Chapter 16

2245 Words
Ng tuluyan na akung makababa sa bus dala-dala ang aking maleta napatingin ako sa malawak at matataas na bukid ng San Nicholas malapit isang araw din ang naging byahe ko hanggang sa makabalik ako dito dahil malakas ang pakiramdam kuna dito ako makakahanap ng sagot sa mga katanungan na nabubuo sa isipan ko at wala naman akung mahahanapan ng sagot kundi dito lang total pakiramdam ko dito naman talaga nagsimula ang lahat-lahat. Iniwan ko ang trabaho ko para lang bumalik dito at hanapin mismo ang sagot sa mga katanungan na nandito sa isipan ko ng matahimik na ako dahil gulong-gulo na ako lalo nasa panaginip ko dahil nagsimula lang ang lahat ng ito simula ng makapasok ako sa mansion na iyon at ang ipinag-tataka ko ay ang lalaking nakita ko bago ako mawalan ng malay lalo na ang yapak ng kanyang mga paa na nakikita ko kay Rayle at ang mga rosas na bulaklak at ang mga sinasabi na salita sa akin ni Rayle. Dahan-dahan akung humakbang papasok sa parang isang bundok habang may mga sikad na nakatambay sa parang isang hintayin at kaagad na napatingin sila sa akin habang nanlalaki ang kanilang mga mata at iisipin kung kilala na nila ako lalo pa at nakilala na ako dito dahil tatlong araw ako sa mansion na iyon. Gusto ko ding alamin ang tungkol sa mansion na iyon kung bakit ganito nalang ang tingin sa akin ng mga tao at kung pwedeng pasukin ko ulit ang mansion na iyon gagawin ko at hindi ako natatakot dahil alam kung makakalabas ako basta iyon ang pakiramdam ko. “Magandang araw po sa inyo,” bati ko sa mga sikad driver na ngayon ay nakatingin sa akin habang nanlalaki ang kanilang mga mata at mukhang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin ang iba sa kanila ay namukhaan ko noong nagwala ang babae ang iba sa kanila ay nakita kuna. Simple lang ang buhay nila dito hindi kagaya sa siyudad na sobrang hirap at sa bawat galaw mo pera ang kailangan mo pero dito kapag may mga pananim kasa paligid hindi muna kailangan ang pumunta pasa palengke. “Kung tama ako iha ikaw ba ang babaeng tatlong araw na natulog sa mansion?” sabi kuna ngaba kilala ako dito bilang ganon wala naman akung magagawa doon dahil ito ang kanilang paniniwala dito. “Bakit ka napadalaw dito iha o mas tamang sabihin bakit ka bumalik dito?” mapait akung napangiti sa kanila at napatingin sa matataas na bukid ng San Nicholas paano ako hindi babalik dito kung nandito ang sagot na hinahanap ko at kung dito ako malinawan sa mga nangyayari sa akin. Mas lalo lang akung na curios lalo na at na kwento na pala sa akin ito ni Lola dati sadyang nakalimutan ko lang at hindi ko alam kung ano na iyon lalo pa at bata pa ako ng mga panahong iyon at nakalimutan ko nalang iyon lalo na ng mawala ang buong pamilya ko at naiwan akung mag-isa. “Opo ako po ang babaeng iyon at bumalik talaga ako dito para balikan ang mansion na iyon upang masagot ang mga tanong na nasa utak ko dahil simula ng lumabas ako sa mansion na iyon marami na ang nangyari sa akin na hindi ko maintindihan,” mas lalong nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa sinabi ko at mabilis na hinawakan ng isang lalaki ang kamay ko pero mabilis niya din naman ito binitiwan. “Kasama mo ba siya ngayon iha? Nakita muna ba siya? Sinaktan kaba niya?” sunod-sunod nitong tanong sa akin kaya kaagad naman akung napailing sa kanya at tumingin sa likuran ko pero wala naman akung nakikita na may kasama ako. “Nararamdaman kung nakabantay siya sayo palagi,” kaagad namang nanindig ang balahibo ko dahil sa kanyang sinabi habang ang mga tao naman sa paligid namin ay hindi mawala ang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. Naguguluhan naman akung napatingin sa lalaki at mas lalong napakunot ang kilay ko paano ba naman parang tinatakot lang niya ako. “Tama ang kanyang sinasabi iha isa siyang albularyo at palaging tama ang kanyang sinasabi,” mabilis naman akung napalunok ng marinig ang sinabi ng isa sa kanila at tumango nalang sa matanda at ngumiti. “Ako na ang maghahatid sayo sa gitnang parte ng San Nicholas kung saan ang mansion,” tumango na naman ako sa mga driver na nandito at kaagad na nilagay sa loob ng sikad ang maleta ko at umupo doon habang hindi mawala ang tingin nila sa akin. Talagang natatakot o kinakabahan ako kapag may malapit na albularyo sa akin dahil nakikita nila ang hindi mo nakikita at nakakatakot ang kanilang mga sinasabi kagaya nalang kanina. Paano nalang kapag sa sementeryo pumunta ang mga albularyo malamang marami silang makikita at baka sundan pa sila ng mga patay. Matanda na ako para diyan pero kahit paano may takot padin naman ako sa katawan kung tungkol sa mga multo. “Manong may nararamdaman parin po ba ang bayan niyo doon sa mansion?” magalang kung tanong kay Manong habang buong lakas itong nagsisikad ng kanyang bisiklita. Kaagad namang napaisip ang matanda sa sinabi ko at kaagad namang umiling. “Simula ng mapadpad ka dito iha at pumasok sa mansion na iyon at nakauwi kana sa siyudad wala na kaming naramdaman na kakaiba sa mansion at hindi na din ito umiilaw kung gabi at hindi nadin malinis ang paligid ng mansion kaya inisip namin na ikaw ang hinihintay ng multong nakatira sa mansion,” mapait naman akung napangiti sa sinabi ni Manong dahil kahit maka-ilang beses kuna itong narinig malaki parin ang parte na nasa puso kuna huwag maniwala nalang basta-basta-basta sa mga sinasabi nila. “Mukhang nagkakamali po kayo Manong baka kathang isip lang ang multong iyon,” saad ko pero napatawa naman si Manong sa akin habang tuloy parin siya sa kanyang ginagawa. Ang hirap nga maniwala pero ang lintik kung puso ang tumutulak sa akin dito na kahit ang utak ko ay nakikisama nadin sa puso ko. “Alam kung mahirap maniwala sa mga hindi nakikita ng mata iha pero kung minsan ang totoo ay ang hindi nakikita ng iyong mga mata ,” para naman akung sinampal ng pangalawang beses sa sinabi ni Manong dahil si Rayle na naman ang pumasok sa utak ko at ang lahat-lahat na ginawa niya higit sa lahat ay ang kanyang sinabi sa akin. “Kung hindi ka naniniwala sa lahat ng ito pero bakit ka bumalik dito upang maghanap ng sagot? Bakit ka nandito kung hindi ka naniniwala?” para na naman akung sinampal ng ikatatlong beses dahil sa sinabi ni Manong dahil kahit saan tignan tama ang kanyang sinabi sa akin. Kung hindi ako naniniwala sa lahat ng ito bakit ako nandito at bakit ako maghahanap ng sagot dito? Iniwan ko ang trabaho ko para lang dito at sa panaginip kuna kahit ako hindi kuna maintindihan at higit sa lahat ay si Rayle na hindi ko kilala hindi ko nga alam kung ano siya at kung saan ba siya galing na parang inaabangan niya talaga ako at alam niyang magkikita pa kami ulit na parang alam na niya ang mga mangyayari. “Hindi naman ako dito magtatagal Manong,” wala na akung makalap na sagot sa kanya kaya iyon nalang ang lumabas sa mga labi ko at hindi na ako muling sumagot pa dahil alam kung may punto naman si Manong at kahit saan tignan mukhang may katutuhanan naman ang kanilang sinabi pero hindi lang ako naniniwala at pilit na pinaniniwala ang sarili kuna hindi totoo ang lahat ng ito at kung mapapatunayan ko lang na walang katuturan ito doon palang magiging tahimik ang buong utak ko. “Nandito na tayo iha mag-iingat ka ha,” mabilis na bumaba si Manong sa kanyang sikad at kinuha ang maleta ko at siya na mismo ang bumaba nito habang ako naman ay kumuha ng limang daan sa wallet ko at kaagad na binigay sa kanya na ikina-laki naman ng mga mata nito. “Masyadong malaki ito iha bente pesos lang ang pamasahi dito,” mabilis nitong binalik sa akin ang pera na binigay ko pero hindi kunai to tinanggap at binigay sa kanya. “Ayos lang ho umuwi napo kayo at bumili ng ulam niyo para sa mga anak niyo,’’ nakangiting sagot ko sa kanya sabay libot ng tingin ko sa buong paligid at doon nakita kuna naman ang mga bahay na yari sa kahoy habang ang mga tao sa paligid ay napapatingin sa akin at nanlalaki ang kanilang mga mata. Ngumiti ako kay Manong at kaagad naman itong nagpasamata sa akin bago umalis habang may ngiti sa kanyang mga labi. Hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko si Manong at naiwan na ako dito kaya napatingin na ako sa mga tao sa paligid na nagsilabasan sa kanilang mga bahay upang tignan ako at ako naman ay dahan-dahan na napatingin sa mansion na nasa dulo na tanging itaas lang nito ang nakikita ko pero kaagad ng kumabog ng malakas ng malakas ang puso ko. Mabilis akung lumapit sa isang babae na may hawak na walis at kaagad na ngumiti dito. “Magandang araw po,” kaagad kung bati sa babae kaya mabilis naman itong napangiti sa akin. “Magandang araw din sayo iha,” sagot nito sa akin sabay tingin sa mga dala ko. “Mukhang marami ka atang dala na gamit iha palano mo bang manatili dito?” kaagad niyang tanong kaya napatingin naman ako sa maleta ko kung saan mga damit ko sana habang nasa trabaho ako. “Galing po kasi ako sa trabaho kaya marami akung dala magtatanong po sana ako kung saan po ang pwedeng upahan dito kahit isang gabi lang,” kaagad namang napakunot ang kanyang noo ng sabihin ko iyon at napatingin sa kanyang paligid kung saan nasa amin na ang atensiyon ng buong tawa nakakailang sana pero tiniis ko nalang at hinayaan sila. “Iha ikaw ba ang babaeng nakalabas sa mansion makalipas ang tatlong araw?” tanong nito sa akin kaya kaagad naman akung napatango sa kanya at kaagad na bumakat sa kanyang mukha ang takot pero kaagad naman itong nawala at mapait na ngumiti sa akin. Bakit parang takot na takot na sila ng malaman nilang ako ang babaeng nakalabas sa mansion makalipas ang tatlong araw. “May alam po ba kayo? Handa naman po akung magbayad kahit magkano,” magalang na sagot ko sa kanya. “Kahit hanggang bukas lang po ayos lang sa akin,” mahirap na magtagal dito sigurado ako na malalaman ni Ivan ang ginawa ko baka magalit iyon sa akin lalo na at kalagayan kuna ang nakasalalay dito. Tinignan niya ang ibang tao na nakatingin sa amin habang bakas parin ang takot sa kanyang mukha at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “Pasensya kana iha pero wala kang matutuluyan dito at baka kung ano ang mangyari sa amin kung lalapit kami sayo,” literal na nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi lalo na ng sinabi niya na baka may mang-yari sa kanila kung lumapit sila sa akin parang wala naman akung naintindihan at naguguluhan ako sa kanilang sinabi. “Ano ho? May problema po ba?” tanong ko sa kanila at kaagad naman na napabuntong hininga ang babae sa akin at hinawakan ang kamay ko ng marahan. “May kailangan lang naman po akung hanapin dito at hanggang bukas lang ako dito,” saad kuna naman sa kanya dahil mukhang may hindi ako lalo na intindihan dito paano ba naman nakakagulo naman talaga ang kanyang sinabi. “Ng umalis ka sa lugar na ito iha naging tahimik na ang mansion at lahat kami dito nanaginip nasa oras na saktan o lumapit kami sayo buhay naman namin ang magugulo,” literal na nanlaki ang mata ko sa kanilang sinabi na hindi ko maintindiha kaya mabilis kung kinuha ang kamay kuna hawak niya at ngumiti nalang. “Sigurado kami na malaki ang parte mo sa buhay ng multo na nasa mansion,” ngumiti nalang ako sa kanya at hinawakan ang maleta ko habang nasa itaas ang mga pagkain ko at tubig na kakainin. “Ayos lang po doon nalang siguro po ako sa mansion,” mas lalong nanlaki ang kanilang mata sa sinabi ko at nilapitan ako ng ibang tao sa paligid at hinawakan ako habang punong-puno ng pag-alala ang kanilang mga mukha. Sigurado naman ako na pupunta ako doon sa mansion total doon naman talaga nagsimula ang lahat kaya malamang nandoon siguro ang mga sagot na kailangan kung malaman at kailangan ko pang alamin na mga impormasiyon. “Doon ka nalang sa bahay ko iha,” tumingin ako sa babaeng nagsalita na medyo may-edad na at ngumiti sa akin. “Magka-edad lang naman kayo ng anak ko kaya malamang magkakasundo kayong dalawa,” sumang-ayon naman sa kanya ang ibang tao sa paligid mukhang hindi naman siya takot sa sinabi kanina ng babae at wala naman silang ginagawang masama sa akin kahit hindi ko alam at naiintindihan ang kanilang mga sinasabi. “Maraming salamat po talaga,” sagot ko sa kanya habang hindi mawala ang ngiti ko. “Bumalik lang ako dito para maghanap ng sagot sa mga katanungan na nasa utak ko at alam kung dito ko lang ito mahahanap at malalaman,” saad ko pa ulit kaya napabuntong hininga nalang ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa akin na parang alam na nila ang mangyayari na parang inaasahan na nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD