Habang nakaupo ako sa malawak na harden kung saan maraming bulaklak sa mga paligid at sobrang lamig ng simoy ng hangin nandito ako ngayon kina Rayle at may pinuntahan pa siya o mas tamang sabihin may kinuha lang sa palasyo at naiwan ako dito. Hindi naman ako dito natatakot sadyang nawiwili lang talaga ako sa mga nakikita ko sa buong paligid. Hindi ko alam kung alam ni Rayle ang mga nangyayari sa akin kanina pero kung alam man niya handa naman akung sabihin sa kanya ang totoo at mag-explain sa mga nangyayari.
Habang nakatingin ako sa dulo ng malawak na harden na ito kaagad akung nakakita ng kulay blue na bulaklak kaya mabilis akung tumayo at nilapitan ito paano ba naman kasi nakaka-akit ang bulaklak na iyon pakiramdam ko hinihila niya ako palapit sa kanya hanggang sa tuluyan na nga akung makalapit doon at dahan-dahan kung hinawakan ang bulaklak ng matalim pala ang paligid nito kaya nasugatan ang kamay ko at laking gulat ko dahil bakit matalim ang bulaklak na ito sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakakita ng bulaklak na matalim ang kanyang mga petals.
Kitang-kita ko kung paano tumulo ang aking mga dugo sa damo habang hindi mawala ang tingin ko sa bulaklak na iyon at kaagad na nanghilo ako bigla parang ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko manlang napansin na umiikot na ang aking paningin. Dahan-dahan akung napaurong habang hawak-hawak na ang aking ulo at bigla nalang ako natumba sa damuhan. Gusto kung sumigaw para marinig ako ni Rayle pero kahit boses ko hindi ko naman naririnig kahit anong lakas ng sigaw ko wala namang lumalabas sa bunganga ko at iyon ang mas lalong ikinatakot ko dahil baka kung ano na naman ito.
Sinubukan kung igalaw ang buong katawan ko para makatayo ako pero hindi kuna din magalaw ang aking mga katawan nagsimula ng tumulo ang aking mga luha dahil sa hindi kuna alam ang gagawin ko lalo nan g nag-umpisa na ng mamanhid ang buong katawan nagsimula ito sa daliri kung nasugatan isa lang ang pumapasok sa utak ko baka may lason ang bulaklak na iyon kaya ako nagkakaganito sana naman makita ako dito ni Rayle.
Tuluyan nangang nangalay ang aking buong katawan habang nakatingin ako sa kalangitan at panay ang tulo ng aking luha dahil sa takot at pangamba hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay pero nangyayari pa ito sa akin hindi na ako pinapansin ni Ivan tapos may kalaban pa akung baliw sa mundo namin hindi lang basta baliw dahil haliparot ang bwesit na iyon tapos ito naman wala naba talagang maganda na mangyayari sa buhay puro nalang kasi kamalasan ang nararanasan ko. Hindi ko alam kung paano ako nawalan ng malay basta ang alam ko dahan-dahan nalang ako nanghina ng tuluyan at kahit ang igalaw ang dila at mata ko hindi kuna magawa.
DAHAN-DAHAN akung napaigik ng maramdaman ko ang sakit sa aking mga binti at parang nangangalay ako sabay bukas ng aking mga mata at literal na nagising ang buong kaluluwa ko ng marealize kuna nakabaliktad pala ako at nakatali sa taas ang paa ko. Tangina! Parang lalabas ang kinain ko at masusuka ako lalo na at ang baho ng buong paligid parang nabubulok na hindi ko alam.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at parang nahukay ang pinaka nakakatakot na kahit kailan hindi ko naramdaman ng makita ko ang mga hayop na walang buhay at nakasabit sa kahoy at napupuno ng dugo ang kanilang buong katawan at ang iba sa kanila ay buhay pa at maririnig mo ang kanilang mga tunog na nagdudusa at nahihirapan.
“Pakawalan niyo ako dito!” malakas kung sigaw kahit hindi kuna alam ang gagawin ko dahil sa takot kung sino man ang nagdala sa akin dito lagot kayo kay Rayle kapag nakita niya ako! “Sino ang tao dito mga hayop!” mas nilakasan ko pa ang aking sigaw ng wala akung makita na tao o ano mang nilalang dito. Hindi ko alam kung anong nilalang na naman ang makikita ko ngayon dito pero kung ano man talagang lilipad ang ulo mo mamaya kay Rayle.
“Gising na pala ang Reyna ni King Rayle,” doon dahan-dahan akung napatingin sa naglalakad na nilalang sa dulo kung saan mukha naman siyang tao pero mas nangingibabaw ang mukha ng goblin at matutulis ang kanyang mga ngipin na parang kinaskas ito sa bato para maging tulis at mahahaba din ang kanyang mga kuko at maraming dugo ang kanyang katawan. “Sino ang mag-aakala na ikaw pa pala talaga ang mahuhuli ko at wala manlang kaalam-alam na nakuha na kita!” bigla itong ngumisi sa akin ng nakakaluko at dumila hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa akin at inamoy pa talaga ako kaya mas lalo namang binundol ng kaba ang aking puso lalo na ng hinawakan ako nito sa mukha ng sobrang higpit at tinignan ako gamit ang kanyang masisingkit na mga mata at maraming sugat isama mo pa ang kalbo nitong ulo mukhang mabibilang mo nga kung ilan ang kanyang buhok. Tangina anong klaseng nilalang ang hayop na ito?
“Hayo ka sino ka at bakit mo ako dinala dito! Ikaw ang may pakana ng bulaklak na iyon na hayop ka! Lilipad ang ulo sa oras na mahanap ako ni Rayle hayop ka!” bigla itong tumawa ng malakas ng marinig ang aking sinabi at marahas ako nitong tinignan sabay palandas ng mahahaba nitong kuko sa aking mukha pataas sa aking tiyan kung saan nakababa ang aking damit at kitang-kita ang aking bra paano ba naman nakabaliktad ako kaya talagang bababa ang aking damit.
“Paano ka mahahanap ni Rayle kung hindi niya naman alam kung nasaan ka? Sa mundong ito tingin ng lahat sayo pagkain maliban nalang sa pinakamamahal muna si Rayle dahil reyna ka niya at walang makakalapit sayo kapag nandiyan siya pero ikaw na nga mismo ang lumapit sa patibong ko diba?” mas lalo akung kinabahan ng maramdam ko ang dulo ng kanyang kuko sa aking tiyan at kaunting galaw ko lang talagang matutusok niya ang aking tiyan at talagang bubulwak ang dugo! Tangina lang talaga bwesit!
“Subukan mo lang talaga akung saktan at hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo na hayop ka!” malakas kung sigaw sa kanya at gumalaw ng kaagad na naman itong tumawa ng malakas sabay talon ng mataas at sa isang iglap naputol ang nakatali sa paa ko at bumulusok ako sa pababa at kaagad naman akung napaigik sa sakit ng tuluyan na akung nahulog sa sahig. Tangina lang talaga parang mapuputol ang ulo ko sa sakit dahil sa pagkakahulog ko tangina! Napaingos ako sa sakit ng tumama ako sa sahig habang naririnig ko naman ang malakas na halakhak ng haliparot na ito naalala ko sa kanya si Erica tangina talagang pareho silang tumawa mga hayop ganito siguro si Erica noon kaya hanggang ngayon dala-dala parin niya ang malansang ugali niya.