Habang nakatinign ako sa mga maletang nakahilera sa kwarto ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko para sa pupuntahan naming isla paano ba naman dalawang linggo kami doon kasama ko si Hailey dalawa lang kami doon. Kanina lang ako nakauwi mula kina Ivan dahil may pasok pa kami kanina at ngayong gabi niya lang ako hinatid dito sabi nga sa akin ni Tita Aly doon nalang sana muna daw ako kahit ilang linggo lang pero hindi naman ako pumayag dahil nga may trabaho pa ako at gusto ko ng makita si Rayle. Hindi ko nga alam kung mapapanaginipan ko pa si Rayle sana nga dahil gusto kuna ulit makita ang mukha ni Rayle lalong-lalo na ang kanyang mga ngiti.
Hindi ko alam kung matutulog ba ako o hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko paano nalang kung hindi ako managinip kay Rayle paano kung iyon na ang huling pagkakataon na makikita at makakasama ko si Rayle? Biglang sumikip ang puso ko sa iniisip ko kuna hindi kuna makikita si Rayle at dahan-dahan akung umupo sa kama ko at lakas loob na humiga doon habang binabalot ng lamig ang buong katawan ko. Kinuha ko ang aking kumot at nagtago doon habang nakatingin sa kadiliman ng buong silid ko. Pinilit ko ang sarili kuna pumikit hanggang sa tuluyan na naman akung nilamon ng antok habnag binabalot ng kaba nag buong puso ko. Ang antok ko kasi hindi ko napipigilan at kahit anong gawin ko hindi ko talaga napipigilan ang antok ko.
Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa saya o matutuwa nasa pagdilat ng mga mata ko ay ang magandang palasyo na kaagad ang bumungad sa akin at ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak. Kaagad kung inilibot ang tingin ko sa buong paligid dahil alam ng puso at isip ko kung sino ang hinahanap ko walang iba kundi si Rayle.
Humakbang ako hanggang sa makapunta ako sa harden ng palasyo at sinubukan kung tumingin doon sa duyan pero wala namang tao doon wala naman si Rayle doon kaya nagsimula na namang kumabog ng malakas ang puso ko dahil kung ano-anong negative na iniisip ang pumapasok sa utak ko.
“Rayle!” malakas kung sigaw sa buong paligid habang inililibot ang tingin ko pero wala naman akung makita na bakas ni Rayle. “Rayle nasaan ka!” sigaw kuna naman habang naglalakad ako at mabilis na pumasok sa palasyo at doon napatingin na naman ako sa moonrise na bulaklak na sinasabi ni Rayle pero wala doon ang atensiyon ko kundi sa hagdan na sobrang taas at mabilis naman akung umakyat doon hindi alintana anng taas ng hagdan na umiikot sa palasyo.
Habang naglalakad ako paakyat sa hagdan biglang binalot ng kaba ang buong puso ko habang papalapit na ako sa mataas na bahagi ng hagdan kung saan isang silid ang sumalubong sa akin pero malaki naman ang itaas nito at may hagdan pa ulit dito na maghahatid na naman sayo sa mataas na bahagi ng palasyo at ng makita ko ang silid na iyon parang may kung ano sa puso kuna humihila sa akin palapit doon.
Hanggang sa tuluyan na akung makalapit doon at akmang pipihitin kuna ang doorknob ng may bigla nalang yumakap sa akin mula sa likod kaya mabilis kaung natulos sa kinatatayuan ko at kumabog na naman ng malakas ang puso ko at amoy palang ng nakayakap sa akin alam na alam kuna.
“Tinatawag mo ba ako?” isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang dinadamdam ang yakap ni Rayle sa akin na mas lalong humihigpit at nakalagay pasa balikat ko ang kanyang ulo habang marahan na hinalikan ang balikat ko. Hinawakan ko ang kamay nitong nakayakap sa beywang ko habang marahan ko itong hinahaplos.
“Rayle?” nakangiting tawag ko ulit sa kanya kahit alam kung si Rayle nga talaga ito pero gusto ko lang talaga banggitin ang kanyang pangalan kasi pakiramdam ko ang gaan-gaan ng damdamin ko habang binabanggit ang kanyang pangalan.
“Yes its me,” mabilis akung pinaharap ni Rayle sa kanya habang hindi mawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi. “Hinintay naman talaga kita at kanina pa kita natatanaw sa ilalim pero kasi ang sarap lang pakinggan na tinatawag mo ako habang binabanggit ang pangalan ko,” mas lalo akung napangiti sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko akalain na makikita ko ulit si Rayle kasi sino ba naman ang hindi kabahan dahil panaginip lang naman ito at anytime pwedeng mawala nalang bigla na parang bula ang lahat ng ito nasa isang kisap mata mawala na lahat at maiiwan ako na hindi alam ang gagawin dahil sa panaginip lang hinayaan ko ang sarili kuna mapalapit sa kanya. Kahit ano naman kasi magagawa sa panaginip mo kahit itong sa akin hindi ko lang alam na kung bakit ganito at kung bakit parang totoo na ang lahat.
“Na miss ko ang lugar na ito,” saad ko kay Rayle at inilibot na naman ang tingin ko sa buong paligid kaya si Rayle ay napatingin sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Kaagad namang nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa pero ng mapatingin ako sa mga mata ni Rayle para na naman akung hinihila at natutunaw sa kanyang mga paningin na hindi ko alam. May kung ano sa mga mata ni Rayle na gustong-gusto ko ito nasa kada titig ko sa kanya nahuhumaling ako. Tangina na talaga ano na itong nararamdaman ko.
“Ako hindi mo ba ako na miss?” napatingin na naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito pero isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago ako inakbayan. “Gusto mo ilibot kita dito sa loob ng palasyo?” kaagad na saad niya sa akin at mas lalong nilapit ang katawan niya sa akin. Napaisip naman ako sa kanyang sinabi at tumingin sa buong paligid at kaagad na tumango sa kanya dahil ako naman gusto kung libutin ang buong palasyo na ito ng malaman ko kung ano ba talaga ang mga nasa loob nito.
“Ilibot mo nalang ako marami kapang sinasabi sa kain,” sagot ko sa kanya na kaagad naman niyang ikinatawa at dahan-dahan akung hinawakan sa kamay at dinala niya ako sa malawak na hallway kung saan maraming painting ng mga bulaklak habang may nakatalikod na babae dito at kumukuha ng mga bulaklak habang ang iba naman ay hinahawakan niya ito pero bakit parang pamilyar sa akin ang likod ng babae na parang nakita kuna ito. Sobrang galing naman ng gumawa nito dahil parang totoo na akala mo talagang ikinuhit niya ito habang nakatalikod talaga ang babae. “Sino ang gumawa nito?” tanong ko kay Rayle ng makuha ng atensiyon ko ang isang painting kung saan nakaupo ang babae sa duyan habang yakap-yakap ang isang kapa pero hindi kita ang kanyang mukha dahil ng tumama ang mata ko sa painting kaagad na sumikip ang puso ko na parang nasasaktan ako habang nakatingin sa litrato.
“Nandito na ang mga painting na iyan at hindi ko alam kung sino ang gumawa niyan,” rinig kung sagot sa akin ni Rayle habang ako naman ay dahan-dahan na hinawakan ang painting na iyon at kung may ano akung nararamdaman sa puso kuna kirot at sakit na parang gusto kung umiyak pero kaagad akung umiwas ng tingin sa painting at kinuha ang kamay ko dahil kung ano-ano na ang nararamdaman ko malamang Kleyton panaginip lang ito at lahat possible dito. Gawa-gawa lang ito ng imahinasiyon ko at kahit anong gawin ko dito pwede dahil panaginip lang ito.
“Maganda,” nakangiting sagot k okay Rayle at tumabi na naman sa kanya habang nililingon ko pa ang painting na iyon. “Maganda ang painting pero hindi ko naman maipaliwanag kung ano ang painting na iyan pero para sa akin parang ang sakit naman sa puso ng painting na iyan,” kaagad na napabuntong hininga si Rayle at hinawakan na naman ang kamay ko at walang sabi-sabi na hinila na ako paalis doon kaya wala na akung nagawa kundi ang sundan nalang siya. Tinignan ko si Rayle habang naglalakad ito na hila-hila ako at ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Panaginip ko lang ba talaga ito? Kung panaginip ko lang ito sana hindi ako nakakaramdam ng sakit o kahit anong damdamin dahil panaginip ko lang naman kung baga gawa-gawa lang ng aking imahinasyon.
“Kalimutan mo nalang ang nakita mo painting lang naman iyon,” biglang saad ni Rayle at pumasok kami sa isang silid at doon ko nakita ang isang malaking kurtina kung saan may mga petals ng rose sa buong silid na kulay pula at ang lahat ng kulay na nandito sa loob ng silid ay kulay pula. Napatingin ako kay Rayle ng dahan-dahan nitong hinila ang kurtina at doon bumungad sa akin ang isang malaking glass kung saan punong-puno ito ng itim na paru-paro kaya mabilis akung napaurong habang nakatingin doon, oo maganda ang mga paru-paro pero kapag nakakita ka ng itim na paru-paro at sobrang rami nila hindi ko alam kung ano ang gagawin mo. Nakakatakot silang tignan lalo pa at punong-puno ang glass na iyon dahan-dahan akung napatingin kay Rayle na nakatingin doon sa mga paru-paro at mapait na napangiti.
Punong-puno ng misteryo ang buong palasyo na ito na kahit ang may-ari ay puno din ng misteryo iyong tipo na marami akung sinabi sa kanya tungkol sa buhay ko na halos sabihin kuna lahat sa kanya pero siya walang binanggit sa akin ano paba ang aasahan ko sa isang panaginip? Isa lang naman akung baliw o tanga na nagiging masaya dahil sa panaginip na ito alam ko namang ang babaw ng kasiyahan ko dahil sa panaginip lang naging masaya na ako pero para sa akin sobrang saya ang nabibigay sa akin iyong tipo na palagi kuna itong naiisip at naging parte na ng araw ko si Rayle dahil palagi nalang akung inaantok at wala akung ibang gusting gawin kundi ang matulog nalang ng matulog dahil sa gusto kung makasama si Rayle nasa tanging panaginip ko nalang makikita.
“Are you afraid,” marahan nitong tanong sa akin at dahan-dahan na nilapitan naman ako at hinawakan ang kamay ko. “Ilang libong taon na sila diyan at hanggang ngayon hindi pa sila nakakalabas hanggat hindi dumating ang araw nila na makalabas,” kaagad na napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi dahil kahit ako naman ay naguguluhan sa kanya. “Kapag dumating ang araw na iyon kusa nalang mababasag ang kinalalagyan nila at tatapusin kung ano man ang naka-atas na gawain para sa kanila kagaya ng mga rosas na nasa silid na ito mawawala nadin sila,” mas lalo naman akung naguluhan sa sinabi ni Rayle kaya inikot ko ang tingin ko sa buong paligid at doon napunta ang paningin ko sa kama kung saan punong-puno ng rosas ito at humahalimuyak ang bango.
“Ano ang meron sa paru-paro at petals ng mga rose na ito Rayle? Bakit libong taon na ang mga paru-paro na iyan hindi ba sila namamatay at hindi manlang nalalanta ang mga rosas na ito na kahit ang bango nila ay nandito parin,” tanong ko kay Rayle habang hindi mawala ang kunot ng aking mga noo. Hindi muna nga maintindihan ang panaginip mo mas lalong hindi muna maintindihan ang kaguluhan sa panaginip muna kahit ako naguguluhan narin at hindi alam kung ano naba ang nangyayari.
Tinignan ako ni Rayle at ngumit na naman sa akin at hinawakan ako sa pisngi habang punong-puno ng emosiyon ang kanyang mga mata na hindi ko alam pakiramdam ko may tinatago si Rayle na kailangan kung malaman o dapat kung alamin na hindi niya alam. May kung ano kasing umuutos sa akin na alamin kung ano ba talaga ang nangyayari dahil alam kung may hindi na tama iyong pakiramdam na may kailangan kang tapusin o may nakalaan sayong gawain pero nakalimutan mo lang at hindi muna alam kung ano iyong parang may kulang sayo na kailangan ma punan.
Habang nakatingin ako sa mga mata ni Rayle may sinasabi ito na dapat ako mismo ang umalam o ako dapat ang tumuklas nito pero sinisigaw naman ng kabilang utak kuna panaginip lang ang lahat ng ito at ang kailangan kung gawin ay ang gumising nalang at mawawala na ang lahat ng problema na ito pero hindi naman ako magigising dahil pakiramdam ko din may tamang oras kung kalian dapat ako magigising iyong tipo na parang nasa kabilang buhay ka at may oras ka lang at babalik kana naman sa kabilang mundo. Hinimas ni Rayle ang pisngi ko habang hindi nawawala ang tingin niya sa akin pero laking gulat ko ng bigla niya akung niyakap ng mahigpit.
“Gusto kung ibigay sayo ang lahat-lahat ng oras na meron ako iyong tipo na kahit sarili ko ibibigay ko nalang pero hindi ko naman hawak ang buhay mo at higit sa lahat wala akung karapatan sa buhay na meron ka ano lang ba ako? Masaya at kuntento na ako na nandito ka at nakakasama ko kahit sa kaunting panahon lang pero hindi naman siguro masama ang humangad ng sobra diba? Gusto ko lang naman makasama ka ng mas matagal kahit sa kaunting panahon na meron ako ikaw nalang ang meron ako ngayon sayo nalang umiikot ang mundo ko at sa bawat araw na dumadaan mas lalong binabalot ng kaba ang buong puso ko dahil habang tumatagal mas lalo na akung napapalapit sayo hindi lang ako kundi pati narin ang puso ko,” napatakip ako sa aking mga labi ng marinig ang sinabi ni Rayle dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya ang mga salitang iyon na kahit ako ay hindi makapaniwala at doon parang sinampal ako ng katotohanan na baka totoo nga si Rayle at hindi ko lang nahalata dahil naniniwala ako na panaginip ko lang ito.
“Rayle hindi kita maintindihan iyong tipo na naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo dahil buong akala ko panaginip lang ang lahat ng ito dahil iyon naman talaga at naniniwala ako na gawa-gawa lang ito ng utak ko kaya bakit mo iyan nasabi Rayle?” sunod-sunod kung tanong sa kanya habang pilit na umaalis sa yakap ni Rayle pero hindi naman niya ako hinahayaan at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa akin.
“Alam kung maguguluhan ka talaga dahil sa mga nakikita at nararamdaman mo pero huwag mo nalang pansinin at sa akin ka nalang tumingin,” biglang kumalas sa pagkakayakap ko si Rayle at tinignan na naman ako sa mga mata habang punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata. “Isipin mo nalang na palagi akung nasa tabi mo at kahit ano man ang mga mangyayari palagi mong iisipin na ikaw parin ang pipiliin ko at sayo parin ako babalik dahil ikaw ang kaligayahan ko, after all you are my greatest kryptonite,” hindi ko alam kung iiyak ba ako dahil sa mga sinasabi ni Rayle dahil puso kuna mismo ang nagpaparamdam sa akin na totoo si Rayle at hindi ko lang siya sa panaginip makikita at mararamdaman dahil totoo siya pero dito lang kami sa panaginip ko nagkikita na hindi ko alam kung paano! Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito hindi ko alam kung ang sasabihin ko sa kanya dahil muli kuna namang naalala ang kanyang sinabi sa akin noon at para na naman akung sinampal ng katotohanan dahil ang mga sinabi sa akin noon ni Rayle ay hindi basta-basta masasabi lang sa panaginip. Dahan-dahan kung kinuha ang kamay ni Rayle na nakahawak sa akin at dahan-dahan na lumapit sa glass na iyon at nilagay ang kamay ko kung saan mabilis na nagulo ang mga paru-paro kahit nga nasa labas ng glass ang kamay ko nagkukumahog sila sa loob.
“Talagang naguguluhan na ako Rayle na hindi kuna alam kung saan na ako maniniwala iyong tipong hindi kuna alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko sayo dahil ano ba talaga ang nangyayari bakit ganito? Hindi dahil sigurado ako na panaginip lang ang lahat ng ito nasa oras na magising ako tapos na ang lahat at babalik na ako sa totoong mundo alam akung pinagugulo lang ng panaginip na ito ang isip ko at kapag maniwala ako alam kung ako ang mag-mumukhang baliw at tanga nito,” mabilis na lumapit naman sa akin si Rayle at walang alinlangan na naman ako nitong niyakap ng mahigpit kaya wala na akung nagawa at niyakap nadin ito ng mahigpit dahil kahit ako hindi kuna din alam ang nangyayari basta masaya lang ako.
“Kalimutan mo nalang iyon ang mahalaga masaya ka at nandito kana,” saad nito sa akin habang yakap-yakap ko siya kaya napabuntong hininga nalang ako dahil kahit ako ayaw kuna din iyong isipin dahil nakakasakit ng ulo siguro may panahon talaga na malalaman ko iyon pero alam ko sa utak kuna hindi ko lang basta-basta makikila si Rayle sa panaginip ko alam kung may pinagmulan ang lahat ng ito at iyon ang aalamin ko at hindi ko sasabihin sa kanya kailangan kung malaman kung ano ito susuukan kung humanap ng impormasyon dahil alam kung may puno’t dulo ang lahat ng ito na kailangan kung malaman kung ayaw man sabihin sa akin ni Rayle ako ang aalam. “Lumabas na tayo alam kung magugustuhan mo ang sunod kung ipapakita sayo,” kaagad naman akung tumango kay Rayle at hindi na ako nagtanong kung bakit niya ako dinala dito sa silid na ito dahil alam kung wala naman siyang sasabihin sa akin. Kagaya ng inisip ko kanina alam kung punong-puno ng misteryo ang buong lugar na ito na pilit itinatago ni Rayle at iyon ang aalamin ko hanggang sa tuluyan na akung malinawan.
Hinayaan ko si Rayle na hilahin ako pababa ng hagdan habang nakatingin ako sa kanyang kamay at may kakaibang saya akung naramdaman sa puso ko at hindi naman ako ganon kabobo para hindi mahalata ang sariling damdamin kuna unti-unting nahuhulog na ang loob kusa kanya at iyon ang hindi pwede. Panaginip lang ang lahat ng ito!