Isang malakas at malamig na simoy ng hangin ang namayani sa buong paligid iyong tipo na matatakot ka talaga lalo na kapag narinig mo pa ang lunok ng mga kalaban mo at handa kana nilang patayin. Si Ivan naman na hindi umaalis sa aking tabi pero kanina parang itutulak pa niya ako dahil sa kasalanang nagawa ko sa kanya, aminado naman ako na may mali ako pero para din naman ito sa kanyang kaligtasan. Malalim akung napabuntong hininga at napatingin sa naglalakihang goblin na ngayon ay handa na para sugurin ako at lapain. Parang gusto kuna tuloy tawagin si Rayle kasi sa dami nila at kapag sunod-sunod na sumugod ang mga hayop na ito talagang malalagot ako, ayos lang sana kung ako lang mag-isa pero kasama ko pa si Ivan.
“Bumalik na kayo sa mundo niyo bago ko pa wakasan ang buhay niyo dito,” malamig kung saad sa kanila pero tanging tawa at alolong lang ang aking narinig na sagot mula sa kanila. “Ako lang ang kalabanin niyo labas ang mga kaibigan ko sa ano man ang alitan natin,” dagdag saad ko pa pero wala parin akung narinig na sagot mula sa kanila bagkus ay mas lalong kumulog at kumidlat habang iyon na ang nagbibigay ng ilaw sa buong paligid. Alam ko naman na hindi sila makikinig sa akin dahil pagpatay lang naman ang alam nila at hindi ko pa alam kung saan kuna dadalhin si Ivan nito na hindi siya masusundan ng mga nilalang na ito.
“Tangina naman Kleyton paano mo sila nakakausap? Hindi kaba natatakot sa mga mukha nila na halos nabubulok nasa ilalim ng lupa at ang baho-baho nila na akala mo naman mga bulok na bangkay ang kanilang kinakain!” doon naman ako napatingin kay Ivan ng sabihin niya ang mga salitang iyon at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko basta kailangan ko lang na iligtas si Ivan.
“Alam kaya ni Rayle na nandito kana naman at iniwan muna naman siya, nagdududa na talaga ako kung ikaw ba talaga ang babae na para sa kanya kasi sa nakikita koi bang babae naman ang kasama mo,” nakangising saad ng isang goblin habang naglalaway at nakatingin kay Ivan. “Mas masarap na ngayon ang kasama mo kaysa sayo Kleyton,” hindi kuna hinintay na makasagot pa ulit ito at mabilis na akung tumalon sa kanya at sa isang iglap bigla nalang naging bangkay ang hayop. Nagkalat sa buong paligid ang kanyang lamang loob at doon biglang napaurong ang ibang goblin ng makita nila ang kapangyarihan na lumabas sa aking espada. Mukhang nahuli na naman sila sa balita at wala silang alam tungkol sa mga nangyayari.
“Sinabi kuna sa inyo na hindi na ako ang dating Kleyton na kilala niyo dahil sa isang iglap makakaya kuna kayong patayin kung ako sa inyo umalis na kayo at huwag na huwag ng babalik dito,” malamig kung saad sa kanila at itinutok sa kanila ang aking espada. “Alam kung alam niyo na ang nangyari tungkol sa kapatid ni Esmeralda,” pinaikot ko sa aking kamay ang hawak kung espada habang sila naman ay patuloy na umuurong na parang hindi makapaniwala sa kanilang nakita, mukhang wala nga talaga silang alam kasi kitang-kita ko pa ang gulat sa kanilang mukha.
“Kill her!” umalingawngaw ang malakas na boses ng isang goblin siguro ito ang pinuno ng mga goblin na susugod dito at sa nakikita ko mukhang may ibubuga ang isang ito lalo pa at ang dami nila at hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanila. Sabay-sabay na sumugod sila sa akin kaya kagaya kanila mabilis kuna namang pinadapa si Ivan at sinalag ang mga espada ng mga goblin habang pinupunterya nila ako, may mga palakol na silang dala at ibang mga armas habnag sinusugod nila ako at wala na akung nagawa kundi ang salagin nalang ito.
Tangina ang lalakas naman kasi nila at babae pa ako hindi ko naman kasing lakas si Rayle para mapigilan ang kanilang mga atake kaya ang nagawa ko ay ang maging maliksi nalang sa aking mga galaw pero hindi naman umaalis ang aking tingin kay Ivan na ngayon ay nakadapa parin at kahit dito rinig na rinig ko pa ang kanyang mura na hindi ko alam kung maka-ilang beses. Mabilis akung natumba sa semento ng dalawang malalaking goblin ang sumugod sa akin gamit ang malalaking kahoy at kung hindi ako nakatukod malamang mababaon ang katawan ko dito ng wala sa oras.
“Malaki ang magiging pabuya naming kay Esmeralda kung kami mismo ang makapatay sayo!” malakas na sigaw ng isa sa kanila at kaagad ko namang naamoy ang mabaho nilang hininga na mukhang tama nga si Ivan na kumakain sila ng laman ng loob ng tao o bulok na bangkay dahil parang mawawalan ako ng malay sa baho ng kanyang hininga. “Ako ang papatay sayo at wala akung pakialam kung malakas kana!” akmang ihahambalos na naman niya sa akin ang hawak nitong kahoy ng mabilis akung umiwas at doon tumama sa semento ang kanyang tira na kaagad naman nakagawa ng malaking bitak, hindi ko alam kung ano ang magiging mukha ng building na ito mamaya kapag dito ko sila lalabanan. Ayaw kung may mapahamak na tao dito kaya mabilis na naman akung napunta sa tabi ni Ivan at hinawakan ito sa kamay.
“Kailangan na nating umalis dito dahil kapag dito ko sila lalabanan baka masira ang buong building na ito at maraming tao na ang madadamay iyon ang ayaw kung mangyari,” mabilis kung saad kay Ivan at inikot ang aking tingin sa buong paligid upang maghanap ng daan kung saan pwedeng tumalon, mas mabuti nasa gubat o sa tubig ko sila dalhin iyong walang mga tao ng walang tao na ang mapahamak. Hindi nalang si Ivan ang habol nila ngayon kundi pati nadin ako. Kaya kuna ang aking sarili si Ivan lang naman ang inaalala ko.
“Paano tayo makaka-alis sa lugar na ito kung pinalilibutan nila tayo? Masyado silang madami at ano papatay kana naman Kleyton? Hindi ko pa lubos matanggap na hindi na ikaw ang babaeng minahal ko dahil ang babaeng nasa harapan kuna ngayon ay hindi kuna kilala maliban nalang sa mukha mo kasi pakiramdam ko tanga ako buong buhay ko kasi buong akala ko kilala na kita pero ang totoo wala pala akung alam tungkol sa totoong ikaw! Tapos ito pa ang nangyari ngayon halos mabaliw na ako sa kakaisip nito Kleyton at sasabihin muna hindi mo pwedeng sabihin sa akin mas mabuti nalang na dalhin muna ako sa mental kasi doon nadin naman ang deritso ko kapag natapos na ang lahat-lahat ng ito!” nanatiling nakatingin ako sa mga kalaban kahit iyon na ang naririnig ko kay Ivan nais ko man siyang sagutin pero hindi naman pwede at ayaw kung mas lalong mapahamak siya kapag nalaman na niya ang totoo. Hindi ko nalang siya pinansin at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay at sa isang iglap hinila ko siya at wlaang alinlangan na tinalon ang building habang siya naman ay sumisigaw habang walang boses na lumalabas sa kanyang bunganga. Hindi ko nga din alam kung bakit nakaya kung talunin ang building na ito at hawak-hawak ko pa si Ivan at ng malapit na kami sa ibaba ay mabilis akung napagalaw at umikot pababa habang hawak ang kamay ni Ivan at muli itong binitiwan at nauna akung bumulusok pababa.
Ng tuluyan na akung makababa hinintay kuna mahulog si Ivan at kaagad itong sinalo at binaba muntik pa nga itong matumba at masuka habang hinahawakan ang kanyang puso habang nanginginig sa takot kaya napailing nalang ako sa kanyang inasal. Kunsabagay sino ba naman ang hindi kabahan kapag tinalon niyo ang sobrang taas na building, inikot ko ang tingin ko sa buong paligid at tama naman ako dahil talagang sumunod nga sila sa amin ang iba tumalon sa building kagaya naming habang ang iba naman ay nasa paligid na at handa na naman kaming atakihin.
“Tumayo kana diyan kung ayaw muna maging hapunan kana talaga,” mabilis kung saad kay Ivan at hinila na naman ito sa kamay. “Sa sunod mo nalang ako sigawan at magalit pero ngyaon sumama ka muna sa akin dahil talagang papatayin ka nila,” biglnag napatingin ng masama sa akin si Ivan habang pinapahid ang suka niya sa kanyang labi, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o hindi kasi sa nakikita ko mukhang matatawa talaga ako lalo pa at namumuti na si Ivan at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
“Tangina mo Kleyton kung gusto mong mamatay huwag mo akung idamay putangina naman! Sino ang hangal na babae ang tatalon sa building ng sobrang taas tapos sasaluhin mo lang ako sa ibaba? Sa tingin mo sino ang hindi masusuka at mawawala sa ulirat dahil sa ginawa mo!” hindi ako minumura noon ni Ivan pero ngayon namura na niya ako ng wala sa oras kaya napatawa nalang ako. “Tangina Kleyton hindi ko alam kung mabubuhay paba ako kapag ikaw ang kasama ko,” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero hindi na ako nag-abala pa at hinila na siya at tumakbo na naman ng mabilis. Kahit pana nasusuka si Ivan tuloy lang ang paghila ko sa kanya patakbo sa malapit na kagubatan.
Malaking gulo ito kapag nakita ng ibang tao ang mga nilalang na ito dahil iba na ang kanilang iisipin at iba-iba naman kasi ang opinyon ng ibang tao pagdating sa bagay na ito at wala silang alam kaya kung pwede lang na huwag na sabihin at ipakita sa kanila gagawin ko at iiwasan ko. Habang tumatakbo kami papasok sa kagubatan alam kung mas mapanganib dito dahil sanay sa gubat ang mga halimaw na ito pero kapag doon naman si City maraming tao ang mapapahamak at madadamay kaya mas mabuti na dito nalang at walang makakakita dito kung ano man ang mangyari. Ng tuluyan na kaming makapasok ni Ivan sa kagubatan mabilis ko siyang pinaupo sa bato at tinignan na hanggang ngayon namumutla parin siya at ang sama ng tingin sa akin. Madami na akung kasalanan kay Ivan at hindi ko alam kung maniniwala paba siya sa akin at tama siya, hindi na ako ang Kleyton na minahal niya hindi ako ang dating Kleyton na iyon kasi ngayon malaki na ang pinag-bago ko lalo nan g makilala ko si Rayle natuto na akung pumatay at ipagtanggol ang sarili ko.
“Dito ka lang at huwag na huwag kang aalis dito,” mabilis kung saad kay Ivan dahil hanggang ngayon nasusuka parin ito. “Alam kung madami na akung kasalanan sayo pero hayaan mo lang ako na iligtas ka ngayon, mahalaga ka sa akin Ivan at ayaw kung madamay ka dito at mapahamak kaya sa abot ng makakaya ko bumalik ako dito para ilayo ka sa gulo hindi dahil sa hindi na ako ang dating Kleyton na kilala mo, ako pa naman ito pero sadyang kailangan ko lang maging malakas at matatag para sa mga taong mahal ko, kailangan ko lang maging matapang para sa mga taong mahal ko. Ayaw kung mahina ako at hindi makalaban ano ang gagawin ko kapag sinasaktan ang taong mahal ko sa aking harapan, wala kaya ako naging ganito ako pa naman ang Kleyton na nakilala mo ako pa ito Ivan,” mahina kung saad sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at ngumiti dito. Hindi ko nalang hinintay ang kanyang magiging sagot at mabilis na akung na alarma ng maramdaman kung madami na ang kalaban sa paligid na nakasunod sa amin.
“Siguraduhin muna mag-uusap tayo tapos nito Kleyton, hindi ako papaya na parang tanga nalang ako na nagpapatanggol sayo habang wala akung kaalam-alam sa nangyayari sa buhay mo hindi nalang sa buhay mo kundi pati nadin sa buhay ko,” hindi nalang ako sumagot sa kanya at hinanda ang aking sarili dahil sa mga papasugod na nilalang. Kahit ano pa ang sabihin sa akin ni Ivan wala parin akung sasabihin sa kanya kasi kapag pina-iral ko ang aking emosyon hindi naman maganda ang mangyayari sa kanya kaya mas pipiliin ko nalang na huwag sabihin sa kanya at manahimik.
Kagaya kanina lumaban ako hanggang sa abot ng aking makakaya at papatay ako kung sino man ang may gustong saktan ako at si Ivan, hindi ko alam kung ilang oras na ako nakikipag-laban basta ang alam ko madami na akung napatay na hindi kuna mabilang habang napupuno ng dugo nila ang aking mga katawan. Mabilis akung napaluhod sa lupa ng makaramdam ako ng pagod pero madami parin ang dumadating na kalaban habang si Ivan naman ay nandoon parin nakaupo at hawak na niya ang isang sandata kanina ng goblin pero hawak lang naman niya ito at sa akin naman sumusugod ang mga hayop na ito at hindi sa kanya. Pinahid ko ang dugo na nasa kamay ko sabay dura ng dugo ko sa aking labi ng matamaan ako kanina ng suntok ng goblin. Malakas din naman kasi silang sumuntok kaya dumugo na ang gilid ng aking labi, tinignan ko ang aking espada na punong-puno ng dugo pati ang aking kamay ko nasa tanang buhay ko hindi ko lubos akalain na magagawa ko ang bagay na ito at ang mas masakit pa nagagawa ko ng kumuha ng buhay.
“Kung ako sa inyo bumalik na kayo sa mundo kung saan akyo nararapat dahil hinding-hindi ko kayo uurungan kahit p*****n ng ilang araw ang gusto niyo,” malamig kung saad sa kanila na alam kung narinig nila kaya mabilis naman silang napatingin sa akin at nandilat ang kanilang mga mata. Alam kung galit nag alit sila pero ano ang magagawa nila, kung makakaya nila akung patayin at labanan gawin nila kasi hindi naman ako tatakbo sa kanila, lalaban ako ng patas sa kanila.