Chapter 4

2928 Words
Dahan-dahan kung binuksan ang mga mata ko dahil sa hapdi ng binti ko at isama mo pa ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa mukha ko kaya mabilis akung napabangon pero kaagad naman akung napangiwi ng maramdaman ang kirot sa paa ko lalo nasa likod ko pero dahan-dahan parin naman akung napatayo hanggang sa naupo ako sa malaking sanga. Marahan kung hinaplos ang binti kuna sobrang sakit at mas lalo akung napangiwi ng mahaplos ko ang malaking bukol sa paa ko at sobrang dilim pa tangina! Inilibot ko ang buong tingin ko sa paligid at hindi ko alam kung ilang mura ang nagawa ko habang iniisip ang nangyari sa akin na mas lalong ikina-gigil ko sag alit inis. Madilim na at sobrang lakas ng ulan at basang-basa pa ako hindi manlang ba ako hinanap nina Ivan at Hailey? Ang huling naalala ko umihi lang ako tapos nahulog ako sa mataas na bangin bago ako nawalan ng malay at nagising nalang ako na sobrang dilim na at ang lakas pa ng ulan. Hindi ko alam ang gagawin ko pero mas nangunguna ang takot sa puso ko habang iniisip palang ang nangyari sa akin, damn for pete’s sake wala akung alam sa lugar na ito at hindi ko nga alam kung nasaan ako. Mariin akung napatingin sa langit kahit wala akung makita kundi ang puro itim at ang malakas na bagsak ng ulan sa mukha ko at ang malamig na simoy ng hangin, wala akung aasahan ngayon kundi ang sarili ko pero hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula dahil binabalot na ako dito ng takot kahit ilaw wala akung dala at tangina masakit pa ang buong katawan at paa ko dahil siguro ito sa pagkahulog ko sa bangin. Hindi ba ako hinanap nina Ivan? Hindi niya ba napansin na nawawala ako o hindi pa ako nakabalik? Bakit nila ako iniwan dito? Makikita naman siguro nila ako kaagad kung sinundan nila ang dinaanan ko kanina kaya imposeble naman na iiwan nila ako dito diba? Alam naman nila na hindi ako pamilyar sa lugar na ito at kung may araw lang sana alam ko kung saan ako pupunta pero anong makikita ko ngayon lalo pa at sobrang dilim at ang lakas ng ulan. Gusto kung umiyak at sumigaw pero anong magagawa ng luha at sigaw ko kung paiiralin ko ang takot at puso ko ang kailan ko ngayon ay mag-isip ng paraan kung saan na ako pupunta ngayon upang magpalipas ng gabi. Dahan-dahan kung hinawakan ang damit ko at buong lakas itong sinira hanggang sa makagawa ako ng pwedeng pantali sa paa kuna masakit at mahapdi sigurado ako na may sugat ito lalo pa at mahapdi ito habang sa ilalim naman nito ay may bukol kaya muli ko namang sinira ang damit ko at itinali doon. Naghanap na din ako ng malaki at mahabang kahoy upang gamitin sa paglalakad dahil baka matumba ako mamaya kung wala akung hinahawakan masyado kasing masakit ang binti ko. Buong lakas akung naglakad habang tukod-tukod ang kahoy at panay naman ang mura ko dahil bawat hakbang ko kumikirot ang binto ko at muntik pa talaga akung madulas dahil sa putik at taas ng mga halaman kunti nalang at mataas na sila sa akin kaya sino ang hindi matatakot dito baka mamaya may kung anong hayop o ahas pa dito at kagatin ako dito na ako mamatay tangina naman! “Damn it!” malutong kung mura ng tumama sa mukha ko ang tinabig kung halaman kaya na out of balance ako at natumba at talagang tumalsik ang putik sa mukha ko at mas lalo lang akung nakaramdam ng lamig at nanginig ako lalo dahil sa putik na nasa buong katawan ko. “Putangina naman!” malakas kung sigaw wala na akung pakialam kung nasa gitna ako ng kagubatan natatakot na nga ako at pilit na tinatagan ang loob ko tapos ito pa ang mangyayari sa akin isabay mo pa ang kumukulo kung tiyan dahil sa gutom. f**k! Kinapa ko ang kahoy na hawak ko kanina at ng mahawakan ko ito kaagad na naman akung tumayo at ipinagpatuloy ang paglalakad ko kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta o saang lupalop na ako ng mundo ngayon basta maglalakad lang ako hanggang sa may makita akung pwedeng tumulong o masilungan manlang kahit abutin pa ako ng umaga dito sa kakalakad wala akung pakialam basta ipagpapatuloy ko ang paglalakad ko. Habang naglalakad ako sa kalaliman ng gabi habang tinitiis ang malamig na simoy ng hangin isama mo pa ang malakas na ulan na hindi ko napigilan ang luha ko at kaagad na itong tumulo ng sunod-sunod na kaagad ko naman pinunasan dahil ayaw kung iiyak nalang ako dito pero ang pisti ko naman kasing luha hindi ito tumitigil sa kakatulo. Nasaan naba sin Ivan hindi ba nila ako hinahanap? Hindi naman siguro mangyayari na kinalimutan nila ako diba? Hindi naman iyon magagawa sa akin ni Ivan hindi ako dito iiwan nalang ng basta-basta kung alam niyang nandito pa ako siguro hinid lang nila ako nakita kaya hanggang ngayon hindi parin nila ako nahahanap. Malakas pa ang ulan at mataas na bangin ang nahulugan ko kanina mabuti nga nalang at ito lang ang natamo ko paano pa kaya kung tumama sa matigas na bagay ang ulo ko baka kung ano ang mangyari sa akin. Bigla akung napaigtad ng bigla nalang kumulog ng malakas at biglang lumakas ang hangin kaya mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kahoy na ginagawa kung pang tukod at ang kidlat ang nagsisilbing ilaw ko at mawawala naman ito habang sumasayaw sa hangin ang sanga at dahon namon ng puno at tangina lang talaga dahil mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Kaagad na naman akung napaigtad ng kumidlat na naman at kasunod nito ay ang malakas na kulog. Hindi ko nalang ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang panay ang kidlat at kulog pero kaagad akung napahawak sa malaking kahoy ng kumirot ang tagiliran ko at bigla nalang ako natumba dahil sa malakas na hangin at kagaya kanina tumama na naman ang katawan ko sa putikan at mas malala ngayon ay ramdam ko na ang kati at sakit ng halaman na tumama sa katawa ko. Kahit alam kung maputikan ang kamay ko kaagad ko itong pinunas sa mukha ko dahil sa mainit na luhang umaagos sa mga mata ko. Bumangon na naman ako at ipinag-patuloy ang paglalakad ko hanggang sa makakita ako ng maaliwalas na ilaw kaya kahit masakit ang binti ko mas lalong binilisan ko ang paglalakad at kaagad na binalot ng saya ang buong puso ko ng makitang bahay ito para akung kinuhanan ng tinik sa puso ng makakita ako ng bahay kaya buong tapang kung tiniis ang sakit ng binti at tagiliran ko habang naglalakad palapit sa bahay na iyon. Akmang hahakbang ako ng bigla akung napaurong ng biglang kumidlat na naging dahilan para makita ko ang nasa unahan ko at mabilis na binalot ng kaba ang buong puso ko ng makita na isa pala itong bangin at nasa dulo ng bangin pa ang bahay na nakikita ko. Malalim akung napabuntong hininga at akmang dahan-dahan akung bababa ng bigla nalang humangin ng malakas kaya nahulog ako at malakas akung napasigaw ng makaramdam ako ng sakit sa katawan ko habang gumugulong ako pababa sa bangin at mas lalo akung napahiyaw sa sakit na tumama ang kamay ko sa matigas na bagay. Gusto kung humiyaw at humagulgol ng iyak pero mas pinili kung bumangon at umakyat na naman sa bangin kung saan sa taas nito makikita kuna ang bahay na nakita ko kanina. Kahit masakit tiniis ko ang sakit habang gumagapang ako paakyat sa bangin at muntik pa akung nahulog na naman kung hindi pa ako nakahawak sa ugat ng kahoy. Hindi nagtagal nakarating ako sa taas at napahiga sa lupa habang nakatingin sa madilim na kalangitan pero inisip kuna huwag sumuko dahil may nakita na akung bahay at pwedeng tumulong sa akin. Marahan akung bumangon at paikang-ikang naglalakad habang wala naman akung tunggod dahil sa pagkahulog ko sa bangin bago ko lang. Pero kaagad kaung napatulala ng hindi pala bahay ang nakita ko dahil isa pala itong malaking mansion at ang nakita ko kanina ay itaas palang nito at hindi bahay. Sino ang mag-aakala na may ganitong kalaking mansion pala dito sa gitna ng kagubatan. Dahan-dahan akung bumaba sa medyo matarik na bato hanggang sa makarating ako sa gilid ng mansion kung saan maraming tuyong dahon ang nandito at maraming nalaglag na sanga nga kahoy dahil sa lakas ng hangin at ulan. Mabilis akung umikot sa mansion at hinanap ang pinto nito sa harapan at ng makita ko ito mas lalo akung napamangha dahil sobrang ganda ng mansion kahit sa pinto palang ito. Mabilis akung kumatok ng malakas habang nakayakap sa katawan ko dahil sa lamig at malakas na hangin na nararamdaman ko idagdag mo pa na basa ako at maraming putik sa katawa. “Tao po! May tao po ba dito! Tulungan niyo naman po ako maawa kayo!” malakas kung sigaw habang walang humpay ang pagkatok ko sa pinto ng mansion at akmang kakatok na naman ako ng bigla nalang bumukas ang pinto kaya mabilis kaung napangiti at kaagad na pumasok doon sa pagpasok ko palang kaagad na sumirado ang pinto na kaagad ko namang ikinagulat ng husto. Inilibot ko ang tingin ko sa buong mansion pero wala naman akung makita kundi ang lumilipad na mga kurtina at ang tanging ilaw dito ay ang maliit na kandila kung kanina ang dami ng ilaw nito pero ngayon bakit bigla nalang naging kandila. Baka black out na dahil sa lakas ng ulan kaya naging kandila nalang ang ilaw bahala na basta ang mahalaga may tutulong sa akin. “Tao po?” malakas kung saad ulit habang dahan-dahan na naglalakad at inililibot ang tingin ko sa buong paligid. Nasaan na ang mga tao dito? Sino ang bumukas sa akin kanina ng pinto? Kaagad namang binalot ng kaba ang puso ko pero mabilis akung umiling dahil sa mga negatibong ideya na pumapasok sa utak ko. Natuon ang atensiyon ko sa isang silid kung saan may malaking kandila doon na nagsisilbing ilaw kaya dahan-dahan akung pumunta doon at kinuha ang isang kandila na nasa tabi ko at binitbit ito papunta doon. Nasaan naba kasi ang tao dito baka mamaya mapagkamalan pa akung magnanakaw dito o baka naman tulog na ang may-ari ng bahay na ito tapos naiwan lang na bukas ang pinto at nabuksan habang kumakatok ako. Ng makapasok ako doon bumungad sa akin ang malaking kama kung saan may mesa sa dulo at may kung anong nakapatong doon akmang lalapitan ko ito ng may narinig akung kumalabog kung saan ako nanggaling kanina kaya mabilis akung tumalikod at bumalik doon baka ang may-ari na ito ng bahay pero ng makabalik ako doon wala naman akung nakita na tao. Kaagad na namang binalot ng kaba ang puso ko at nag-uumpisang manginig ang kamay at paa ko dahil ng muli kung nilibot ang tingin ko sa buong paligi lumilipad sa hangin ang mga kurtina at may mga telang nakatabon sa ibang gamit na nandito sa mansion at doon ko na realize na baka walang tao dito pero bakit may mga kandilang nakasindi dito at bakit pakiramdam ko may nakatinngin sa akin. Dahan-dahan kuna namang nilibot ang tingin ko sa buong paligid pero wala naman akung makitang tao na nakatingin sa akin pero ang lakas ng pakiramdam kuna may nakatingin talaga sa akin at patuloy na tumatayo ang mga balahibo ko. Bigla akung napahiyaw ng kumulog at kumidlat ng malakas at napahawak ako sa puso ko dahil kinakabahan na talaga ako. Putangina naman talaga! Lakas loob akung lumapit sa sofa at dahan-dahan na naupo doon habang walang humpay ang ikot ng paningin ko dahil baka may makita ako na hindi tama dito mamaya. Mahilig naman ako manuod ng mga horror na movie at hindi ako natatakot pero ngayon parang ang lahat ng horror na movie na napanuod ko ay bumalik lahat sa isipan ko at kung ano-ano na ang pumasok sa utak ko baka mamaya magugulat nalang ako na may makita akung babae na gumagapang sa kisame habang umiikot ang kanyang ulo at bali-bali ang kanyang katawan. Tangina naman ng utak mo Kleyton! Ikaw ba naman ang nasa ganitong sitwasyon anong gagawin mo? Kahit anong convince ko sa sarili kuna hindi iyon totoo patuloy paring bumabalik sa utak ko. Tangina naman ito! Kaagad kaung napatingala at doon ko nakita ang malaking chandelier na nasa kisame at sa bawat kidlat nakikita ko ito at napatingi naman ako sa mataas na hagdan at hindi na ako nag-isip na umakyat doon o tumayo na dito sa kinauupuan ko dahil baka mamaya may humila sa paa ko sa ilalim ng sofa at mabilis ko namang itinaas ang binti ko dahil sa naisip kung katangahan. Pakiramdam ko nawala ang sakit at gutom ko dahil sa sobrang creepy ng mansion na ito parang gugustuhin ko ulit lumabas nalang dito at maglakad nalang sa gitna ng kadiliman at ulan kaysa sa pinapatay ako sa takot dito. Buong lakas na naman akung tumayo at buong tapang na tiniis ang sakit ng binti at tagiliran ko habang naglalakad ako pabalik sa pinto at ng makalapit ako sa pinto kaagad ko sana itong bubuksan ng hindi kuna mapihit ang sedura nito at kahit anong gawin ko hindi talaga. Hinampas ko pa ang pinto pero tanging tunog at lagapok lang nito ang naririnig kuna mas lalong nagpakaba sa akin. “Tangina naman kung may tao dito huwag niyo na akung takutin may sakit ako sa puso baka mamatay na talaga ako ng tuluyan dito!” hiyaw ko at sumandal sa pinto ang totoo wala naman talaga akung sakit sa puso sinabi ko lang iyon dahil baka maawa sila sa akin at tigilan na nila ang pananakot sa akin kahit wala naman akung alam sa mga nangyayari. Para akung nagsasalita sa hangin dito dahil wala naman akung kausap o mas tamang sabihin na wala namang tao dito. Baka multo ang meron dito tangina naman ngayon kapa talaga nag-isip ng multo Kleyton kung saan matanda kana. Bigla na namang kumidlat ng malakas at napatingin ako sa hagdan at doon nakita ko ang reflection ng isang lalaki habang nakatayo ito at nakasandal sa hawakan. Mas lalong binalot ng kaba ang puso ko dahil ng mawala ang ilaw na galing sa kidlat hindi ko na din makita ang lalaking nakatayo doon. Ramdam na ramdam ko ang mas lalong panginginig ng kamay ko at ang malakas na kabog ng puso ko dahil sa takot dahil baka talagang multo ang nakita ko. “Kung sino kaman huwag moa kung saktan hindi ko pa nakikita ang panganay ko!” hiyaw ko habang inililibot ang tingin ko sa buong paligid at baka makita ko naman siya at sa pagdilat ko baka nasa harapan ko na siya habang nanlilisik ang kanyang mga mata at nagbabaga pa ang mga ito. Tangina Kleyton sige takutin mo pa ang sarili mo para bukas isa ka ng malamig na bangkay dahil sa takot mo. Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili ko dahil iba-iba na ang pumapasok sa utak ko bwesit. “Nakikituloy lang po ako ngayon dahil nahulog ako sa bangin at naiwan ako ng mga kasamahan ko at wala po akung matutuluyan sorry po kung pumasok ako dito,” saad ko naman baka sakaling marinig ako ng nakita ko kaninang lalaki kung totoo man ito pero hindi naman ako pwedeng magkamali dahil lalaki talaga ang nakikita ko at nakasandal ito sa hawakan ng hagdan habang nakatingin sa akin hindi ko lang makita ang mukha nito pero lalaki talaga. Dahan-dahan akung napaupo sa harapan ng pinto habang inililibot parin ang tingin ko sa buong paligid at doon ako nakaramdam ng sakit ng buong katawan ko lalong-lalo na ang mga binti ko. Idagdag mo pa ang lamig na nararamdaman ko at ang kati ng mga halaman kanina at sakit ng tagiliran at ulo ko. Hinaplos ko ang kamay ko at doon napangiwi na naman ako ng maramdaman ang sakit ng kamay ko at doon ko nakapa ang isang bukol siguro kanina ito ng mahulog ako sa bangin kanina. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahikbi na naman ako hanggang sa sunod-sunod na tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko inisip na ang tawa ko kanina at mauuwi pala sa ganitong sitwasyon sana pala hindi nalang ako umihi kanina sana kasama ko pa ang mga kasamahan ko kanina at wala sana ako ngayon dito hindi sana ako nakakaramdam ng takot na nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa sunod-sunod na ang naging hikbi ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahiga na ako sa semento kahit hindi kuna kaya ang nararamdaman ko doon ko binuhos ang mga luha ko habang hindi parin nawawala ang takot sa puso ko. Niyakap ko ang sarili ko habang patuloy akung umiiyak at nakikisama pa ang lintik na ulan dahil mas lalo lang itong lumakas at kumidlat ng sunod-sunod kasabay ng malakas na kulog. Tanginang panahon to dinamayan pa ako bwesit! Hanggang sa sakit at hapdi nalang ng mata ko ang nararamdam ko at unti-unting nilalamon ng dilim at antok ang buong pagkatao ko at sa hindi malamang dahilan bigla ko nalang naramdaman na may naglalakad palapit sa akin at bawat hakbang at tunog ng kanyang paglalakad kakaibang kaba at kabog ng puso ko ang nararamdaman ko. Bago mawala ng tuluyan ang paningin ko isang lalaking naglalakad na naman ang nakita ko at papalapit ito sa aki. Tangina multo nga talaga ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD