Chapter 62

2111 Words
Habang paakyat na ako sa condo ni Ivan ng may naramdaman na akung kakaiba at ramdam ko ang biglang paglamig ng aking espada sa tagiliran ko kaya bigla akung napatigil at kaagad na nanlamig ang kaing buong katawan, hindi naman ako natatakot dahil alam kung si Rayle ang may gawa ng malamig na hangin siguro iyon ang sign niya na may hindi na magandang nangyari. Malalim akung napabuntong hininga at ipina-langin n asana maayos lang si Ivan at walang nangyaring masama sa kanya bago ako dumating. Mahalaga din naman sa akin si Ivan at ayaw kung mapahamak siya ng tuluyan. Ng tumunog ang pinto ng elevator mabilis na akung lumabas doon at deritso na ako sa loob ng condo ni Ivan, alam ko naman ang code ng kanyang condo kaya deritso na akung pumasok doon ng naramdaman ko ang biglang paglamig na naman ng aking espada kaya mabilis ko itong hinugot at sa isang iglap bigla na naman itong humaba at umilaw. Dahan-dahan ako sa paglalakad sa loob ng condo ni Ivan ng makita kung bukas ang kanyang silid at doon nakita ko siyang may kahalikan na babae pero ng kumisap ako hindi babae ang kanyang kahalikan kundi isang goblin na babae na nagpapanggap na babae, hindi na ako nagtaka kung bakit nakita ko kaagad ito malamang dahil sa kapangyarihan ng kapatid ni Esmeralda na nasa akin. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na sinipa ang pinto upang bumukas ito ng malaki at walang alinlangan na sinugod ang babae na ngayon ay nasa unahan nan i Ivan at hinawakan ito sa leeg at walang alinlangan na binato sa kama na kaagad namang ikina-sira nito. Biglang nanlaki ang mata ni Ivan ng makita ako pero mas lalong nanlaki ang kanyang mata ng makita ang akig buhok isama mo pa ang coat na suot ko pero hindi ko naman siya pinansin at nandon parin ang focus ko sa babaeng tinapon ko sa kama na goblin at nagpapanggap na babae. “Kleyton?” naamoy ko kaagad ang baho ng alak sa kanya kaya hindi na ako magtataka na natipuhan siya ng goblin na ito. Dahan-dahan koi tong tinignan at ngumiti sa kanya habang nababalot parin ng takot ang aking puso sa nakita ko, paano nalang kung hindi ko kaagad siya napuntahan hindi ko gusto ang mangyayari sa kanya makakapatay na naman ako ng wala sa oras. Hindi ko nga alam na ganito din pala kalakas ang kapangyarihan ng bruha na iyon iyong parang ang lakas mo at parang papel lang siya kanina ng itapon ko siya. “Bakit ka nandito at ano ang kailangan mo? Paano ka nakapasok at ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? How the f**k did you do that?” hindi ko din naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil wala naman akung balak na sagutin siya basta nandito lang ako para iligtas siya at ilayo sa gulo. Hindi ko nalang siya pinansin bagkus ay binalik ko nalang ang aking tingin sa babae na ngayon ay nakaupo nasa kama at ang sama ng tingin sa akin, kung ordinaryong babae ang hayop na ito malamang nasaktan n asana siya pero nakangisi pa ang hayop. “Ang lakas naman ng loob muna pumasok dito,” malamig niyang saad sa akin kung noon matatakot ako sa kanila pero ibahin na nila ako ngayon dahil marunong na akung lumaban at pumatay. “Baka nakalimutan muna wala ang mahal mo dito para ipagtanggol ka,” ako naman ang napangisi sa kanya at napailing ng sunod-sunod, mukhang hindi kasi umabot sa kanya ang balita. “Ikaw nga ang lakas ng loob muna idamay ang kaibigan ko sa gulo namin,” sobrang lamig ng pagkakasabi ko nito na kahit si Ivan ay mukhang nagulat sa tono ng aking salita hindi naman kasi ako ganito noon ngayon lang ako naging ganito malamang may buhay ng nakataya dito at kailangan ko ng lumaban para sa mga mahal ko. “Mukhang ikaw ang unang nilalang ngayon na minalas ng sobra dahil ako ang unang nakaharap mo, hindi na ako ang dating Kleyton na nakilala niyo kaya magdahan-dahan ka sa pananalita mo dahil baka ipalamon ko sayo ang dila mo,” may diing saad ko sa kanya pero mukhang wala lang naman sa kanya at tumayo pa ito sa kama at nginisihan ako. “Sa huli magiging pagkain ko parin siya at pati ikaw papatayin ko,” hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang babaeng ito pero makikita niya ang hinahanap nito mamaya. “Alam naman natin na umaasa ka lang kay Rayle kapag nasa panganib ka diba? Tapos ngayon susugod ka dito anong aasahan mo sarili mo? Hindi mo ako kaya kahit dalawa pa kayo ng walang kwentang kaibigan mo sana pala kanina pinatay kuna siya ng wala ka ng maabutan na buhay dito! Huwag ka ng umasa mamaya na darating si Rayle para iligtas ka o ang mga knights dahil wala silang magagawa para tulungan ka makikita ka lang nilang namamatay!” mas lalong dumagdag ang galit ko sa lintik na babaeng ito na sobrang taas ng tingin sa kanyang sarili. “Hindi na ako makapag-hintay na mapatay kang hayop ka at sa oras na mapatay kita tapos na kayong lahat! Walang-wala si Rayle at madadali na siyang mamatay kapag wala kana!” nanatiling masama ang tingin ko sa kanya at naririndi ako sa bawa halakhak niya na akala mo naman nanalo na siya. Sige tumawa ka tignan natin mamaya kung sino sa ating dalawa ang gagapang sa lusak na tangina mo. Humigpit lang ang hawak ko sa aking espada habang nagbabaga ang mata ko sa kanya pero siya dahan-dahan lang siyang bumaba sa kama habang walang saplot sa kanyang katawan tanginang goblin ito hindi ko alam na ganito pal aka haliparot ang kagaya niya to the point na hinalikan ito ni Ivan putangina! “What the hell is happening here Kleyton? Ano na naman ito!” mabilis kung tinignan si Ivan na ngayon ay punong-puno ng magtataka ang kanyang mata at hindi alam kung ano ang kanyang paniniwalaan. “Huwag mong sabihin na isa na naman ito sa nangyari noon sa gubat na hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi sa akin at pati ba naman dito sa condo ko iyan parin ang mangyayari! Tinatanong kita kung ano ang nangyayari pero ni isang salita wala ka namang sinabi tapos ano naman ito!” naintindihan ko si Ivan kung bakit ganito siya sino ba naman ang hindi maguguluhan kung iyan na ang nangyayari sa iyong paligid. Malalim akung napabuntong hininga at itinuro ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay nakangis na kay Ivan at dumila pa sa kanyang labi, tangina nakakadiri. Mabilis namang sinundan ng tingin ni Ivan ang itinuro ko at nalukot ang kanyang mukha kung bakit itinuro ko ang babae. “Siya ang babae na inuwi ko dito pero pumasok ka lang dito at ginulo na ang lahat kaya ano sa tingin mo ang gagawin ko!” nagulat ako sa bigla nitong sigaw kaya napatampal ako sa nook o. “Halimaw ang babaeng ikakama mo Ivan kaya manahimik ka!” malakas kung sigaw sa kanya kaya siya naman ngayon ang nagulat sa biglang pagsigaw ko. “Bumalik ako dito para tulungan ka kaya manahimik ka nalang!” sigaw ko ulit sa kanya ng magising naman siya sa kalasingan, hindi niya alam kung sino ang iniwan ko para sa kanya tapos hindi pa siya makikinig sa akin. “Hindi moa lam kung sino ang iniwan ko para lang balikan ka dito at iligtas sa babaeng iyan at sa ibang nilalang na pwedeng pumatay sayo! Sinabihan na kita na hayaan at pabayaan muna kung ano ang ginagawa ko dahil kapag mas lalo kang nakikialam mas lalong nadagdagan ang problema ko kaya pwede ba tama na at huwag mo ng dagdag ang problema ko! Ang hinihingi ko lang sayo ay manahimik ka at huwag mo ng alahanin ang nangyari sa akin dahil hindi ko kailangan ang tulong mo o opinyon mo dahil kaya na namin ang sarili namin ang hinihingi ko lang ay manahimik ka at huwag ka ng pumasok sa gulo ko pero hindi ka nakinig ka nandito na naman ako ngayon! Putangina naman Ivan nagsasawa na ako kaya pwede ba huwag ka ng dumagdag pa!” hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para harap-harapan na isigaw ito sa harapan mismo ni Ivan. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata ng marinig ang naging sigaw ko pero hindi ko binawi ang mga salitang iyon at dinuro na naman ang babae gamit ang babae. “Tignan mo ang gagawin ko ng malaman mo ang sinasabi ko,” hindi kuna hinintay ang kanyang sasabihin at sa isang iglap nasa likuran na ako ng babae na kaagad naman niyang ikinagulat kahit si Ivan ay mas lalong nanlaki ang kanyang mata sa kanyang nakita. Bigla kung naramdaman ang takot ng babae na ngayon ay nasa harapan kuna at biglang nanigas sa kanyang kinatatayuan. “Paano ka napunta dito?” sa isang iglap bigla nalang ito nawala sa aking harapan at nalipat sa dulo at ako naman ngayon ang napangisi. Malamig ko siyang tinignan sabay kindat sa kanya at tinignan si Ivan na ngayon ay mukhang nawala na ang kanyang kalasingan. “Mukhang nagulat ata kita, may problema ba?” mabilis kung tanong sa kanya at tuluyang napatawa. “Nahuli kana siguro sa balita kaya ganon nalang ang tapang mo ngayon na harapin ako habang wala ka namang kaalam-alam sa nangyayari kasi mukhang ngayon lalamunin mo talaga ang dila mo at sisiguraduhin kung makakain mo talaga ang dila mo o di kaya putulin ko ang ulo muna hayop ka,” itinaas ko ang hawak kung espada at ang dating silver nitong kulay ay bigla nalang naging asul kagaya kay Rayle at doon nanlaki ang kanyang mata at dahan-dahan na napaurong. Alam kung kilala niya kung kay sinong kapangyarihan ang hawak ko ngayon at kung ano ang kayang gawin ng kapangyarihan na ito at kahit sino mapapatay ko ngayon, nagawa nga ng kapangyarihan na ito na makipagsabayan kay Rayle sa kanya pa kaya na hamak na alagad lang. “Paano napatay ang kapatid ni Esmeralda?” hindi makapaniwalang saad niya sa akin habang patuloy siyang umuurong at dahan-dahan na nalulusaw ang kanyang katawan at sa ilang sandali lang bigla nalang nalusaw ang katawan ng babae na kanyang dinadala kanina at lumabas nadin ang kanyang totoong anyo at doon biglang namuti si Ivan at hindi ko maipaliwag ang kanyang mukha na may takot at pandidiri. Mabuti naman na mandiri siya dahil talagang nakakadiri ang nasaksihan ko kanina. “Natakot naba kita? Ngayon mo ilabas ang totoong tapang mo kanina akala mo kung sino ka tapos ngayon uurong ka ang hina mo naman pala,” inasar ko pa ito lalo ng biglang naging pula ang kanyang mga mata at kaunting galaw lang ko lang aatakihin na niya ako. Kung ako parin siguro ang nakaraang Kleyton baka tumulo na naman ang luha ko pero hindi na ako ang Kleyton na iyon, hindi nalang ako basta-basta iiyak at hindi lalaban sa kanila. “Hindi naman ako pupunta ng mag-isa dito kung hindi ko alam na hindi ko kaya sa tingin mo papaya si Rayle na aalis ako kung hindi ko kaya?” tanong ko sa kanya at pina-ikot ang espada sa aking kamay at biglang umapoy ito at walang alinlangan na binato ko sa kanya ang apoy ng aking espada na iiwasan niya kanina pero huli na ang lahat at paano niya maiiwasan ang ganon ka bilis na pagbato ko. Isang malakas niyang sigaw nag namayani sa buong condo ni Ivan at sa isang iglap mabilis akung nakalapit sa kanya at hinawakan ito sa leeg at dahan-dahan na itinaas. Mabilis nitong hinawakan ang aking kamay at akmang kukunin ang aking kamay ng mas lalo ko pa itong hinigpitan habang naging kagaya nadin ni Rayle ang aking buong katawan, hindi ko alam kung bakit ganito basta ang alam ko nagiging kagaya ako ni Rayle. Hindi ko hinintay ang magiging sagot niya at gamit ang isang kamay ko hinila ko ang kanyang dila ng sobrang bilis hanggang sa maputol ito at mabuta ng kulay green na dugo na ang aking kamay at akmang ipapalamon ko talaga sa kanya ang dila niya ng mawalan na ito ng buhay pero hindi ko parin binibitiwan ang kanyang leeg hanggang sa maputol ko ang kanyang ulo gamit ang aking mga kamay. Ng tuluyan ko ng mabitiwan ang bangkay niya doon ko palang na realize ang aking ginawa at mabilis na napadapo ang kamay ko sa aking kabilang kamay kung hindi ko nahalata ang ginawa ko. Damn! What the hell is that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD