Ng matagumpay ko ng mapahiga si Ivan sa kanyang kama kaagad naman itong kinumutan ni Tita at kaagad ako nitong tinignan alam kung kakausapin ako ni Tita matapos ang nangyari sa kanyang anak aminado naman ako na alam na ni Tita ang lahat ng ito knowing na naging ganito na si Ivan kahit ano pa ang sabihin ko nasaktan ko ang kanyang anak at wala akung takas doon.
“Pwede ba tayo mag-usap anak?” saad sa akin ni Tita nasanay nadin ako na anak ang tawag niya sa akin kasi kagaya ng sinabi ko pamilya na ang tingin ko sa kanila ganon din naman sila sa akin. Ngumiti ako kay Tita at kaagad namang tumango kaya sumunod ako sa kanya sa terrace habang walang imik at naghihintay na makarating kami sa terrace. Paano ko ngayon sasabihin kay Tita ang totoo kasi alam kung masasaktan ko din siya nasaktan ko nga ang kanyang anak siya pa kaya na anak na ang turing sa akin. Hanggang sa tuluyan na nga kaming makarating sa terrace at dahan-dahan akung hinarap ni Tita at ngumiti na naman sa akin, ngiting may halong sakit na hindi ko maipaliwanag.
“Tita batid kung alam niyo ang nangyayari sa pagitan naming ni Ivan,” panimula ko kay Tita kaya kaagad naman niyang napatango sa akin at mapait na ngumiti sabay tingin sa dulo kung saan kita ang malawak na siyudad at ang maaliwalas na sinag ng buwag mataas kasi ang bahay nina Ivan kaya kitang-kita ang siyudad isa pa nasa mataas na parte sila. Muli akung napatingin sa buwan sigurado ako na maganda ang bulaklak ngayon ng moonrise sa palasyo ni Rayle lalo pa at maganda ang panahon ngayon.
“Sa katunayan matagal ko ng alam anak simula palang ng naging magka-ibigan na kayo ni Ivan alam kung mahal kana niya kasi hindi ka naman niya ipapakilala sa amin kung wala ka lang sa kanya pero hindi ko lang pinaalam sa kanya na alam ko dahil alam kung wala kanga lam at may respeto naman ako sa anak ko,” nanatili akung walang imik habang hinahayaan si Tita na sabihin ang gusto nitong sabihin. Tumabi ako sa kanya at tumingin kung saan din ito nakatingin habang unti-unting kumikirot ang puso ko, pangalawang ina na ang turing ko kay Tita Aly kaya nasasaktan din ako kung nagiging ganito siya.
“Im so sorry Tita kung nasaktan ko man si Ivan pati na kayo alam kung na disappoint kayo sa akin Tita kaya buong puso po akung humihingi ng tawad sa inyo, sobrang laki ng utang na loob ko sa inyo itinuring niyo akung anak at hindi ako bago sa inyo pero ito pa ang binalik ko kaya humihingi po ako ng tawad kung sinaktan ko si Ivan,” hindi kuna napigilan ang luha ko at sunod-sunod na itong tumulo kaya mabilis ko naman itong pinunasan. “Sorry po kung naging manhid ako at hindi napansin na iba na pala ang pagmamahal na binibigay sa akin ni Ivan kung alam ko lang sana Tita pero nagulat nalang din ako ng malaman ko ang lahat ng ito, ayaw kung saktan si Ivan pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa puso ko dahil mas lalong masasaktan si Ivan,” mariin akung napapikit at napahilamos ng wala sa oras ng aking mukha dahil sa emosyon na dumadaloy sa buong puso ko.
Mabilis na niyakap ako ni Tita na kaagad ko namang ikinagulat pero yumakap nalang ako pabalik sa kanya habang patuloy na umiiyak. “Ayaw kung saktan si Ivan kasi sobrang mahalaga siya sa akin halos siya na ang kasama ko sa buong buhay ko pero dahil dito hindi kuna alam kung mababalik paba ang pagsasama naming noon,” marahang hinaplos ni Tita ang likod kung nakayakap sa kanya pataas sa aking ulo. Talaga namang hindi kuna alam ang gagawin ko ngayon matapos ng mga sinabi ko kay Ivan hindi kuna alam kung paano ko pa siya haharapin.
“Hindi mo kailangang humingi sa akin ng tawad anak alam kung naging totoo ka lang sa sarili mo at alam kung iyon ang tamang gawin Kleyton,” dahan-dahan akung napabitaw kay Tita Aly ng marinig ang kanyang sinabi. “Hindi ako galit sayo dahil nasaktan si Ivan sa kung ano man ang pinag-usapan ninyong dalawa dahil matagal ko ng napapansin na ang tingin mo sa anak ko ay hanggang kaibigan lang nakikita ko ito sa iyong mga mata habang nakatingin sa kanya hindi kagaya ng mga tingin ni Ivan sayo,” marahang hinaplos ni Tita ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha. “Hindi ako galit sayo at gusto ko lang sabihin sayo na walang nagbago kahit may nagbago sa inyo ni Ivan anak parin kita at mananatiling ganon ang tingin ko sayo Kleyton gusto kung bumangon ka at harapin kung ano man ang problema mo dahil alam kung maiintindihan ka ni Ivan kapag nakapag-isip na siya ng maayos kilala mo naman ang lalaking iyon hinding-hindi ka niya matitiis kahit ano man ang mangyari,” ngumiti sa akin si Tita Aly at bumaba ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi ko sa aking kamay at mahigpit itong hinawakan.
“Tita kung ano man po ang mangyari sa amin ni Ivan hindi din naman po magbabago ang tingin ko sa inyo nina Tito pamilya ko parin kayo at ikaw parin ang ituturing kung ina siguro maayos namin ni Ivan ito kahit abutin man kami ng ilang taon hindi ko susukuan ang pagkakaibigan naming dalawa,” doon napangiti si Tita Aly ng tuluyan ng sabihin ko sa kanya ang mga salitang iyon, ngiting parang iyon ang hinihintay niyang sagot mula sa akin kaya naging matamis ang kanyang ngiti sa akin. Totoo naman na hindi ko susukuan ang pagkaka-ibigan namin Ivan kasi kahit mahal niya ako hindi ako magbabago at lalayo nalang sa kanya ng basta-basta kagaya ng sinabi ko mahalaga din naman sa akin si Ivan.
“Iyon lang ang gusto kung marinig mula sayo Kleyton ang hindi mapupunta sa wala ang pagkaka-ibigan ninyong dalawa kahit ito na ang nangyayari kasi mas matimbang ang pinagsamahan niyo kaysa sa ngayon, hayaan mo munang makapag isip si Ivan kasi alam kung alam muna nasaktan siya ng sobra pero palagi mong isipin na kakayanin ni Ivan ang lahat ng ito kapag alam niyang kahit ito na ang nangyari hindi ka parin mawawala sa kanya,” tumango ako kay Tita at muli na naman siyang niyakap noong umulan siguro ng kabaitan nasalo ni Tita ang kalahati dahil naiintindihan niya parin ako kahit nasaktan na ang kanyang anak. Muling ngumti sa akin si Tita Aly at niyaya na ako nitong bumaba upang magpahinga.
Dito nga nalang ako matutulog kasi masyado ng gabi kung uuwi pa ako at masyado ng delikado kung uuwi pa ako wala namang maghahatid sa akin at nasa subdivision ang bahay nina Ivan mahirap sumakay ng taxi dito kasi limitado lang makakapasok lalo pa at may mga kotse naman ang nakatira dito at puro mga mayayaman ang mga nakatira.
Ng makapasok ako sa silid ko dito sa bahay nina Ivan kaagad akung napahiga sa kama at napatingi sa kisame sabay buntong hininga ng malalim kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko pero hidni naman rason iyon para sumuko nalang ako kasi may tao na naghihintay ng tulong ko at kailangan niya ako kapag naging mahina ako dito paano nalang siya? Mahal ko si Rayle at hindi ang problemang ito ang magpapahina sa akin hindi naman siguro ibibigay sa akin ang problemang ito kung hindi ko kaya alam kung may solusiyon dito ang kailangan ko lang gawin ay maging matapang na harapin ang lahat ng ito dahil naniniwala ako na matatapos din ang lahat ng ito.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at hindi kuna naalala na pumunta kay Rayle dahil sa pagod na nararamdaman ko at pananakit ng buong katawan ko. Bukas babawi nalang ako kay Rayle at alam ko namang maiintindihan niya ako hindi naman mahirap kausap si Rayle at alam naman niya ang sitwasyon namin ni Ivan lalong alam niyang siya lang ang mahal ko kaya wala siyang dapat ipag-aalala dahil sa kanya lang talaga ang puso ko. Kapag natapo na naming ang sumpa niya alam kung magkakasama na kami ng tuluyan sa ngayon tiis-tiis muna ako kahit sandali lang kung mahal mo naman talaga ang isang tao hindi ka magsasawang maghintay sa kanya.
HABANG nakaupo ako sa labas ng bahay nina Ivan sa tabi ng pool at umiinom ng mainit na kape at nakatingin sa malinaw na tubig ng pool na kahit siguro itapon ko ang hikaw ko makikita mo parin sa ibaba. Umalis ng maaga ang pamilya ni Ivan dahil may pupuntahan silang kasal kasama ang mga kapatid nito at nakiusap sa akin si Titan a pwedeng mamaya na ako umalis kapag gising na si Ivan kaya pumayag naman ako wala naman sa akin iyon wala naman akung gagawin ngayong araw kasi naka leave pa naman ako sa trabaho. Abala ko sa pag-iinom ng kape ko ng makarinig ako ng mga yapak kaya ng tinignan ko ito kaagad na bumungad sa harapan ko si Ivan na kakatapos lang nitong maligo tanghale na nga at kung titignan mo mukhang hangover pa ito dahil sa kanyang mga mata.
“Nasaan sina Mommy?” malamig nitong tanong sa akin na ikina-gulat ko naman kasi ngayon ko palang narinig ang malamig na boses ni Ivan pero hindi ko nalang ito pinansin dahil baka epekto pa ito ng alak sa kanyang katawan hindi naman kasi ganyan kumausap sa akin si Ivan. “I said where is Mom?” doon na nanlaki ang aking mga mata ng marinig ulit ang malamig nitong boses kanina hindi pa ako sigurado pero ngayon mukhang malamig na nga talaga kaya nagulat talaga ako pero hindi ko nalang ito pinahalata sa kanya.
“Umalis sila kasama ang mga kapatid mo,” mahina kung sagot sa kanya at ibinalik ang aking tingin sa pool kaya narinig ko naman kaagad ang kanyang buntong hininga. “Sinabihan lang ako ni Tita Aly na hintayin ka magising bago ako umalis,” dagdag saad ko sa kanya baka kung ano pa kasi ang kanyang isipin hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin ngayon hindi ko alam kung ano ang tamang salita na sasabihin ko sa kanya. “Nga pala kamusta ang pakiramdam mo may gusto kabang kainin?” tanong ko sa kanya na ang totoo iniba ko lang talaga ang usapan kasi mukhang matutunaw na ako dito sa lamig ng kanyang boses.
“Why do you care? Gising na ako kaya makaka-alis kana,” para akung sinampal ng makailang ulit sa sinabi ni Ivan dahil buong buhay ko ngayon ko palang narinig sa kanya ang mga salitang iyon na hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin sino ba naman kasi ang mag-aakala na magagawa niyang sabihin ang mga salitang iyon. “What are you still doing here? Umalis kana hindi kita kailangan dito,” sa hindi malamang dahilan kumirot nalang bigla ang puso ko at mabilis na napatayo ng tinalikuran na ako ni Ivan. Kung ito ang gusto niya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya basta hindi ko hahayaan na masira ang pagkaka-ibigan naming dalawa.
“Sorry Ivan kung nasaktan kita at naiintindihan ko kung bakit ganyan nalang ang pinapakita mo sa aking ugali ngayon pero hindi ko naman pwedeng hayaan na masira nalang ng basta-basta ang pagkakaibigan nating dalawa, mag-iingat ka dito pasensya na ulit Ivan,” mahina kung saad at dahan-dahan na tumayo doon at walang sabi-sabing iniwan doon si Ivan at hindi na ako nag-abala na lumingon sa kanya dahil akpag lumingon ako baka makita ko pa ang emosyon sa mga mata ni Ivan at mas lalo ko lang siyang masaktan. Kahit anong pigil ko tumulo parin ang aking luha dahil sa inasal sa akin kanina ni Ivan ganon talaga siya kagalit sa akin na kung tutuusin wala naman akung kasalanan kasi kung minahal niya ako nagmahal lang din naman ako sadyang hindi lang siya at hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya pero galit parin siya sa akin kaya ano ang gagawin ko kundi ang palipasin nalang ang kanyang galit. Damn it!