Isang linggo na ang nagdaan simula ng pwede na akung pumasok sa trabaho at nagging maayos naman ako at hindi kuna naiisip ang nangyari sa akin at nawawala na nga ito sa utak ko at hindi kuna naiisip ang bagay na iyon. Habang nakatingin ako sa cellphone ko at hinihintay na tumawag si Ivan dahil ang sabi nito sa akin kanina susunduin niya ako at sabay na kaming uuwi at doon nadin ako kakain sa kanila. Nauna na kasing umuwi ito kanina lalo pa at may inasikaso daw sila ni Tita at babalikan nalang niya ako.
Nakaupo ako dito sa plant box habang nakatingin nasa kalangitan kung hindi naman doon nasa cellphone ko gabi na nga at umuuwi nadin ang ibang nasa hotel pero ako nandito parin at naghihintay kay Ivan. Hindi ko nga alam kung bakit natagalan ang bakulaw na iyon baka nakalimutan na naman niya ako lagot talaga sa akin ang mokong na iyon.
Napatingin ako sa mga tao na nasa paligid at kaagad naman ako nakaramdam ng antok na hindi ko alam pero para akung dinuduyan na kahit ang mga ilaw na nasa paligid ko ay hinihili ako hanggang sa makatulog ako pero kaagad naman akung umiling para hindi ako makatulog dahil wala naman akung inalala na na late ang tulog ko para antukin ako ng ganito.
Kinuha ko ang tubig na nasa bag ko at kinuha ang fries na natira ko kanina at kinain para kahit paano mawala ang antok ko dahil kapag wala akung ginagawa para akung hihiga dito sa plant box at matulog nalang. Hanggang sa naubos kuna ang pagkain ko pero nandito parin ang antok ko kaya tumayo nalang ako at sumakay sa taxi at nagpahatid sa apartment ko.
Bahala na si Ivan diyan na puntahan ako dito kaysa naman doon ako makatulog at kung sino pa ang dumaan doon kaya mabuti nalang na dito na ako sa apartment kaya kahit na makatulog ako walang problema dito nalang ako pupuntahan ni Ivan. Habang nasa taxi nga ako pinipigilan ko lang ang sarili kuna huwag makatulog dahil baka saan na ako mamaya madala ng driver dahil address lang naman ng building nag itinuro ko.
“Kuya pwede niyo po bang bilisan inaantok napo talaga kasi ako,” mahinang saad ko sa driver kaya kaagad naman itong tumango sa akin at naramdaman ko nalang na bumilis na ang takbo ng kanyang kotse at doon ako napabuntong hininga ng malalim. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa akin pero basta inaantok ako na parang gusto ko talagang matulog na akala mo nanggaling ako sa matinding laban na sobrang pagod at puyat ako. Biglaan lang naman ito pero tangina hindi ko talagang kayang pigilan ang sarili ko.
Hanggang sa makarating ako sa apartment ko mabilis akung bumaba at nagbayad kay manong at mabilis na umakyat sa apartment ko bahala na si Ivan diyan sa kakahanap sa akin alam ko naming pupuntahan niya ako ditto kapag nakita niyang wala ako sa harapan ng building paano ba naman ang tagal naman kasi niya kaya ano ang aasahan niya sa akin kundi aalis talaga ako at gabi nadin naman kung saan pa ang mokong na iyon.
Nag text nalang ako kay Tita na dito na ako sa apartment dahil matagal naman si Ivan at inaantok na ako at dito nalang niya ako sunduin sa apartment ko. Ng tuluyan na akung makapasok sa apartment ko kaagad ko nalang binaba ang bag ko at humiga sa sofa total malaki naman ang sofa kaya kahit matulog ako dito walang problema. At ng lumapat ang katawan ko sa sofa bigla nalang ako napapikit at hindi ko alam kung ilang minuto lang akung nakahiga hanggang sa nilamon na talaga ako antok.
Bigla akung napadilat ng makaramdam ako ng matinding sinag kaya mabilis naman akung napadilat at napatakip sa mata ko hanggang sa tuluyan na akung makadilat. Ng dahan-dahan kung ibinukas ang mga mata ko isang napaka-gandang harden ang sumalubong sa akin at ang humahalimuyak na bango ng mga rosas ang pumuno sa ilong ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at masyado na naman akung namangha sa nakita ko dahil sa maraming bulaklak na tumutubo sa paligid.
Itinaas ko ang aking kamay hanggang sa may dumapang paru-paro sa daliri ko at sobrang ganda naman talaga kasi ito. Dahan-dahan kung hinawakan ang bulaklak na rosas at inamoy na naman ito at napatayo ng mariin at muntik na akung mapasigaw ng makita ang malaking palasyo na nasa harapan ko at tangina naman ang ganda-ganda talaga ng palasyong ito para akung nasa magandang lugar kung saan nakatayo ang palasyong ito.
Sa hindi malamang dahilan kaagad akung naglakad palapit sa palasyo at doon palang ako sa may pinto kaagad na naman akung namangha at napatingin sa mataas na pinto at dahan-dahan itong binuksan hanggang sa sumalubong sa akin ang napakagandang loob ng palasyo at hindi ko mapigilan ang sarili kuna hinid mapangiti dahil sa mangha at amaze sa buong paligid. Pero kaagad akung napatingin sa mataas na hagdan kung saan may naririnig akung yapak ng tao na pababa at bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko at binalot ng kaba ang buong katawan ko.
Pero may kung ano naman sa puso kuna masaya at sabik na makita kung sino man ang pababa sa hagdan na iyon at habang palapit ng palapit ang kanyang yapak parang namamawis ako at naginginig ang aking mga kamay dahil pamilyar na pamilyar ang kanyang mga yakap na parang narinig kuna ito noon. Hanggang sa may nakita akung paa sa hagdan na nakasuot ng itim na sapatos at parang napaluwa ang mata kuna ng makita ang isang lalaki na akalain mo isang angel na bumaba sa langit.
Nakasuot ito ng pang-prinsipeng damit kaya talagang matutulala kasa kanya kasi parang nakaharap ka lang sa isang prince at ng mapatingin ako sa kanyang mga mata mas lalo kaung namangha ng makita ang kulay abo nitong mata na may halong asul at parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko ng bigla itong ngumiti sa akin at tinignan ako ng mariin.
Napalunok ako ng wala sa oras at sinalubong ang kanyang mga tingin dahil talagang bumagay sa kanya ang kanyang suot at mataas pa siya siguro hanggang balikat nga lang nga niya ako at idagdag mo pa ang tindig nito na makakakuha na kaagad ng atensiyon. Ano ba itong kaharap ko?
“Nice meeting you again Miss Kleyton Zantella,” matapos niyang banggitin ang mga salitang iyon kaagad itong kumindat sa akin at parang kumislap pa talaga ang kanyang mga mukha habang nakatingin sa akin. Pero laking gulat ko dahil kilala ako nito at nagkita naba kami dati para sabihin niyang again? Ipinilig ko ang ulo ko at kaagad na umiling dahil kung nagkita man kami noon ng lalaking ito malamang maaalala ko talaga siya dahil talaga naming makukuha niya ang atensiyon mo. Bumalik ka sa wisyo Kleyton kung ano-ano na naman ang nasa utak mo.
Dahan-dahan kung itinuro ang sarili ko dahil talaga namang nabigla ako ng binanggit niya ang pangalan ko kaya talagang magugulat ka at hindi makakapaniwala na ang isang kagaya niya ay kilala ka at ngumiti pa siya sayo. Tinignan naman nito ang aking kamay na nakaturo sa aking sarili at tumaas ang kanyang kilay.
“Kilala mo ako?” mabilis kung tanong sa kanya kaya napangiti naman siya dahil mukhang hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ko kaya napangiti nalang siya sa akin. Ano ang magagawa ko dahil iyon naman talaga ang nais kung itanong sa kanya
“Kilalang-kilala kita Kleyton,” sa hindi malamang dahilan biglang kumabog ng malakas ang puso ko at kaagad na tumibok ito ng sobrang bilis ng marinig kung binanggit na naman niya ang aking pangalan hindi ko alam pero nagandahan ako sa pangalan ko kung siya ang babanggit nito alam kung parang tanga pero iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. “I am Rayle Necho Valler ,” bigla itong lumapit sa akin at nilahad ang kanyang kamay. “Nice meeting you Kleyton,” parang may sariling utak ang kamay ko at kusa nalang tinanggap ang kamay niya at ng magdampi ang mga kamay naming may kung ano na naman akung naramdaman sa kalooban ko.
Parang may isang tali na pumasok sa buong katawan ko ng hawakan ko ang kanyang kamay at parang ang gaan-gaan ng kalooban ko sa kanya lalo na ng dahan-dahan kung binitiwan ang kanyang kamay at hindi ko alam pero palagi nalang siyang nakangiti sa akin.
“Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita at makikilala na kita,” mariin ako nitong tinignan sa mga mata at bigla nalang hinawakan ang aking pisngi. “Kung noon iniisip palang kita pero ngayon nasa harapan na kita at pwedeng-pwede na kita mahawakan at makita ang maganda mong mukha,” kaagad naming ginuluhan ako sa kanyang sinasabi dahil parang out of the blue ang kanyang mga sinasabi at wala naman akung alam doon. “Dumating ka nga sa buhay ko kahit matagal lang pero hinintay naman kita at hihintayin parin kita,” mabilis kung tinabig ang kanyang kamay dahil naguguluhan ako sa kanyang mga sinasabi na akhit sino naman ay maguguluhan sa kanya. Wala nga akung maintindihan sa mga sinasabi niya kaya dahan-dahan akung umurong hanggang sa makaurong ako ng tatlong hakbang at doon tinignan ko siya deritso sa kanyang mata na sana hindi ko ginawa dahil parang hinihigop ako ng kanyang mga mata papunta sa kanya.
“Im sorry nabigla ba kita?” marahan naman akung napatango at para akung sinampal sa katotohanan at napahawak sa pisngi ko at inilibot ang tingin ko sa buong paligid hanggang sa marinig ko naman ang kanyang munting tawa. “Maganda ba dito?” doon ako napatingin sa kanya at biglang kuminang na naman ang kanyang mga mata sa akin habang hinihintay ang sagot ko.
“Oo maganda nga dito lalo na ang harden sa labas at ang palasyo na ito maganda,” sagot ko sa kanya at muli na namang nilibot ang tingin ko sa buong paligid at napatingin ako sa malaking bulaklak na nasa loob ng bahay kung saan napalibutan ito ng malaking glass at maraming parupro sa loob at wala naming daanan papasok sa glass kaya paano nabubuhay ang bulaklak na iyon? Sa hindi malamang dahilan dahan-dahan akung lumapit sa bulaklak na iyon at hinawakan sa labas ng glass at para na naman akung natulala sa bulaklak na iyon.
Kulay pink ito at amoy na amoy ko pa ang bango kahit wala naming butas o ano para lumabas ang bango nito. Ng tignan ko ng maigi ang bulaklak parang isang rosas ang petal nito at at may bukol sa loob nito na parang snowflake kaya napakunot naman nag noo ko dahil parang wala namang bulaklak na ganon. Bigla ko nalang naramdaman na may tumabi sa akin kaya tinignan koi to at nakita ko si Rayle na nakatingin din sa bulaklak.
“I called it moonrise,” napakunot naman ang nook o dahil paano nagging moonrise ang bulaklak na ito? “I know its weird pero kapag may buwan o maliwanag ang buwan nagiging kulay abo ang bulaklak na iyan pero kapag sumikat na ang araw bumabalik naman ito sa dati niyang kulay,” nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi at napatingin naman sa bulaklak at sa mga paru-puro. “Kapag naging kulay abo na ang mga bulaklak nagiging bato ang mga paru-paro at sa pagsikat ng araw bagong paru-paro na naman ang lalabas. Bigla akung napatingin sa ilalim nito kung saan may mga batong paru-pro sa ilalim at natabunan na nito ang puno ng bulaklak pero ang iba ay naging buhangin na. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko dahil wala namang bulaklak na ganito at nakakamangha naman kung may ganitong bulaklak kasi parang sa fantasy world mulang ito makikita.
“Saang bansa ito?” tanong ko sa kanya dahil sa ilang taon kung pagiging tourhuide wala akung naalala na may ganitong palasyo at kagandang bulaklak na ngayon ko palang nakita. “Sa ilang taon kung pagiging tour guide wala akung nalaman na may ganitong lugar pala at sobrang ganda naman kasi dito,” nilingon ko ang lalaki kung saan nakatingin sa dulo kaya napatingin naman ako doon at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ang nakahilirang mga aquarium kung saan may mga magagandang isda ang nandoon at sa ilalim nito ay may mga putting bato at petals ng mga bulaklak na rosas at parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong isda.
Mabilis na naman akung lumapit doon at tinignan ang isda na nasa loob ng glass kung saan nag ganda ng kanyang mga buntot at kaliskis at bawat minute umiiba ang kanyang mga kulay kaya bigla akung napauorng dahil sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakakita ng ganitong isda at talagang nagulat ako sa nakita ko. Anong klaseng isda ito? Tinignan ko si Rayle na nakatingin sa akin at mapait na napangiti at dahan-dahan na lumapit sa akin ang sunod nitong ginawa ay ang labis kung ikinagulat. Bigla lang naman ako nitong niyakap ng mahigpit habang nakabaon sa leeg ko ang kanyang mukha at ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga.
“Hindi ko alam kung bakit kita niyakap pero payakap muna ako kahit sandali lang kasi hindi kuna alam ang gagawin ko simula ng nakilala at nahawakan na kita para akung gago na hindi na alam ang gagawin para ipaglaban ka,” parang sinampal ako sa kanyang sinabi at gumising ang buong katawan ko dahil wala naman akung naintindihan sa kanyang sinabi at ano ba naman kasi ang kanyang pinagsasabi? Wala naman akung maintindihan sa kanyang sinabi pero kaagad naman itong kumalas sa pagkakayakap sa akin at ngumiti na naman at hinawakan na ang aking mga kamay. “Halika ka may ipapakita ako sayo sa labas,” bigla nalang ako nitong hinila palabas sa palayo at hinayaan ko din naman siya sa kakahila sa akin. Hanggang sa makalabas kami sa palasyo at sa garden na naman kami napunta at ng lumabas kami sa palasyo na magkahawak ang kamay bigla nalang humangin ng malakas kung saan lumipad nag ibang petals ng bulaklak sa itaas at napunta sa amin at mas lalong humalimuyak ang bango ng mga bulaklak.
Hinayaan ko lang si Rayle na hilahin ako dahil habang hawak-hawak niya pa ang kamay ko may kung anong emosyon akung nararamdaman sa puso ko at hindi ko naman maipaliwanag kung ano ito at pakiramdam ko kumpleto na ako na parang wala na akung mahihiling pa at hindi mawala ang ngiti ko sa aking mga labi habang hinihila niya ako at dinala ako sa magandang punong kahoy kung saan sa gilid nito ay may duyan na pwedeng dalawang tao ang makaupo at parang upuan nga ito na ginawang duyan dahil may sandalan ito.
“Maupo ka,” kaagad naman niya akung inalalayan hanggang sa makaupo ako at kaagad ako nitong tinabihan sa duyan at mabilis na napahawak ako sa kanya ng tumingin ako sa ibaba ay kaagad akung kinabahan ng husto dahil bangin nasa ibaba at ilog na ang nasa ilalim nito at talagang patay ka kapag nahulog ka dito. Mas lalo akung napahawak kay Rayle ng idinuyan niya ito ng malakas kaya literal na nanigas ako sa kanyang ginawa paano nalang kung maputol ang tali at mahulog kaming dalawa dito talagang patay kami. “Open your eyes Kleyton hindi ka mahuhulog dito at nandito naman ako para hawakan ka at hinding-hindi ko hahayaan na mahulog ka lalo na ang mahulog kasa ibang tao,” doon ako napadilat ng wala sa oras at napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito. Pero nilingon ako nito at ngumuso sa unahan kaya hindi ko nalang pinansin ang naunang sinabi nito at tumingin nalang ako sa knayang tinuro at doon mas lalo akung napangiti sa aking nakita dahil sobrang ganda naman kasi ng papalubog na araw at napaka-relaxing naman nitong tignan.
“Wow!” taning sambit ko nalang at hindi kuna napansin na dumuduyan parin si Rayle at hindi kuna alintana ang takot ko kanina at nakatuon na ang atensiyon ko sa papalubog na araw hanggang sa dahan-dahan na akung napatingin kay Rayle na nakatingin nasa akin kaya kaagad naman akung napabitaw sa kanya dahil parang naging awkward naman ako lalo pa at nakahawak pa ako sa kanya. Kakaiba naman kasi ang tingin sa akin ni Rayle para akung hinihigop papunta sa kanya at naramdaman ko nalang ang kanyang kamay sa aking pisgi.
“Hihintayin kita bukas Kleyton kaya matulog ka ng maayos para magkasama pa tayong dalawa,” wala akung naintindihan sa kanyang sinabi pero marahan nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo at doon niyakap niya ako hanggang sa naramdaman ko nalang na binalot na ng dilim ang buong paligid ng tuluyan ng lumubog ang araw at bigla nalang binalot ng dilim ang buong paningin ko at tuluyan ko nalang naramdaman na wala ng nakayakap sa akin.
Mabilis na napadilat ako ng aking mata at kaagad sumalubong sa akin ang kisame ng apartment ko at ang sinag na tumatagos sa aking bintana. Hindi ako kaagad nakagalaw ng maayos at napahawak sa katawan at nook o hanggang sa bumalik sa alaala ko ang nangyari sa akin at wala akung nakalimutan kahit isang detalye ng panaginip ko. Panaginip ko lang ba talaga iyon? Mabilis akung napaupo at napatingin sa sarili ko kung saan nandito parin ako sa sofa kung saan ako nakatulog kagabi.
Panaginip lang ba talaga iyon? Panaginip lang ba ang nangyari sa akin? Sinampal ko pa ang sarili ko dahil baka na bueng lang ako pero nakaramdam naman ako ng sakit at ramdam ko pa ang yakap sa akin ni Rayle pati nadin ang kanyang halik sa aking noo. Napahilamos ako sa aking mukha at napasandal sa sofa dahil bakit parang totoo ang panaginip na iyon? Hindi mawala sa utak ko ang mukha ni Rayle lalo na kapag nakangiti ito at ang knayang mga mata na kumikinang habang nakatingin sa akin. Damn it!