Kaagad akung napangiwi ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya dahan-dahan naman akung napadilat at napainat ng husto. Mabilis akung napahilamos sa mukha ko at napatinign sa paligid ko habang dinadamdam ang sakit hapdi ng buong katawan ko. Sa pagdilat ng mga mata ko kaagad na bumungad sa akin ang malaking chandelier na nasa kisame isama mo pa ang kulay dark blue na kurtina kaya literal na napabangon ako ng mabilis at binalot ng kaba ang buong puso ko habang iniisip kung ano ang nangyari sa akin.
Kaagad na bumalik sa alaala ko ang mga nangyri at literal na napatingin ako sa mga sugat ko sa paa kung saan may mga bandage na ito at gamot at tangina lang talaga nakahiga ako sa malaking kama kung saan sobrang lambot at ang bango pa dahil sa mga rosas na nandito at mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa petals ng rosas ako nakahiga. Muli kung inilibot ang paningin ko pero wala naman akung makitang tao sa paligid tanging ako lang ang nandito pero bakit may gumamot sa akin?
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil maraming pumapasok sa isip ko kung ano ang nangyari kung paano ako napunta dito at kung sino ang gumamot sa akin dahil sa pagka-alala ko doon ako nawalan ng malay sa harapan ng pinto sa kalagitnaan ng gabi at dilim at paano naman ako nakapunta dito? Siguro iyong lalaki na nakita ko bago ako mawalan ng malay ay ang may-ari ng bahay at dumating ito bago ako tuluyang nawalan ng malay at tinulungan nalang ako.
Baka iyon nga talaga ang nangyari kasi kung multo iyon baka bangkay na ako ngayon at hindi na ako buhay tapos ginamot pa ako kaya malamang tinulungan niya talaga ako pero nasaan na siya ngyaon? Bakit hindi ko naman siya makita dito at kung tignan mo ang buong kwarto parang walang tao dito dahil may mga takip na puting tela ang ibang gamit isama mo pa ang mga alikabok na nandito at sa tingin ko nga itong higaan ko lang ang walang alikabok dahil sa bango at linis nito. Tinignan ko ang mga sugat ko ulit na naka bandage kung saan may mga gamot pa ito at maayos ang pagkakalagay ng bandage habang ang ibang mga maliliit kung sugat ay may gamot din ito. Lakas loob akung bumangon sa kama at uminat ng kaunti at napatingin sa labas kung saan mataas na ang sikat ng araw parang hindi lang umulan ng malakas kagabi dahil sa init ngayon.
Nasaan na kaya sina Ivan? Hindi manlang nila ako hinanap talagang lagot sa akin ang baliw na iyon isusumbong ko siya kay Tita iniwan ako lagot ang mokong na iyon! Dahan-dahan akung humakbang at nakakaramdam pa ako ng kaunting kirot at at hapdi sa sugat ko pero makakaya ko naman mas masakit pa nga ito kagabi parang medyo magaling na nga ito at makakaya ko ng tiisin ang sakit nito.
Bigla akung napatingin sa mga prutas na nasa mesa at sa damit na nandoon at bistida pa talaga ako pero mas nakaramdam ako ng gutom ng makita ang mga prutas kaya mabilis ko naman itong nilapitan at kinuha ang isang apple at mabilis itong kinagat paano ba naman narinig ko ng tumunog ang tiyan ko kaya bahala na basta kakain ako. Tinignan ko ang sarili ko kung saan may mga tuyong putik ang damit ko at may punit pa ito at alam kung mabaho na ako sobra.
Kaagad akung pumunta sa pinto at dahan-dahan itong binuksan ng muli na naman akung mapatingin sa higaan ko kanina at napatulala ako dito lalo pa at simula ng humiga ako diyan kakaibang gaan ng loo ang naramdaman ko isama mo pa ang malabot nitong mga kumot at unan at ang bango ng rosas na nanunuot sa iyon ilong. May kung anong hangin ang dumampi sa katawan ko kaya nabalik ako sa wisyo at tuluyan ng binuksan ang pinto at lumabas doon.
Kaagad na namang nanlaki ang mga mata ko ng sumalubong sa akin ang mataas na hagdan at kapag ako nahulog dito siguradong bali-bali ang katawan ko hanggang sa makarating ako sa ibaba. Dahan-dahan kung inapak ang paa ko sa hagdan hanggang sa maingat akung bumaba para hanapin ang iyong mamang tumulong sa akin kagabi ng makahingi naman ako ng pasalamat sa kanya pero ipagpapatuloy ko sana ang paglalakad ko ng mabilis nalang akung napatingin sa likod ko na parang may nakasunod sa akin at malapit lang ito sa katawan ko pero ng tumingin ako sa likod ko wala naman akung makita bukod sa isang malamig na tubig ang sumalubong sa akin.
Kaagad namang nanindig ang balahibo ko pero hinayaan ko nalang ito dahil malakas nag ulan kagabi kaya malamang malamig din ang simoy ng hangin kayo. Humawak ako ng mahigpit sa hawakan habang dahan-dahan akung naglalakad pababa ng hagdan at hindi nalag pinansin kung ano man ang nararamdaman ko. At ng tuluyan na akung makababa sa mataas na hagdan parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib dahil sobrang taas nga nito at nakakatakot pa pero kaagad ko namang napatingin sa paligid ko kung saan nakikita kuna ang kabuuan ng bahay.
Kagaya ng nasa kwarto may mga takip din ng tela ang ibang mga gamit nito at parang wala talagang nakatira dito dahil sa mga alikabok at walang pruweba na may nakatira dito. Maganda ang loob ng bahay hindi ko lang ito nakita kagabi dahil sobrang dilim at tanging ilaw na galing sa kandila lang ang meron ako pati narin sa ilaw na nagagawa ng kidlat na mas lalong nagpakaba sa akin kagabi.
Sinubukan kung hanapin ang lalaki kagabi na nakita ko baka iyon ang may-ari ng bahay para sana kausapin ito at magpasalamat sa ginawa niya dahil kung hindi sa kanya baka saan na ako ngayon pupulutin at kung hindi niya ako ginamot baka may nangyari ng masama sa akin pero kahit anong hanap ko sa kana hindi ko naman siya mahanap.
“Nasaan na kaya ang may-ari ng bahay na ito kanina ko pa siya hinahanap hindi ko naman siya makita,” reklamo ko dahil sumakit lang ang paa ko sa kakalakad dito sa bahay niya na mansion na nga ito kung tawagin dahil sa laki at gara ng lugar pero iyon nga lang maraming alikabok ang nandito at aakalain mo talagang walang nakatira dito pero alam ko merong tao dito pero hindi ko lang makita, sino ang tutulong sa akin kung walang tao dito kaya alam ko meron baka umalis lang siya o may pinuntahan kaya hindi ko siya makita.
Mabilis kaung bumalik sa sala ng bahay at naupo sa sofa at sinandal ang likod ko dahil sa sakit ng katawan ko at nangangati nadin ako sa mga putik at duma na nakadikit sa akin. Paano ako nito magpapa-alam sa kanya na aalis na ako dahil baka humahaba na ang leeg ni Ivan sa kakahanap sa akin at may trabaho pa ako baka kung ano na ang isipin nila sa akin. Nasaan naba siya ng makauwi na ako hindi naman pwedeng aalis nalang ako basta napaka-bastos naman kapag ginawa ko iyon bukal sa loob ako ng tao na tinulungan tapos aalis nalang ako basta-basta. Hindi naman ako ganon pero nasaan naba kasi ang lalaking iyon? Hindi ko naman siya makita dito sa loob ng mansion niya kaya nasaan siya? Malalim akung napabuntong hininga at hinimas ang sugat kuna may tapik na bandage kung saan humahapdi na ito mukhang kailangan ko na itong madala sa hospital para mapalinisan lalo pa at natumba ako sa putik kagabi kaya malamang may mga dumi o virus na dito.
“Kailangan ko ng umuwi lalo pa at marami pa akung kailangang gawin pero nakakahiya naman sa may-ari ng bahay na basta nalang ako aalis dito na walang paalam pero nasaan naba siya wala naman siya dito at mukhang wala nga talagang tao dito,” mahinang saad ko at mas lalong napabuntong hininga ng malalim. Mabilis akung tumingin sa pinto at kaagad na napatingin sa hagdan at marin na napapikit. “Aalis nalang ako ngayon pero kapag naging maayos na ang babalik ako dito upang magpasalamat sa may-ari ng bahay dahil sa kanyang tulong noong gabing iyon,” kahit masakit ang binti ko kaagad parin akung humakbang hanggang sa marahan kung binuksan ang pinto ng mansion.
Ng tuluyan na akung napalabas sa mansion kaagad naman akung napatingin sa paligid ko kung saan parang walang bakas ng ulan kahapon dahil wala nga talaga dahil tuyo naman ang bawat paligid at ang ganda ng sinag ng araw isama mo pa ang huni ng mga ibon na kahit saan makikinig mo. Pero kaagad namang nangunot ang kilay ko ng may nakita akung mga bubong ng bahay sa kalayuan medyo malayo na ito at tamang-tama lang na makita ang bubong nila. Binalik ko ang tingin ko sa mansion kung saan malaya ko na itong makikita kaagad na nanlaki ang mata ko ng makita kung may mga halaman na ito sa bubung at punong-puno ito ng mga bulaklak at aakalain mo talagang walang nakatira dito.
Mabilis kaung naglakad palayo sa lugar na iyon ng makaramdam na naman ako ng malamig na simoy ng hangin kahit mainit na nga dito sa labas at doon na naman ako kinabahan ng sobra habang naglalakad ako. Hindi ko alam pero parang may naiwan ako sa mansion na hindi ko alam talagang may kakaiba akung nararamdaman habang papalayo ako doon. Hanggang sa sumuot na naman ako sa mga matataas na damo bago ako nakarating sa isang malaking poso at doon napatingin sa akin ang mga tao na bakas ang gulat sa kanilang mga mukha na akala mo naman nakakita sila ng multo o nakakatakot na nilalang.
Kaagad ko napag-isip na nasa bundok nga pala ako kaya ang pangunahing pamumuhay ng mga tao dito ay magsasaka kaya kaagad naman akung napangiti dahil sa simpleng buhay na meron sila. Paika-ika akung naglakad palapit sa kanila habang hindi parin mawala ang tingin nila sa akin habang ang ibang kababaihan naman ay nagbubulungan habang nakatingin sa akin kaya kaagad naman akung nailang sa ginawa nila. Alam ko naman na parang pulubi na ako ngayon dahil sa mga natuyong putik sa mukha ko isama mo pa ang baho ko.
“Magandang araw mo sa inyo,” bati ko sa kanila habang hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Kung hindi ko din pala nakita ang mansion na iyon baka dito ako napunta sa kanila at kahit paano parin may hihinganan na naman ako ng tulong sadyang iyong mansion na iyon lang nag naunang nakita ko. Pero medyo nahiya naman akung walang sumagot sa akin bagkus ay tinignan lang nila ako ng makahulugan.
“Doon kaba nanggaling sa mansion na iyon iha?” kaagad namang binalot ng saya ang buong puso ko ng marinig ang sinabi ng isang matanda habang may dala-dala itong batya kasama ang isang bata na nakahawak sa kanyang kamay at may dala-dalang laruan na kahoy. Kaagad naman akung tumango sa ale na nagsalita.
“Opo doon po ako nanggaling kasi nahulog po kasi ako sa bangin kahapon at gabi na ako nagising at iyang mansion ang nakita kung pwedeng hingin ng tulong at mabuti naman po at mabait ang may-ari ng mansion ginamot niya pa po ang sugat ko,” dahil sa sinabi ko kitang-kita ko ang kilabot at takot sa bawat mga mata nila matapos nilang marinig ang sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Baka may nasabi ako na hindi nila nagustuhan at nakatakot sila sa akin. “Huwag po kayong mag-alala mabait po akung tao sa katunayan nga po hinintay ko pa kanina ang may-ari ng bahay na tumulong sa akin pero hindi ko naman siya makita kahit anong hanap ko at sobrang laki naman kasi ng bahay niya, nasaan napo ba ang may-ari ng bahay at hindi ko naman po siya makita kahit noong paggising ko kanina wala naman siya may naiwan lang na pagkain doon hindi manlang ako nakapag-pasalamat sa kanya,” malugod kung saad habang hindi nawawala ang ngiti ko sa aking mga labi dahil ang laki naman talaga ang utang na loob ko sa may-ari ng bahay lalo pa dahil sa kanya nakaligtas ako at nagkaroon ako ng malay ulit.
Pero mukhang mas lalo lang siyang natakot sa akin at sobrang hindi makapaniwala sa kanilang narinig kaya kaagad namang kumunot ang noo ko lalo na ng tinignan nila akung nanlalaki ang mga mata na may halong takot. Kaagad naman akung napatingin sa kanilang mga labahan at sa lupa na wala namang bakas ng ulan kahapon dahil tuyot naman talaga ang lupa kaya doon mas lalo akung naguluhan at napatingin ako sa babaeng nagsalita kanina.
“Ayos ka lang ba iha? Alam mo ba ang nangyari sayo sa bahay? Bakit kapa buhay?” bigla naman akung nagulat sa kanyang sinabi na bakit ako buhay. Dapat ba akung mamatay? May hindi ba ako alam o may ginawa lang akung kasalanan kaya ganito lang sila makatingin sa akin at wala naman akung ninakaw doon. “Wala kabang naalala sa mga nangyari sayo?” tanong na naman nito sa akin at kagaya ng ibang kasamahan niya na medyo dumami na sila at naghihintay sa magiging sagot ko.
“Ang naalala ko lang po bago ako mawalan ng malay dahil sa sugat ko at sakit ng katawan ko may nakita akung lalaki na papalapit sa akin hanggang doon nalang po at paggising ko nakahiga na ako sa kama at may bandage na ang mga sugat ko kaya inaasahan kuna ang may-ari ng bahay siguro ang gumamot sa akin kaya hinanap ko siya kanina para magpasalamat sa kanya pero hindi ko naman siya makita,” parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko at nanlalaki ang kanilang mga mata at ang iba sa kanila ay napatakip sa kanilang mga labi habang nakikinig sa kwento ko.
“Hindi ako makapaniwala na binuhay ka ng demonyong nakatira sa bahay na iyan at hinayaan kapa talaga niyang makaalis ng buhay sa bahay niya,” kaagad naman na nanlaki ang mata ko sa kanilang sinabi kaya mabilis akung napatingin ulit sa mansion bago binalik ang tingin sa kanila. “Hindi mo ba alam kung saang imperno ka galing iha?” mas lalong nangunot ang nook o dahil mabilis na akung nilapitan ng babae at hinawakan sa kamay ko habang punong-puno ng takot ang kanyang mga mata at mahigpit akung hinawakan sa kamay hindi nito alintana na may sugat ako. “Bahay ng demonyo ang mansion na iyan at walang nakatirang tao doon kundi ang nag-iisang multong demonyo ang nakatira sa mansion na iyan!” mabilis akung binitiwan ng babae at tumalikod at kaagad na namang tumingin sa akin. Binalot ng kaba ang buong puso ko ng sinabi nitong walang nakatira doon kundi isang multo hindi ko alam pero kaagad na kinabahan ako ng husto sa kanyang sinabi.
“Kung sino man ang pumasok sa bahay na iyan hindi na nakakalabas ng buhay at hindi na nakikita dahil kinukuha sila ng multong demonyo na nasa loob ng mansion na iyan kaya bakit ka nabuhay? Bakit ka nakalabas at hinayaan ka lang niya!” bigla akung napaurong dahil humihiyaw na ito at kaagad naman ako nitong dinuro dahil sa dahil tingin ko sa kanya ay nababaliw na ito kahit ang kanyang mga kasamahan ay napaurong nalang ay may bigla silang tinawag na pangalan ng isang lalaki kaya mas lalo akung napaurong.