Chapter 42

1873 Words
Habang nakatingin ako sa nilalang na hindi maipaliwanag ang kanyang mukha binabalot naman ako ng takot dahil baka kung anon a talaga ang gagawin nito sa akin. Ngisi niya palang na halos hindi kuna alam kung mala demonyo mo sadyang iniinis niya lang ako, kahit napapaigik na ako sa sakit ng aking katawan lakas loob ko parin siyang tinignan na papalapit sa akin at nakangisi ang kanyang mga mukha tangina lang talaga ang sarap niyang ihambalos bwesit! Akma akung babangon ng bigla niya nalang inapakan ang likod ko kaya napadapa na naman ako habang sumisigaw sa sakit. “Sino ang mag-aakala na ang isang kagaya ko lang pala ang makakapatay sa pinakamamahal na babae ni King Rayle at talagang magiging pagkain pa kita at iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko!” mabilis nitong hinawakan ang ulo ko at nilapit sa kanyang mukha na kaagad ko namang naamoy ang kanyang hininga na amoy bangkay at nabubulok na laman ng mga kanyang kinain parang babalik ang lahat-lahat ng aking kinain matapos kung maamoy ang kanyang hininga. Inikot pa niya ang kanyang ulo at tinignan ako sa aking mga mata at ngumisi na naman hindi ata nagsasawa sa kakangisi ang lintik na ito. “Hayop ka! Malalagot ka kay Rayle sa oras na mahanap niya ako!” makailang beses ko ng hiningi ang tulong ni Rayle sa isipan ko pero bakit hanggang ngayon hindi parin siya dumadating, nasaan naba siya? Diba ang sabi niya sa akin ano mang-oras darating siya kapag tinawag ko siya gamit ang isipan ko lamang? Pero nakailang tawag na ako sa kanya hindi parin siya dumadating noon isang tawag ko lang sa kanya nandito na siya kaagad. Hinigpitan nito ang hawak sa aking buhok at pakiramdam mo madadala pati ang anit ko sa kanyang ginagawa. “Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo!” malakas kung sigaw sa kanya pero hindi naman ako makalaban dahil nakatali ako kabilang na doon ang aking mga paa at kamay. “Kahit makailang beses mo pang tawagin si Rayle hinding-hindi kana niya mahahanap at hinding-hindi ka niya maabutan ng buhay dito! Tanggapin mo nalang na dito ka nalang at hindi muna siya matutulungan sa kanyang sumpa! Marami na siyang pinatay na kauri namin at wala kaming ibang magawa kundi ang tumakbo nalang dahil kahit anong laban namin sa kanya matatalo parin kami walang kamatayan ang Hari na iyon maliban na lamang kung ikaw ang papatayin naming dahil parang isang bula na mawawala nalang si Rayle at kami na ang mamumuno dito sa buong mundo kabilang nasa mundo niyo! Ang panaginip mo ay magiging totoo at mapupunta sa totoong mundo at lilikupin namin nag buong sangkatauhan at walang makakapigil ng lahat ng iyon sa oras na pinatay na kita! Ikaw lang naman ang kahinaan ng Hari na iyon kapag wala kana wala nadin siyang lakas at magiging alamat nalang siya kagaya mo!” matinding takot ang aking nararamdaman pero hindi ko iyon pinakita sa kanya at nanatiling masama ang tingin ko sa kanya pinilit kung tignan siya ng masama na kahit ang totoo ay napupuno na ng takot ang aking buong puso. Isang malakas na halakhak nito ang namayani sa buong silid. Gustong tumulo ng luha ko pero buong tapang ko naman itong pinigilan dahil naniniwala ako na darating si Rayle para kunin ako dito sinabihan pa nga niya ako na hindi ako aabot sa kaldero ng mga kalaban niya at makukuha niya ako nakakatawa na nakakainsulto ang sinabi ni Rayle pero naniniwala naman ako sa kanya na hindi niya ako hahayaan na makain ng mga nilalang na iyon at makukuha na niya ako. Hindi nga siguro ako aabot sa kaldero ng mga kalaban pero punong-puno na naman ako ng takot at kaba, baka tutubuan ako ng nerbyos dahil dito ilang hindi maipaliwanag na nilalang na ako nakakita at nakaharap ko pero nandito parin ang takot sa aking puso paano ba naman talagang karne at pagkain ang tingin nila sa akin. “Ngumisi ka ngayon na tangina mo pero sinisigurado kuna mamaya lilipad ang ulo mo!” hindi man ako makalaban sa kanya ng pisikalan makalaban manlang ako sa salita kaagad ko naman siyang nginisihan ng tudo. “Ikaw na mismo ang nagsabi na marami ng pinatay si Rayle sa mga kasamahan mo ayaw mo non makakasama muna sila at ikaw na ang susunod?” kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata matapos kung sabihin ang mga salitang iyon, salitang alam kung malaki ang impact sa kanya. “Sa nakikita ko kakaibang takot ang nakikita ko sa mga mukha mo at hindi na ako makapag-hintay na makita ang ulo muna lumipad sa taas kagaya ng mga nilalang na pinatay ni Rayle dahil hinawakan at sinaktan nila ako at kung ako sayo ihanda muna ang sarili mo dahil ano mang-oras nandito na si Rayle at kukunin niya ako!” mas lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking buhok at ang sunod niyang ginawa ay ang hindi ko inaasahan paano ba naman kasi bigla niya nalang akung hinampas sa sahig habang hawak-hawak niya ang aking ulo. Pakiramdam ko umikot ang aking ulo at biglang naramdam ko ang paghapdi ng aking ilong at sunod nito ay ang pagtulo ng aking dugo sa sahig na kaagad naman niyang ikina-ngisi ng malaki. Tangina lang talaga! Pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat dahil sa kanyang ginawa at halos umikot na ang aking paningin dahil sa malakas nitong paghambalos sa akin. Kitang-kita ko ang aking dugo sa sahig na sunod-sunod ang pagtulo at mabilis naman akung nakaramdam ng sakit at hilo sa aking ulo at halos mawalan ako ng ulirat pero hindi ko hinayaan na mawalan ako ng malay dahil baka kung ano ang gawin sa akin ng hayop na ito mabuti ng gising ako para kahit paano makalaban naman ako sa nais niyang gawin. “Ngayon mo iharap sa akin ang mahal mo Kleyton pero wala naman siya kahit dumugo na ang mukha mo wala parin siya kaya huwag ka ng umasa na dadating pa siya kasi kahit anong takot mo sa akin hinding-hindi kana sisiputin ng mahal mo!” muli na naman niya akung hinampas sa sahig ng dalawang beses at naging triple ang sakit na nararamdaman ko kanina habang patuloy niya akung hinahampas at wala akung ibang magawa kundi ang tiisin ang sakit at sa kasamaang palad hindi kuna napigilan ang aking luha at sunod-sunod na itong tumulo kasama ng dugo sa aking mukha at labi. “Kahit umiyak kapa ng umiyak hinding-hindi na siya darating at ikaw na ang magiging hapunan ko kasama ng aking mga anak!” hindi na ako nakapalag ng bigla niya nalang akung hinila nito at kahit tumama ang aking likod at katawan sa matitigas na bato wala itong pakialam. Habang hila-hila niya ako dumaan kami sa parang isang tunnel na maraming dugo at sobrang baho at ang dugo na nasa tunnel na iyon ay napupunta sa katawan ko at ilang buto ng mga hayop ang nakita ko hindi ko nga sigurado kung buto lang talaga ba iyon ng hayop dahil mukhang hindi. May ulo akung nakita na hindi ko matuloy kung ano, mukhang ulo naman sila ng tao pero kakaiba naman ang kanyang hugis at mas maliit na mahaba iyon meron din namang ulo ng mga hayop at tanging apoy ang nagsisilbing ilaw nila sa buong paligid. Rayle nasaan kana ba! Ilang beses na kitang tinawag pero bakit wala ka parin? Talagang bang darating ka kapag lulutuin na ako huwag naman sana Rayle nasasaktan na ako at pinipilit ko nalang nilalabanan ang sakit na pinararanas nila sa akin hindi ko alam kung ano pa ang susunod nilang gagawin sa akin pero sana dumating kana please. Ikaw nalang talaga ang inaasahan ko dito na tutulong sa akin, ikaw nalang talaga ang may lakas na iligtas ako sa lintik na nilalang na ito wala naman akung laban sa kanya at nauunahan na ako ng takot at masakit na ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko dahil sa kanyang ginawa. Kaagad akung napahiyaw ng bigla nalang tumigil sa kakahila sa akin ang nilalang na ito at hinampas ang aking paa ng kung anong bagay at doon naputol ang lubid na nakatali sa akin at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita na palakol ang hinampas niya kanina sa lubid para maputol ito paano nalang kung tinamaan ang paa ko malamang mapuputol talaga! Tangina parang ginutom na nawala ang atay at bituka ko sa kanyang ginawa isipin mo lang ang kanyang ginawa mas lalo lang akung natakot ng bigla niya akung pinatalikod at pinutol din ang tali na nasa kamay ko at basta nalang ako nitong sinipa ng makailang beses hanggang sa napaubo ako ng dugo na kaagad naman niyang ikina-tawa ng malakas ng makita ang dugo na niluwan ko at kulang nalang pati ang bituka ko iluluwa ko tangina! In my entire life hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong kalupitan. Kahit masakit ang aking buong katawan pinilit ko paring bumangon at ang unang patalim na nakita ko ay kaagad kung kinuha paano ba naman parang nasa katayan ako kaya maraming patalim sa paligid at habang hawak-hawak ko ang patalim na iyon mabilis ko itong tinutok sa kanila habang panay lang ang aking urong sa sulok habang siya naman ay napapangisi lang sa akin na parang natatawa na naaaliw sa kanyang nakikita na naghihirap ako. “Sa tingin mo makakalaban kapa sa akin o mas tamang sabihin sa amin kahit may hawak kapang patalim?” bigla akung kinabahan sa kanyang sinabi at sa isang iglap lang sumulpot sa harapan ko ang parang mga tiyanak na nilalang at naglalaway sila habang nakatingin sa akin at nagbabaga ang kanilang mga mata katulad ng hayop na nanakit sa akin kanina pareho lang sila ng mukha pero mas nakakatakot ang mukha ng tatlong nilalang na ito lalo na at mukhang ang liliksi nila at tumutulo pa ang kanilang mga laway. “Mukhang nagugutom na ang mga anak ko at magiging masarap ang kanilang pagkain ngayon lalo pa at ang pinakamamahal na babae ng Hari ang magiging hapunan nila!” mga anak niya pala ang mga tiyanak na ito! Hindi naman sumagot ang kanyang mga anak kundi tanging mga ungol at mukhang tunog ng tiyanak talaga ang kanilang ingay. “Papatayin ko kayo kapag lumapit kayo mga tangina niyo!” malutong kung mura sa kanila kahit na ang totoo ay nanginginig na ang aking mga kamay habang nakatutok sa kanila ang kutsilyo na hawak ko. “Hinding-hindi ko hahayaan na saktan ninyo ako! Mga alagad lang kayo ng demonyo at ang nararapat sa inyo ay mamatay mga hayop kayo! Subukan niyo lang talagang lumapit dahil ako magdada-dalawang isip na patayin kayo mga hayop!” sigaw ko sa kanila habang pinipilit ang sarili kuna maging matapang at lumaban kahit na wala si Rayle ngayon dito. Kung mamamatay lang din ako mamamatay akung lumalaban at isa manlang sa kanila may mapatay ako o mas tamang sabihin na isasama ko nalang sila kahit na mamatay ako atleast patay din sila para hindi naman ako nagmumukhang kawawa. Mahigpit kung hinawakan ang kutsilyo na hawak ko at sumiksik sa sulok at pinahid ang dugo na tumutulo sa aking ilong at ulo habang dinura ko naman ang dugo na nasa bunganga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD