Nakatulala si Ivan habang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan at walang buhay lalo naman siyang nagulat ng makita niya ang espada na umiilaw at ako naman dahan-dahan na lumapit sa patay na goblin at kaagad na hinugot ang aking espada kung dahan-dahan niya namang hinihigop ang dugo ng goblin. Tinignan ko si Ivan na hanggang ngayon ay nakatulala at hindi makapag-salita habang nakatingin sa bangkay ng halimaw. Alam kung nagulat ko siya sa mga pangyayari pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang siya, tumingin ako sa kanya na hanggang ngayon ay mukhang hindi parin makapaniwala kagaya sa akin noon.
Tama nga ang sinabi ni Ace na makakarating na sila dito at umaatake sila ng tao kung ganon kung hindi ko siya nakita kanina baka kung ano na ang ginawa nila kay Ivan, alam ko naman na ako ang habol nila dito kaya mas ayaw kung sabihin ito kay Ivan kasi ayaw ko siyang madamay dito ayaw ko siyang masaktan at masangkot sa kung ano man ang nangyayari sa buhay ko. Dahan-dahan siyang napatingin sa espada na bitbit ko ngayon at bigla itong napaurong ng makita niyang bigla nalang naging kutsilyo ito at tumigil sa pag-ilaw. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya na ngayon ay may nalaman siya sa akin na hindi niya dapat malaman, alangan naman pabayaan ko siyang mamatay nalang habang alam kung may magagawa ako.
“What the hell is that Kleyton!” umalingawngaw ang kanyang malakas na boses sa buong kagubatan na kahit ako ay napalunok ng wala sa oras habang hawak-hawak ko parin ang espada na naging kutsilyo. Alam kung nagulat ko si Ivan sa nangyari at sa ginawa ko kanina pero nangyari na ang nangyari kaya hayaan na pero kagaya ng sinabi ko kanina wala parin akung sasabihin sa kanya kahit marami na siyang tanong. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo kahit nga ako noon halos hindi makapaniwa siya pa kaya na iyon palang ang nakita niya halos hindi na siya makapaniwala. “Anong ginawa mo! Ano ang nilalang na iyan bakit mo pinatay! Paano ka natutong pumatay! Saan nanggaling ang hawak mo na iyan!” hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano ang sasabihin ko dahil kahit ako naman noon nagulat din pero nandoon si Rayle para sabihin sa akin ang lahat at handing ipaliwanag pero ngayon mukhang maiiwan na katanungan na lamang ito sa isipan ni Rayle.
“Bumaba kana ng bundok ngayon din Ivan baka mapano kapa dito,” malamig kung sagot sa kanya upang maiba lang ang usapan ng mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at pinaharap sa kanya habang punong-puno ng katanungan ang kanyang mga mata. “Kalimutan mo nalang ang lahat ng ito Ivan at umalis kana baka kung mapano kapa dito,” muling saad ko sa kanya at ako na mismo ang kumalas sa kanyang pagkakahawak. Ayaw ko ng marinig ang kanyang mga katanungan kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo.
“Sa tingin mo aalis ako dito matapos ng mga nakita ko Kleyton? Sa tingin mo matatahimik ako hanggat hindi ko alam ang mga nangyayari at sa nakikita ko mukhang sanay na sanay ka ng makakakita ng ganyan at hindi lang basta sanay dahil nagawa mo pa talaga siyang patayin ng walang alinlangan at bakit may umiilaw kang sandata? Ano ang ibig-sabihin ng lahat-lahat ng ito Kleyton?” ito na ngaba ang sinasabi ko kapag may malaman lang si Ivan dahil hinding-hindi na niya talaga ako titigilan lalo pa at may nakita na siya. “Crae to explain everything to me Kleyton handa naman akung makinig at intindihin ang lahat-lahat ng ito sadyang hindi ko lang talaga maunawaan ang nangyari kanina lang, ano ang nilalang na iyan? Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakakita ng ganyang nilalang at hindi ko alam na may ganyang nilalang dito sa mundo na nabubuhay!” muli na naman niyang tinignan ang goblin na pinatay ko kanina at napatingin sa akin.
“Hindi sila dito sa mundo natin nakatira kaya hindi mo silam kaya mas makabubuti na umalis kana at kalimutan nalang ang lahat-lahat ng ito para walang gulo,” mabilis na napahimalos sa kanyang mukha si Ivan ng sabihin ko sa kanya ang mga salitang iyon. “Kalimutan mo nalang ito at isipin na hindi ito nangyari kaya umalis kana,” muli ko siyang akmang tatalikuran ng mabilis na naman niya akung hinawakan sa kamay at mabilis na hinila pabalik kaya kaagad ko ng binawi ang aking kamay at marahas siyang hinarap. “Alam kung marami kang tanong diyan sa utak mo Ivan pero may mga bagay na hindi mo dapat malaman dahil mas lalong magiging malaki ang problema kapag sinabi ko pa sayo kaya makinig ka nalang sa akin umalis kana, hindi sa lahat ng oras dapat alam mo magpasalamat ka nalang na walang nangyaring masama sayo at iwan muna ako hayaan muna ako dito dahil kaya kuna ang sarili ko,” malamig kung sagot sa kanya at mapait na ngumiti.
“Sinabi kuna sayo Kleyton hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo at bakit ganito na ang nangyari sayo, hindi ka naman ganyan Kleyton at alam kung may nangyayaring hindi maganda sayo at kung ano man iyon aalamin ko kung hindi mo sasabihin sa akin,” biglang niya nalang itinuro ang bangkay ng goblin sa lupa pati nadin ang hawak kung espada. “Alam kung may tinatago kasa akin at kapag iyon nalaman ko,” mabilis kung tinabig ang kanyang kamay at tinignan siya ng masama.
“Kung ayaw mong sapitin ang mukha ko ngayon Ivan manahimik ka nalang at itikom ang bunganga mo, wala ka ng pakialam kung ano ang nangyari sa akin at kung ano sila dahil kahit anong gawin mo wala kang makukuhang sagot diyan sa mga katanungan mo dahil tanging ako lang ang makakapag-sabi sayo hawak ko ang katotohanan at akpag nanatili akung walang imik mananatiling tahimik ang lahat ng ito,” mabilis kaung lumapit sa bangkay ng goblin at itinapon doon ang lighter na dala ko at sa isang iglap naging abo na ito na parang isang papel lang kung kakainin ng apoy. “Hindi mo maiintidihan ang lahat-lahat ng ito Ivan at para lang sa akin ang lahat ng ito kaya lumugar ka at hayaan muna ako, pabayaan muna kung ano ang nangyayari sa buhay ko dahil labas kana dito,” malamig kung saad ta muli ko siyang tinalikuran hindi kuna siya hinayaan na mahawakan pa niya ang aking kamay upang mahila ako.