Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Rayle habang nakaupo kaming dalawa sa duyan kahit na malalim ang gabi nandito kaming dalawa nakaupo habang nakatingin sa kalaliman ng buwan at mahigpit akung napahawaka sa kanya at parang hindi ko nga bibitiwan ang kanyang kamay na hinahawakan ko. Hindi ko alam kung paan ako tumahan sa kakaiyak kanina basta ang alam ko dinala lang ako dito ni Rayle at dito na ako tumahan sa aking pag-iyak.
“Gutom kana ba baka hindi kapa kumakain? Ano nalang nag sasabihin nila sayo doon kung isang buong araw kang hindi lumabas sa apartment mo?” napa-isip naman ako sa sinabi ni Rayle pero wala naman akung pakialam kung ano ang sasabihin nila sa akin wala naman silang alam tungkol sa buhay ko umalis na naman si Ivan kaya alam kung hindi na siya babalik doon dahil humingi ako sa kanya ng oras kahit alam kuna ang dapat kung isagot sa kanya.
Kumukuha lang ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na may mahal na akung iba at hindi ko alam kung matatanggap ba ito ni Ivan o hindi dahil alam kung masasaktan siya ng sobra wala siyang kaalam-alam na may mahal na akung iba at hindi niya manlang ito nalaman o nahalata sa akin. Hindi ko naman mapipilit ang puso kuna mahalin siya kung hanggang kaibigan nalang talaga ang tingin ko sa kanya.
“Wala naman silang pakialam sa akin doon at hindi naman ako nila kilala,” sagot ko kay Rayle at dahan-dahan na sumandal sa kanyang balikat kaya kaagad naman niyang hinaplos ang aking ulo at marahan akung hinalikan sa noo. “Simula ng pumasok ako sa luagr na ito pinabayaan ko ang iniisip ko kahit panaginip lang ito dahil para noon sa akin ang mahalaga masaya ako kahit sa panaginip ko lang pero hindi ko akalain na hindi lang pala panaginip ang lahat ng ito,” sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung kung sayo mismo nangyari ang pangyayaring ito.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon o sasabihin ko basta ang alam ko mahal kita Rayle alam kung masyadong maaga pero iyon naman talaga ang nararamdaman ko,” matamis kaung ngumiti sa kanya at mas lalong mahigpit na hinawakan ang kamay niya pero mabilis naman siyang umurong lalo sa akin at hinawakan ako sa aking mukha at pinaharap sa kanya at mariin akung hinalikan sa noo na mas lalong nagbigay sa akin ng ligaya na hindi ko maipaliwanag.
“Makinig ka sa akin Kleyton,” doon naging seryoso na ang boses niya seryoso ko din naman siyang tinignan sa mukha lalong-lalo nasa kanyang mga mata. “Hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganito dahil kahit ako ganon din ang nararamdaman ko sayo simula palang noon at nakatadhana ng mamahalin kita ng higit pasa buhay ko at ang ikina-tatakot ko lang ay baka hindi mo kayanin at ayaw kitanbg masaktan sa huli ayaw kitang makikitang umiiyak dahil sa akin pero sadyang suwail naman ang puso ko dahil patuloy na ikaw ang kanyang isinisigaw at kapag nakikita naman kita sobrang saya ko at parang buong-buo na ang araw ko kaya sabihin mo sa akin na kakayanin mo dahil handa akung sumugal kung ikaw naman talaga ang nasa ng lahat ng ito,” sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang dahan-dahan na pumapasok sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Rayle mga salitang nagtatak sa aking isipan na kahit siguro sa pagtulog ko hinding-hindi ko makakalimutan.
“Handa kabang hawakan at lumaban kasama ako hanggang sa huli? Wala akung maibibigay na iba sayo kundi ang pagmamahal ko lang Kleyton pagmamahal na kahit kailan hinding-hindi mawawala dahil para sa akin ikaw lang naman talaga ang mahalaga,” mabilis niyang pinahid ang luhang kumawala sa aking mga mata at masuyong hinalikan ang aking mata habang pinapahid niya ang aking mga luha. “Simul ang dumapo ang sumpa na ito sa akin wala ng ibang babae ang puso ko kundi ikaw lang, nakatadhana lang akung magmahal ng isang babae at walang iba iyon kundi ikaw ang babaeng nakatadhana na magbibigay sa akin ng lakas at tapang ng loob, your my kryptonite Kleyton,” napahawak ako sa aking mga labi habang hindi makapaniwala sa binitiwang salita ni Rayle pero punong-puno naman ng saya ang aking puso dahil sa kakaibang pakiramdam na binibigay niya sa akin.
“Hindi ko alam kung ang sasabihin ko sayo o ano ang isasagot ko pero sobrang napupuno ng saya ang puso ko Rayle,” hindi na ako nag-atubili pa at mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit sabay baon ng aking mukha sa aking leeg. “Hnada akung harapin ang kahit ano Rayle at handa akung masaktan ng paulit-ulit kung alam kung sa huli ikaw din naman ang makakasama ko handa akung sumugal ng maka-ilang ulit para sayo at mas lalong handa akung hawakan ang iyong kamay hanggang sa huli at pangako na hinding-hindi ko ito bibitiwan,” naramdaman ko na mas lalong niyakap ako ni Rayle at masuyo akung hinalikan sa ulo habang nakayakap lang ako sa kanya at hindi malamang dahilan naramdaman ko nalang ang kanyang hikbi sa aking likod habang nakabaon na ang kanyang mukha sa aking leeg. “Mahal na mahal kita Rayle palagi mo iyang tandaan sa inakala kung panaginip man kita nakilala ang mahalaga mahal kita at wala namang panahon o lugar ang pagmamahal basta kusa mo nalang siyang minahal ng buong puso,” marahan kung hinimas ang kanyang likod at dahan-dahan na kumalas sa kanyang pagkakayakap at ako naman ang humawak sa kanyang mukha. Marahan ko itong hinaplos sabay halik sa kanyang ilong pero laking gulat ko ng mabilis niya akung hinawakan sa beywang at binaba ang halik sa aking labi.
Hindi na ako umangal at hinayaan nalang siyang halikan ako sa aking labi habang damang-dama ko naman ang lambot ng kanyang mga labi habang mahina itong humahaplos sa aking mga labi at dahan-dahan na nilagay ko ang aking kamay sa kanyang leeg at hinimas ang kanyang ulo. Mas lalong lumalim ang halikan naming dalawa hanggang sa dahan-dahan na lumayo sa akin si Rayle pero sobrang lapit parin ng kanyang mukha sa akin na kaunting galaw mo lang mahahalikan na naman niya ako. Matamis siyang ngumiti sa akin at mabilis na hinalikan ang aking ilong.
“I love you too Kleyton,” para akung nakalutang sa ulap ng marinig na sinabi ito sa akin ni Rayle at mabilis na naman niya akung hinalikan ulit sa labi at hindi na niya hinintay ang magiging sagot ko.