Chapter 26

2967 Words
Nakatulala ako habang nasa harapan ng computer ko dito sa opisina pero kanina pa ako dito wala pa akung natapos na gawain paano ba naman inaantok ako pero ayaw kung matulog dahil baka bumalik na naman ako sa lugar na iyon oo gusto kung bumalik doon pero may kung ano namang humihila sa akin na huwag na akung bumalik doon at hindi ko alam kung ano ba talaga ang susundin ko. Gulong-gulo na talaga ako sa nangyayari pati ang trabaho ko hindi kuna maayos dahil si Rayle nalang palagi ang nasa isip ko. Dalawang araw na akung walang tulog at hindi ko alam kung ilang tasa ng kape na ang nainom ko para hindi ako makatulog paano ba naman kapag tangka akung matulog ang mukha ng mga goblin na iyon ang pumapasok sa utak ko at ang mga sinabi sa akin ni Rayle na ang mundo na iyon ay totoo at may mga nilalang doon na hindi ko pa nakikita kahit kailan. Nabitiwan ko ang hawak kung mouse ng computer at napahilamos nalang sa mukha ko ng makaramdam na naman ako ng antok kaya mabilis kung kinuha ang cup kuna may lamang kape at kaagad itong ininom kahit na hindi na ito mainit hanggang sa tuluyan kunai tong maubos hindi ko alam kung ilang cup na ng kape ang naubos ko sa loob ng dalawang araw pero ang alam ko madami na hindi ko lang mabilang dahils a maubos kuna ang iniinom ko kukuha ulit ako. Pero kahit ilang tasa pa ng kami ang inumin ko hindi parin nawawala ang antok ko at hindi ko alam kung anong lakas ang meron ako na nakaya kung huwag ng matulog dahil sa ayaw kung managinip kay Rayle at ayaw kung bumalik ako sa lugar na iyon at baka tuluyan na akung mapahamak pero itong lintik ko namang puso pangalan parin ni Rayle ang kanyang sinisigaw ar mas gugustuhin niyang makita si Rayle at kalimutan nalang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Damn! Napahilamos ako sa mukha ko ng tuluyan at naihampas sa mesa ang kamay ko kaya kaagad namang napatingin sa akin ang mga bagong pasok dito na mga empleyado pero kaagad naman silang umiwas ng tingin sa akin. Hindi na nila ako pinansin at nagtuloy na sila sa kanilang paglalakad habang ako naman ay nanatiling nakatulala at hindi alam ang gagawin daig ko pa ang sinaniban ng demonyo dahil sa mukha ko ngayon na sabog na sabog. Sobrang laki ng eyebags ko idagdag mo pa ang nakakatakot kung mukha na mayaman sa stress at kung ano pa wala na akung panahon na asikasuhin ang sarili ko dahil sa kagaguhan na nangyayari sa buhay ko. Sumandal ako sa aking upuan at doon mariin na napapikit ng bigla nalang may humawak sa kamay ko at ng tignan koi to bumungad sa akin si Ivan na punong-puno ng pag-alala ang kanyang mukha at kaagad naman akung nakonsesya dahil alam kung nag-aalala na sa akin si Ivan pero ganito parin ako. “Gusto mo dalhan kita ng pagkain dito?” marahan nitong tanong sa akin at kaagad na hinaplos ang kamay ko alam kung pinipigilan lang ni Ivan ang kanyang sarili na magtanong sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya noong isang araw at alam kung naiintindihan ako ni Ivan kung bakit ko sa kanya tinago ang problema ko kahit gusto niya akung tulungan pero ako lang talaga ang makaka-ayos ng aking problema. “Para kanang multo dito bakit hindi ka nalang muna mag pahinga at bumalik kana lang kung maayos na ang lahat handa naman akung tulungan ka na kausapin ang President natin para payagan ka niya kaysa sa nahihirapa ka,” kaya sobrang lapit naman ng loob ko kay Ivan dahil kahit ganito na ako nandito parin siya sa tabi ko at hindi ako hinayaan na masaktan at tutulungan niya ako hanggat maakakaya niya. “Magiging maayos din naman ako at kaya ko naman sadyang nawawala lang ang focus ko sa trabaho ko minsan at antok na antok na ako kita mo naman siguro ang malaking eyebags ko diba,” biglang napangiti si Ivan at hinawakan ang ilalim ng mata ko at mahinang minasahe ang eyebags ko at mas lalong napangiti. “Salamat Ivan at kahit ganito na ako ka baliw hindi mo parin ako iniwan kahit minsan hindi muna naiintindihan ang pag-uugali ko Im so happy to have you as my best friend,” mabilis ko siyang niyakap ng mahigit na kaagad namang nagpagulat sa kanya pero naramdaman ko naman na niyakap din ako nito pabalik at binaon ang kanyang ulo sa leeg ko. Sa lahat ng tao dito sa mundo alam kung si Ivan ang nakakilala sa akin ng lubos at alam kung siya lang ang taong meron ako na kahit saan ako pulutin nandiyan siya para kunin ako. “May kapalit kaya to kaya tigilan mo ako,” sagot nito sa akin kaya ako naman ngayon ang napangiti sa kanyang sinabi. “Maging maayos at masaya ka lang ayos na ako doon alam mo naman kapag masaya ka masaya nadin ako pero ngayon mukha ka ng sabog na hindi ko maipaliwanag na parang isang lantang gulay,” mas lalong napangiti naman ako sa kanyang sinabi at kumalas sa kanyang pagkakayakap at pinahid ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Mabuti nalang nandito si Ivan sa tabi ko at hindi ako iniwan mabuti nalang walang girlfriend ang lalaking ito kaya walang magseselos kung yayakapin ko siya kahit sabihin pa nating kaibigan niya ako alam ko naman ang lugar ko sa buhay ni Ivan. “Maganda naman ako kahit sabihin mo pa na parang lantang gulay ako,” sagot ko sa kanya at muling ngumiti habang nakatingin sa kanya kaya wala na itong nagawa kundi ang ngumiti nadin sa akin. Pasalamat nalang ako na kahit mabigat na ang dinadala ko nandito parin si Ivan para patawanin ako kahit sa maliit na bagay lang. “Oo, maganda ka parin kahit parang lantang gulay kana basta ngumiti ka lang at palagi mong isipin na nandito lang ako para sayo,” marahang hinaplos ni Ivan ang pisngi ko at marahan itong kinurot at kaagad naman siyang tumayo at uminat. “Halikana kumain ka muna at mag-pahinga ihahatid na kita apartment mo hayaan mo muna ang problema mo at mas mabuti pa na itawa mo nalang kaysa sa nakabusangot ka diyan at hindi na maipinta ang mukha mo,” hindi ko alam kung hahambalusin ko si Ivan o ano sa kanyang sinabi basta ang alam ko kahit paano gumaan ang pakiramdam ko ngayon na nandito siya at kahit paano sinasamahan niya ako kahit hindi niya naman alam ang buong dahilan. Tumayo nalang ako at humawak sa kanyang kamay mabuti na sigurong sumama ako sa kanya atleast kung kasama ko siya nababaling ang atensiyon ko at hindi ko naiisip si Rayle pero kapag ako lang mag-isa occupied ni Rayle ang buong utak ko. Kapag kasama ko si Ivan nababaling ang utak ko at kahit paano nakakatawa ako. Humawak ako sa kanyang kamay habang paalis kami at panay naman ang kanyang ngiti habang nakahawak ako sa kanya kaya tinulak ko nga. “Walang hiya ka talaga kahit kailan Ivan!” singhal ko sa kanya at kaagad na inabot ang likod ko at tama nga ang hinala ko dahil kinabitan niya ng papel ang likod ko at may kung nakasulat dito na mas lalo naman niyang ikinatawa sa akin kaya binato ko sa kanya ang papel na nilagay nito sa likod ko. “Ikaw ang magbabayad ng lunch natin ha,” kaagad naman siyang napabusangot sa sinabi ko at napakamot sa kanyang ulo. Ang laki kaya ng sweldo ng mokong na ito isama mo pa na may kompanya sila at ilang taon nalang aalis na si Ivan sa trabaho niya para saluhin ang kompanya nila upang siya na ang magpatakbo nito. Hindi ko alam sa lalaking ito kung bakit naging tour guide ito na wala namang ibang ginawa kundi ang landiin ang kanyang mga kasama sa trabaho pati mga torista nahuhumaling sa lalaking ito. “Palagi lang naman akung bumabayad ng lunch natin kaya sanay na ako kahit huwag mo ng sabihin sa akin,” ako naman ang napatawa ng malakas sa kanyang sinabi dahil totoo naman talaga na siya palagi ang nagbabayad ng lunch naming dalawa kahit saan kami basta magkasama kaming dalawa kay Ivan lahat ang expenses hindi niya naman ako pinapabayad. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito at ako na mismo ang humila sa kanya paalis doon habang nagtatawanan kaming dalawa. Kahit anong laki pa ng problema ko may mga tao talagang magbibigay ng saya sayo. Sa ngayon hindi ko parin alam ang gagawin ko sa sarili ko lalong-lalo nasa pagitan namin ni Rayle at ang sinabi nito. Para akung nakalutang sa kawalan na hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa mga nalaman ko at parang punong-puno na ang utak ko kaya hindi na pumapasok kaya nakalutang nalang ito at hindi ko maintindihan. Parang ang hirap kasi pero kapag iisipin ko naman na hindi ko na makikita si Rayle matinding sakit naman ang nararamdaman ko sa aking puso at hindi kuna alam ang aking gagawin. Masyado nading napalapit ang loob ko kay Rayle kahit sa kaunting panahon lang naging malapit na ako sa kanya siguro nagulat lang talaga ako sa mga nalaman ko lalong-lalo sa mga sinabi niya sa akin na hindi ko lubos akalain na may ganon pala sa buhay ko. Hindi akalain na ang kwento sa akin ni Lola noon ay tungkol pala sa akin at magbibigay sa akin ng ganitong kasakit sa ulo. Kung noon habang nakikinig ako kay Lola nagagandahan ako sa kwento lalo pa at nakuha niya kaagad ang atensiyon ko pero ngayon parang ang bigat at ang sakit. Hindi pala lahat ng magagandang kwento ay maganda na dahil kung gaano ka ganda ang kwento ganon din naman pala kasakit ang pinagdadaanan nila magandang sabihin at pakinggan pero ang sakit na laman nito ay nakakamatay. “Hindi ako magtatanong kung ano ang nangyari sa ulo mo pero alam mo bang galit ako dinadaan ko lang tawa pero kagaya ng sinabi muna hayaan kita na ayusin ang problema mo gagawin ko pero hindi naman pwede na masaktan ka ng ganyan,” biglang umiba ang awra ni Ivan dhail kahit nakita niya ang sugat sa noo ko hindi naman ito umimik o nagsalita basta tinignan lang niya ito at kahit magtanong siya hindi ko naman sasagutin alangan naman sasabihin ko sa kanya na goblin ang may gawa sa akin nito at galing ako sa sinaunang panahon na ngayon ay nasa panaginip kuna baka lalo nalang akung mapag-sabihan ni Ivan na baliw at dalhin na niya talaga ako sa mental. “Sorry talaga Ivan kung hindi ko masasabi sayo hayaan mo hindi na talaga ito mauulit alam kung nag-aalala ka sa akin pero malaki din ang pasasalamat kuna hinahayaan mo ako hihingi ako sayo ng tulong kapag hindi kuna talaga kaya alam mo naman na mahalaga ka din sa akin Ivan,” muling hinawakan ni Ivan ang kamay ko at marahan akung niyakap sabay hawak sa noo ko kung saan ang aking sugat. “Alam kung marami na ang naguguluhan sa nangyayari sa akin pero nandito ka padin at nakatayo sa tabi ko at hindi ako hinahayaan na mag-isa,” muli na naman siyang napangiti kahit ganito si Ivan alam kung mabuti siyang tao. “Baka gusto mo ipagamot natin ang sugat mo at baka ma infection pa iyan Kleyton,” sunod-sunod akung umiling sa kanya kasi sugat lang naman ito at hindi ko alam kung ano ang nilagay ni Rayle sa sugat kuna ang bilis naman nitong gumaling at medyo malamig nga ang kanyang gamut na nilagay. “Huwag na maayos na ako kumain nalang tayo dahil gutom na ako,” saad ko sa kanya kaya wala ng nagawa si Ivan kundi ang hayaan nalang ako na hilahin siya lalo papunta sa kakainan namin. Kagaya ng sinabi ko ayaw kung madamay si Ivan sa kung ano man ang problema ko masyado siyang mahalaga sa akin para madamay sa kagaguhan ko sa buhay. NAKATINGIN ako sa kama ko habang hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan paano ba naman kasi ang sakit-sakit na ang buong katawan ko alam kung pahinga ang hinahanap nito pero ako mismo ang pumipigil sa sarili kuna huwag matulog kahit pana sinabi sa akin ni Rayle ang sagot para hindi na ako makabalik doon pero hindi naman kaya ng sarili kuna hindi siya makita. Kahit anong sabi ko sa sarili kuna tama na at huwag na akung bumalik doon para mawalan na ako ng problema ang lintk ko namang puso ay sinisigaw ang pangalan ni Rayle at sa oras na maisip ko si Rayle para akung iiyak na hindi ko alam kasi alam ko naman na kahit ngiti lang ni Rayle masaya na ako at kakaibang ngiti ang nabibigay niya sa akin. Dahan-dahan akung umupo sa aking kama habang nagdadalawang-isip kung babalik ba ako doon o hindi? Hinatid na ako ni Ivan dito at umalis nadin ito hindi naman siya nagtagal dahil may aasikasuhin pa siya at sinabi niya sa akin na magpahinga ako hindi ko din naman alam kung magpapahinga ba ako dahil kapag nagpahinga ako malamang magkikita na naman kami ni Rayle pero kaagad na nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang anino ko sa kwarto at napatampal sa aking noo sabay takip sa kaing bibig. Nakalimutan ko na multo pala si Rayle at baka nandito siya ngayon at pinagmamasdan ko katulad ng sinabi niya sa akin na ako nakikita niya pero ako hindi ko siya nakikita at para lang siyang isang hangin na nakatingin sa akin habang wala akung kaalam-alam. Kung nandito man si Rayle kung ganon alam niya niya ang lahat-lahat ng ginagawa ko at alam niya ang bawat galaw ko o ano ang ginagawa ko. Bakit ko ba nakalimutan ang bagay na ito paano ba naman hindi ko naman lubos akalain na ganito. Dahan-dahan akung gumapang sa kama ko at binaon ang aking ulo sa unan habang minumura ang aking sarili sa aking utak. Hindi kuna nga alam ang gagawin ko mas lalo pa talagang nadagdagan tangina naman! Mabilis kung kinuha ang kumot ko at kinumot sa katawan ko bahala na kung mapunta man ako sa lugar na iyon siguro haharapin ko nalang si Rayle total iyon naman ang gusto ng puso ko na kahit ang isip ko hindi kayang turuan ang puso ko. Susubukan kung kausapin si Rayle tungkol dito at kung pwede lang gusto kung maliwanagan sa lahat-lahat ng ito kasi noong nandoon ako mas nauna ang emosyon ko at hindi kaagad ako nakapag-isip ng maayos. Mas nauna akung nasaktan kaysa sa mag-isip ng maayos kaya siguro ito na ang panahon para kausapin ko mismo si Rayle at isa pa pagod na pagod na ako sa kakaisip nito na wala namang paraan para matigil ito kundi ang harapin ang katotohanan nasi Rayle lang talaga ang makakasagot. Buong tapang akung pumikit at kaagad na naramdaman ko ang hapdi ng buong mata ko na mukhang ito talaga ang kanyang hinahanap at hindi nga lumipas ang ilang minute kaagad na akung dinalaw ng antok dala nadin ng matinding pagod at antok dahil ilang araw din akung hindi natulog. Para naman akung tanga pero wala naman akung magagawa dahil iyon lang ang naisip kung paraan kapag sinunod ko ang sinabi ni Rayle baka tuluyan na akung hindi makabalik sa lugar na iyon at alam kung kahit masama ang loob k okay Rayle mas gugustuhin ko parin siyang makita at makasama dahil sa kakaibang saya ang nabibigay niya sa akin at malapit na ng tuluyan ang puso ko sa kanya. Sa pagdilat ng aking mga mata ang malawak na kapatagan kaagad ang bumungad sa akin kung saan nakatayo ang palasyo ni Rayle sa dulo at ng inilibot ko ang aking tingin doon ko nakita ang kagubatan kung saan muntik na akung mawalan ng buhay at doon ko napansin na doong parte lang ng lugar ang madilim at parang may border doon na hindi na lumalagpas ang dilim ngayon ko lang ito napansin malamang Kleyton ngayon mo palang ito natignan ng maayos. Iniwas ko nalang ang tingin ko doon dahil kung hindi naman siguro ako papasok doon hindi naman siguro ako mapapahamak. Buong tapang ko nalang na hinakbang ang paa ko palapit sa palasyo ni Rayle na kahit sa malayo palang ako amoy na amoy kuna ang bulaklak sa kanyang palasyo at sa kada langhap ko ang mabangong halimuyak nito ang naaamoy ko. Naging mabilis ang paglalakad ko habang papalapit ako sa palasyo hanggang sa makarating na ako ng tuluyan sa harden at tumingin ako sa duyan pero hindi ko naman nakita doon si Rayle. Bigla akung napatigil sa paglalakad dahil kung hanapin ko si Rayle parang walang nangyari na parang wala lang sa akin paano ba naman ang lintik kung puso ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Tumingin muna ako sa paligid ko habang iniisip ang pwede kung gawin dahil kung nandito ako nagiging marupok ako at mas nanaig ang damdamin ng puso ko kapag kaharap ko si Rayle at hindi ako nakapag-iisip ng maayos. Malalim akung napabuntong hininga at dahan-dahan na pumasok sa palasyo kung saan marahan kung itinulak ang pinto nito at doon bumungad na naman sa akin ang bulaklak na moonrise pero laking gulat ko ng makita na kaunting paru-pro nalang ang nandito at ang iba ay namatay na at ngayon ko lang napansin na parang ang lungkot ng buong paligid at ang tahimik kahit huni ng mga ibon hindi ko naririnig dito. Marahan kung hinawakan ang glass at doon bigla akung napaurong ng bigla nalang nabuhay ang mga paru-paro at umilaw ang ibang dahon ng moonrise at masiglang nagsisiliparan ang mga paru-paro kaya mas lalong nanlaki ang aking mga mata kinabahan ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD