Habang nakaupo ako sa plaza at kumakain ng ice cream hindi parin mawala ang kaba ng aking puso kasi tinawagan ko kanina si Ivan na may sasabihin ako sa kanya at hindi ko alam kung saan ako magsisimula kasi kahit ano man ang paraan ng pagsasabi ko alam kung masasaktan ko ang kaibigan ko alam kung masasaktan siya ng sobra sa oras na malaman na niya ang totoo.
Nag-usap na kami ni Rayle tungkol dito at hinayaan na niya akung gumawa ng sarili kung desisyon kung paano ko sasabihin kay Ivan alam naman niya kung gaano kahalaga sa akin si Ivan sadyang nasa maling panahon at pagkakataon niya lang ako minahal kasi ang totoo kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Kung hindi lang siguro kapatid ang tingin ko sa kanya malamang nahulog na din ako sa kanya pero naiisip ko paano nalang kapag nalaman niya na unti-unting nahulog ako sa kanya baka ito pa ang naging mitsa ng pagka-sira ng pagkakaibigan naming dalawa kaya mas okay na ang pagmamahal ko sa kanya ay hanggang kaibigan nalang pero ito din pala siya at hinayaan niyang lumalim ang pagmamahal niya sa akin.
Ano nalang ang iisipin sa akin ng kanyang pamilya na ngayon ay alam pala nilang may pagtingin sa akin si Ivan tapos sasaktan ko lang siya matapos ng lahat-lahat na ginawa nila sa akin baka isipin nila wala akung utang na loob baka magalit sila sa akin sa oras na masaktan si Ivan at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila matapos ito. Pero naman pwedeng turuan ang puso ko kung sino ang mamahalin ko.
Masyado ko namang mahal si Rayle para iwan nalang siya ng basta-basta, oo mahirap paniwalaan ang sitwasyon namin ni Rayle ngayon pero ano ang magagawa ko dahil siya lang talaga ang sinisigaw ng puso ko kagaya ng sinabi ko hindi kuna kayang magmahal pa ng ibang lalaki kagaya ng pagmamahal ko kay Rayle ngayon. Mahalaga sila sa akin sobrang halaga kaya din naman ako nasasaktan sa mga nangyayari ngayon dahil ayaw kung makitang nasasaktan si Ivan pero hindi naman pwedeng itago ko nalang ito sa kanya dahil kapag mas lalong nagtagal mas lalo lang siyang masasaktan.
Marahan akung napasandal sa sandalan habang binunbundol ng kaba ang puso ko mas lalo lang akung kinabahan ng makita kuna si Ivan na parating habang may dala pa itong milktea sa akin habang naka tuxedo siguro sa office nito ang kanyang deritso o sa office na siya ng galing kasi tuluyan na siyang umalis sa pagiging tour guide at naging ka partner na ng kompanya niya ang kompanya kung saan ako nagta-trabaho. Hanggang sa makarating si Ivan sa posisyon ko at kaagad na naupo sa aking tabi sabay bigay ng dala nitong milktea kaya kaagad ko naman itong kinuha.
“Kamusta na ang pakiramdam mo?” bungad niya sa akin at kaagad na hinipo ang noo ko at kitang-kita ko sa mga mata ni Ivan kung paano niya ako alagaan at kung paano siya mag-alala sa kalagayan ko. Bakit hindi ko pa ito nahalata noon palang dahil ito na naman siya dati sa akin sadyang manhid lang talaga ako siguro na kahit ang mga kasamahan ko sa trabaho ko nararamdaman nila pero ako na palaging kasama ni Ivan at sa ilang taon naming magkasama hindi ko manlang nahalata na may pagtingin siya sa akin sadyang nakatatak lang talaga sa utak kuna mag-kaibigan lang talaga kaming dalawa.
“Maayos na ako ikaw kamusta na ang pakiramdam mo sina Tita kamusta na?” tanong ko sa kanyang at kinuha ang kamay nitong nakahawak sa noo ko at dahan-dahan itong binaba kung noon hindi ako naiilang kapag ginaganito ako ni Ivan pero ngayon parang ang laki na ng kasalanan ko kay Rayle kapag may ibang lalaki na ang hahawak sa akin. “Pasensya nga pala noong isang araw kung napa-alis kita sadyang nagulat lang ako at hindi alam ang gagawin o sasabihin ko,” mapait na ngumiti si Ivan at kaagad na sumandal nadin ito sa sandahan at napahilamos sa kanyang mukha pero nakangiti parin siya sa akin.
“Alam mo naman na naiintindihan kita Kleyton kaya hayaan mo nalang iyon wala lang iyon sa akin talagang magugulat ka naman talaga kung ako ang nasa posisyon mo kaya ayos lang sa akin iyon,” mas lalong kumirot ang puso ko habang naririnig ang sinabi ni Ivan hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pakay kung sasabihin sa kanya dahil wala namang ibang magsasabi nito sa kanya kundi ako lang hindi ko din naman alam kung nasaan si Rayle ngayon. “Hindi ko nga alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang matagal ko ng tinatagong pagmamahal sayo hindi ko alam kung epekto ba talaga iyon ng alak o hindi ko nalang talaga kaya ang pagmamahal ko sayo at wala na akung nagawa kundi ang sabihin na sayo ang totoo,” muli akung nilingon ni Ivan sabay hawak sa kamay ko at mabilis nitong hinalikan ang likod ng kamay ko na labis ko namang ikina-gulat kasi parang hindi si Ivan na kaibigan ko ang nasa harapan ko dahil sa kanyang mga ginagawa o mga sinasabi pero naiintindihan ko naman dahil hindi kaibigan ang tingin niya sa akin ako lang ang nagulat hindi siya.
“Ivan bakit umabot sa ganito?” mahinang tanong ko sa kanya pero kaagad niya lang na pinatigil ako sa pagsasalita gamit ang kanyang daliri at kaagad naman siyang umiling sa akin ng sunod-sunod.
“Alam kung gulat na gulat ka parin pero hayaan mo lang ako na patunayan sayo na mahal na mahal kita Kleyton kasi kung magka-kaibigan lang tayo hindi ko magagawang iparamdam sayo ang pagmamahal ko sayo bilang isang babae hindi bilang isang kaibigan ,” hinaplos nito ang aking pisngi habang ako naman nag-uumpisa ng lumuha ang aking mga mata dahil alam ko ng masasaktan kuna si Ivan ng sobra-sobra. “Hindi man ngayon pero alam kung gagawin ko ang lahat-lahat maging akin ka lang,” sobrang lambing ng boses ni Ivan habang sinasabi niya ito at ang laki ng emosyon sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan kung kinuha ang kamay ni Ivan at maingat itong binaba sabay lagay ng kamay ko sa aking puso ko at doon na sabay-sabay na tumulo ang aking mga luha hindi ko alam kung bakit ako umiiyak pero mabigat din naman ito sa akin dahil sobrang lapit na ng loob ko kay Ivan tapos ito lang ang magbibigay ng gap sa aming dalawa.
“Im so sorry Ivan but I love someone else,” parang isang bombing sumabog ang mukha ni Ivan ng marinig niya ang aking sinabi na parang hindi niya akalain ang magiging sagot ko na parang hindi niya inaasahan na may mahal na akong iba at hindi niya manlang ito nalaman. Sunod-sunod parin na tumulo ang luha ko habang nakatingin kay Ivan na natulala ng tuluyan at hindi makapag-salita dahil sa sinabi ko.