Binalot ng kaba ang puso ko habang hindi maalis ang tingin ko sa matanda kung saan napahawak pa ito sa kanyang ulo habang sumisigaw at sobrang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya naggaganito pero sobrang nakakatakot ng kanyang ginagawa kahit ang mga tao na nasa kanyang paligid ay napaurong at parang natakot sa kanya.
“Isilda!” umalingawngaw ang malakas na boses ng isang lalaki kung saan may dala pa itong kahoy at kaagad niya itong binagsakan sa lupa at mabilis na lumapit sa babaeng tinawag nitong Isilda at kaagad niya itong hinawakan sa kanyang kamay. “Ano na naman ang ginawa mo!” kaagad nitong inalog-alog ang babae habang malakas nag kanyang boses kaya naman siyang tinulak ng babae habang nanlilisik na ang kanyang mga mata.
“Ang babaeng iyan ay nanggaling sa mansion ng demonyo iyong nakita mo noon isang araw tapos ngayon nakalabas siya ng buhay at hinayaan ng demonyo na makalabas pero ang anak natin pinatay niya!” mabilis na napatingin sa akin ang lalaki at kaagad namang nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ako at wala naman akung maintindihan sa kanilang sinasabi mas lalo lang akung naguluhan sa kanilang mga sinasabi.
“Maam hindi ko po alam kung ano ang sinasabi niyo at kung may kasalanan man po ako sa inyo humihingi po ako tawad,” magalang kung sagot sa kanya habang tinitiis ang sakit ng katawan ko at ang tingin ng mga tao sa akin at mas lalong natakot ako ng naging kakaiba nadin ang tingin sa akin ng lalaki.
“Paano ka nakalabas sa mansion na iyon iha?” kaagad niyang tanong sa akin at binitiwan ang babaeng hawak nito at dahan-dahan na napatingin sa akin. “Nakitanoong nakaraang tatlong araw sa kalagitnaan ng gabi na pumasok ka sa mansion sinubukan kitang pigilan pero parang wala ka namang narinig at tuloy-tuloy ka parin sa pagpasok sa mansion kahit lapitan kita at kunin hindi kuna nagawa dahil bigla nalang sinirado ng demonyo ang pinto at kitang-kita ng dalawang mata ko ang ngiti sa kanyang mga labi!” mabilis kaung kinilabutan sa kanyang sinabi dahil parang hindi ako naniniwala paano ang sinabi niya na tatlong araw na ang nagdaan na hindi naman talaga kapani-paniwala. Umiling ako sa kanya at mapait na ngumiti dahil baka nagkakamali lang sila ng taong nakita at hindi ako iyon.
“Baka nagkamali lang po kayo ng nakita at hindi ako iyon kahapon lang po ako pumunta doon sa manion at wala namang tao doon sa mansion nmaliban nalang po sa lalaking may-ari ng mansion na tumulong sa akin,” kaagad na nanlaki ang mata ng lalaki ng sinabi ko ito ng marinig niya ang salitang tulong pero umiling sa akin ang lalaki at ng tuluyan na itong makalapit sa akin kaagad ako nitong hinawakan sa kamay ng marahan.
“Ikaw ang babaeng nakita ko tatlong na ang nagdaan kung saan sobrang lakas ng buhos ng ulan at paika-ika kapa habang kumakatok sa mansion na kahit maka-ilang beses kitang sigawan hindi mo ako narinig at ng tangka kitang lapitan para hilahin palayo sa bahay na iyon bigla nalang sumulpot ang mataas na lalaki at tinignan ako ng masama kaya mabilis kaung napaurong at hindi na kita napigilan hanggang sa makapasok kasa mansion at inaasahan naming na hindi kana makakalabas ng buhay pero laking gulat namin ng makalabas ka ng buhay at walang alam sa nangyari,” hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanyang sinasabi pero kahit anong tingin ko sa kanyang mga mata katotohanan ang nakikita ko. “Wala ng nakatira sa mansion na iyan iha simula noon palang wala pa kami sa lugar na ito nakatayo na ang mansion na iyan at kahit anong tagal na nito hindi manlang ito nasisira ng kahit anong bagyo kahit sunugin ang mansion na ihan bigla nalang namamatay ang apoy kaya simula noon wala ng lumalapit sa mansion na iyan dahil kung sino man ang papasok sa mansion na iyan hindi na makakalabas ng buhay at hindi na naming nakikita hanggang ngayon at kasama na doon ang anak naming lalaki,” napahawak ako sa labi ko dahil parang ayaw tanggapin ng utak ko ang kanyang sinabi pero bakit ako nakakaramdam ng takot.
“Kuya huwag naman po kayong ganyan kung nagbibiro po kayo pwes hindi po magandang biro iyan dahil kahapon kasama ko pa ang mga kaibagan ko at nahulog ako sa bangin at gabi na ako nagising dahil sa malakas na buhos ng ulan kaya imposeble naman na tatlong araw na ang nagdaan baka hinahanap na nga ako ng mgakaibigan ko pwede niyo silang tanungin dahil kahapon lang talaga ako pumunta doon,” kumbinsi ko sa kanila dahil iyon naman talaga ang totoo at hindi naman kadali maniwala sa kanila na tatlong araw talaga akung natulog at paano naman ako maka survive sa loob ng tatlong araw anong ginawa ko natulog lang?
Pero para naman akung sinampal sa katotohanan kaya dahan-dahan akung napatingin sa sugat ko sa paa at sa kamay ko kaya walang alinlangan na kinuha ko ang takip ng sugat ko at halos manlumo ako ng makitang hindi na sariwa ang sugat ko at malalaman mo talaga na ilang araw na ang nagdaan. Hindi ko alam pero bigla akung napatingin sa pinanggalingan ko kanina kung nasaan ang mansion at kaagad na nagsitayuan ang balahibo ko at kaagad na umiling. Masyado na akung matanda para maniwala pa ako sa ganito at napaka-imposible naman kasi ng kanilang sinabi at hinding-hindi kapani-paniwala ang mga ito.
“Kung ano man po ang nakita niyo labas napo ako doon at wala naman po talaga akung alam sa sinasabi niyo aalis napo ako kailangan ko kung umuwi,” mabilis akung umurong palayo sa kanila habang umiiling ng muli na namang nagsalita ang lalaki.
“Hindi kita pipilitin na maniwala sa akin iha pero iyon ang totoo at kahit ano pa ang sabihin mo wala na kaming magagawa doon siguro may parte ka sa buhay ng nakatirang multo doon kaya hindi ka niya pinatay bagkus ay inalagaan ka niya at ginamot ang iyong sugat at mapalad ka ng husto iha,” saad na naman ng matanda pero hindi ko na ito pinakinggan at sinunod ang kalsada na nakikita ko at sobrang bilis ng aking lakad at muli na naman akung napalingon sa mansion na iyon at napatingin ako sa pinaka-taas nito ng may nakita akung lalaki na nakatayo doon pero nawala naman ito bigla kaya muntik na akung matumba sa gulat at takot na nararamdaman ko. Tangina Kleyton don’t tell me naniniwala ka sa nakita at narinig mo! Masyado ka ng matanda para sa ganitong bagay tangina!
Mabilis akung naglakad hanggang sa makarating ako sa pinaka-dulong daan at doon umupo ako samalaking bato hawak-hawak ang dibdib ko dahil sa pagod at pananakit ng buong katawan ko isama mo pa a ng gutom at hapdi ng mga sugat ko at ang sinabi sa akin ng matanda kanina na kahit ngayon hindi parin mawala sa utak ko. Malalim akung napabuntong hininga at inisip ulit ang nangyari sa akin napaka-imposible naman kasi ng kanilang sinabi at hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi may parte ng utak kuna gustong maniwala meron din namang hindi.
Pero kaagad namang bumalik sa utak ko ang nangyari sa mansion na iyon lalong-lalo na ang bago ako mawalan ng malay kung saan may nakita akung anino ng lalaki at ang lalaking nakita ko sa hagdan na nakatayo posibleng iyon kaya ang lalaki na sinabi nila o mas tamang sabihin na ang multong sinasabi nila sa akin.