Chapter 51

2992 Words
Habang nakaupo ako sa kama ko at nakatulala sa kawalan hindi ko alam kung saan na ako pupunta ngayon o ano na ang gagawin ko. Tinignan ko ang malaking glass sa loob ng kwarto ko kung saan ako papasok kapag pupunta na ako kina Rayle at diyan ako matutulog, kahit sino walang makakapasok at makakabasag niyan kahit si Rayle hindi kayang basagin ang glass na ito. Ito din kasi ang glass na kinalalagyan ng bulaklak na moonrise sa palasyo ni Rayle. Umuwi muna ako ngayon dito kasi masyadong mainit ang ulo ni Rayle doon sa palasyo at kahit minsan sina Austin napag-bubuntunan niya ng galit hindi ko alam kung bakit mainit ang kanyang ulo tapos kapag kinakausap ko siya hindi na siya ngumingiti o tumatawa manlang kaya ano ang gagawin ko? Mas mabuti na sigurong umuwi muna ako at babalik nalang ako doon kapag maayos na ang lahat hindi ko alam kung kailan at kung saan, hindi niya naman siguro mapapansin na wala ako doon. Malalim akung napabuntong hininga at napatingin sa picture namin ni Ivan na nasa mesa ko kaya kaagad akung nakaramdam ng lungkot at pagka-miss sa kanya. Kamusta na kaya siya, ilang araw din naman akung nawala kaya wala na akung balita sa kanya. Hindi kuna alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko kasi simula ng mangyari ito nakalimutan kuna ang sarili ko at busy na ako sa kakaayos ng mga problema at gusot. Mas mabuti siguro na mag unwind muna ako kahit sandali lang, wala naman akung trabaho at kailangan ko din naman siguro ang magpahangin kahit sandali lang. Tinignan ko ang espada na binigay sa akin ni Rayle na ngayon ay naging kutsilyo nalang pero kapag may kalaban ako nagiging espada naman ito, hindi ko nga alam na may ganitong bagay sa mundo at tanging sa akin lang gumagana. Nagligpit ako at naligo sabay kuha ng aking backpack at nilagyan ito ng ilang pagkain at ibang gagamitin ko, napag-isipan ko kasing umakyat ng bundok ngayon uuwi naman ako mamayang gabi sadyang kailangan ko lang talaga na pagurin ang sarili ko para makalimot kahit na marami pa akung sugat sa katawan at hindi pa gaanong naghilom ang aking mga pasa gusto ko paring umalis at mapag-isa, kailangan ko lang talaga siguro ito ganon din naman si Rayle. Alam kung sobrang bigat ng nararamdaman ni Rayle at kailangan niya munang mapag-isa kahit sandali lang, nandito naman ako kung kailangan niya ako, hinding-hindi ako mawawala sa kanya. Patuloy ko naman siyang mamahalin kahit ano man ang mangyari I will stay in his side. Ng tuluyan na akung matapos at handa na akung umalis tinignan ko muna ang labas ng apartment kung maraming tao dahil ang sabi ko sa kanila aalis ako at magbabakasyon pero ang totoo dito lang naman ako natutulog sa loob. Ng makita kung walang tao kaagad na akung umalis at sumakay ng taxi at nagpahatid sa paborito kung akyatin na bundok. Medyo malayo pero sulit naman ang pagod mo at marami namang pumupunta doon. Hindi manlang ako nakapag-paalam kay Rayle na aalis muna ako kasi hindi ko naman siya kanina makita sa palasyo kahit anong hanap ko sa kanya tanging sina Aiden at Ace lang naman ang nandoon hindi ko din makita si Austin at Aris kaya sa kanilang dalawa nalang ako nagpa-alam wala din naman silang alam kung nasaan si Rayle. Labag man sa loob ko kanina ang umalis doon ginawa ko parin alam kung iyon ang kailangan namin ni Rayle lalo pa at nakita niya ang kapatid ng bruha na gumawa sa kanya nito. Pinahid ko ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata at napapatingin naman sa akin ang driver sana lang hindi niya makita ang mga pasa ko sa mukha. Naka mask naman ako at naka jacket kaya hindi niya makikita ang mga pasa ko sa katawan sa mukha ko lang pero may mask at sombrero naman ako kaya hindi naman masyadong kita. Habang nasa byahe ako hindi ko maiwasang isipin ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay ko pero wala naman akung ibang magawa kundi ang tanggapin nalang ang lahat-lahat ng ito. Alam kung masakit pero mahal ko siya kaya handa akung lumaban ng p*****n para sa kanya kahit wala naman akung alam sa pakikipaglaban basta lalaban ako. Hindi nagtagal nakarating na ako sa bundok na gusto kung puntahan ngumiti lang ako sa driver at binigay ang aking bayad. Tumingin ako sa mataas na bundok ng tuluyan ng maka-alis ang taxi dahan-dahan na akung umakyat sa taas dala-dala ang aking bag at ibang gagamitin. Hindi ko alam kung ilang oras akung aabutin dito sa pak-ayat pero sisikapin kung makarating hanggang sa taas nito. Habang paakyat ako ng bundok nakaramdam na ako ng pagod pero tuloy parin ako sa paglalakad at hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako sa parang bangin kung saan may malaking bato sa dulo nito at napag-desisyonan ko na dito nalang ako. Dahan-dahan kung nilapag ang aking bag at kinuha ang banig na dinala ko kanina at nilatag ito sabay upo ko doon at kinuha ang aking mask at jacket. Tinignan ko ang aking mga pasa at sugat na naghihilom palang makakaramdam naman ako ng sakit pero kaya ko namang tiisin at makakaya kuna. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon hindi ko alam kung ang iisipin niya sa mukha kuna puro nalang pasa, parang hindi na nga ako makikilala at sobrang layo ng mukha ko noon kaysa ngayon, paano ba naman sinaktan talaga ako ng sobra ng hayop na iyon. “Sabi kuna ngaba talagang may iba sayo Kleyton at ano ang nangyari sayo!” bigla akung napaigtad at binalot ng kaba ang aking buong puso ng makilala ang boses na iyon at dahan-dahan akung napalingon sa nagsalita at kaagad na bumungad sa akin ang mukha ni Ivan na galit na galit at nagbabaga ang kanyang mga mata habang mabilis siyang naglalakad palapit sa akin. “Hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa mung kagaguhan Kleyton! Ano ang nangyari sayo sino ang may gawa nito! Ano ba nangyayari syao bakit ka nagkakaganyan!” kita ko ang mga luha sa mata ni Ivan habang sinasabi niya ang mga salitang iyon at sa isang iglap tumulo nadin ang aking mga luha habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam akung sasabihin ko sa kanya ang nangyayari sa akin kasi hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ko ipapaliwanag ang lahat ng ito pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang nangyayari sa akin. Nanatili lang akung nakatingin sa kanyan hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa akin at kaagad akung hinawakan sa balikat at tinignan ako sa mukha at doon mas lalong bumuhos ang emosyon sa kanyang mukha na mas lalong nagpa-iyak sa akin. Sakit at ibat-ibang emosyon ang nakikita ko sa kanya habang nakatingin siya sa mukha kuna halos hindi na makilala. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya pero mas pinili ko nalang ang manahimik at walang salitang binitiwan kahit isa, ayaw kung idamay si Ivan sa buhay na meron ako ngayon. Mas mabuti ng labas na siya dito at walang alam, kung ano man ang mangyari sa akin labas siya at walang alam. Ayaw kung pati ang problema ko maging problema niya din, akin lang ito sa akin lang dapat. “Sabihin mo sa akin Kleyton! Huwag moa kung gawing tanga na humuhula sa lahat-lahat ng nangyayari sayo kasi noon palang alam kung may iba na sayo simula ng makapasok ka lang doon sa mansion na iyon sa San Nicholas kaya sabihin mo sa akin ang lahat-lahat! Nasasaktan din naman ako kapag nakikita kitang ganito lalo na ngayon na halos hindi na kita makilala sa mukha mo! Sinong hayop ang nanakit sayo! Sino ang gumawa sayo nito Kleyton sabihin mo! Wala kabang tiwala sa akin? Kaya naman kitang protektahan kung sasabihin mo sa akin! Hindi ko kayang nakikita kang ganito kung dahil lang ito sa lalaking mahal mo hindi pagmamahal ang tawag dito Kleyton! Tignan mo naman ang sarili mo halos hindi na ikaw ang Kleyton na kilala ko hindi na ikaw ang Kleyton na minahal ko ano ba talaga ang nangyayari sabihin mo sa akin handa naman akung makinig sa lahat-lahat!” mas lalo lang tumulo ang luha ko habang pumapasok sa utak ko ang lahat-lahat ng sinabi ni Ivan, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil nanatili akung tahimik at walang sinasabi habang nakatingin sa kanyang mga mata at tumutulo ang aking mga luha. “Sa tanang buhay ko Kleyton kilalang-kilala kita at bawat galaw moa lam ko kaya huwag mo ng itago sa akin ang lahat-lahat ng ito kasi nasasaktan na ako! Alam mo namang mahal na mahal kita at hindi lang basta Kleyton parte kana ng buong buhay ko tapos ito lang ang mangyayari? Sa tingin mo makakaya kitang tignan kapag ganyan ang nangyari sayo? Sabihin mo lang sa akin at handa akung tulungan ka, hindi na ako matatahimik ngayon kung noon hinahayaan kita na harapin ang sinasabi mong problema ngayon hindi na, ubos na ubos na ang pasensya ko lalo na ng makita ko ang sitwasyon mo ngayon,” mabilis niyang inalog nag aking balikat habang mahigpit niya itong hinahawakan habang ako naman tuloy-tuloy parin ang pagtulo ng aking mga luha. “Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa sayo nito! Hindi mo ba nakikita ang mukha mo Kleyton! Halos hindi na kita makilala kanina ng lumabas ka ng apartment mo! Nagulat pa nga ako dahil ang sabi ni Hailey nasa bakasyon ka tapos makikita kita sa apartment muna ganito ang mukha mo! Alam kung may tinatago ka sa akin kaya sabihin muna bago ako pa ang umalam ng lahat-lahat at hinding-hindi mo magugustuhan ang magagawa ko kapag nalaman ko ang lahat-lahat ng ito Kleyton! Hindi mo gugustuhing makita kung ano ako magalit kaya sabihin muna!” mabilis na umigting ang mga panga ni Ivan habang malakas niya itong sinigaw mismo sa harapan ko. Habang ako naman ay napapaiyak ng tuluyan kasi sa unang pagkakataon natakot ako sa kanyang sigaw. “Sumagot ka Kleyton!” mas lalong lumakas ang kanyang sigaw at doon na ako humagulgol ng iyak kasi kahit anong sigaw niya sa akin hinding-hindi ako magsasalita. “Rayle help me,” bigla ko nalang nasabi ang mga salitang iyon na kahit ako nagulat din kung bakit iyong mga salita ang nabanggit ko siguro dahil nadin sa takot at si Rayle nalang palagi ang hinihingan ko ng tulong. “Help me,” mabilis kung saad ulit at doon naramdaman kung dahan-dahan na nabitiwan ni Ivan ang aking balikat ng pangalan ng ibang lalaki ang aking tinawag. Doon ko palang narealize ang aking sinabi at ng mapatingin ako kay Ivan kaagad itong napatawa ng pagak at napahilamos sa kanyang mukha sabay hampas ng kanyang dibdib na alam kung nasasaktan siya. Hindi ko din naman alam kung bakit pangalan ni Rayle ang binanggit ko, hindi ko alam kung mararamdaman ito ni Rayle pero nandito man siya alam kung makikita niya ang lahat-lahat ng ito. “Pangalan pa talaga ng ibang lalaki ang tinawag mo habang ako ang nasa harapan mo,” biglang pinahid ni Ivan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata at literal na napatawa ng pagak. “Siya ba ang lalaking mahal mo Kleyton siya ba? Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano pero ang sakit-sakit lang talaga. Hindi naman ako nagagalit sayo kung may mahal kang iba hindi ko lang alam kung saan ako nagagalit habang iniisip kuna may ibang lalaki ang nagmamay-ari ng puso mo, hindi moa lam kung gaano kasakit marinig mula sayo na may iba ka ng mahal at hindi ako iyon, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat-lahat matapos ang lahat-lahat na kahit hanggang ngayon ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko pero sa nakikita koi bang pangalan na pala ng lalaki ang binabanggit mo,” ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitiwan ni Ivan sa akin at habang nakatingin ako sa mukha niyang panay ang tulong kanyang luha sumisikip din naman ang aking puso. “Ganon mo ba siya kamahal na kahit ganyan na ang nangyayari sayo wala ka paring pakialam halos ikamatay muna ang mga sugat at pasa na iyan pero siya parin ang tinatawag mo!” alam ko naman na kahit sino pwedeng magalit kapag nakita nila akung ganito pero wala namang kasalanan si Rayle sa nangyari sa akin kung wala nga siya malamang patay na ako ngayon pero hindi ko naman pwedeng sabihin ang lahat-lahat ng ito kay Ivan. “Walang kasalanan si Rayle sa kung ano man ang nangyari sa akin kung hindi nga dahil sa kanya baka wala na ako kaya hayaan mo nalang ako Ivan, alam ko kung ano ang ginagawa ko,” mahinahon kung sagot sa kanya pero kagaya kanina pagak na naman itong napatawa sa akin at napaiwas ng tingin sa akin. “Alam kung mahal niya ako Ivan at kung wala naman talaga siya malamang wala nadin ako dito ngayon!” naging mataas nadin ang aking boses dahil sa kagustuhan kung ipagtanggol si Rayle kay Ivan. Totoo namang mahal ako ni Rayle sadyang mahirap lang talaga ang sitwasyon naming dalawa ngayon kaya ganito. “Hindi ko alam kung anong klaseng pagmamahal ang binibigay niya sayo at hinahayaan ka niyang masaktan ng ganyan Kleyton,” hindi ako nakinig sa salitang binitiwan ni Ivan habang tumutulo ang aking luha. “Kung mahal ka nga niya talaga hindi ka niya hahayaang masaktan ng ganyan, hindi mo ba nakikita ang mukha mo? Iharap mo sa akin ang mahal mo Kleyton!” hindi na naman ako nakasagot sa sinabi ni Ivan para akung natulos sa aking kinatatayuan habang natatakot sa kanya at patuloy na tumutulo ang aking mga luha at hindi makasagot. Basta ang alam ko lang mahal ako ni Rayle iyon lang ang pinanghahawakan ko sa aming dalawa ang kanyang pagmamahal sa akin, hindi kuna alam kung ang iba basta ang alam ko mahal niya ako at kuntento na ako doon. “Mahl ako ni Rayle,” seryoso kung sagot kay Ivan at sunod-sunod akung umiling sa kanya. “Kung sinundan mo ako dito para pagsabihan ng masasakit na salita mas mabuti pana umalis ka nalang Ivan, iwan mo nalang ako dito umalis kana,” malamig kung sagot sa kanya. “Alam kung galit ka sa akin pero huwag na huwag mong idamay si Rayle sa away nating dalawa dahil hindi ko naman hiningi sayo na mahalin mo ako diba? Alam mo sa una palang na tanging kaibigan lang ang turing ko sayo ikaw mismo ang may kasalanan kung bakit ka nahulog sa akin kaya huwag moa kung pilitin na mahalin ka dahil hindi ko kaya, may mahal na akung iba Ivan kahit p*****n pa ipaglalaban ko siya walang makakapigil sa akin kahit ikaw pa, mahal na mahal ko si Rayle at handa akung gawin ang lahat-lahat para sa kanya kaya pabayaan muna ako,” malamig kung sagot sa kanya na alam kung nagpasakit sa kanya lalo. Ayaw ko man sabihin sa kanya ang mga salitang iyon pero kailangan ko lang siguro sa kanyang sabihin iyon. “Kleyton,” mahinang saad ni Ivan at ang sunod niyang ginawa ay ang nagpagulat sa akin ng bigla niya nalang akung niyakap ng mahigpit at umiyak sa aking balikat, sobrang nasasaktan ako habang naririnig ang iyak ni Ivan sa aking balikat pero wala na akung magawa pa. Ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap sa kanya at itinulak ito para umalis. Hindi na ako nagbitaw pa ng ibang salita habang tinutulak ko siya at basang-basa ko ang sakit sa kanyang mga mata. “Iwan muna ako Ivan, pumunta ako dito para mapag-isa kaya pabayaan muna ako hayaan mo nalang ako sa buhay na gusto ko,” malamig kung saad sa kanya na mas lalong nagpaluha sa kanya. “Oo, naging parte ka ng buhay ko simula pagkabata ko pero hindi naman tama na pangunahan muna ang buhay ko, mahal mo nga ako pero hindi tayo magka-pareho Ivan mahal kita bilang kaibigan ko may iba akung mahal at sana ma tanggap mo iyon kaya iwan muna ako,” dagdag saad ko sa kanya at hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon para sabihin sa kanya, natatakot ako na baka kung ano ang kanyang isipino gawin lalo pa ngayon lang ako natakot sa kanya. “Kung ano man ang mangyari sa akin labas kana doon, hayaan moa kung gumawa ng desisyon ko sa buhay ko,” alam kung nagulat si Ivan sa mga sinabi ko pero kailangan ko lang iyong sabihin sa kanya ng malaman niyang seryoso na talaga ako at kahit kailan hindi na niya mababago ang desisyon ko. Mabilis na akung tumalikod kay Ivan at kinuha ang aking bag upang lumipat ng ibang pwesto kung hindi siya aalis ako nalang ang aalis pero ng akmang aalis na ako mabilis siyang tumayo at walang sagot-sagot na yumuko nalang habang dahan-dahan itong humahakbag paalis sa kinaruruunan ko, alam kung nasaktan kuna naman siya pero wala akung magawa dahil kahit anong gawin ko talagang masasaktan siya sa gagawin ko. Tinignan ko lang si Ivan na dahan-dahan ang paglalakad paalis sa kung saan ako kanina at habang tinitignan ko ang kaibigan kuna dahan-dahan na umalis bumalik sa ala-ala ko ang lahat-lahat na pinagsamahan naming dalawa pero wala namang permanente sa mundo at lahat naman ay nagbabago. Akmang tatalikod na ako at ipagpapatuloy ang aking ginagawa kanina ng makita ko ang isang goblin na handa na nitong talunan si Ivan sa itaas ng kahoy ng maalala kuna makakapasok na pala ang mga goblin dito sa mundo ng mga tao kaya sa isang iglap bigla ko nalang kinuha ang espada ko sa bulsa ng aking bag at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ni Ivan at mabilis na binato ang espada ko kaya tumama ito sa kanyang ulo at namatay. Tinignan ko si Ivan na nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD