Tinignan ko si Ivan na nagtataka sa akin habang ako naman ay hindi alam ang gagawin o sasabihin ngayon na nakita ko ulit si Rayle at muli kuna naman siyang napanaginipan pero mas nababalot ng saya ang puso ko ngayon kahit sandal lang iyon pero masaya na ako dahil kahit sa kaunting oras nakita at nahawakan ko siya. Hindi ko alam kung paano o ano ang nangyari basta ang alam ko masaya ako ngayon na nakaharap kuna naman siya at wala na akung pakialam kung sa panaginip ko lang siya makikita o makakasama basta ang alam ko masaya ako habang siya ang kasama ko at buong-buo ang araw ko.
“Ano ang nangyari sayo?” tanong sa akin ni Ivan habang nakataas na ang kanyang kilay sa akin sabay lapag ng kanyang dinalang pagkain sa mesa ko. “Kanina pa kita ginigising at tinatawagan na bumaba kana para kumain pero tulog ka pala dito kung hindi pa ako umakyat at dinalhan ka ng pagkain malamang nakanganga ka parin diyan sa mesa mo,” hindi pumasok sa utak ko ang sermon sa akin ni Ivan dahil ang nasa utak ko ay ang muling pagkikita namin ni Rayle. Wala na akung pakialam kung sa panaginip ko lang siya makikita basta ang mahalaga masaya ako kahit sa panaginip nalang maging masaya naman ako iyong malayo sa sakit at katotohanan. “Nakikinig kaba sa akin Kleyton?” mabilis akung nabalik sa wisyo ng biglang lumakas na ang boses ni Ivan kaya napakamot ako sa ulo ko.
“Ayos lang naman ako at hindi mo naman kailangan na dalhan pa ako ng pagkain dito hindi naman ako nagugutom,” sagot ko sa kanya sabay bukas ng laptop ko upang tapusin ang lahat kung gawain ng makauwi ako ng maaga at makatulog dahil malakas ang kutob kuna magiging laman na naman ng panaginip ko si Rayle at susulitin ko ang bawat oras na kasama ko siya sa panaginip ko. Alam kung kabaliwan ang lahat ng ito para sa iba pero sa akin wala akung pakialam dahil alam kung kahit panaginip lang ito pero masaya ako at wala naman akung sinasaktang tao sa paligid ko, ano ang magagawa ko kung dito ako sumasaya kahit sa panaginip lang.
“Anong oras na Kleyton at hindi kappa kumakain may sakit kaba?” napanguso ako sa sinabi ni Ivan dahil kung ano-ano na ang nasa isip niya kunsabagay wala kasi siyang alam at hindi ko naman sasabihin sa kanya ang kabaliwan ko baka ano pa ang isipin niya sa akin at mapag-kamalan pa akung baliw kung sasabihin ko sa kanya. “May masakit ba sa katawan mo? Baka gusto mo ipa-tingin natin sa doctor ang kalagayan mo para masiguro ang kaligtasan mo,” sunod-sunod akung umiling sa kanya dahil wala naman akung sakit at alam ko kung ano ang nangyayari sa akin ayaw ko lang sabihin sa kanya kung ano talaga ang nangyayari sa buhay ko. Ayaw kung ano na naman ang isipin niya sa akin at kung ano ang isasambit niya lalo pa at parang kalukuhan naman kasi ang nangyayari sa akin pero masaya ako at ayaw kung mawala ang kasiyahan na iyon.
“Alam mo Ivan kakain nalang ako ng mga dala kaya tama na,” inirapan ko siya pero isang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. “Ito naman kasi ang highblood mo okay lang talaga ako,” sagot kuna naman sa kanya at kinuha ang isang fried na binili niya at kinain ito habang nakatuon ang atensiyon ko sa laptop ko at binabasa ang ibang balita na nakikita ko.
“Kainin mo lahat ang binili ko tapos umayos ka nga para kang takas sa mental,” siya naman ang tinignan ko ng masama at inirapan pero tinaasan lang ako ng kanyang kilay. “Doon kana mamaya matulog sa bahay sabi ni Mommy para sabay na tayong mag-dinner,” literal na napatigil ako sa pagkagat ng fried chicken na kinakain ko ng marinig ang sinabi ni Ivan sa akin dahil ang unang pumasok sa utak ko ay si Rayle. Paano na ang plano kung matulog ng maaga kung nandoon ako dahil malamang kalahating gabi na ako makakatulog kapag nandoon ako dahil yayayain nila akung manuod ng mga movie. Expected kunai yon dahil kapag nandoon ako iyon ang ginagawa namin kasi para sa kanila pamilya na nila ako.
“Sabi ni Tita?” panigurado ko dahil baka namali lnag ako ng rinig may kung ano kasi sa puso kuna nagtutulak sa akin na huwag pumayag lalo pa at nakatatak nasa utak ko si Rayle. “Ano ang gagawin ko doon?” hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot k okay Ivan kasi parang tanga ako sa aking utak na hindi alam ang isasagot o sasabihin sa kanya kaya bigla na namang napataas ang kanyang mga kilay.
“Gising Kleyton baka natutulog kapa,” mabilis ako nitong nilapitan at kinurot ako sa pisngi kaya kaagad naman akung napahiyaw at akma itong hahampasin ng mabilis naman siyang tumayo at tumawa sa akin. “Gutom lang yan kaya kumain kana bumalik na ang utak mo para kasing lutang na hindi ko alam ano ba ang nangyari sayo at parang nilamon na ng tubig ang utak mo,” mabilis kung kinuha ang boto ng manok na kinakain ko kanina at malakas na binato sa kanya pero hindi ko naman siya natamaan na mas lalong ikinatawa niya sa akin. “Hindi muna nga ako matamaan bilisan muna diyan at ng maka-uwi tayo ng maaga,” hindi na ako naka-sagot ng mabilis ng umalis si Ivan habang natatawa habang ako naman napahilamos sa mukha ko at napatingin sa kawalan na hindi alam ang gagawin. Para akung isang tao na nakayakap sa fiction na nasa loob ng libro habang may humihila naman sa akin sa reality ng mundo na hindi ko alam. Kapag nandoon ako imposible na makatulog ako ng maaga doon at sigurado hindi ko mapapanaginipan si Rayle kaya para naman akung binagsak sa lupa hindi naman kasi pwede na humindi ako kina Tita lalo pa at close na ako sa kanila at pamilya na ang turing nila sa akin.
Ipinag-patuloy ko nalang ang ginagawa ko pero ang isipan ko ay nandoon kay Rayle at gusto kung sampalin ang sarili ko dahil sa simpleng panaginip lang naging ganito na ako ka apektado at naaapektuhan na ang trabaho at buhay ko pero anong magagawa ko dahil masaya ako. Hanggang sa umabot ang maghapon hindi ko naman natapos ang ginagawa ko dahil nakatuon naman ang atensiyon k okay Rayle. Tangina lang talaga ano!
Pababa ako ng building at doon nasi Ivan na naghihintay sa akin sa labas habang nakasakay sa kanyang kotse hindi kuna kailangan ng damit dahil may sarili akung kwarto sa bahay ni Ivan at may mga damit ako doon, oo ganon ako kamahal ng pamilya ni Ivan na parang anak na ang turing nila sa akin at kapatid na ang turing sa akin ng mga kapatid nito. Kaya hindi ako maka-hindi dahil sobrang lapit na nila sa puso ko at na miss kuna din sila matagal na din simula ng hindi ako nakatulog doon.
“Doon ka matutulog kina Ivan?” tanong sa akin ni Hailey habang naglalakad kaming dalawa at nakatingin ito sa kotse ni Ivan. Tinignan ko si Ivan na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse at habang nakatingin sa akin at hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. “Alam mo kung hindi ko lang alam na matalik kayong magka-ibigan iisipin kuna boyfriend mo siya kasi kakaiba ang tingin sayo ni Ivan, tingin ng lalaki sa kanyang mahal na babae,” mabilis kung tinignan si Hailey na nakatingin sa akin habang hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Hoy Hailey!” singhal ko sa kanya at tinignan ito ng masama dahil kung ano-ano na naman ang kanyang sinabi sa akin dito kasi sa trabaho palagi nila kaming tinutukso ni Ivan na sana kami nalang daw dahil bagay naman kaming dalawa hindi ko alam pero may iba kasing hinahanap ang puso koi yon tipong may kulang sayo na may hinihintay ka pero hindi mo naman alam kung sino at kung ano iyon. “Tigilan mo nga ako kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak mo,”sita ko sa kanya pero tanging ngisi lang ang sinagot nito sa akin at umiling.
“Hindi mo lang siguro napapansin dahil ayaw kung pansinin pero kami halatang-halata namin na sobra ka alagaan ni Ivan noong nawala ka nga halos mabaliw nayan sa kakahanap sayo at kung pwede lang na libutin ang mundo ginawa na niya para mahanap ka at wala siyang tigil sa kakalibot sa lugar na iyon,” umiling ako kay Hailey dahil kilala ko si Ivan mahal niya ako bilang matalik niyang kaibigan at kapatid na ang turing niya sa akin simula noong bata palang ako at ako din naman mahal ko siya bilang kapatid, pamilya at matalik na kaibigan kaya nga close na close ako sa kanyang pamilya.
“Bahala ka nga diyan basta magka-ibigan lang talaga kami,” sagot k okay Hailey at kaagad niya akung inakbayan at ang sunod niyang ibinulong sa akin ay ang mas lalo ko namang ikina-iling pero mabilis naman siyang lumayo sa akin habang hindi mawala ang ngisi niya paano ba naman binulungan niya akung manhid at kaagad na lumayo sa akin. Hanggang sa makalayo si Hailey sa amin hindi mawala ang kanyang ngisi mabilis naman akung lumapit kay Ivan na nakakunot na ang kanyang kilay.
“Anong sinabi sayo ni Hailey na nakabusangot kana,” kaagad nitong saad sa akin kaya napakamot naman ako sa aking ulo at ngumiti nalang sa kanya pero ng tumingin ako sa mga mata ni Ivan biglang kumintab ang kanyang mga mata kintab kung paano ako tignan ni Rayle. Mabuting tao si Ivan at swerte ng babaeng makakasama nito habang buhay dahil isa siyang mabuti at maaalagang lalaki isama mo pa na pinalaki siya ng maaayos ng kanyang mga magulang.
“Wala ang sabi niya sobrang ganda ko daw kaya kailangan kuna maghanap ng boyfriend,” sagot k okay Ivan na mas lalong ikina-taas naman ng kanyang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa tapos umiling sa akin na parang sinasabi niya na hindi ako maganda. “Tigilan mo ako sa mga tingin nayan Ivan!” doon na siya napatawa ng malakas dahil alam kung alam niya na alam ko kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak.
“Duda ako sa sinabi ni Hailey na maganda ka,” gusto kung hambalusin si Ivan pero hinayaan ko nalang at nauna na akung pumasok sa kanyang kotse at naupo doon at kaagad na pumikit dahil wala na akung magagawa at ayaw kung sumagot pa sa kanya baka masampulan kuna talaga ang mokong na ito. Hinayaan nalang niya ako at pumasok nadin sa kotse at kaagad na pina-usad ito habang ako naman ay napapikit nalang habang nasa byahe kaming dalawa. “Pagod kaba talaga na parang matutulog kana at parang nanggaling kasa labanan?” sita sa akin ni Ivan habang nakapikit ako hindi naman ako pagod pero kasi ang loob ko nandoon kay Rayle.
“Hindi may iniisip lang kasi ako,” sagot ko sa kanya at dahil sa sinabi ko at tono ng pananalita ko alam kung alam ni Ivan na may hindi na tama sa akin pero mas pinili ko parin na huwag sabihin sa kanya at hindi ko naman talaga sa kanya sasabihin dahil puro lang naman ito kabaliwan ang nasa isip ko at kung ano pa ang isipin niya sa akin.
“May problema kaba na hindi mo sinasabi sa akin?” dumilat ako at tumingin sa kanya at ngumiti at umiling dahil ayaw kung isama si Ivan sa kalukuhan ko sa buhay na kahit panaginip lang binibigyan kuna ng matinding atensiyon at nagpapadala na ako sa aking emosiyon. “Sabihin mo lang sa akin iyan ba ang dahilan kung bakit tulala ka kanina sabihin mo sa akin ng maayos natin,” hinawakan ko ang kamay ni Ivan at tinignan siya at ngumiti.
“Ayos lang ako ano kaba parang hindi mo naman ako kilala alam mo naman na kapag may problema ako sinasabi ko naman kaagad sayo diba,” saad ko sa kanya at matamis na ngumit na naman kaya tumango nalang din ito sa akin at ipinag-patuloy ang pagmamaneho niya habang ako naman nakatingin lang sa labas at wala ng imik. Hindi ko alam na ganito na pala kalaki ang epekto sa akin ni Rayle to the point na siya nalang ang laman ng utak ko. Damn!
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila wala akung imik at sa parking lot palang kami sinalubong na ako ni Tita Aly at ng tuluyan na akung makababa sa kotse mabilis naman akung niyakap ni Tita Aly kaya niyakap ko din naman ito pabalik habang nakangiti dahil turing ko sa kanya ay para ko naring ina dahil noong walang-wala ako sila ang nandiyan para sa akin kaya hindi naman basta-basta ang pinagsamahan naming ng pamilya ni Ivan.
“Kleyton anak kamusta kana?” masayang bati sa akin ni Tita Aly sabay hawak sa aking kamay. “Akala ko hindi kana naman sinundo ni Ivan at sisiguraduhin kung makikita na naman niya ang kurot ko,” kaagad akung napangiti at tinignan si Ivan na napapakamot nalang ng kanyang ulo habang nakatingin sa ina nito.
“Mommy naman nakahingi na ako ng tawad kay Kleyton,” kinakamot ni Ivan ang kanyang ulo habang kinukuha ang ibang dala niya sa likod ng kotse na mga grocery at pagkain. “Pumasok na tayo mukhang uulan pa talaga,” nauna ng naglakad papasok si Ivan habang si Tita Aly naman ay humawak sa kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay nila.
“Kamusta kana pala? Maayos naba ang katawan at pakiramdam mo?” tinignan ni Tita ang kamay ko at ang mga nasugatan ko dating bahagi ng katawan ko kaya napangiti nalang ako dahil napaka-importante ko nga talaga sa pamilya nila. Para sa kanila anak na nila ako kahit nga ang ama ni Ivan anak nadin ang turing niya sa akin at sobrang nagpapasalamat ako dahil doon dahil nagsilbing pamilya ko sila.
“Ayos lang naman ako Tita at sa kabutihang palad malusog naman ako,” nakangiting sagot ko sa kanya at hinawakan nadin ito sa kamay. Na miss ko din naman sila at kung hindi man ako makakatulog mamaya ng maaga para managinip kay Rayle siguro sa susunod na araw at umaasa na ako na magkikita ulit kami ni Rayle. “Kayo po Tita kamusta napo kayo ni Tito?” balik tanong ko sa kanya at ng tuluyan na kaming makapasok sa bahay nila doon nakita ko ang ama ni Ivan na nakangiti nadin sa akin at ng makita ako kaagad naman niya akung niyakap at tinapik sa balikat.
“Ayos naman kami ng Tito mo anak,” sagot ni Tita Aly at tumabi kay Tito Dan na nakangiti nadin sa akin at nagtawanan nalang kaming tatlo habang si Ivan naman ay nilagay nasa kusena nila ang kanyang pinamili. Umupo muna ako sa sofa habang si Tita naman nagluluto nasa kusena habang ako tumayo naman kaagad at pumunta nasa kwarto ko dito sa bahay nina Ivan at pumasok doon at naligo upang tumulong sa ibaba.
LUMIPAS ang ilang oras at dito na nga kami nakaupo sa movie room ni Ivan kung saan naghahanda na kami para manuod ng movie at sigurado ako na aabutin kami ng umaga nito lalo pa at lahat ng movies na panunuurin naming ay ang mga latest habang si Ivan naman ay nandito sa tabi ko at nakaupo habang kumakain ng curls at ang ulo nito ay nakasandal sa balikat ko akala niya naman pader ako ang liit na nga ng balikat ko sasandalan niya pa.
“Alam niyo kayong dalawa nalang sana ang magkatuluyan ano? Bagay na bagay naman kasi kayong dalawa at botong-boto naman ako sayo Kleyton para kay Ivan sobra pa nga dahil may mas tiwala pa ako sayo kaysa sa anak ko at ikaw lang ang babaeng nararapat sa mokong na iyan,” bigla akung napatawa ng marinig ang sinabi ni Tita Aly habang si Ivan naman ay nakabusangot na ang kanyang mukha dahil sa sinabi ng ina nito. Paano ba naman may mas tiwala pa sa akin si Tita kaysa sa anak niya tama naman si Tita may pagka-mokong nga ang anak niya.
“Mommy naman anak niyo ako,” saad ni Ivan habang nakatuon parin ang kanyang atensiyon sa pinanunuod namin na kakasimula palang. Biglang umalis sa pagkakasandal sa balikat ko si Ivan at nilingon ang kanyang ina. “Manuod nalang kayo ni Daddy kagaya ng ibang anak niyo,” kaagad na tinuro ni Ivan ang mga kapatid nito na walang pakialam sa amin at naka-focus parin sa kanyang pinanunuod.
“Totoo naman ang sinasabi ko dapat magka-anak kayo kaagad para may apo na kami ang laki niyo na hindi na kayo pwedeng yakapin may mga jowa na kayo,” nakita ko ang mabilis na paglingon ng ibang kapatid ni Ivan sa ina nila habang ako naman ay napatawa nalang sa kanila sanay naman ako kay Tita Aly dahil palagi na niyang sinasabi ito sa amin ni Ivan at normal nalang sa tenga ko ang kanyang mga sinasabi.
“Mommy naman!” hiyaw ng mga kapatid ni Ivan habang ako naman mas lalo lang akung napatawa at nanuod nalang habang nakikinig sa usapan nila habang inaasar na sila ni Tita Aly.
“Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko hindi na kayo mga bata siguro nga hinalikan na kayo ng mga boyfriend niyo ano?” nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi habang si Ivan naman ay patawa-tawa na ito pero ang kanyang mga kapatid ay nanlalaki ang mga mata paano ba naman mga babae ang mga kapatid ni Ivan.