Chapter 46

1238 Words
Habang nakaupo ako sa upuan dito sa pinasukan namin kanina rinig na rinig ko parin ang tunog sa itaas nasa tingin ko ay nagpipilit silang pumasok o mas tamang sabihin sinisira nila ang harden sa itaas para lang makapasok dito. Parang may maliit na library kasi dito at may ilaw naman habang silang tatlo naman ay busy sa kakausap sa isat-isat at habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila wala naman akung naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila kaya nagtingin-tingin nalang ako sa paligid. Parang wala naman kasi sa kanila ang nangyari at kung ano ang nagwawala doon sa taas habang ako naman dito natatakot na ako, paano ba naman sinabi niya sa akin kanina na taong uwak ang lumilipad kanina kaya sino ba naman ang hindi matatakot doon? Tinignan ko ang espada na hawak ko ngayon iyong binigay sa akin kanina ni Rayle magaan naman ito pero sobrang talim naman niya. “Kapag tuluyan na silang nakapasook dito mamaya Rayle sunugin mo nalang sila at kami na ang bahala sa natira,” kaagad naman akung napatingin kay Austin ng sabihin niya ang mga salitang iyon pero tinignna lang siya ng masama ni Rayle at napabuntong hininga habang si Aiden naman napapailing at napapatawa sa kanilang dalawa. Ano ba kasi ang pinag-uusapan nilang dalawa? Kahit nga ako hindi ko alam kung ano ang plano nila basta nakasunod lang ako at naghihintay sa kung ano man ang kanilang sasabihin sa akin o ano ang ipapagawa. “Kapag ginawa ko iyon sa tingin mo hindi masasaktan si Kleyton? Alam mo naman kung gaano ka init ang apoy na iyon Austin,” napakamot naman si Austin sa kanyang ulo habang si Rayle naman ay napatingin sa akin at kaagad akung nilapitan sabay hawak sa aking pisngi. “Pasensya kana kung naranasan mo ang mga bagay na ito dahil sa akin, dpaat pinapasaya kita pero ito pa ang nangyari sayo nasaktan kapa at maraming sugat sa katawan dahil sa kapabayaan ko, Im so sorry baby,” kaagad na tumibok ng mabilis ang aking puso habang naririnig ang mga salitang iyon mula kay Rayle. Hindi naman ako nagrereklamo sa kung ano ang nangyayari sa akin dahil una sa lahat ginusto ko naman ito at mahal ko si Rayle kung ito ang isang pagsubok sa pagmamahal ko kay Rayle handa akung harapin ang lahat ng ito. “Handa naman akung masaktan ulit Rayle kung sa huli ikaw din naman ang patutunguhan ko at isa pa simula ng tinggap kusa sarili kuna mahal kita handa na akung harapin ang kung ano mang problema na kahaharapin nating dalawa wala itong sakit na nararamdaman ko ngayon dahil alam kung worth it ka naman ipaglaban ng p*****n,” biglang humiyaw ang kanyang mga kasamahan habang si Rayle naman ay napangiti sa akin at mas lalo lang akung niyakap ng mahigpit. “Huwag na huwag mong iisipin na iiwan kita dahil sa mga nangyayari sa atin dahil hinding-hindi ko iyon gagawin sobra kitang mahal Rayle para iwan kapa,” isang malakas na hiyawan na naman ang narinig ko mula sa kanila bago ako sumiksik ng yakap kay Rayle. “Bakit parang nilalanggam na ako dito Aiden ikaw din ba?” bigla naman akung napatawa sa sinabi nilang dalawa kaya bumitaw nalang ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang espada na kanyang binigay sa akin kanina. Pero laking gulat ko ng bigla nalang itong umilaw at nabitiwan ko ito ng wala sa oras sino ba naman ang hindi magugulat kung makikita mo ang espada na hawak mo ay biglang umilaw. “Talagang umiilaw ang espada mo kapag may mga kalaban ka sa paligid Kleyton,” mabilis naman nabalik ang tingin ko kay Austin ng sabihin niya ito habang si Rayle naman ay pinulot niya ang espada at binigay ulit sa akin. “Ginawa ang espada na iyan para sayo at kagaya ng sinabi ko walang makakagamit niyan maliban sayo kahit nga ako ang humawak nito biglang nawawala ang kanyang talim pero kapag ikaw ang humawak kayang-kaya niyang biyakin ang bato,” dahan-dahan ko ulit tinanggap ang espada na binibagy sa akin ni Rayle. Ng hawakan ko ulit ito muli na naman itong umilaw at kuminang ng sobra. “Kita muna ikaw ang amo niya kaya sayo lang talaga siya umiilaw,” muling saad ni Rayle sa akin at kinindatan ako kaya napangiwi naman ako at napatingin sa espada na hawak ko. “Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inyo o ano dahil may papatay nasa atin sa labas nakangiti pa talaga kayo sa isat-isat diyan ano?” tinignan naman ng masama ni Rayle si Aiden pero bumalik lang sila sa ginagawa nila kanina. Akmang magsasalita ulit ako ng bigla nalang ako nakarinig ng malakas na kalabog at doon narinig kuna ang tunog ng mga nilalang kanina at doon lumapit sa akin si Rayle at tinago ako sa kanyang likod. Humawak ako sa damit ni Rayle habang nakaabang sila sa pagdating ng mga kalaban. Wala namang ibang labasan kundi ang daan na dinaanan naming kanina akala kasi sila nandito pa ang daan daw nila noon pero mukhang wala na ito kaya wala silang nagawa kundi ang hintayin nalang ang kanilang kalaban. Hindi ko alam kung paano nila pipigilan ang mga nilalang na iyon pero ang alam ko kaya nila paano ba naman parang chill na chill lang sila sa mga nangyayari at hindi alintana ang mga kalaban. Pero kanina parang akala mo sinong takot na takot sa mga kalaban nila at ang seryoso ng kanilang mga mukha, o baka naman sadyang ako lang talaga ang natatakot? Natural lang naman siguro na matakot ako dahil hindi naman ako makakalaban at marami pa akung sugat at pasa sa katawan. Ang mukha ko parang ube dahil sa mga pasa at sugat na natamo ko kung noong nahuli ako ng reyna ng mga goblin. Pasalamat nalang ako na hindi nila ako kinain ng tuluyan at naisipan ko paring lumaban kahit alam kuna wala na akung pag-asa, kung hindi siguro ako lumaban malamang bangkay na o baka mas tamang sabihin naging dumi na nila ako matapos nila akung ginawang pagkain. “Nandito na sila humanda kayo,” seryosong saad sa akin ni Rayle at hinawakan ang aking kamay. “Dito ka lang sa tabi ko huwag na huwag kang aalis,” mabilis naman akung tumango sa kanya ng sabihin niya ang mga salitang iyon. Kahit wala akung alam sa pakikipag-laban naging handa naman ako at hinawakan ng mahigpit ang espada ko at sa isang iglap sumalubong sa amin ang mga nilalang na nagsisilabasan ang mga laway nila at ang matutulis na pangil ng mga nilalang na ito. “Damn it!” malutong na mura ni Rayle at sa isang iglap nagbago ang anyo ni Rayle at hindi ko maiwasan na hindi humanga sa kanyang kakisigan habang nakatingin sa suot nito na kagaya kina Austin pero kulay silver na may itim at gold ang sa kanya. Tangina nasa gitna na kami ng labanan pero nagawa ko paring lumandi at humanga sa kanya. “Let’s rock baby!” malakas na hiyaw ni Aiden at siya na ang naunang sumugod sa kalaban at parang wala lang sa kanya ang mga halimaw na ito at tuloy lang siya sa pagpaslang at hindi niya hinahayaan na makaapak sa parang kwarto ang mga halimaw na ito. Damn! Para akung nakakakita ng demonyo habang nakatingin sa kanila paano ba naman ang galing-galing nila makipaglaban na parang wala lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD