Chapter 50

1070 Words
Ng tuluyan na kaming makapasok sa palasyo ni Rayle kaagad niya akung binitiwan at ang sunod niyang ginawa ay ang ikinagulat ko ng sobra. Mabilis niya lang naman kasi itinapon ang kanyang espada sa pader at kaagad na umilaw ang kanyang katawan ng kulay asul na apoy kagaya ng nakita ko sa kanya, pero hindi ako nagsalita dahil bigla akung nakaramdam ng takot habang nakatingin kay Rayle paano ba naman sobrang nakakatakot sa kanya. Kahit mahal ko si Rayle bigla akung natakot sa kanyang awra at lalo na ang apoy sa kanyang katawan kaya sabihin niyo sa akin kung sino ang hindi matatakot kung makakakita ka ng lalaking umaapoy ang kanyang katawan at kulay asul pa talaga. Tinignan ko ang kanyang espada na binato nito sa pader na naggawa ng matinding bitak at nakabaon talaga ito hindi ko alam kung gaano kalakas si Rayle pero isa lang ang alam ko kapag kinalaban mo siya patay kang tangina ka. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o ano ang sasabihin ko dahil sa takot nab aka kapag nagsalita ako bigla niya nalang ako sinigiwan. Alam kung galit na galit siya doon sa bruha na iyon, sino ba naman kasi ang hindi magagalit kapag bigla mo nalang nakaharap ang lintik na gumawa sayo nito. Nakatingin lang ako kay Rayle na nakatalikod sa akin at walang tigil parin sa pag-aapoy ang kanyang buong katawan at mas lalo pa nga itong tumaas na kahit ako nararamdaman kuna ang init sa buong paligid. “Rayle tama na tinatakot muna si Kleyton,” bigla kung narinig si Aiden ng sabihin niya iyon gamit ang kanyang seryosong boses sabay lapit sa akin at hinawakan ako sa balikat. “Umakyat kana muna sa taas kami na ang bahala sa kanya,” dagdag saad pa nito kaya kaagad naman akung napatango nalang kasi mukhang walang makakapigil kay Rayle ngayon lalo pa at parang wala naman itong narinig sa sinabi ni Aiden. “Kayo na muna ang bahala sa kanya tawagin niyo nalang ako kapag maayos na ang lahat,” mahina kung sagot sa kanya at muling napatingin sa labas ng palasyo upang tignan kung nandoon pa ang mga kalaban kanina pero laking gulat ko din ng wala na akung makitang kalaban doon kundi mga bangkay nalang na nagkalat sa buong paligid. Sa tanang buhay ko hindi ko lubos akalain na mangyayari sa akin ang bagay na ito, hindi ko nga alam kung paano ko natanggap ang lahat-lahat ng ito. Kaagad naman silang tumango at ngumiti sa akin kaya dahan-dahan naman akung tumango at umakyat sa hagdan habang palingon-lingon pa ako sa kanila baka sakaling nakatingin sa akin si Rayle, paano ba naman mukhang sa galit niya nakalimutan na niya ako. Ng tumingin ako sa kanya hindi naman siya nakatingin sa akin at kung ano siya kanina ganon din naman siya ngayon. Muli nalang akung humakbang paakyat ng malapit na ako sa kwarto ni Rayle bigla nalang may humarang sa akin na halimaw kagaya ng mga nakalaban namin kanina pero mas malaki ang isang ito at wala manlang sugat. Akala ko umalis na slilang lahat pero bakit nandito pa ang isang ito. Binalot ng kaba ang aking puso habang nakatingin sa kanya at tumutulo pa ang kanyang laway. Kahit nga ako naririnig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib habang nakatingin sa pangit na nilalang na ito, kung kanina matapang ako ngayon para akung natulos sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanya. “Kapag sinuswerte ka nga naman, iniwan kana nilang mag-isa,” ang boses ng halimaw na ito ay parang nasa ilalim ng lupa at bigla nitong pinalandas ang kanyang mahahabang kuko sa pader na nagbigay ng takot sa akin. Alam kung mas malakas ang isang ito dahil mas malaki siya at medyo kakaiba ang kanyang anyo na parang mas nakakataas siya sa kanyang mga kasamahan. “Subukan mo lang talaga sumigaw dahil maririnig kaman nila pero mas mabilis naman akung makakarating sayo para patayin ka,” tinignan ko ang pagitan naming dalawa at oo mas malapit nga siya at isang talon niya lang ako. Matutulis at mahahaba pa naman ang kanyang mga kuko na pwedeng humati sa buong katawan ko. Alam kung papatayin talaga ako ng mga nilalang na ito at dahil makakalaban sa kanila si Rayle ako ang puntirya nilang lahat. “Papatayin ka nila Rayle kapag naabutan ka nila,” matapang kung sagot sa kanya pero ang totoo takot na takot na talaga ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam ang ano na ang aking gagawin o sasabin pero isa lang ang alam ko, alam kung takot na takot na talaga ako. “Subukan mo lnag talaga akung saktan dahil lilipad ang ulo mo sa hangin,” sagot ko sa kanya sabay taas ng aking espada kaya kaagad naman siyang napatingin doon at dahil sa kanyang ginawa humingi ako ng tulong kay Rayle sa aking isipan na sana ay narinig niya kahit galit na galit na siya sa ibaba. Kahit nga ako kanina natakot sa kanya habang pinagmamasdan ko ang apoy sa kanyang buong katawan. “Kahit hawak mo pa ang justice sword hindi ako natatakot diyan,” bigla akung napatingin sa espada na hawak ko at napatingin din sa kanya paano niya nakilala ang espada na ito na kahit ako nga hindi kilala ang espada na ito. “Magiging masaya ang buong lahi ko kapag ako ang nakapatay sayo!” handa na siya para atakihin ako ng bigla nalang umapoy ang kanyang buong katawan at sa isang iglap naging abot nalang siya at nawasak sa buong paligid. Nanatili akung nakatulala doon habang tinitignan ang kanyang abo na hanggang ngayon ay umaapoy parin sa isang iglap naging abo nalang siya wala pang ilang segundo ang dumaan. Ganon ba kalakas si Rayle para magawa niya ang mga bagay na iyon sa isang iglap lang. Dahan-dahan akung lumingon sa likod ko at doon nga si Rayle nakatayo at nakatingin sa akin at sobrang sama ng kanyang titig sa bangkay ng halimaw. “Rayle,” mahina kung tawag sa kanyang pangalan at sa isang iglap nasa tabi na niya sina Austin at mabilis na napabuntong hininga ng makita ang abo sa harapan ko. Sa hindi malamang dahilan mabilis kaung tumakbo palapit kay Rayle at mabilis siyang niyakap kahit nakikita ko pang umaapoy siya wala akung pakialam. Pero ng tuluyan na akung makalapit sa kanya at mayakap ito wala naman akung naramdaman na init parang wala lang nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD