako? “Hindi ka naman mahuhulog sa kabayo Kleyton at basang-basa ko ang utak mo kaya tigilan mo ako sa kakaisip kung ano-ano dahil rinig na rinig ko ang mga iniisip mo,” napatakip ako ng bibig ko matapos ko itong marinig dahil sa gulat at hindi ko alam ang aking sasabihin. “Don’t worry hindi ko naman pwedeng gawin iyan para sayo kaya huwag kang mag-alala tawagin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong,” nanatili parin akung tahimik dahil kung ganon kanina niya pa nababasa nag utak ko habang nakayakap ako sa kanya kanina at noong nandito pa ako? Paano niya nagawa ang bagay na iyon? Pwede niya pala iyong gawin tapos hindi niya sinabi sa akin paano nalang kung narinig niya noon ang mga nasa isip ko lihim niya pala akung pinagtatawanan bigla naman akung nahiya sa aking naisip kaya dahan-dahan akung umayos ng aking pagkaka-upo sabay marahan na tampal ng noon ko. “Hindi ko naman mababasa ang nasa utak mo Kleyton mababasa at maririnig ko lang ang inisiip mo kung hahayaan mo ako o kinakailangan mo ng tulong,” sa hindi malamang dahilan kaagad naman akung napabuntong hininga ng malalim dahil kung talagang mababasa niya lahat talagang patay ako dahil maririnig niya nag kabulastugan sa isipan ko. “Masyado kang mahalaga sa akin para pakialaman ko ang buhay mo nandito lang ako sa tabi mo at maghihintay syao kahit abutin na naman ako ng dekado ngiti mo palang masyado ng worth it para hintayin,” bigla naman akung napangiti sa kanyang sinabi dahil parang hinaplos ang puso ko sa kanyang sinabi. Habang naglalakad ang kabayo ni Rayle wala akung naging imik sa kanya hanggang sa bumalik sa alaala ko ang nilalang kanina na muntik na namang lumapa sa akin at kung hindi na naman dumating si Rayle baka tuluyan na naman akung naging hapunan at pangalawang beses na ito. Hindi ko alam kung mauulit paba ito o ano basta alam ko kapag nandito ako hindi maiiwasan na makakakita pa ako ng ganon at baka mas malala pa nga. “Ano ang nilalang na iyon Rayle?” biglang tanong ko kay Rayle dahil mukhang hindi naman iyon goblin paano ba naman halos puro putik ang kanyang mukha at mahahaba ang kanyang dila na akala mo naman ahas at ang kanyang mga balat na akala mo naman palaka. “Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng halimaw na iyon pero ang alam ko sa ilog siya nakatira siguro naamoy ka niya ng lumangoy kasa ilog at ng malaman niyang hindi ako ang dumaan hahabulin ka niya at kagaya ng mga goblin muntik kana naman niyang gawin na hapunan,” literal na napanganga ako sa kanyang sinabi dahil kung kanina ako hinila ng nilalang na iyon sa ilog malamang magiging hapunan niya talaga ako marunong naman akung lumangoy pero kumpara sa nilalang na nakatira talaga sa ilog na makakahinga sa ilalim ng tubig malamang wala na akung laban doon. “Kung ganon kung hinila ako ng nilalang na iyon kanina sa tubig malamang patay na ako ngayon,” biglang napatigil sa Rayle sa pagpapalakad sa kanyang kabayo kaya muntik na akung sumubsob sa kanyang likod kung hindi ko naitukod ang aking kamay dito. “May problem aba? May nakita kaba na halimaw na naman? Saan tatalon ako bahala kana pumatay sa halimaw,” sabay hawak ko sa kanyang kamay dahil talagang tatalon ako alangan na ako ang haharap sa halimaw na tingin lang nga ang nagagwa ko at hindi ko naman kayang gawin iyon kundi si Rayle talaga ang gagawa. Pero bigla niya namang hinawakan ang kamay ko kaya kaagad na napatingin ako sa kanya kung saan na nasa unahan parin ang kanyang tingin. “Hindi naman kita hahayaan na mamatay kahit saan kapa at kailangan mo ng tulong alam muna ang gagawin mo dahil darating ako kahit ano man ang mangyari ano ang silbi ko dito sa mundo kung mapapahamak ka din naman,” parang hinaplos na naman ng kung anong bagay ang puso ko dahil sa kanyang sinabi pero hindi nalang ako sumagot sa kanya hanggang sa nagpatuloy nalang sa paglalakad ang kabayo nito habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa likuran nito. Hanggang sa makarating kami sa ilog na nilanguyan ko kanina biglang kumabog ng malakas ang puso ko paano nalang kung may humila na naman sa akin dito o dikaya tumalon sa likuran ko at bigla nalang ako hilahin pababa ang lalim pa naman ng ilog na ito. Naramdaman siguro ni Rayle na kinakabahan ako kaya kaagad niyang hinawakan muli ang kamay ko. “Asahan muna kapag ako ang kasama mo walang sinong nilalang ang makakalapit sayo takot lang nila na lumapit sayo kapag nandito ako,” kaagad naman akung nakampante sa kanyang sinabi lalo na ng hindi niya binitiwan ang kamay ko habang lumalangoy ang kanyang kabayo sa ilog habang ako naman hindi ko napigilan ang sarili kuna hindi itaas ang paa ko mahirap nab aka hilahin nalang nila ako pababa mabuti ng sigurado ako pero narinig ko naman ang munting tawa ni Rayle. “Kahit nga siguro ang amuyin ka nila hindi nila magawa kapag ako ang kasama mo,” hanggang sa maka-lagpas kami sa ilog hindi ako binitiwan ni Rayle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD