Habang nakasunod ako kay Rayle at hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang likod at kung paano ito kumilos na sobrang pulido at sigurado. Malayo palang kami pero rinig na rinig kuna ang agos ng tubig na hindi ko alam kung saan nagmumula pero alam kung mataas ang pinagmumulan ng tubig na iyon kaya ganon na lamang ka lakas ang tunog ng tubig.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Rayle hanggang sa matanaw na naming ang umaagos na tubig at tama nga ako dahil mataas ang pinagmulan nito at sobrang linaw naman ng paligid. Inilibot ko ang tingin ko kung saan marami din ditong paru-paro at ang ganda ng huni ng mga ibon isabay mo pa ang malamig na simoy ng hangin. Dahan-dahan na nilingon ako ni Rayle at binitiwan ang kamay ko kaya malaya akung nakalakad papunta doon sa mataas na bato kung saan kitang-kita mo ang pagbaba ng tubig.
“Sobrang ganda naman dito Rayle!” hiyaw ko habang manghang-mangha sa tubig na nakikita ko at napupuno ng ngiti ang aking mga labi. Sa ilang taon ko sa pagiging tour guide hindi pa ako nakakita ng ganitong kagandang lugar at ganitong kalinaw na tubig. Kahit sa panaginip nalang ako makakakita ng ganito at maging ganito ka saya dahil sa totoong buhay wala namang ganito at sobrang sakit ng totoong buhay na kung minsan gusto mo nalang mamuhay sa panaginip iyong walang problema at magaan ang loob mo katulad ng nararamdaman ko ngyaon. Aminado naman ako na panaginip ko lang ang lahat ng ito pero sobrang gandang panaginip naman nito na minsan ayaw ko ng magising lalo na kung nakikita ko ang nakangiting mukha ni Rayle.
“Mas maganda naman ang tinitignan ko ngayon,” mabilis akung napatingin sa kanya at tinignan ang kanyang tinitignan pero nagulat ako ng sa akin siya nakatingin habang nakangiti ito sa akin at bigla nalang ako kinindatan. Ramdam ko ang pamumula ko dahil sa kanyang ginawa pero hindi ko nalang ito pinahalata sa kanya dahil pumasok naman sa isipan kuna panaginip lang ang lahat ng ito at hindi totoo na gawa-gawa lang ito ng aking imahinasyon at walang konektado sa totoong mundo na meron ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako napasok sa ganitong panaginip pero kahit paano nagpapasalamat ako dahil kahit paano naging masaya ako at nakakilala ako ng kagaya niya.
“Gusto kuna dito ang ganda kasi at nakakagaan ng loob,” saad ko para hindi naman maging awkward ang situation sa aming dalawa dahil kasi sa paningin palang sa akin ni Rayle naiilang na ako at pakiramdam ko naman nasa totoong buhay ako dahil sa kabog ng puso ko at kaba na nararamdaman ko isama mo pa na hindi kuna naiintindihan ang sarili ko kapag si Rayle na ang kaharap kahit pangalawang beses palang kami nagkita.
“So gusto mo dito ka nalang sa akin?” dahil sa kanyang sinabi napatingin na naman ako sa kanya dahil sa mga banat nito tapos kinindatan pa niya ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o tatawa sa kanya dahil ngayon niya palang ako nakilala makabanat sa akin wagas pero ano ang aasahan ko sa imahinasyon diba? Para akung nasa utak ng isang writer na pinaglalaruan ang buhay ko at magagawa niya kung ano ang gusto ko. “Kaya naman kitang pasayahin dito kung gusto mo,” dahan-dahan na lumapit sa akin si Rayle at umakyat sa bato kung saan ako nakatayo at hinawakan ang kamay ko. “Alam kung madami kapang tanong sa utak mo pero sana huwag mo nalang itanong sa akini hayaan mo nalang ako na makasama ka kahit sandal lang kahit dito nalang,” biglang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi pero tanging ngiti nalang ang kanyang naging sagot sa akin at hinawakan ang kamay ko.
“Iwan ko sayo Rayle bahala ka diyan,” sagot ko sa kanya at tumingin na naman sa talon kung saan ang gandang tignan kung paano bumagsak ang tubig mula sa taas. “Salamat nga pala sa pagdala sa akin dito at hayaan mo masaya ako kaya ayos lang naman sa akin,” saad ko sa kanya kahit hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko dahil kahit ako nga hindi kuna naiintindihan kung ano ang nangyayari sa utak ko at sa sarili ko kung bakit ito nangyayari sa akin pero siguro magiging masaya nalang ako total wala naman ako sa reality ng buhay para ko naring escape ito sa totoong buhay kung saan nakakaramdam ka talaga ng sakit pagdurusa sa buhay pero dito magaan at maganda ang kalooban mo.
Nagtagal pa kaming dalawa ni Rayle dito habang nagtatawanan at kung ano-ano ang pinag-uusapan naming dalawa. Ang masasabi ko lang ay sobrang saying kasama ni Rayle at hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang siya ang kausap at kaharap ko. Hindi ko alam pero kasi sa boses palang ni Rayle napapangiti na niya ako at kakaibang saya ang nabibigay niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang magiging kapalit ng saying nararamdaman ko ngayon.
“Tapos ayon lumaki lang ako na walang magulang dahil namatay ng sila ng maaga alam mob a halos mawalan ako ng ganang mabuhay ng mangyari sa akin iyan wala akung karamay sa buhay at bata pa ako anong alam ko sa mundo na kinatatayuan kasi parang kahapon lang nakikinig pa ako sa kwento ng lola ko tapos sa isang iglap nawala nalang sila sa akin bigla at naiwan akung mag-isa na walang kamuwang-muwang,” hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mapait habang sinasabi koi to kay Rayle tinanong niya kasi kung ano ang nangyari sa pamilya ko at hindi ko naman napigilan ang sarili ko at nasabi ko sa kanya. Wala na naman sa akin iyon dahil tapos na iyon at masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit nandito parin ang sakit pero may rason na ako para mabuhay at hindi naman sila magiging masaya kung pababayaan ko ang sarili ko. Nilingon ko si Rayle at ngumiti sa kanya ng matamis.
“Mabuti nalang mabait ang kumuha sa akin na pamilya din naming ginawan nila ng paraan para makapag-tapos ako ng pag-aaral ko kahit paano hanggang sa ako na mismo ang nagpa-aral sa sarili ko mahirap ang buhay to the point na naranasan kung huwag kumain sa loob ng isang araw tanging tubig lan dahil ayaw kung gumastos lalo pa at marami din naman akung bayarin sa paaralan at wala na akung oras sa sarili ko noon at puro nalang ako trabaho para kahit paano may pera naman ako pang-gastos sa pangaraw-araw kung buhay at sa kabutihang palad nakatapos naman ako at ipinangako ko sa sarili kuna kapag may trabaho na ako babalikan ko ang mga taong tumulong sa akin noong walang-wala ako,” nakita ko ang pag-kislap ng mga mata ni Rayle ng sabihin koi yon at alam kung na amaze siya sa sinabi ko kahit kanino naman kasi ako magsabi ng kwentong iyon na amaze na kaagad.
Alam kung mahirap ang pinag-daanan ko pero sa huli nagtagumpay parin ako at nakamit ang pangarap ko kahit paano at kahit ano man ang sabihin nila hindi nila makukuha sa akin ang pinag-aralan ko iyon lang ang bagay na hinding-hindi mananakaw sa akin. Hindi naman talaga hadlang ang kahirapan kung gusto mong abutin ang pangarap mo at gumagawa ka ng paraan talagang makukuha mo ito at handa kang harapin ang ibat-ibang problema hanggang sa mahawakan mo ang tagumpay na tinatawag.
“Hindi na ako magtataka sayo Kleyton unang kita ko palang sayo alam kung ikaw ang tipo ng tao na maraming pangarap at hanggad sa buhay kaya belib ako sa mga hirap na pinag-daanan mo hanggang sa marating mo ang kung ano ka ngayon,” tumango ako kay Rayle at binalik ang tingin ko sa tubig na nasa harapan naming at tinignan ito ng maigi kung saan kitang-kita mo ang ilalim nito. “Alam kung balang araw magiging masaya ka kasama ang mga mahal mo sa buhay at ang magiging pamilya mo,” napatingin na naman ako sa kanya at ngumiti na naman dahil pangarap ko din ang magkaroon ng masayang pamilya.
“Noon palang pinangarap ko din ang magkaroon ng sarili kung pamilya kasama ang mahal ko at ipinangako ko sa sarili kuna pupunuin ko ng pagmamahal ang magiging pamilya ko at aalagaan ko sila kung paano ako alagaan at pahalagahan ng pamilya ko dati,” hindi mawala sa isip ko ang saying maidudulot nito sa akin lalo na kapag ang magiging ama ng mga anak mo ay ang lalaking mahal na mahal ka at ganon ka din sa kanya. Muli kung tinignan si Rayle na nakatingin sa akin at halata ko sa kanyang mukha ang sakit na hindi ko naman maipaliwanag at hindi ko din alam kung ano ang emosiyon na nasa mukha niya. May kung ano naman sa puso ko ang kumirot pero kaagad naman itong nawala ng ngumiti sa akin si Rayle at hinawakan ang kamay ko.
“Alam kung makakamtan mo ang ganyang buhay Kleyton alam kung magiging masaya ka at ako ang unang magigising masaya para sayo,” sa hindi malamang dahilan bigla naman akung nasaktan sa sinabi ni Rayle lalo na ng dahan-dahan niyang hinalikan ang kamay ko habang nakatingin sa akin ang kanyang maamong mukha. “Magkakaroon ka ng maganda at kompletong pamilya kagaya ng pangarap mo,” dahan-dahan namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi habang hindin din mawala ang tingin ko kay Rayle.
“Manghuhula kana ngayon?” tanong ko sa kanya na may halong biro pero dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko at ang sunod niyang ginawa ay ang ikinagulat ko dahil parang wala lang sa kanya ang ginagawa nito ng bigla nalang siya humiga samga hita ko at nilagay ang kamay ko sa kanyang dibdib hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero kumabog ng malakas ang puso ko sa kanyang ginawa at alam kung ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko hindi sa takot ako pero dahil sa gulat sa kanyang ginawa.
“Aminado ka naman siguro na panaginip lang ang lahat ng ito diba?” doon ako dahan-dahan na napatango sa kanya dahil kahit kaunting sandali lang kanina nakalimutan kung panaginip lang pala ang lahat ng ito at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil parang kontrolado ang panaginip ko at hindi ko din alam kung bakit ako bumalik dito sa panaginip kung ito kung saan nakita kuna naman si Rayle at wala akung mahanap na s**o tang tanging nagagawa ko lang ay ang maging masaya sa mga nangyayari sa akin. Ang alam ko ay masaya ako kahit panaginip lang ito at siguro kaya nagkadugtong-dugtong ang panaginip ko dahil iyon ang gusto ko at si Rayle nalang ang palaging nasa isip ko. “Kahit kaunting oras lang kitang nakakasama masaya na ako at sana hayaan mo nalang ako kahit sa panaginip nalang,” hindi ko alam kung ang isasagot k okay Rayle basta ang alam ko may laman ang bawat salitang binibitiwan nito na hindi ko naman maipaliwanag.
“Akala ko ba hindi na natin pag-uusapan ang bagay na iyan?” tanong ko kay Rayle kaya napangiti nalang ito sa kanya at ipinikit ang kanyang mga mata at doon naman ako napatingin sa kanyang mga mata kung saan ang haba ng pikimata nito isama mo pa ang matangos nitong ilong at makapal na kilay para nga sa akin ang perpekto na ng kanyang mukha. Malamang Kleyton isang maharlika ang kaharap mo at tandaan mo nasa panaginip ka kaya lahat ng bagay o ano man ang makikita mo ay perpekto at gawa-gawa lang ng iyong imahinasyon para kang nasa utak ng isang manunulat at siya na ang bahala sa mangyayari sayo.
Hindi ko nga napigilan ang aking sarili at dahan-dahan kung hinawakan ang kanyang pisngi at pinalandas ang aking daliri sa kanyang mukha papunta sa kanyang mga mata at marahang hinimas ang pilikmata nito na kaagad namang nagpa-ngiti sa akin. Ang mukha ni Rayle na kahit ilang oras mo pa itong tignan hinding-hindi ka magsasawa kahit ako nga hinding-hindi nagsasawa. Kung sa totoong mundo ka lang Rayle malamang marami ang maghahabol sayo at mga magaganda pa. Hindi ko alam kung ilang minutong nakahiga sa Rayle sa hita ko pero hinayaan ko lang siya total masaya naman ako at ayos lang sa akin.