Parang nagwawalang mga hayop at halang na kaluluwa ang mga halimaw na nasa harapan ko at kung sino man ang tumangkang lumapit sa akin mabilis silang pinupugutan ng ulo ni Rayle. Habnag tumatagal mas lalo lang silang dumadami at hindi na naming alam kung paano kami nito makakabalik sa taas lalo pa at walang daan naman dito dahil natakpan na ito.
“Wala na tayong daanan mamaya kung patuloy parin silang dumadami Rayle,” mabilis na saad ni Austin habang hawak na niya ang isang nilalang sa ulo at walang awa itong sinakal pero laking gulat ko ng makitang biglang naging abo ang halimaw sa kanyang kamay pero ang iba naman naging bangkay lang pero bakit ang sa kanya naging abo. Mukhang nakita niya akung nakatingin sa kanya kaya kaagad naman siyang ngumiti sa akin. “Galing ng kamay ko no?” hindi ko alam kung babatuhin ko ba ng espada si Austin dahil talagang nagawa pa niya ako nitong tawanan ng makita ako.
“Hayop ka talaga!” singhal sa kanya ni Rayle at kaagad akung hinawakan sa kamay. “Ipikit mo ang mga mata mo at kapag hindi ko sinabi na dumilat ka huwag na huwag kang didilat,” hindi ko maintindihan ang sinabi ni Rayle pero tumango nalang ako kahit naguguluhan na ako at hindi alam ang gagawin at isasagot ko. Binalot kasi ng kaba ang aking puso habang nakatingin kay Rayle ng sabihin niya ang mga salitang iyon.
“Rayle,” nag-aalalang tawag ko sa kanyang pangalan pero hinawakan lang niya ang aking mukha sabay halik sa aking noo. Sobrang lamig ng mga kamay ni Rayle pero ng halikan niya ako hindi na ako dumilat at naramdaman kung umalis na nga siya sa harapan ko at ang sunod kung naramdaman ay ang mas matinding kaba na bumabalot sa aking buong puso ng makaramdam ako ng init sa buong paligid at ang hiyaw at pagdudusa ng mga nilalang na kanina akala mo lalapain na nila kami.
Kahit anong curios ko sa mga nangyayari hindi parin ako dumilat at yumuko nalang habang tunog lang nila ang naririnig ko hindi basta tunog kundi ingay ng paghihirap at pagdudusa. Kanina nakaramdam ako ng init pero kaagad naman itong nawala at medyo malamig na ang nararamdaman ko pero alam kung may tao sa harapan ko hindi ko lang matukoy kung sino dahil kung si Rayle ito kaagad na titibok ang puso ko. Oo, ganon niya ka kilala si Rayle na kahit hindi ko siya nakikita at nasa malapit lang siya kaagad ng titibok ang puso ko, hindi ko nga siya makikita pero kilalang-kilala naman siya ng puso ko. Hindi ko kung bakit ganito ko nalang ka mahal si Rayle na kahit malagay ako sa gulo dahil sa kanya ayos lang sa akin kagaya nalang ng nangyari sa akin noong isang araw na muntik na naman akung maging hapunan, nakapatay pa ako doon pero hindi manlang ako na konsensya.
Ang sabi sa akin ni Rayle hindi ko kailangang maawa sa kanila na tama lang na lumaban ako dahil kung hindi ako lumaban bako ako din naman ang naging hapunan nila. Alam ko namang tama lang na lumaban ako pero hindi mawala sa isip ko iyon, iyon kasi ang unang pagkakataon na lumaban ako at nakapatay. Marunong naman ako lumaban kagaya nalang kay Erica pero ang lumaban ng p*****n para sa buhay ko iyon ang unang pagkakataon.
Nabalik ako sa wisyo ng makarinig na naman ako ng malakas na kalampag pero kahit ano man ang mangyari hindi talaga ako dumilat at nanatiling nakayuko at nakikinig sa mga nakakatakot na tunog at pagdudusa ng mga nilalang, hindi ko alam kung ano man ang nangyayari sa kanila pero alam kung may ginawa si Rayle na ayaw niyang makita ko kung ano man iyon ayos lang akin iyon alam ko namang may explanation si Rayle dito. May bagay ding alam kung tinatago si Rayle na ayaw niyang malaman ko at ayos lang sa akin iyon hindi naman dapat lahat-lahat alam ko diba, sapat nasa akin ang malaman na mahal niya ako.
“Huwag kang dumilat Kleyton at humawak ka lang sa akin habang naglalakad tayo,” ng marinig ko ang boses ni Aiden kaagad akung napahawak sa kanyang kamay ng hawakan din ako nito. “Huwag na huwag kang bibitaw sa akin kung ayaw muna mahulog ka at talagang walang sasalo sayo sa ibaba,” natatawa naman niyang saad kaya mabilis naman akung kinabahan sa kanyang sinabi. Bakit saan ba kami pupunta na kailangan kung humawak sa kanya dahil baka mahulog kami? Nahalata niya siguro ang pagka-takot at gulat ko sa kanyang sinabi kaya mabilis naman itong napatawa sa akin. “Nagbibiro lang naman ako Kleyton pero totoo humawak ka sa akin dahil baka talaga mahulog ka at maputulan pa ako ng ulo kapag may nangyaring masama sayo,” hindi kuna napigilan ang sarili ko at inambahan ko ng suntok si Aiden paano ba naman kalukuhan ang laman ng kanyang utak kahit alam naman niyang ganito na ang nangyayari.
Hindi ko naman siya masisisi dahil parang wala lang sa kanya ito paano ba naman sanay na sila sa mga ganitong sitwasyon at gulo habang ako naman parang ginigiling na ang karne ko dito. Hindi nalang ako sumagot sa kanya at tuluyan nalang akung humawak sa kamay nito at dahan-dahan na sumunod sa kanya habang naglalakad ito.
Nakakaamoy ako ng mga sunod pero hindi ko nalang ito pinansin dahil mas nakatuon ang pansin ko sa pagkakahawak ko kay Aiden at sa dinadaanan namin na hindi ko alam kung nasaan na. Para kasing maalikabok na ang dinadaanan ko at naiiwan sa paa ko ang ibang alikabok.
“Nasaan na si Rayle?” tanong ko kay Aiden habang nakahawak ako sa kanya. “Bakit hindi kuna naririnig ang kanyang boses nasaan na siya?” sunod-sunod kung tanong kay Aiden kaya narinig ko na naman ang kanyang tawa, isa nalang talaga at mahahambalos kuna ang baliw na ito kanina pa kasi siya tumatawa.
“Iniwan kana niya,” bigla kaung napatigil sa paglalakad ko at natulos sa aking kinatatayuan ng marinig ang sinabi ni Aiden. Para akung binagsakan ng langit at lupa ng marinig ko ito mula sa kanya.