Chapter 48

1043 Words
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Aiden ng sabihin niya ang mga salitang iyon pero ako nanatiling nakapikit at tahimik at iniisip ang sinabi ni Aiden. Pero kaagad naman akung nakarinig ng sunod-sunod sapok at mura at reklamo ni Aiden. “Tangina ka talaga kahit kailan Aiden! Alam mo namang pinapapikit na siya ni Rayle sayo inasar mo pa walang hiya ka talaga!” para naman akung nabunutan ng tinik sa puso ng marinig ang sinabi ni Austin. “Huwag kang maniwala sa sinasabi ni Kleyton nandoon sa itaas si Rayle nauna lang siya kailagan niya lang gumawa ng daan para makalabas tayo,” mabilis naman akung napabitaw kay Aiden at walang alinlangan na hinambalos ito kahit hindi ko alam kung nasaan siya basta may matamaan lang ako. Tinakot niya naman ako alam naman niya na natatakot na ako kasi hindi ko alam kung bakit niya ako pinapikit tapos ang walang hiyang si Aiden naman nagawa pa niya talaga akung asarin tapos tumawa pa ang walang hiya. Kahit anong inis ko kay Aiden hindi talaga ako tumawa at dumilat kasi hindi naman ako natatawa sa ginawa niya tinakot niya naman ako. “Walang hiya ka talaga dalhin niyo nalang ako kay Rayle,” saad ko sa kanila at hindi na pinansin ang ginawa ni Aiden hindi nadin ako nagsalita sa kanila pero nakarinig pa ako ng bulungan nilang dalawa at makailang beses pang sinapok ni Austin si Aiden kahit hindi ko sila nakikita nararamdaman ko naman. Hindi ko alam kung bakit ako ganito basta ang alam ko kapag nakakarinig ako ng ganong usapin sumasakit ang puso ko at grabi ang epekto sa akin kahit hindi naman totoo. Para naman akung hinampas na hindi ko alam kanina ang sakit kasi isipin kapag ganon, masyado ko lang mahal siguro si Rayle na kahit ang mga biro nila ay naging seryoso sa akin at aaminin kuna ayaw ko ng ganong biro kasi sumasakit ang puso ko kahit biro lang ito hindi ko alam kung bakit ganito biruin muna ako ng iba huwag lang ang iiwan ako ni Rayle. Ang sakit kasing isipin kapag iisipin kuna iiwan ako ni Rayle parang mabibiyak ang puso kuna hindi ko alam. Hanggang sa tuluyan na kaming makalabas doon dahil kahit nakapikit ako ramdam kuna ang maaliwalas na paligid doon pero hindi parin ako dumilat hinihintay ko kasi na sinabi sa akin si Rayle na kapag hindi niya sinabing didilat ako huwag na huwag kaung didilat hindi ko alam kung bakit pero susundin ko nalang siya. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata na may tinatago siya sa akin na ayaw niyang makita o malaman ko okay lang naman sa akin iyon kasi hindi sa lahat ng bagay sasabihin na niya sa akin ang lahat. Akmang magsasalita ako ng may bigla nalang yumakap sa akin at sa amoy palang alam kuna si Rayle na ito kaya yumakap nalang ako pabalik sa kanya. “Im so sorry baby, ayos ka lang ba?” biglang tanong niya sa akin habang nakayakap parin siya sa akin. Dahan-dahan ko namang binaon ang aking mukha sa kanyang dibdib na kaagad naman niyang ikinatawa. “Anong ginawa sayo ni Aiden ha? Don’t worry hinding-hindi kita iiwan kahit kailan iyon ang tatandaan mo Kleyton na hindi ko kayang iwan ka kahit ano man ang mangyari hindi ako bibitaw sayo at handa kitang ipaglaban ng p*****n makasama ka lang,” mas lalo lang akung naiyak at tumulo ang aking luha sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ako nagiging ganito basta nasaktan nalang ako bigla sa sinabi ni Aiden kahit maliit lang na bagay iyon malaki na ang naging epekto sa akin. “Akala ko kasi iiwan mo ako,” tanging saad ko sa kanya kaya mabilis naman niyang hinaplos ang aking likod at dahan-dahan na pinaharap ako sa kanya at siya na mismo ang nagpadilat ng mga mata ko at sa pagdilat ko kaagad naman akung napabitaw sa kanya ng makita na ang kulay ng buhok nito. Literal na napanganga ako at natulala sa kanya pero siya napangiti lang sa akin at muli akung hinapit sa beywang. Paano ba naman ang kayang buhok ay may highlight na itong kulay gold at naging mas gwapo ito na hindi ko alam, paano naging ganito ang kanyang buhok? Nakita niya sigurong nagulat talaga ako pero hinaplos niya lang ang aking mukha at hinalikan ako sa noo. Biglang kumabog ng malakas ang aking puso at yumakap ako pabalik sa kanya bahala na kung nakikita kami ng kanyang mga kaibigan wala na sa akin iyon ano ang masama sa ginagawa ko sadyang mahal ko lang talaga si Rayle. “Mamaya kuna sasabihin sayo marami pa tayong kaibigan,” kaagad naman akung napabitaw sa kanya at napatingin sa paligid namin kung saan maraming nakapalibot na nilalang at tumutulo pa ang kanilang mga laway hindi nalang mga taong uwak ang nandito kundi nandito din naman ang mga goblin na hayok na hayok ang mga mukha at naglalaway habang nakatingin sa akin. Marami namang bangkay sa paligid at nakita ko sa dulo doon nakikipag-laban sina Aris at Ace sa mga goblin at bawat galaw nila ay pulido. “Huwag na huwag kang aalis sa likod ko at palagi mo lang tandaan na kung lumapit man sila sayo huwag kang mag-dalawang isip na patayin sila,” kaagad naman akung tumango sa sinabi ni Rayle at hinawakan ang espada na binigay niya sa akin kanina at umiilaw na naman ito. Kaagad ko itong itinaas at itinutok sa mga kalaban habang si Rayle naman ay bigla nalang may lumabas na gintong espada sa kanyang kamay kaya napatingin na naman ako doon dahil sa gulat. Hindi ko lang kasi lubos-maisip nasa tanang buhay ko makakakita ako ng ganyan at may ganito palang pangyayari sa mundo na walang nakakaalam pero nandito ako nasasaksihan ko ang lahat-lahat. Hindi ko nalang iyon pinansin kahit na marami na ang katanungan sa aking isipan hinayaan ko nalang kasi mas uunahin muna namin ngayon ang kaligtasan naming kaysa sa magtanong ako sa kanila na mamaya masasagot naman iyon. Malalim akung napabuntong hininga at tumingin sa mga kalaban at handa na akung pumatay para sa kaligtasan ko at para nadin kay Rayle kahit sa ganito nalang makalaban ako na kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD