Chapter 9

2992 Words
Habang nakatayo ako at nakatingin sa mga nakasampay kung damit sa loob ng bahay dahil malakas ang buhos ng ulan at hindi naman ako makalabas dahil patuloy na tumaas ang tubig kaya hindi ako makapasok kanina sa trabaho ko. Tinawagan din naman ako ng kasamahan kuna huwag muna pumasok dahil may bagyo at tumataas ang tubig dito sa amin kaya hindi ako nakapasok ngayong araw. Pupuntahan pa nga sana ako ni Ivan dito dahil nga nalasing ito kahapon at hindi ako nasundo kaya kung hindi ako umuwi aabutan lang ako ng maaga doon sa kakahintay sa kanya. Tumawag naman siya sa akin at kinausap ako pero ayos lang naman sa akin at naririnig ko pa sa kabilang linya kanina na pinapagalitan ito ni Tita dahil sa kanyang ginawa dahil maaga pa daw itong umalis para sunduin ako pero ang mokong inaya ng kanyang mga kaibigan na uminom at sumama naman at nakalimutan na niya ako. Hyaop talaga ang mokong na ito kung wala lang bagyo baka sinugod kuna siya doon at sinapok ng malakas. Pero kaagad naman akung napatingin sa paligid ko kung saan walang kuryente at tanging emergency light lang ang ilaw ko kaya medyo madlim dito sa loob ng bahay ang lakas naman talaga kasi ng ulan dito at nawala na ang kuryente dito sa amin. Madilim nadin sa labas at kumain nadin ako ng dinner ko kaya nakaupo nalang ako dito wala namang internet kaya wala akung ibang magawa kundi ang umupo nalang ako dito at lowbut din ang laptop ko manunuod nalang sana ako ng movie pero wala naman kaya para akung basang sisiw ako dito na nakaupo sa sofa. Kaagad na bumalik sa utak ko ang panaginip ko noong nakaraang gabi at sa hindi malamang dahilan bigla nalang akung napangiti at napahawak sa nook o at sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla nalang akung kinilig at napangiti lalo ng matamis ng isipin ko ang pag-upo namin sa duyan. I know its just a dream pero sobrang linaw parin ng mukha ng lalaki sa panaginip ko at hanggang ngayon naaalala ko parin kahit e describe ko pa nga magagawa ko dahil talagang tumatak sa utak ko ang kanyang mukha lalong-lalo na ang kanyang mga ngiti. Parang ayaw ko ngang tanggapin na panaginip lang iyon pero ano ang magagawa ko dahil talagang panaginip lang ito saan kaba naman makakakita ng ganong bulaklak at isda at ganong ka gandang palasyo at tanawin kundi sa panaginip lang parang nasa fantasy world kalang habang nakikita mo ang mga bulaklak doon at naaalala ko pa ang halimuyak ng bulaklak lalong-lalo na ang bulaklak na tinawag niyang moonrise. Bakit iyon ang napanaginipan ko? Bakit parang totoo at ang ikina-kunot ng aking noo ay ang sinabi niya bago ako nagising na hindi ko naman maipaliwanag. Pakiramdam ko buong araw iyon lang ang nasa isipan ko at palagi ko iyong iniisip lalo na ang lalaking nagpakilalang Rayle sa akin. Tangina naman Kleyton don’t tell me gusto mo ang lalaki na nasa panaginip mo siguro epekto lang ito ng stress mo kaya ka nagkakaganyan at kung ano-ano na ang iniisip mo ang mga wala dito sa mundo ang iniisip mo. Tandaan mo may sarili kang buhay at kailangan mo pang mag-trabaho para mabuhay kaya umayos ka Zantella. Sita ko sa utak ko ng isipin kuna naman si Rayle at ang paghawak nito sa kamay kuna hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang lambot ng kanyang kamay. Ito na naman ako nag-iisip na naman sa kanya bakit ba kasi iyon ang panaginip ko ayan tuloy halos lamunin na niya ang buong isipan ko sa kakaisip sa kanya. Napatampal ako sa nook o at pinatay ang mga emergency light ko at pumasok sa kwarto ko kung ma secure kuna ang buong apartment ko pati nadin ang mga lock na ito, nasa mataas naman na floor ako ng building at kapag ito naabot pa ng tubig malamang baha nasa buong city paano nasa eighteen floor ako at hanggang kalsada pa manlang ang baha at hindi pa nakakapasok sa building. Ng makapasok ako sa kwarto ko kaagad akung napabuntong hininga at pina-ilaw ang di-battery na ilaw ko para kahit paano may kaunting ilaw naman sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at dumapa habang hawak-hawak ang aking cellphone dahil maaga pa naman para itulog at six o’clock pa manlang pero sa hindi malamang dahilan kaagad na akung inantok at humapdi ang mga mata ko na parang tulog talaga ang kailangan. Hindi kuna nga napigilan ang sarili ko at napapikit na ako ng mariin at napayakap sa unan ko habang dinadama ang lambot ng kama ko isa pa malakas ang buhos ng ulan kaya maganda talaga para matulog at wala naman akung pasok bukas kaya kahit anong oras na ako magigising ayos lang. Hanggang sa tuluyan na nga akung nilamon ng antok at nawalan ng malay sa buong paligid. Hindi ko alam kung saan na naman ako nito dadalhin ng kalaliman ng gabi. Dahan-dahan kung idinilat ang aking mga mata at kaagad akung napahawak sa bibig ko ng bumungad na naman sa akin ang palasyo na nasa panaginip ko noong isang araw at napatingin ako sa katawan ko. Don’t tell me bumalik na naman ako sa panaginip? Paano nangyari na bumalik ako sa panaginip ko? Bakit na naman ako dito? Dahil ba ito nalang palagi ang laman ng utak ko kaya bumalik ako dito? Hindi ko mapigilan ang sarili kuna mapangiti dahil sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakaranas ng ganito na bumalik ako sa panaginip kuna parang continuation nalang ang lahat at kung ano ang nakita ko noong nakaraang panaginip ko iyon din ang nakikita ko ngayon. Inilibot ko ang tingin kusa buong paligid at napatingin sa mga bulaklak habang napupuno na naman ng paru-paro ang buong paligid at humahalimuyak ang bango ng buong bulaklak. Marahan akung naglakad papunta sa palasyo habang nakangiti ako dahil alam ko namang panaginip ang lang ito at hindi naman ako nagigising kaya susulitin kuna ang pagkakataong ito kahit sa panaginip nalang mararanasan ko ang ganitong bagay total sa panaginip ko lang naman talaga makikita ang lugar na ito. Hindi ko nga alam pero hindi naman ako nagigising dahil parang nandito talaga ako sa lugar na ito at kahit anong gawin ko hindi naman ako nagigising. Napatingin ako sa malaking pintuan ng palasyo at dahan-dahan itong binuksan at sumilip sa loob alam kung may hinahanap ako at umaasa ako na makikita ko siya dito kahit sa panaginip ko nalang makita ko ang kagaya niyang lalaki. Ng tuluyan na akung makapasok kaagad akung sinirado ang pintuan at napatingin sa mataas na hagdan baka sakaling marinig ko ang kanyang yapak at bigla nalang siyang bababa kagaya ng unang pagkikita namin dito mismo. Pero ilang minute akung naghintay pero wala naman akung makitang tao o naririnig na yapak manlang kaya nailibot ko ang tingin ko sa buong paligid hanggang sa dumapo ang mata ko sa bulaklak na moonrise kung saan amoy na amoy koi to at sobrang ganda na naman niya habang may mga paru-paro. Lumapit ako sa glass at hinawakan ito habang hindi maalis ang tingin ko sa loob pero parang may kulang sa akin na hindi ko alam pakiramdam ko wala ako sa sarili kung katawan at katinuan habang nabibingi sa katahimikan dito sa palasyo. Pero kaagad naman akung napabuntong hininga at napatingala sa kawalan kasi para naman akung tanga dito hindi ko nga maipaliwanag kung bakit bumalik ako sa panaginip ko noong isang araw parang hindi naman kasi kapani-paniwala siguro naulit lang ito dahil ito ang laman ng utak ko. Kinurot ko ang sarili ko para sana magising ako pero kaagad naman akung nakaramdam ng sakit ng kinurot ko sa sarili ko kaya kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko ang sarili ko kung saan ang suot ko ay ang damit ko din ng natulog ako kanina kaya kaagad akung napatingin sa paligid ko at kinabahan na ako dahil baka ano na naman ang mangyari sa akin dahil sa kabaliwan ko. “Iiwan muna ako kaagad kaya ba kinurot mo ang sarili mo?” mabilis akung napabalikwas at hinanap ang pinang-galingan ng boses na iyon at ng mapatingin ako sa pinto na kakabukas palang doon bumungad sa akin ang mukha ni Rayle na nakangiti habang ibang kulay ng damit ng pang-prinsipe naman ang kanyang suot. Sa hindi malamang dahilan kaagad na naman akung napangiti at sa isang iglap bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko na parang wala na akung problema at hahanapin pa dahil sa ngiti palang niya buong-buo na ako. “Kanina kapa ba dito?” kaagad niyang tanong sa akin na parang hinihintay nga niya talaga ako o inaasahan na niya ang pagdating ko. Sa hindi malamang dahilan bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko habang nakatingin sa kanya na dahan-dahan ang paglapit sa akin at sa bawat hakbang niya mas lalong kumakabog itong puso ko. “Rayle,” tanging sambit ko lang sa kanyang pangalan dahil wala naman akung ibang masabi kundi ang kanyang pangalan habang patuloy parin siyang lumalapit sa akin. Hindi ako lubos makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng ito dahil sa bawat tingin ko sa mga mata ni Rayle pakiramdam ko hindi. Sino ba naman ako para magkaroon ng ganitong panaginip na parang totoo? Isang panaginip na binabalot ng saya ang puso ko kahit tumatak pasa utak kuna panaginip lang ang lahat ng ito hindi ko parin maiwasang hindi mapangiti at humanga kay Rayle. “Maganda pala ang pangalan ko kapag ikaw ang sumasambit Kleyton,” hanggang sa makarating si Rayle sa harapan ko at kaagad na hinawakan ang kamay ko at mariin niya itong hinalikan. “Marami na naman akung gusting ipakita sayo na paniguradong magugustuhan mo,” dahan-dahan nitong binaba ang kamay ko at kanya na itong hinawakan at tinignan ako sa mga mata. “Sasama kaba?” muli na namang tanong nito sa akin kaya ngumiti ako sa kanya dahil sa lambing ng kanyang boses at ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. “Bakit ako nandito? Paano ako nakabalik dito? Ang alam ko panaginip ko lang ang lahat ng ito,” saad ko sa kanya at kitang-kita ko ang pag-iba ng kanyang eksprisiyon pero kaagad naman itong nawala at ngumiti na naman sa akin. “Siguro dahil sa ito lang ang laman ng utak ko sa loob ng isang araw kaya kahit sa pagtulog ko dito na naman ako at ang linaw-linaw parin ng lugar na ito ng gumising ako,” saad ko habang punong-puno ng tanong ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang iisipin ko dahil wala naman akung alam dito. Pero kaagad akung napatingin kay Rayle ng mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko natuon na naman ang mga mata ko sa kanyang mata na parang hinihigop ako. “Tignan mo muna ang ipapakita ko sayo siguradong magugustuhan mo iyon,” hindi na ako sumagot sa kanya at tumango nalang ako at hinayaan siyang hilalin ako palabas sa palasyo hanggang sa makarating kami sa harden at doon nakita ko ang isang putting kabayo na nakatayo habang kumakain ng damo at ng marinig nito ang yapak namin kaagad akung napahawak ng mahigpit kay Rayle. “Sasakay ba tayo diyan?” tanong ko kay Rayle dahil mukhang sasakay nga talaga kami sa kabayong iyan kaya napanganga ako ng wala sa oras dahil sobrang taas naman kasi ng kabayong iyan at kahit ang may patungan pa ako hindi ako makaka-akyat. “Ang taas naman niyan? Saan galling ang ganyang kabayo bakit ang taas talaga niya?” nakita ko ang pag-ngiti ni Rayle ng sabihin koi to at kaagad naman akung nilapit sa kabayo at dahan-dahan na pinahawak sa akin at kaagad namang tumingin sa akin ang kabayo at ipinag-patuloy ang pagkain niya. “Kailangan nating sumakay dito para makarating tayo sa pupuntahan natin,” kaagad nitong tinapik ang kabayo at may kung anong kinuhang tali at sa isang iglap lang naka-upo na ito sa itaas ng kabayo kaya mas lalo naman akung napanganga dahil ang bilis at ang liksi naman nitong gumalaw at parang wala lang sa kanya ang taas ng kabayo. Tinignan ako nito at inilahad ang kanyang kamay sa akin kaya dahan-dahan ko namang inabot ang kanyang kamay. Sa paghawak ko ng kanyang kamay kaagad ako nitong hinila pataas at para lang akung papel sa kanya kung hilahin niya ako kaya mabilis akung umupo sa likod nito habang nakahawak ang kamay ko sa kanyang beywang at medyo lumingon pa ito sa akin kaya dahan-dahan ko namang kinuha ang kamay ko dahil baka hindi niya gusto at feeling close naman ako kapag humawak ako sa beywang niya. Natatakot naman kasi ako paano nalang kapag tumakbo ng mabilis nag kabayong ito at mahulog ako malamang magkaka-pilay ako dahil sa lakas ng pagkakahulog ko at mabilis na takbo nito. “Its okay you can hold on me,” napakagat ako sa labi ko dahil parang nahihiya naman ako sa gagawin ko kaya umiling nalang ako pero laking gulat ko ng bigla nalang niya kinuha ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay nito sa kanyang beywang kaya wala na akung nagawa kundi ang yumakap nalang sa kanya ng kaagad na nitong pinalakad ang kabayo kaya mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kanya. “Tumingin kasa paligid mo Kleyton hindi kita ihuhulog dito sa kabayo at hindi ko naman pinapatakbo kaya hindi ka mahuhulog,” dahan-dahan ko namang idinilat ang mga mata ko at napatingin sa paligid kung saan nandito kami sa ibabang bahagi ng palasyo at kung maraming bulaklak na doon mas marami naman dito dahil sa bulaklak na dumadaan ang kabayo kaya nagsisiliparan ang mga paru-paro. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng matamis ng makarating kami sa ilog kung saan sobrang linaw ng tubig at mas nagulat ako ng makikita mo ang isdang lumalangoy dito kasama na ang mga bato sa ilalim nito. Napatingin naman ako sa itaas na parte nito kung saan medyo kakahuyan na doon pero laking gulat ko ng walang alinlangan na tinahak ng kabayo ang ilog hanggang sa makarating kami sa kabilang parte siguro kung nilakad naming ito malamang basa talaga ang buong katawan naming. Mas lalo akung napayakap kay Rayle ng umaakyat ang kabayo at kapag hindi kao humawak sa kanya baka mahulog ako hanggang sa makarating kami doon at muli akung napatingin sa pinang-galingan namin at doon nakita ko ang palasyo kung saan sobrang ganda talaga lalo pa at napapalibutan pala ito ng bulaklak at kahit saan mo tignan mahuhumaling ka talaga dito. Ibinalik ko ang tingin ko sa dinadaanan naming kung saan pumapasok kami sa kakahuyan at naririnig ko ang tunog ng mga ibon. “Kaninong palasyo iyon?” hindi ko napigilan ang hindi mapatanong sa kanya ng maalala ko na naman ang magandang palayo. “Ang ganda naman kasi dito at hindi ko alam kung bakit ito na naman ang naging panaginip ko kung saan bumalik lang ako at wala manlang nagbago kahit isa,” saad ko kay Rayle pero nanatiling tahimik naman ito at hindi ito sumagot at akmang magsasalita na naman ako ng makita ko ang isang usa sa dulo na nakatayo sa natumbang puno at may kasama pa itong anak niya. “Wow!” hindi ko mapigilang sabihin iyon at bigla nalang itinigil ni Rayle ang kabayo kaya malaya kung natitignan ang usa kasama ang tatlong anak nito. “I owned the palace Kleyton,” mahinang sagot sa akin ni Rayle at naramdaman ko namang humakbang na ang kabayo at wala na naman itong sinabi pa kaya natahimik nalang ako at tumi-tingin sa paligid hanggang sa makarating kami sa parang isang malaking bato at kagaya kanina sa isang iglap lang nakababa na si Rayle at inalalayan naman ako nitong makababa at kumain na naman ng damo ang kabayo. Hawak-hawak ang kamay ko dahan-dahan kaming umakyat ni Rayle sa bato at doon napamangha na naman ako ng makita ang malawak na kakahuyan at sobrang presko ng hangin na dumadampi sa mukha ko. “Ang ganda naman dito,” hindi ko mapigilang sabihin iyon at itinaas nag kamay ko habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin at naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin at kaagad naman akung napabalikwas pero biglang nagsalita si Rayle. “Let’s stay like these for a while,” mahina nitong bulong sa akin at sa hindi malamang dahilan hinayaan ko nalang din itong yakapin ako hanggang sa sumandal na ang kanyang ulo sa balikat ko at ramdam kuna ang hininga nito. “Alam kung naguguluhan ka sa mga nangyayari pero siguro baling araw maiintindihan mo din naman ako at sana pagdating ng araw na iyon may parte nadin ako sa puso mo kahit kaunti lang,” hindi ko alam kung ano ang ibig-ipahiwatig ni Rayle sa kanyang sinasabi pero kaagad naman itong napabitaw sa akin at tinabihan na ako habang dalawa na kaming nanunuod sa tanawin. “Sino ang mag-aakala na may ganito palang kagandang lugar dito at kahit saan ako mapatingin nahuhumaling ako,” nakangiting saad ko at nilanghap ang hangin at pakiramdam ko ang gaan-gaan ng katawan ko dito at masay ako. “Kung ganon pwede ka namang tumingin sa akin para kahit paano mahumaling ka naman sa akin,” mabilis akung napatingin kay Rayle ng sabihin niya ang mga salitang iyon at biglang kumabog na naman ng mabilis ang puso ko dahil bigla itong napangiti at kinindatan ako. “Ano nahumaling kana ba?” mabilis naman akung napaiwas dahil para akung pinapaso sa mga tingin ni Rayle na kahit hindi na nga ako nakatingin sa kanya ramdam ko parin ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. “Sa susunod nating pagkikita marami na naman akung ipapakita sayo pero ngayon may pupuntahan pa tayo at alam kung mas magugustuhan mo doon,” hinayaan ko lang siya na hilahin na naman ako pero dito na kami dumaan sa gilid ng bangin kung saan may medyo daanan dito na kasya lang ang dalawang tao. Damn mukhang nasa panganib na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD