“Sabihin mo nalang kasi sa akin Rayle kung ano ba talaga ang nangyayari dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari at habang tumatagal na wala akung alam mas lalong sumasakit ang ulo ko at hindi ko alam ang gagawin ko,” mahina kung saad kay Rayle habang nandito parin kami at nakaupo sa kama dahil talagang hindi ako aalis dito na hindi alam ang buong katotohanan. Kapag nagising ako sa kabilang mundo mas lalong maguguluhan ako at baka ma buang na talaga ako sa kakaisip ng bagay na ito.
Para akung tanga na nakatingin dito kay Rayle na naghihintay pasa ibang sasabihin ko at kung pa ang magiging reaksiyon ko akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya kanina na tinawanan lang niya ako at ang sarap niya talagang piktusan parang walang kasalanan sa akin kung tawanan niya ako. Pero isa naman akung dakilang marupok dahil ganito na ang nangyari mas gugustuhin ko paring makasama si Rayle at masaya parin ako kapag siya na ang kasama ko.
Habang nakatingin ako sa kanya maka-ilang beses ko ng kinastigo ang puso ko dahil sa tuwing ngumiti sa Rayle ay siya namang pagkabog nito ng malakas kaya gusto kung matampal nalang sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko talaga ngang mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa galit na kahit anong galit mo sa isang tao kung mahalaga at mahal mo siya matatagpuan mo parin ang sarili muna ngumi-ngiti sa kanya at nagiging masaya.
“Ang mundong ito ay noong nakaraang panahon pa at libo-libong taon na ang nagdaan,” literal na napanganga ako sa kanyang sinabi at hindi makapaniwala paano na naging nakaraang panahon pa ang lugar na ito? Mas lalong naging madami ang katanungan sa buong isipan ko. “Nakatakda lang talaga na mangyari ito pero sa panaginip mo lang dahil ikaw nag hinihintay ko,” hinaplos ni Rayle ang pisngi ko at malalim na napabuntong hininga habang nakatingin sa mga mata ko. “Alam kung mahirap paniwalaan pero matagal na kitang hinihintay Kleyton,” napanganga na talaga ako ng tuluyan sa kanyang sinabi kung nagulat ako sa kanyang sinabi na totoo ang lahat ng ito mas nagulat ako ng sinabi niyang matagal na niya akung hinihintay at anong nakatakda na itong mangyari? Ano ang kanyang ibig-sabihin na nakatakda? Kung noong sinaunang panahon pa ito nangyari bakit nandito pa ako? Bakit nasa panaginip ko ito at paano nagawa ni Rayle ang bagay na ito? Napalunok nalang ako ng wala sa oras at hinayaan si Rayle na magsalita dahil gusto ko din namang malaman ang buong katotohanan.
“Ang pagka-pasok mo sa mansion sa San Nicholas ay hindi aksidente dahil nakatakda na ang araw na iyon para sayo upang makilala kita,” pakiramdam ko sinampal ako ng katotohanan na sinabi ni Rayle at binundol ng kaba ang buong puso ko habang tinatanggap ng isipan ko ang kanyang sinabi. “Kung ano man ang nalaman mo sa San Nicholas at kung ano man ang sinabi nila sayo totoo ang lahat ng iyon ako ang sinasabi nilang multo sa mansion na iyon,” hindi ko maitikom ang bibig ko dahil sa aking nalaman kung ganon siya ang multo na sinasabi ng mga taga San Nicholas? Kung ganon siya ang lalaking nakita ko doon sa mansion at siya ang tumulong sa akin at siya din ang lalaking tumakip sa mata ko ng huling pasok ko doon sa San Nicholas.
“Alam kung alam muna ang kwento tungkol sa akin at totoo ang lahat ng iyon kabilang na ang pagsumpa sa akin na maging multo nalang hanggang sa dumating ang babae na para sa akin, ang babaeng magiging dahilan ng paglaya ko my kryptonite,” bumalik lahat-lahat sa alaala ko ang sinabi sa akin noon ni Lola lalo na ang kanyang kwento sa akin na kahit ako hindi makapaniwala na ang kwento pala na iyon ay totoo at sa akin pa talaga mangyayari. “Hindi mo ako makikita sa personal dahil nakatakda nasa panaginip lang tayo magkikita at walang ibang paraan na makikita mo ako habang gising ka tanging sa panaginip lang,” kagaya kanina nakatameme parin ako at hindi alam ang sasabihin ko paano ako makakapag-salita kung hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko.
“Hindi kagaya kuna kahit gising ka makikita kita at mababantayan kita pero ako hindi mo ako makikita kahit anong gawin mo dahil tanging dito lang sa panaginip mo tayo nagkikita masakit man sabihin pero kaluluwa nalang ako Kleyton at hinihintay kita para mapalaya ako,” muling hinawakan ni Rayle ang kamay ko hinalikan ito at mas nagulat ako ng makita ang luha nitong tumulo sa kamay ko. “Sinumpa ako na magmamahal lang ako ng isang babae sa buhay ko at ikaw iyon, ikaw ang babae na matagal ko ng hinihintay sa loob ng libong panahon ngayon na nandito kana sa akin muli akung nabuhayan pero natatakot din ako nab aka ayaw moa kung tanggapin lalo na ang pangyayaring ito at wala akung magagawa kundi ang hayaan ka at pakawalan wala ka namang kasalanan kung bakit ito nangyari sa akin pero habang tumatagal na kasama kita mas lalong lumalapit ang loob ko sayo hindi sa nakatakda ito kundi dahil sa naging malapit na ako sayo,” bigla kung binawi ang kamay ko kay Rayle at napahilamos sa aking mukha at kaagad na nakita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata.
Ano ba ang gagawin ko dahil parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng ito? Pakiramdam ko pinag-laruan ang buong buhay ko dahil sa pangyayaring ito at pilit kung kinakalimutan ang bayan ng San Nicholas pero ang totoo doon pala talaga nagsimula ang lahat-lahat. Bakit ba ang tanga-tanga ko at hindi ko naisip na related pala ang mansion na iyon kay Rayle bakit ba hindi ko naisip ang bagay na iyon. Kung ganon ang sinasabi nila tungkol sa mansion na iyon ay totoo kaya pala hindi nalalagas ang mga rosas doon dahil ito pala ang dahilan at malalaman kuna ako ang tinutukoy nilang babae kaya ba natulog ako ng tatlong araw dahil dito? Sana naman sinabi nasa akin ito ni Rayle noon palang para hindi na ako nagmumukhang tanga habang kaharap ko siya.
“Pero bakit ganito Rayle? Bakit may ganitong nilalang at bakit ka sinumpa? Kung noong panahon pa ito bakit naging ganito?” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Rayle dahil talaga namang naguguluhan din naman ako. “Alam mo bang masyado na akung naguguluhan sa mga nangyayari mas mabuti na sabihin mo nalang sa akin ang lahat ng ito at wala ka ng iwanan dahil gulong-gulo na ako,” kaagad namang tumango sa akin si Rayle bago bumuntong hininga na naman siya at umayos ng upo.
“Noon kasi ako ang Hari ng buong lugar na ito at sobrang laki at lago ng buong kaharian ko at hindi kuna noon kailangan ng reyna dahil kaya ko namang mamahala na walang reyna pero isang araw may isang bruha na lumapit sa akin at inalok ako ng kasal pero tinanggihan ko siya at iyon na ang naging simula,” mapait na ngumiti si Rayle habang nakatingin sa sahig at napapailing. “Sinumpa niya ako nasa oras na mamatay ako hindi makaka-alis nag kaluluwa ko dito sa mundo at maghihintay ako na maipanganak ang babae na magiging lakas ko at magiging kahinaan ko, siya ang babaeng mamahalin ko na kahit buhay ko handa kung ibigay sa kanya at mamahalin ko siya ng lubos-lubos kahit libo-libong taon ko pa siya hihintayin siya lang ang babaeng mamahalin ko,” dahan-dahan na tumingin sa akin si Rayle at punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata. “Ikaw ang babae na iyon dahil sa oras na pumasok ang babaeng nakatakda para sa akin muling gagalaw ang orasan sa buong palasyo at magsisimulang magkabuhay ang buong palasyo kagaya nalang ngayon pero sa oras na hindi mo tanggapin ang pangyayaring ito wala akung magagawa kundi ang hayaan ka at ako mananatili na akung ganito habang buhay kahit milyong taon pa ang dadaan ganito parin ako dahil ikaw lang ang nag-iisang babae na para sa akin,” ano ba dapat ang isasagot ko kay Rayle ngayon? Maniniwala ba ako sa kanya? Kasi sadyang ang hirap lang talaga paniwalaan ng ganito mukhang gawa-gawa ng ito ng aking imahinasyon pero sinisigaw naman ng puso kuna maniwala ako kay Rayle.
Sino ang mag-aakala na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang multo na naghihintay sa kanyang reyna at sasabihin niya sa akin na ako iyon dahil ako ang kanyang hinihintay. Hindi kuna nga alam ang gagawin ko tapos malalaman ko pa na ito pala ang totoo at nabubuhay na pala ako ngayon kung saan totoo ang bruha at ang mga halinaw sa lugar na ito.
“Alam kung nagtataka ka kung bakit ganito pero handa naman akung tulungan kana intindihin ang lahat ng ito at ipaalala sayo na totoo ang lahat ng ito kahit sabihin na nating panaginip lang ang lahat ng ito pero may damdamin ako Kleyton at nasasaktan din naman ako alam kung ang hirap nitong paniwalaan pero anong magagawa ko kung ito ang totoo at ang tangi ko lang magagawa ay ang paniwalain ka at hawakan sa kamay hanggang sa huli na huwag mo akung iwan,” mapait na ngumiti si Rayle sa akin at iniwas ang kanyang mukha ng bigla nalang tumulo ang kanyang luha na nagbigay sa akin ng kirot sa puso ko. “Alam ko namang wala akung karapatan sa buhay mo Kleyton kahit ano ang gawin mo wala akung magagawa kung ayaw muna ang makita simple lang naman ang gagawin mo sabihin mo sa sarili muna ayaw muna akung makita at hindi kana makakabalik sa mundong ito at hindi kana mananaginip lang ganito dahil kung ayaw mo hindi ko naman kayang gawin na ibalik ka dito,” bigla akung nagulat sa kanyang sinabi dahil sinabi niya talaga sa akin ang pwedeng gawin para hindi na ako makabalik dito.
Kung hindi ako bumalik dito paano nalang siya? Diba sinabi niya sa akin na parte na ako ng kanyang buhay simula ng sinumpa siya at ako lang ang babae na makakatulong sa kanya para makalaya sa sumpa at muli siyang mabubuhay. Alam kung mahirap itong paniwalaan kaya siguro kailangan ko nga siguro ng panahon para isipin ang pangyayaring ito dahil kahit ang utak ko ayaw tanggapin ang pang-yayaring ito. Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Rayle pero alam kung nasasaktan siya at kinakabahan sa magiging reaksyon ko at pwede kung gawin dahil pwede na niya akung hindi makita kapag sinunod ko ang kanyang sinabi. Nasasaktan din naman ako habang nakikita ko siyang nasasaktan at lalong-lalo na ang tumulo ang kanyang luha.
“Hayaan mo muna akung mag-isip Rayle dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo at kung ano ang sasabihin ko sa katotohanan na sinabi mo sa akin,” mapait akung ngumiti sa kanya. “Hindi mo lang alam kung anong sakit ng ulo ang binigay mo sa akin noong nangyari sa akin sa San Nicholas at ng managinip ako ng ganito na mas pinili ko nalang maging masaya kahit sa panaginip lang tapos malalaman kuna totoo pala ang lahat ng ito sa tingin mo ano ang mararamdaman ko? Sobra akung nagulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari at ayaw tanggapin ng utak ko pero ang puso ko handa niyang harapin ang lahat ng ito pero hindi ko naman kayang tanggapin nalang ito ng basta-basta na hindi nag-iisip,” walang naging tugon sa akin si Rayle habang sinasabi ko ang mga salitang iyon at nanatiling nakatingin sa kawalan. Pero sa huli ngumiti din siya sa akin at kaagad na tumayo na ikina-tingin ko naman sa kanya.
“Siguro nga kailangan muna kitang hayaan naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkakaganito sino ba naman ang hindi magugulat kung ito ang malalaman mo pero palagi mo lang tandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo at nakabantay sayo at hinding-hindi kita hahayaan na masaktan hanggang nandito ako kung ano man ang magiging desisyon mo bukal ko itong tatanggapin sa puso ko,” hindi na ako nakasagot kay Rayle ng dahan-dahan na itong tumalikod sa akin at hindi kuna siya napigilan ng lumabas na siya sa kanyang silid at naiwan ako ditong mag-isa at nakatulala sa kanya na hindi alam ang gagawin. Ilang minuto pa ang nagdaan at nandito parin ako nakaupo habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Rayle na mugto ang mga mata. Dahan-dahan naman akung napatayo at sa hindi malamang dahilan maingat akung lumabas sa kanyang silid at bumaba sa palasyo at mahaba pa talaga ang nilakad ko at ilang pasikot-sikot ang dinaanan ko hanggang sa makarating ako sa hagdan pababa at doon mabilis akung bumaba at napatingin naman ako sa bulaklak na moonrise kung saan nandito parin ang mga paru-paro at doon naalala ko ang sinabi ni Rayle na libong taon nadin ang mga paru-paro na iyan.
Dumiretso nalang ako hanggang sa makalabas ako ng palasyo at sa harden palang ako nakita kuna ang likod ni Rayle na nakaupo sa bato habang nakatalikod sa akin kaya hindi niya ako nakikita at parang biniyak ang puso ko ng marinig ang kanyang hikbi hindi lang basta hikbi dahil ang hagulgol nito mismo ang naririnig ko. Biglang kumirot ng sobra-sobra ang puso ko at napasandal ako sa pader habang nakatakip ang aking kamay sa bibig ko upang mapigilan ang aking pag-singhap sa nakita ko. Alam kung nasaktan ko si Rayle at hindi ko naman alam kung bakit at kung ano pero alam kung nasasaktan siya at hindi ko alam ang gagawin ko para mawala ang sakit na iyon ng matigil na siya sa kakaiyak dahil nasasaktan din naman ako.
Paano ko makukuha ang sakit na nararamdaman ni Rayle kung ako mismo nasasaktan din ako sa mga nangyayari sa amin, sino ba naman ang hindi masaktan matapos ng malaman mo. Konektado nga talaga ang mansion na iyon sa panaginip ko at hindi ko at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang bagay na ito lalong-lalo na ng sinabi niya na ako ang babae na para sa kanya. Nanatili akung nakasandal sa pader habang dinig na dinig ko parin ang kanyang iyak na mas lalong nagbibigay sa akin ng sakit ng puso pati nadin ng isip dahil gulong-gulo na ako kung ano ba ang dapat kung gawin.
Hindi ko namang magawang iwan si Rayle nalang dito ng basta-basta dahil hindi kaya ng sarili kuna iwan nalang basta-basta si Rayle dito pero ano ang magagawa ko? Bahala na basta hindi ko kayang nakikita na umiiyak si Rayle ng ganito pakiramdam ko pinupunit ang buong puso ko sa bawat hikbi na kanyang pina-pakawalan. Lakas loob akung tumayo sa kinatatayuan ko habang tinitignan si Rayle at akmang maglalakas na ako ng makaramdam ako ng malamig na hangin na parang humihigop sa akin at doon ko palang naalala na ito nga pala ang nangyayari sa akin sa oras na gumigising na ako sa kabilang mundo at sunod-sunod akung umiling dahil hindi ko matatanggap na magiging na ako.
Akmang sisigaw pa ako ng tuluyan na akung nilamon ng dilim at sa pagdilat ng aking mata mata nandito na ako sa aking apartment kung saan nakaupo parin ako sa sofa at doon sunod-sunod na tumulo na naman ang aking mga luha hanggang sa tuluyan na akung napahagulgol at napahawak sa mukha ko at doon ko palang nakapa na may sugat ako at mas lalong nagbigay sa akin ng ebidensiya na totoo ang lahat-lahat ng panaginip kuna totoo si Rayle at hindi lang siya basta bunga ng imahinasyon ko. Mas lalong sumakit ang puso ko habang iniisip ang pangyayaring iyon kaya mabilis akung tumayo at tumakbo sa kusena at mabilis na kumuha ng tubig at kaagad na uminom habang panay parin ang iyak ko at basang-basa ako ng pawis. Dahan-dahan akung napaupo sa upuan sa kusena at doon bumuhos ang matinding emosyon na gusto kung ilabas hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito pero walang ibang laman ang puso at utak ko kundi si Rayle.
Bumalik lang sa alaala ko ang sinabi niya sa akin kanina at ang nangyari sa akin sa kagubatan na iyon na mas lalong nagpatunay na totoo ang lahat ng iyon lalo na ang sugat ngayon sa noo ko. Bumaba ako sa pagkakaupo sa upuan at sa semento ako mismo naupo habang patuloy na umaagos ang aking mga luha na hinding-hindi ko mapipigilan. Gusto kung kausapin si Rayle at sabihin sa kanya na ayos lang ang lahat at ayos lang ako pero paano ko naman iyon gagawin kung gulong-gulo naman ang utak ko at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin o ano ba dapat kung sabihin sa kanya.
Aaminin ko sa sarili kuna nagkagusto na ako kay Rayle hindi naman ako tanga para hindi malaman na may gusto ako sa kanya hindi naman siguro ako masasaktan ng ganito kung wala akung gusto sa kanya at kung hindi naging malapit ang loob ko sa kanya. Hindi lang basta malapit ang loob ko sa kanya dahil mukhang unti-unting nahuhulog na ako sa kanya na kahit naguguluhan na ako mas pinili parin siya ng puso para magustuhan. Tangina! Sino ba naman ang hindi mag-kakagusto sa kanya at nagagalit ako sa sarili ko dahil nagkagusto ako sa kanya kahit hindi ko pa alam ang totoo pero ngayong alam kuna ang totoo na totoo pala siya hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o magagalit dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo.
Napatingin ako sa kisame at mapait na ngumiti dahil sobrang laki ng epekto nito sa akin na hindi kuna alam ang trabaho ko at nakalimutan kuna ang aking sarili. Pinahid ko ang luha ko at marahan na tumayo sa kinauupuan ko sabay lakad pero ang totoo parang matutumba ako sa sakit ng puso at loob ko. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko tuluyang isipin si Rayle at ayusin ang pangyayaring ito dahil kapag hindi ako gagalaw mababaliw na ako. Tangina!