Nakatulala ako habang nasa harapan ko si Ivan at napapahilamos sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko at kung ano ang sinabi sa akin ng mga tao doon sa bundok alam ko namanga ang paniwalaan pero may kung ano sa utak ko ang nagsasabi na totoo ang kanilang sinabi sa akin ng sinabi koi to kina Ivan hindi naman siya naniniwala sa akin dahil sobra namang imposible iyon at kahit ako nag-iisip din naman ng ganon pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kulang sa akin na hindi ko alam at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ng araw na iyon habang nasa kalsada ako at nakaupo dumaan ang sasakyan ni Ivan kasama ang sasakyan ng mga pulis at sasakyan ng kanyang mga magulang at ng rescue team para hanapin ako at para akung sinampal ng katotohanan ng sinabi nila sa akin na tatlong araw na nga talaga ako nawawala. Putangin alang talaga pero totoo ang kanilang sinasabi at halos mawalan na si Ivan ng bait ng mawala ako at akala nila hindi na nila ako makikita. Sinundan naman nila ako kaagad ng nalaman nilang hindi pa ako bumabalik at ang tangin nakita nila ay ang dugo ko sa kahoy at wala akung katawan ko doon pero pagkagising ko doon naman ako nakahiga at doon ako nawalan ng malay.
Hindi ko alam pero parang nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang mangyayari ngayon at kung ano ba talaga ang nangyari sa akin at bakit ako natulog ng tatlong araw sa mansion na iyon? Sino ang tumulong sa akin kung wala namang tao doon putangina lang talaga para na akung nababaliw at hindi alam ang gagawin ko. Para akung natulala sa hangin at walang mahanap na sagot sa buhay ko hindi ko na alam talaga ang gagawin ko kahit nga si Ivan napapahilamos sa kanyang mukha habang nakikinig sa akin. Ano ba ang magagaw ako dahil iyon naman talaga ang totoo at iyon lang ang naaalala kuna nangyari sa akin.
Apat na araw na ang nagdaan simula ng makita nila ako at sa loob ng tatlong araw nandito lang ako sa apartment ko at nagpapahinga habang iniisip ang nangyari sa akin at kahit anong pilit ko itong kalimutan bumabalik talaga sa utak ko at minsan nga napapanaginipan ko pa ang mansion na iyon. Hating gabi nagigising nalang ako na iyon ang nasa isip ko at ang lalaking nakita ko sa mansion ay palaging nasa utak ko at kapag iniisip ko siya parang may kulang sa akin hindi ko alam hindi ko naman maipaliwanag ng maayos ang nararamdaman ko. Hindi na nga muna ako pumasok sa trabaho dahil nagpapahinga pa ako at kumukuha ng lakas dahil kahit ang mga kasamahan ko ay naguguluhan na din at pinayuhan ako na kalimutan ko nalang ang nangyari.
“Magpahinga ka nalang muna dito dahil mukhang nabigla ka sa nangyari sayo at kung ano na ang pumapasok sa utak mo,” mabilis naman akung napatingin kay Ivan kung saan nakatingin sa akin at kaagad na binigay sa akin ang isang box ng cellphone. “Wala ka ng cellphone kaya binilhan nalang kita habang nandito ka at nagpapahinga,” hindi ko tinanggap ang binigay niya pero kaagad naman niya itong nilagay sa mesa na nasa harapan ko.
“Hindi kaba naniniwala sa akin?” kaagad kung tanong sa kanya ng mapatingin ito sa akin at kaagad naman itong napabuntong hininga ng malalim habang nakatingin sa akin. Hindi naman kasi kapani-paniwala ang sinabi ko sa kanya na kahit ako hindi din naniniwala at pilit na kinakalimutan nalang ang nangyari pero pilit naman itong bumabalik sa isipan ko. “Alam ko naman na napaka-imposibleng paniwalaan iyon pero ramdam ko sa puso kuna totoo ang sinabi nila sa akin pero patuloy ko paring pinipilit ang sarili kuna huwag maniwala sa kanila habang may kung ano na nandito sa puso ko Ivan,” dahan-dahan na lumapit sa akin si Ivan at hinawakan ang kamay ko sabay himas nito ng marahan.
“Alam kung marami ka ng iniisip kaya magpahinga kana muna at pabayaan mo nalang ang nangyari sayo dahil hindi na iyon maibabalik kaya kalimutan nalang at ipagpatuloy ang buhay mo,” marahan nitong itinaas ang kanyang kamay at sinabit ang buhok ko sa likod ng tenga ko. “Nag-alala ako syao ng mawala ka kaya ayaw ko ng mas lalo kapang-ma stress dahil sa iniisip mo kalimutan mo nalang,” kumbinsi nito sa akin kaya tumango nalang ako dahil tama naman si Ivan hindi kunai to iisipin pa at mas lalo lang akung naguguluhan at bumabagal ang paggaling ko.
“Don’t worry kakalimutan kunai yon at magpapagaling na ako,” nakangiting sagot ko sa kanya at sumandal sa kanyang balikat at mariin na napapikit. “Pasensya na akung nag-alala ka sa akin,” bigla ako nitong niyakap ng mahigpit habang marahan na hinihimas ang likod ko at mas lalo lang akung napayakap sa kaibigan ko ng makaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin sa gitna ng maiinit na pahanon pero hinayaan ko nalang ito baka kung ano lang naman iyon.
Pero kaagad akung napadilat ng wala sa oras ng ma realize kuna sirado naman ang buong silid ko at paano makakapasok ang hangin dito? Mabilis na bumalik sa utak ko ang hangin noong gabi kung saan nandoon ako sa mansion at palagi nalang ako nakakaramdam ng malamig na simoy ng hangin at magbibigay naman ito sa kain ng matinding kilabot. Yumakap ako lalo kay Ivan at pumikit ng mariin habang winawaksi sa isip ko ang mga alaalang iyon.
“Dito ka nalang muna samahan mo ako kahit hanggang sa makatulog lang ako,” mahina kung bulong kay Ivan kaya kaagad naman itong tumango at hinayaan akung yumakap sa kanya. Sanay na sa akin si Ivan kaya normal nalang sa amin na yayakapin ko siya o yayakapin niya ako para ko naring kapatid si Ivan at siya nalang ang maaasahan ko ngayon. Hindi ko lang sa kanya sinabi na natatakot ako o baka mas tamang sabihin na tinatakot ako ng utak ko. Sanay nadin sa akin si Ivan gusto nga nito doon nalang ako sa bahay nila para maalagaan ako ni Tita pero nakakahiya naman kung magpapa-alaga ako doon kahit sabihin pa nating pamilya na ang tingin nila sa akin.
NAKATINGIN ako sa mataas na building kung saan ako nagta-trabaho at malalim na napabuntong hininga dahil maayos na naman talaga ako kailangan ko ng pumasok habang ang ibang kasamahan ko naman ay nasa ibang lugar na kasama ang ibang mga tourist habang ang iba ay nasa hotel nalang. Mabuti ng at dito muna ako sa office habang ang ibang kasamahan ko naman ay nasa ibang bansa na.
Sinabihan naman ako ni Ivan na susunduin niya ako pero sinabi ko sa kanya na huwag nalang dahil kaya kuna naman at maayos na ako simula ng pinilit ko ang sarili kuna huwag isipin ang mga nangyari at kalimutan nalang iyon at ipagpatuloy ang buhay ko. Dahan-dahan akung naglakad papasok habang naka paskil na ang ngiti sa mga labi ko at ng makita ako ng guard kaagad naman itong ngumiti sa akin sabay bukas ng pinto.
“Welcome back po Miss Kleyton,” kaagad na ngumiti ito sa akin at tuluyan na nga akung pumasok sa pinto at tumango sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa taas kaagad namang napatingin sa akin sina Hailey at nanlaki ang kanilang mga mata ng makita at sa isang iglap lang nasa harapan kuna sila.
“Kleyton maayos kana ba? May masakit paba sayo?” kaagad na tanong nila sa akin sabay hawak sa kamay ko at tingin sa mga binti ko kaya napangiti nalang ako sa inasal nila.
“Maayos na ako kaya pumasok na nga ako pasensya na kayo ha dahil sa akin hindi pa natuloy ang lakad natin kaya sorry talaga,” saad ko sa kanila dahil kung hindi dahil sa akin sana naging masaya ang lakad naming at hindi nauwi sa hanapan. Kaagad naman ako kinurot ni Hailey sa pisngi pero mahina lang naman at kaagad akung niyakap ng mahina.
“Ano kaba naman Kleyton ang mahalaga ay ligtas kana at kahit hindi man natuloy ang lakad natin marami pa namang oras at panahon para ituloy natin iyon at mabuti nga at hindi natuloy dahil kung natuloy tayo baka napahamak pa tayong lahat dahil sa lakas ng ulan at gumuho ang ibang bahagi ng lupa ng pupuntahan natin at baka namatay pa tayo doon,” sinabi na din naman sa akin ito ni Ivan at kahit siya naman ay nagpapasalamat din naman siya.
Marami pa silang sinabi sa akin tungkol sa mga nangyari at ng sinabi ko sa kanila ang nangyari parang si Ivan naman sila na hindi makapaniwala pero ibang naniniwala sa ganoong nilalang kaagad naman silang kinilabutan at kinabahan sa sinabi ko. Alam ko namang nakakatakot kaya ko sinabi sa kanila ang totoo iyong kung ano talaga ang nangyari sa akin. Kahit din naman ako hindi makapaniwala sa nangyari at hindi ko nga alam kung makakalimutan ko paba iyon dahil kung iisipin hindi ko talaga iyon makalimutan. Tangina lang talaga pero nakakatakot naman talaga iyon lalo pa ang sinabi sa akin ng mga tao doon.