Habang nakatingin ako sa bangkay ng goblin na pinatay ko hindi na ako nakaramdam ng takot dahil sa may pinatay ako mas nag-aalala lang ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang pigilan ang aking sarili kapag gusto kung papatay ako talagang papatay ako, ito palang kasi ang unang pagkakataon na may pinatay ako gamit ang lakas ng bruha na iyon. Dahan-dahan kung tinignan si Ivan na ngayon ay nakatulala sa akin at basi sa kanyang tingin parang hindi niya ako kilala na parang ibang tao na ang kanyang kaharap. Ng tuluyan ng magtagpo an gaming paningin hindi ko alam kung natatakot ba siya sa akin o ano dahil basi sa kanyang tingin may nakita naman akung takot.
“Nakita muna?” mabilis kung saad sa kanya sabay turo sa katawan ng goblin na ngayon ay unti-unting nalulusaw at nagiging tubig. “Kung hindi ako dumating baka tuluyan kana niyang naging pagkain kaya ngayon mo sa kain sabihin na umalis na ako Ivan dahil talagang aalis na ako sa oras na ligtas kana at maging labas kana sa kung ano man ang problema ko,” malamig kung saad sa kanya habang siya naman alam kung wala siyang makalap na pwedeng isagot sa akin o sasabihin manlang. “Bumalik ako dito dahil nalaman kung patuloy mo paring hinahanap ang sagot sa mga nakita at nalaman mo kaya ka napapahamak dito!” alam kung nagulat na si Ivan at punong-puno na ang kanyang utak sa mga nangyayari dito sa paligid niya pero ano ang gagawin ko kung kailangan niya talagang malaman ito. Mabilis akung lumapit sa kanya sabay tago ng aking espada at akmang uurong si Ivan ng palapit na ako kaya hindi ko nalang itinuloy ang aking paglapit.
“Im so sorry kung pati ikaw nadamay pa dito at kailangan mo pang-maghirap dahil sa akin Ivan,” mapait akung ngumiti sa kanya at napahilamos sa mukha ko. “Nagagalit lang ako sayo na inaalam mo ang totoo na dapat naman talaga malaman mo dahil nadamay kana pero mas kailangan na hindi mo malamab dahil wala na ako dito para bantayan ka kaya mas pinili ko nalang na huwag sabihin sayo kaya patawarin mo ako sa mga sinabi ko sayo kanina, alam kung nasaktan na naman kita pero wala akung choice Ivan,” gusto kung umiyak sa harapan ng kaibigan ko pero hindi ko ginawa dahil sa oras na tumulo mamaya ang luha ko mawawala na naman ako sa focus at hindi iyak ang pinunta ko dito.
“Sa tingin mo hindi ako naguguluhan sa lahat-lahat ng ito Kleyton? Halos sa buong magdamag hindi na ako makatulog sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari at kung ano kana ba talaga?” mabilis na napahilamos si Ivan sa kanyang ulo habang punong-puno ng kaguluhan ang kanyang mga mata. “Wala akung kaalam-alam kung ano ang nangyayari sayo kahit sabihn pa natin na kilala kita simula bata palang tayo tapos ngayon hindi kuna matukoy kung ikaw paba ang babaeng mahal na mahal ko, ikaw pa kaya ang babaeng minahal ko ng mas higit sa buhay ko?” sa bawat salitang binibitiwan ni Ivan ramdam ko ang bawat sakit dito. “Naguguluhan ako kung nasaan kaba at halos araw-araw na kitang inaabangan sa labas ng apartment mo pero hindi ka naman lumalabas at kahit ilang araw na ako doon ni anino mo hindi ko makita at doon na ako nagdududa kung ano ba talaga ang ginagawa mo sa loob ng apartment mo at hindi kana lumalabas, kahit trabaho mo nakalimutan muna at marami ka ng email hindi mo pa nababasa wala na akung balita sayo tapos bigla-bigla ka nalang susulpot sa condo ko at sasabihin mo sa akin na alam mo ang lahat-lahat tungkol sa akin at paano mo nalaman na naghahanap ako ng sagot na hindi ka naman lumalabas sa bahay mo at mas lalong naguluhan na ako!” mabilis na tinabig ni Ivan ang vase na nasa kanyang tabi at mapait na ngumiti sa akin at kaagad na dinuro ang babae na pinatay ko kanina.
“Sino ang hindi magugulat kung makikita mo ang kaibigan muna nagagawa ng pumatay sa harapan mo mismo at sobrang bilis niyang gumalaw at sa ilang araw lang naging ganyan kana? Nasaan na ang mga sugat mo kasi huling kita ko sayo halos punong-puno kana ng sugat tapos ngayon naging ganyan kana at paano mo nalaman na hindi tao ang kasama ko kanina? Paano nalaman na malalagay ako sa panganib Kleyton? Ngayon mo sa akin sabihin na hindi ako pwedeng maghanap ng sgaot kung ganyan na ang nangyayari sa akin at sa paligid ko! Sagot lang naman ang hinahanap ko hindi mo pa mabigay!” ako naman ngayon ang napahilamos sa aking mukha kasi pakiramdam ko pinahihirapan ako sa buhay ko, para akung iniipit sa dalawang bato at hindi makakagalaw dahil kapag namali lang ako ng galaw mahuhulog amg dalawang bato iyong tipong wala akung mapag-pilian sa kanilang dalawa ni Rayle.
“Hindi mo pwedeng malaman ang totoo dahil buhay mo ang magiging kapalit ng lahat-lahat na malalaman mo,” malamig kung sagot sa kanya na kaagad naman niyang ikina-tahimik at ikina-tingin sa akin ng deritso sa mga mata. “Kung pwede ko lang sana sabihin sayo ginawa kuna pero kapag sinabi ko ikaw naman ang papatayin nila lalo pa at alam na nila ngayon na malapit ka sa akin at ayaw ko ng dagdag pa ang problema ko Ivan kasi mahirap ang bumalik dito kapag patuloy mo paring pinipilit malaman ang totoo, mas mabuti na hintayin mo nalang na matapos ko ang lahat-lahat ng ito at doon sasabihin ko sayo ang totoo,” hindi na ako sumigaw habang sinasabi ang mga salitang iyon kasi ako ang may kasalanan at nadawit lang si Ivan dito. “Bumalik ako dito para iligtas ka at kausapin na tigilan muna ang paghahanap sa sagot at ang mas makakabuti pumunta kana muna sa ibang bansa kasi hindi ako gumagawa ng rason para lumayo ka ang gusto ko lang ay maging ligtas ka dahil kapag maayos na ang lahat babalik ako dito at sasabihin sayo ang totoo sa ngayon makinig ka muna sa akin please,” mahina kung saad sa kanya at hinugot muli ang aking espada at mabilis na umikot sabay talon sa kanyang likod at sa isang iglap bigla nalang natumba ang bangkay ng isang goblin na naging invisible at akala mo naman hindi ko siya makikita. Nakita ko ang malaking pagkagulat sa mukha ni Ivan lalo na ng makita na naman niya ang bangkay ng isang goblin sa kanyang tabi. “Hindi lang dalawa ang susugod sayo dito mas marami at mas malakas pa sila kapag hindi mo ako sinunod at ang mas makabubuti huwag kana munang umuwi kina Tita para hindi na sila madamay dahil walang pinipiling tao ang mga hayop na ito tingin nila sa inyo pagkain at ngayon ikaw ang punterya nila dahil malapit ka sa akin at huwag kang mag-alala dahil nandito naman ako at hindi ko sila hahayaan na idamay ka sa gulo namin,” mabilis kung sinipa ang nahati kung katawan ng goblin at biglang napabuntong hininga ng malalim ng maramdaman kung hindi nalang basta-basta kaunti ang nasa paligid namin mas madami na sila at hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Ivan na parang hindi parin naniniwala sa akin. Sino ba naman ang maniniwala kung ito ang nangyayari?
“What the hell Kleyton! Sabihin mo sa akin na panaginip ko lang ito at hindi totoo ang lahat-lahat ng ito kasi parang mabibiyak na ang utak ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang dapat kung paniwalaan!” mabilis niyang itinuro sa akin ang kakapatay ko lang na nilalang at sunod-sunod na napailing sa akin at napahilamos sa kanyang mukha. Iwan mo muna ako pwede ba kasi naguguluhan talaga ako sa mga pinag-sasabi mo saan kaba pupunta at kailangan mo ng bumalik? Bakit mo ako pinapapunta sa ibang bansa? At paano ka naging ganyan? Hindi ko alam na makakaya mo palang gawin ang bagay na iyan Kleyton hindi ko nga alam kung ikaw paba yan!” ako naman ngayon ang napailing sa kanya kasi bakit ako aalis na alam ko namang may panganib na parating sa kanya at kapag umalis ako dito hindi kuna maaabutang buhay kundi bangkay nalang.
“Sumunod ka nalnag kasi sa akin!” akmang hahawakan ko ang kanyang kamay ng mabilis niya itong tinabig at umiling na naman sa akin na parang ayaw niya talagang sumama. “Ivan makinig ka naman please! Hindi kana ligtas dito marami na sila papunta dito at hindi ka nila bubuhayin kapag naabutan ka nila dito!” hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin ito sa kanya basta ang alam ko hindi makikinig sa akin si Ivan. “Alam kung mahirap paniwalaan ito pero please sumama kana,” mahina kuna namang saad sa kanya at sa oras na hindi bigla nalang nawasak ang kanyang bintana at doon pumasok ang parang isang tiyanak na kagaya ng anak ng reyna ng goblin noon ang nakikita ko habang nakangisi at tumutulo ang kanyang laway. Biglang nanlamig ang kamay ni Ivan habang nakatingin sa nilalang na iyon hindi ko masisisi si Ivan kung mawalan ka ng tapang kapag ito na ang naging kaharap mo kahit ako din naman noon pero ngayon alam kuna kung paano lumaban at ipagtanggol ang aking sarili. Hindi nalang ako basta-basta magpapatalo sa kanila. Akmang tatabigin na naman ni Ivan ang kamay ko ng mahigpit ko talaga itong hinawakan. “Sige tabigin mo pa ang kamay ko putangina Ivan!”malakas kung sigaw sa kanya kaya hindi na nga niya tinabig ang aking kamay at hinayaan nalang ako na hilahin ang kanyang kamay palabas sa kanyang condo habang sunod-sunod na pagka-basag at pagka-sira ng mga gamit ang nangyayari sa loob.
Tangina lang talaga alam kung marami sila at kapag sunod-sunod na sumugod hindi kuna alam ang gagawin ko. Hanggang sa tuluyan na kaming dalawa makalabas sa kanyang condo at kahit nasa loob kami ng building rinig na rinig ko ang malalakas na kulog at kidlat sa labas na hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako natatakot sa kidlat na iyon pero alam kung hindi na maganda ang mga mangyayari sa susunod na araw dahil kahit ako mismo iba na nag nararamdaman ko kay Rayle kung minsan kakaiba nadin ang kanyang kinikilos pero hindi ako nagtatanong dahil alam kung sasabihin din naman niya sa akin malamang naghahanap lang siya ng tamang panahon o oras.
Akamang papasok na ako sa elevator upang bumaba ng may hindi ako magadang naramdaman kaya mabilis akung umurong at dumaan ako sa hagdan habang hila-hila ko si Ivan at imbis na bumaba kami hinila ko siya papunta sa rooftop at wala naman siyang imik habang hinihila ko siya, sana naman maintindihan na niya ako at kahit ito nalang ang ibigay niya sa akin sa mga hinihingi ko. Naiintindihan ko siya pero may mga bagay talaga dito sa mundo na kailangan mong itago para walang masaktan at mapahamak.
“Kleyton ano ang mga iyon? Bakit hindi tayo tumawag ng mga pulis para sila na ang bahala sa mga nilalang na iyon! Hindi na ikaw ang nakikipaglaban sa kanila at saang lupalop ng mundo ba sila galing!” hindi ko nalang sinagot si Ivan at tuloy lang ako sa paglakad paakyat habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay pero ng maalala ko si Rayle mabilis ko namang binitiwan ang kanyang kamay at napatigil sa paglalakad at inisip na naman ang pwedeng maramdaman ni Rayle kasi hindi ako nag-iingat sa bawat galaw ko. Dahan-dahan kung tinignan si Ivan na ngayon ay mukhang sabog na hindi ko maipaliwanag at napabuntong hininga sabay lakad pataas at naramdaman kung nakasunod naman siya sa akin. Akmang magsasalita na naman sana siya ng bigla nalang may tumalon sa aming harapan na goblin habang may mga dugo sa katawan at naglalaway habang nakatingin sa amin. Hindi manlang ako nakaramdaman ng takot habang nakatingin sa nilalang na iyon bagkus ay mabilis ko lang siyang pinatay gamit ang espada ko. Tama nga ang sabi ni Rayle na kailangan kung makuha ang kapangyarihan ng bruha na iyon para maipag-tanggol ko ang aking sarili pero hindi ko naman alam kung saan aabot ang kapangyarihan na ito, baka darating ang araw na babawiin ito sa akin ng kanyang kapatid na si Esmeralda ang bruhang nagsumpa kay Rayle.
“Kayang-kaya nilang patayin ang mga pulis kaya mas mabuting ako nalang ang papatay sa kanila,” sagot ko kay Ivan at sinipa ang bnagkay ng goblin na ngayon ay nalulusaw at umiilaw ang aking espada. Simula ng hawakan ko ang espada na ito ang ilaw sa bulaklak na moonrise ay gumagaya nadin sa ilaw ng aking espada hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin nito pero alam kung may ibig-sabihin ito wala lang akung panahon para alamin ito. “Sumunod ka nalang sa akin para wala ng ibang tao ang mapahamak ikaw lang naman ang habol nila dito kaya sayo sila lalapit at ako naman ang papatay sa kanila,” habang sinasabi ko ang mga salitang iyon hindi ako lumingon sa kanya at patuloy lang ako sa paglalakad paakyat at nakikiramdam sa paligid ng may narinig akung malalakas na tunog na pinagmulan sa pinanggalingan namin kanina ni Ivan kaya mabilis kuna naman siyang binalikan at itinulak paakyat. “Bilisan mo hinahabol tayo!” mabilis na tumakbo si Ivan paakyat habang sunod-sunod parin ang kanyang mura malamang sino ang hindi mapapamura kung iyon ang sinabi sayo.
Sumasabay ako sa takbo ni Ivan ng may naramdaman akung tatalon sana sa akin ng mabilis ko siyang sinalo at hinawakan sa leeg sabay hampas nito sa pader hanggang sa mawasak ang kanyang ulo at nagkalat sa pader ang kanyang mga dugo. Hindi na uso ngayon sa akin ang awa pagdating sa mga ganitong nilalang kasi kung maaawa ka sa kanila sigurado ikaw ang magiging bangkay. Naging sunod-sunod na ang kanilang pag-atake at ako naman patuloy na binabantayan si Ivan na nagugulat nalang na may lilipad sa kanya pero hindi naman makakarating sa kanya at kaagad kuna itong mapapatay.
“Just continue running,” malamig kung saad habang patuloy na sinisipa ang mga goblin na napapatay ko. “Kapag nasa taas na tayo huwag na huwag kang aalis sa tabi ko,” doon napatigil si Ivan at napatingin na naman sa akin kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan ako ng kilay. “Tumakbo kana baka mahuli ka nila sigurado patay ka,” hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano ng makita ang reaction ni Ivan na nanlalaki ang kanyang mata at ang sama ng kanyang tingin sa akin na hindi ko alam. Muli na naman siyang tumkabo pataas hanggang sa mabuksan na niya ang pinto ng rooftop at ng tuluyan na akung makapasok doon mabilis ko itong sinara at walang alinlangan na hinila si Ivan hanggang sa mapadapa ito sa sahig at ako naman tumalon ako at sa isang iglap hawak-hawak kuna ang isang nilalang na tao na uwak iyong sumugod sa palasyo noon at muli kuna namang binalikan si Ivan at pinatayo na naman ito habang nasa gilid kuna siya at nakatingin sa paligid naming at sa taas kung saan ang daming goblin na lumilipad at papasugod sa amin, kaunti nalang at mapupuno na nila ang buong building.
“Putangina Kleyton hindi ko alam kung mabubuhay paba ako pagkatapos nito hindi kuna alam kung mundo paba ito o ikaw parin ang kasama ko kung ikaw ba talaga ang totoong Kleyton na minahal ko,” kaagad ko naman siyang nilapitan at itinago sa aking likod. “Hindi ko akalain na darating araw na ikaw pa pala ang magtatanggol sa akin habang ako nagtatago sa likod mo paano ba naman wala naman akung alam sa nangyayari ang magagawa ko lang ay ang matakot at tumakbo tapos sumunod sayo na akala mo isa akung sunod-sunuran na nakikisabay nalang para mabuhay kasi wala naman akung alam na may papatay na pala sa akin at ang babaeng hinahalikan ko kanina ay isang halimaw na tiktik na hindi ko alam kung anong klaseng nilalang na iyon tangina!” napatawa na ako sa sinabi ni Ivan at napailing nalang kasi ang dami-dami na niyang pinanghuhugutan pero mas pinili parin niyang sumama sa akin kahit wala akung sinasabi sa kanya.
“Don’t worry mabubuhay ka nandito naman ako kaya nga ako bumalik dito para sayo kaya tigilan mo ako hindi ko naman hahayaan na mamatay ka nalang ng basta-basta dahil sa akin,” mabilis kung kinindatan si Ivan na kaagad naman niyang ikina-irap sa akin at napailing ng sunod-sunod. “Alam kung naguguluhan ka pero may bagay dito sa mundo na hindi mo pa pwedeng malaman dahil buhay mo ang magiging kapalit kapag nalaman mo, don’t worry sasabihin ko naman sayo huwag lang ngayon kasi ayaw kung mapahamak ka masyado kang mahalaga sa akin para pabayaan ko nalang ng basta-basta Ivan,” biglang kumislap ang mga mata ni Ivan ng marinig niya ang aking sinabi pero ako napailing nalang ulit at muling naging alerto dahil baka ano mang oras susugod na naman sila at masyado na silang madami hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. Tangina lang talaga kasi wala akung alam sa pakikipag-laban pero kusa lang naman na gumagalaw ang katawan ko tapos marunong na ako lumaban siguro dahil narin sa kapangyarihan ng kapatid ni Esmeralda na nasa katawan ko.