Nakatingin ako sa malawak na karagatan habang dinadamdam ang sariwang hangin na nalalanghap ko dito sa isla na pinuntahan namin at ang masasabi ko ay sobrang ganda nga talaga dito at dinadayo talaga ng mga turista. Kakarating lang naming dito ni Hailey kaming dalawa lang dito at siguro next week pa kami uuwi dahil maraming naka-assign na gawain sa amin.
Hindi ko nga alam dahil para akung tanga dito na nakatulala lang habang nakatingin sa dagat dahil sa mga nangyayari sa akin o mas tamang sabihin na nangyayari sa panaginip ko, oo masaya ako dahil nakakasama ko si Rayle at marami akung nakikitang magandang tanawin at masaya ako sa lugar na iyon. May kung ano kasing bumubulong sa isip kuna alamin ang katotohanan kahit hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung ano ba dapat ang alamin ko dahil nagsimula lang naman ito sa isang panaginip kaya saan ako maghahanap ng kasagutan sa kabaliwan kusa buhay?
Malalim akung napabuntong hininga at napahawak sa nook o dahil sa mga iniisip ko bakit ba ako nagkakaganito dahil lang sa isang panaginip? Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip kung iyon na ang nangyayari sayo at wala pa akung masabihan dahil masyado na talaga akung naguguluhan. Pumasok lang ako sa trabaho ko pero iba-iba ang nasa utak ko at isa pa iyan sa problema ko. Tangina na talaga ito! Mabilis akung umupo sa buhangin hindi alintana na nasa tabi ko pa ang aking maleta at ang ibang mga gamit ko nasa likurang parte naman ako ng isla kung saan ang magiging apartment naming dito ilang linggo lang habang ang mga bisita naman ay nandoon nasa harapan ng isla kaya ayos lang kung umupo ako dito.
“Ma walang-galang napo Ma’am,” mabilis akung napabalikwas at napatingin sa kung sino man ang tumawag sa akin at kaagad na bumungad sa harapan ko ang babaeng naka short at shirt habang may hawak itong walis tambo at pamunas at ng tuluyan na akung mapatingin sa kanya kaagad itong napahawak sa kanyang mga labi na kaagad ko namang ikina-taas ng aking kilay. Kilala ba ako ng babaeng ito na parang nagulat ng makita ako at literal na nanlaki pa talaga ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. “Ikaw nga po!” hiyaw na naman nito at kaagad na umupo sa harapan ko at tinignan na naman ako kaya nailang naman ako sa kanyang ginawa.
“Excuse me,” saad ko sa kanya at medyo umurong dahil hindi ko naman siya kilala at parang makalapit sa akin parang kilala niya ako at umupo pa talaga sa harapan ko habang hindi makapaniwala ang kanyang mukha. “Kilala ko ba kayo?” tanong ko sa kanya dahil sa pagka-alala ko wala naman akung kilala na kagaya niya at hindi ko pa siya nakita kahit kalian.
“Hindi mo ako naalala?” mas lalo naman akung napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito dahil hindi ko naman talaga siya kilala at hindi ko pa siya nakita. “Ikaw ba ang babaeng natulog ng tatlong araw doon sa mansion ng San Nicholas?” kaagad naman na naging seryoso ang mukha ko ng marinig ang sinabi nito dahil kaagad na bumalik sa utak ko ang nangyari sa akin sa San Nicholas kung saan hindi kuna iyon inisip kahit kalian at kinalimutan ko nalang iyon tapos sinabi niya pa sa akin.
Naaalala pa pala ako ng babaeng ito na siya nga hindi kuna maalala at wala naman akung matandaan na nakita kuna siya sa kung saan. Tinignan ako na parang nagdududa na parang may hinahanap sa katawan ko at para naman akung nailang na hindi ko alam dahil kapag tumingin ka sa kanyang mga mata parang iba talaga at mukhang may ibig-itong ipahiwatig sa akin.
“Oo, ako ang babaeng iyon bakit mo naman natanong at bakit ka nandito?” sunod-sunod kung tanong ko sa kanya na kaagad naman niyang ikina-buntong hininga sa akin. “Kinalimutan kuna ang pangyayaring iyon kaya huwag mo ng ipaalala sa akin dahil hindi naman ako intersado sa mansion na iyon masaya na ako na may tumulong sa akin upang makaligtas ng gabing iyon kaya huwag ka ng magsalita,” hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil narin siguro sa marami akung iniisip at kapag pinansin ko pa siya mas lalong magugulo lang ang utak ko.
“Paano na hindi ako lumapit sayo dahil tiyahin ko ang babaeng nagwala doon ng makita ka nilang nakalabas ng mansion dahil ikaw lang naman ang kauna-unahang tao na pumasok doon at nakalabas ng buhay hanggang ngayon,” hindi ko alam kung ano ang iisipin ko kanya matapos niya itong sabihin dahil bumalik na naman sa utak ko ang kaguluhan na nangyari doon sa lumang mansion na iyon.
“Ano ba kasi ang mansion na iyon at ang lakas talaga ng habol niyo sa akin dahil buhay akung nakalabas doon bakit dapat ba patay ako kapag lumabas ako doon?” mabilis kung tanong sa kanya dahil mas lalo lang talaga akung maguguluhan kapag iniisip ko ang kanyang mga sinabi. Biglang napangiti ng mapait ang babae sa akin at umayos ng upo sabay lapag ng hawak nitong walis at tumingin nadin ito sa dagat.
“Ang mansion na iyon ay pinaniniwalaan na may nakatirang multo kung saan libong taon na ang nagdaan at hanggang ngayon hindi parin ito natatahimik dahil sinumpa ito noong unang panahon at ang reyna lang nito ang tanging makakapag-palaya sa kanya upang tuluyan na itong matahimik,” hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanyang sinabi pero napukaw nito ang damdamin ko at mas pinili nalang na making sa kanya. “Ang tiyahin ko iyong nagwala sa San Nicholas ay may anak na pumasok sa mansion na iyon at hindi na nakalabas ng buhay hanggang sa hindi na namin siya makita at marami pa ang nawala sa mansion na iyon ang iba ay mga turista at ang iba naman ay ang mga magnanakaw kaya laking gulat naming ng makalabas ka doon ng buhay,” kaagad itong pumulot ng maliit na bato at binato sa dagat habang malayo ang kanyang tingin.
“Ang sabi pa noon ng mga ninuno namin sobrang nakakahumaling ang mukha ng multong iyon na kahit sinong babae ay mahuhulog ang loob sa kanya dahil sa taglay nitong kakisigan at gwapong mukha na kahit sino ay mapapatitig at matutulala sa kanya at walang kapantay ang taglay nitong kagwapuhan,” biglang pumasok sa utak ko si Rayle kung saan para sa akin wala ding kapantay ang mukha nito na kahit sino ay mahuhumaling sa kanya.
“Akala ko ba multo pero bakit parang isang prinsipe naman kung ilarawan mo siya sa akin,” doon naman tumango sa akin ang babae at ngumiti habang napapailing na hindi ko alam. “Kung multo sana siya dapat pangit ang mukha nito o maraming dugo sa katawan para matakot ang mga tao pero parang mahuhumaling naman sila,” dagdag ko pa na mas lalong ikinatawa naman sa akin ng babae.
“Ang sabi pa sa akin noon ng matanda sa amin sa baryo ang multo daw sa mansion ay isang Hari noong naunang panahon at marami ang nahuhumaling sa kanya pero wala itong piniling reyna,” hindi ko alam kung makikinig pa ako sa babaeng ito dahil pakiramdam ko mas lalo lang niyang pinagulo ang utak ko dahil sa kanyang sinabi na hindi ko naman maintindihan. “Ang buong mansion ay humahalimuyak ng rosas kapag sumasapit ang gabi at kusa nalang umiilaw ang mga kandila doon at hindi namamatay ang mga rosas doon at kahit isa walang makakakuha dahil pinaniniwalaan na ang rosas na iyon ay para lamang sa kanyang reyna na matagal na niyang hinihintay ang reyna na magpapalaya sa kanya at mamahalin niya ng buong-buo,” parang kumirot ang puso ko habang narinig ang sinabi nitong rosas na humahalimuyak ng bango at kaagad na bumalik sa utak ko ang rosas sa palasyo ni Rayle na kung saan naunuot sa ilong ang bango nito na kahit sino naman ay mahuhumaling.
“Alam mo ba kung ano ang pangalan ng sinabi mong multo sa mansion na iyon?” mabilis kung tanong sa kanya na hindi ko naman alam kung bakit ito ang nasabi ko basta bigla ko nalang itong nasambit habang kumakabog ng mabilis ang puso ko at nababalot ng kaba. Kaagad na tumingin sa akin ang babae at sunod-sunod na umiling ito kaya kaagad naman akung napabuntong hininga ng malalim dahil parang may kung ano sa puso at isipan kuna kailangan kung malaman kasi malakas ang pakiramdam kuna may kulang sa akin na hindi ko alam at kailangan kung tuklasin.
“Walang nakakaalam sa pangalan niya pero ang alam ng lahat ay ang reyna lang nito ang kanyang kahinaan na hanggang nagyon hinihintay parin niya,” nanatili akung tahimik habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “Iniisip ng mga tao doon sa San Nicholas na ikaw ang reyna niya kaya hindi ka niya pinatay dahil simula ng umalis ka ng San Nicholas hindi na nakitang umilaw ang mansion at wala narin silang narinig na kahit anong tunog o ingay na galing sa mansion kaya umaasa sila na sinundan kana niya,” dahil sa kanyang sinabi biglang nanindig ang balahibo ko at kakaibang kaba ang bumalot sa puso ko habang naginginig ang kamay ko. Tinignan ako ng babae habang may kung anong emosyon sa kanyang mga mata. “Kaya nagulat talaga ako ng makita kita dito at mukhang maayos naman ang sitwasyon mo at walang nangyaring masama sayo akala kasi naming kung ano na ang ginawa sayo lalo pa at malaki ang tiwala naming na ikaw talaga ang kanyang reyna,” kaagad naman na nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi dahil napaka imposible naman kasi talaga at hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi.
Pero parang isang sampal sa akin ang nangyari ng bumalik sa utak ko ang ikinuwento sa akin ni Lola noon at para akung tanga na muling napatingin sa babae dahil nakatingin parin ito sa akin pero ang nasa isip ko ay ang mga kwento sa akin dati ni Lola at walang pinag-kaiba sa sinabi sa akin ng babae at para akung tanga na inalala kung paano hawakan ni Lola ang pisngi ko noon habang nakangiti at sabihin sa akin na isa akung mabuting bata at malakas ako para harapin ang mga problema ko.
“Ayos lang naman ako at walang masamang nangyari sa akin,” mahina kung sagot sa kanya pero ang totoo kinakabahan na ako lalo pa at ang nasa isip ko ay ang panaginip ko kay Rayle na kahit ako hindi ko maipaliwanag at wala akung balak na ipagsabi kahit kanino ang nangyayari sa akin ayaw kung iba ang isipin nila. Masyado pang magulo ang buong utak ko at marami akung tanong na kailangan kung mahanapan ng sagot at solusyon. “Salamat sa oras mo aalis na ko,” hindi kuna hinintay ang kanyang sagot at mabilis na akung umalis at dinala ang aking mga gamit upang puntahan si Hailey upang sabihin sa kanya na tawagan niya ang agency na magpadala ng bagong kapalit ko dito dahil may kailangan akung ayusin. Hindi pwedeng tatanga nalang ako dito na walang ginagawa lalo pa at marami na akung hindi naiintindihan sa buhay ko.