Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang nakatingin kay Ivan na hanggang ngayon nasusuka parin siya at hindi maka-get over sa mga nangyayari. Natapos na ang gulo kanina at hindi ko alam kung paano ko napatay ang lahat-lahat ng mga halimaw na iyon kasi natigil lang ako sa pakikipag-laban ng wala na akung nakitang kalaban kundi ang pagsusuka nalang ni Ivan na akala mo naman buntis kung magsuka. Ang baho kasi ng buong paligid at nakakalula ang mga bangkay na pinatay ko siguro kung ito ang unang pagkakataon na makita ko ito malamang masusuka din ako pero hindi. Nasanay nalang siguro ako at hindi na inalala ang baho at bangkay sa buong paligid.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya kaya napatinngin naman siya sa akin at bigla na akung inirapan hindi ko naman alam kung bakit niya ako iniirapan, huwag ka Kleyton alam mo kung bakit naging ganyan ang reaksiyon ni Ivan kasi hindi mo sinabi ang totoo sa kanya at hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya. Biglang binawi ni Ivan ang kamay niyang hawak-hawak ko at tinignan na naman ako nito ng masama at napabuntong hininga.
“Sabihin muna sa akin ang totoo Kleyton,” doon ako natahimik at hindi kaagad nakasagot sa kanya pero umiwas lang ako ng tingin at kaagad na tumayo at inayos ang coat ni Rayle na suot ko. “Hindi na kasi kita makilala at pakiramdam ko hindi na ikaw ang Kleyton na minahal ko hindi na kita kilala,” maka-ilang beses nabang sinabi sa akin ni Ivan ang mga salitang iyan kasi pakiramdam ko ilang beses na talaga at kaya pala tatlomg araw ang binigay sa akin ni Rayle kasi alam niyang mahihirapan akung kumbinsihin si Ivan sa gusto kung mangyari, kung iisipin labas naman talaga dito si Ivan pero sadyang nadamay lang siya at nasangkot sa gulo ko.
“Kagaya ng sinabi ko noon sayo wala akung sasabihin Ivan at iyon ang intindihin mo, ayaw kung umabot na naman tayo sa punto na mag-aaway na naman tayong dalawa dahil dito at hindi kuna naman paligilan ang sarili ko at kung pa ang masabi ko sayo. Ayaw kung saktan ka kaya sa abot ng makakaya ko nilalayo kita at hindi sinasama sa gulo na ito kasi labas ka dito at walang kang kasalanan,” mahina kung saad sa kanya pero kagaya kanina parang wala lang itong narinig sa sinabi ko at patuloy na hinihintay kung ano man ang sasabihin ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya sabay tago ng aking espada sa tagiliran ko at hiniling na sana may tumulong sa akin para itatak sa isipan ni Ivan ang lahat-lahat ng ito. “Kung pwede ko lang sana sabihin syao ginawa kuna pero hindi nga pwede Ivan, hindi pwede,” may diing sagot ko sa kanya at pilit na pina-iintindi ito ng maliwanagan na siya pero mapait lang siyang ngumiti sa akin na mukhang hindi parin contented sa ano man ang naging sagot ko.
“Hindi ganyang sagot ang hinihintay ko mula sayo Kleyton alam mo kung anong sgaot ang hinihingi ko sayo at bakit hindi mo sasabihin sa akin ang totoo kung nadamay na ako kaya mas mabuti na sabihin mo nalang ng matapos na ang lahat ng ito at baka sakaling maintindihan kita,” mabilis akung napahilamos sa aking mukha at napaurong sa kanya kasi paano ko pa ipapaliwanag sa kanya kung sarado na ang kanyang utak sa katotohanan na nais kung sabihin sa kanya. Mas mabuti siguro na hayaan ko nalang siya at ipilit nalang na umalis nalang muna siya dito at pumunta sa ibang bansa at baka doon hindi na siya mahabol ng mga nilalang na naghahanap sa amin. “Ni hindi ko nga alam kung sino ang lalaking mahal mo na sinasabi mo ni anino niya hindi ko makita na kahit pangalan niya hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba siya o ano ba ang kanyang mukha at ano ang kaya niyang gawin para syao kung mahal kaba talaga niya wala akung alam Kleyton kasi hindi mo sinasabi at pinapaliwanag sa akin, bakit mahirap ba talagang gawin ang bagay na iyon para sayo?” hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot kay Ivan kasi sa bawat salitang binibitiwan niya ramdam ko ang skait at pighati niya, alam kung masama ang loob niya sa akin pero kapag sinabi ko sa kanya mapapahamak siya kaya titiisin ko nalang na masama ang loob niya sa akin kaysa sa mawala siya dahil sa akin.
“Kagaya ng sinabi ko Ivan sobrang mahalaga ka sa akin at ayaw kung mawala ka pero mahal na mahal ko din naman si Rayle at hindi ko kayang pumili sa inyong dalawa kaya sa abot ng makakaya ko ilalayo kita sa gulo dahil kapag nasali kapa mahihirapan na akung ayusin ang lahat-lahat ng ito ang hinihingi ko lang ay intindihin mo ako hanggang sa ako na mismo ang magsabi sayo ng totoo sa tamang oras,” hindi ko alam kung maniniwala siya sa sinabi ko basta wala na akung makalap na salita para sabihin sa kanya upang kahit paano mabago ko ang kanyang desisyon na tigilan na niya ang kakahanap sa sagot kasi mas lalong malalagay sa panganib ang kanyang sarili kapag patuloy niya paring ipinag-pipilitan ito. Nanatiling tahimik si Ivan at walang sagot sa akin pero ang kanyang tingin punong-puno parin ng katanungan at sama ng loob sa akin at mukhang hindi na ito mawawala.
“Kung hindi mo din naman sasabihin sa akin kalimutan mo nalang na naging kaibigan mo ako at minahal kita kasi mukhang hindi na naman ikaw ang Kleyton na minahal ko, hindi na ikaw ang babae na minahal ko ng mas higit pa sa buhay ko. Ang sakit-sakit na malaman kung may mahal ka ng iba at wala akung kaalam-alam sa lahat-lahat isnag araw nagising nalang ako na may nagmamay-ari na pala sayo at hindi ako iyon, may iba na palang laman ang puso mo at hindi na ako,” pinahid ni Ivan ang luha na kumawala sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at hindi alam kung ano pa ang kanyang sunod na sasabihin. “Kung ako sayo sabihin muna Kleyton para isang bagsakan nalang ang sakit kasi kapag mas lalo mo pa itong pinapatagal mas lalo lang akung nasasaktan sa pinanggagawa muna hinding-hindi ko maintindihan, hindi ko nga alam na magagawa mo palang tumalon sa building ng hindi namamatay at hindi ko alam na magaling kang pumatay at makipag-laban sa hindi maipaliwanag na nilalang na kahit sa tanang buhay ko hinding-hindi ko pa nakikita ni hindi ko nga alam na may ganong nilalang pala dito sa mundo,” pagak itong napatawa habang nakatingin sa akin at idinuro ako habang umiiling, may mga dugo at sugat pa ang kamay at katawan niya lalo na ang talsik ng dugo sa kanyang mga damit na parang kaka-survive niya lang talaga sa kamatayan na totoo naman, kahit ng ako punong-puno na ako ng dugo at sugat pero humihilom naman ito siguro sa kapangyarihan nadin na nasa akin.
Sa bawat salitang binibitiwan ni Ivan nasasaktan din naman ako pero hindi koi yon pinahalata sa kanya at iniwas ko nalang ang aking tingin. Alam kung nakikita ito ni Rayle at batid kung nasasaktan na naman ang mahal ko kapag may kasama akung ibang lalaki kahit naiintindihan ito ni Rayle masasaktan padin siya dahil dala na siguro ito ng sumpa sa kanya, ang lakas ni Rayle ay nanggagaling sa akin na kapag malapit ako sa kanya nagiging malakas siya at walang makakatalo sa kanya pero kapag malayo ako at nasasaktan ko siya nanghihina naman siya, I am really his kryptonite.
Mas lalo lang akung kinabahan ng sabihin niya na kalimutan ko nalang na kaibigan ko siya kung hindi ko din naman sasabihin sa kanya, kilala ko si Ivan at alam ko kapag seryoso siya sa kanyang sinabi at nakikita ko sa kanyang mga mata na talagang seryoso siya. Mukhang naubos kuna talaga ang pasensya ni Ivan sa mga nangyayari at hidni na niya ako naiintindihan at ayos lang naman sa akin iyon kasi talaga namang ang hirap intindihin at nakakasakit ng ulo, kung ako din naman iyon din ang sasabihin ko kagaya nalang ng nasabi ko sa kanya kanina na alam kung nasaktan ko siya Hindi kuna napigilan ang aking sarili at nakabitaw na ako ng salita na magdudulot ng sakit ng kanyang damdamin. Ayaw ko din namang mawala nalang ng basta-basta ang pagkakaibigan naming dalawa ayaw kung mawala nalang ang ilang taon na pinagsamahan namin dahil lang dito.
“Kagaya ng sinabi ko wala akung sasabihin sayo kaya magpa-hinga kana muna,” dahil sa ayaw ko ng makausap siya at hahaba lang ang away naming dalawa mabilis akung lumapit sa kanya at gumawa ng paraan para mawalan ito ng malay ng madala ko siya ng matiwasay sa ligtas na lugar at mukhang kailangan ko pang gamutin ang kanyang mga sugat. Kung nandito man si Rayle sa paligid ko babawi nalang ako sa kanya kapag nakabalik na ako ng palasyo sa ngayon kailangan ko munang alagaan si Ivan at susubukan ko paring ipa-intindi sa kanya ang lahat-lahat ng ito. Walang kahirap-hirap kung binuhat si Ivan nasa tanang buhay ko hindi ko akalain na magagawa ko sa kanya ito, tama nga ang sinasabi nila hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas.
DINALA ko si Ivan sa isang tagong isla kung saan kaunti lang nag tao at matiwasay naman dito, binayaran ko ang buong isla na ito syempre gamit ang card niya alam ko naman password at wala akung ganon kalaking pera para bayaran ang isla na ito. Mas safe pa siya kapag nandito siya at inalala ko naman ang mga sinabi sa akin ni Austin bago ako umalis na kailangan kung matapos ito sa loob ng tatlong araw at hindi kuna alam kung matatapos ko ba ito sa loob ng tatlong araw kasi ang hirap ng kumbinsihin ni Ivan ang tigas na na niya, iyong tipong hindi na siya nakikinig sa akin na ang hinihintay niya lang ay kung ano ang tama at ang totoo na pinagkakait ko sa kanya.
Hindi pa siya nagigising at ginamot ko pa ang kanyang mga sugat kaya at medyo pagod at stress siguro si Ivan kaya matagal ang kanyang tulog. Total tulog naman si Ivan bumalik nalang muna kaya ako sa palasyo at kapag gising na si Ivan babalik din naman ako dito at akmang pipikit na ako ng maalala kuna naman ang sinabi ni Ace sa akin na malaki ang ginawa nilang paraan para makabalik ako dito na hindi nasisira ang pagitan sa dalawang mundo at akpag bumalik ako doon baka masira na ang ginawa nila at mapunta pasa wala, malaim akung napabuntong hininga at hindi na itinuloy ang plano ko, mas mabuti nalang siguro na hintayin ko nalang at mas pagtuunan ng pansin ang mission ko dito ng mawalan naman ng kahit kaunitng problema si Rayle.
Kasi kahit nakangiti siya at kumikinang ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin alam kung nasasaktan parin siya at may tinatagong problima at iyon ang ayaw ko dahil nasasaktan din naman ako kapag nalaman kung nasasaktan siya. Wala ng sasakit pa kapag nakita mo ng harap-harapan ang taong mahal muna nasasaktan at mas lalong sasakit kapag nakita muna sunod-sunod na tumutulo ang kanyang luha at hindi moa lam kung pupunasan mo ba o yayakapin mo siya kasi kapag nakikita ko si Rayle na ganyan parang binibiyak ang aking puso na hindi ko alam na parang hindi ako makahinga at pinipiga ang puso ko ng maka-ilang ulit.
Akmang tatayo na sana ako para gisingin si Ivan ng bigla ko nalang naramdaman ang malamig na simoy ng hangin at isang malamig na yakap ang naramdaman ko sa aking likuran, hindi ako natatakot bagkus ay napapikit ako at sunod-sunod na tumulo ang aking luha habang dinadama ang yakap na iyon kahit hangin lang kasi alam kung si Rayle at alam kung nararamdaman niya nag feelings ko at alam niyang miss na miss kuna siya at kahit sa ganito nalang nararamdaman kuna kasama ko siya at hindi niya ako iiwan.
Habang dinadama ko ang yakap na iyon mas lalong tumulo lang ang aking luha at mas lalong nangulila ako kay Rayle, ganon nga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao parang magka-dugtong na ang inyong buhay na kailangan niyo ang bawat isa para mabuhay hindi ko alam kung ganyan din sa iba pero sa sitwasyon namin ni Rayle ganon ang nararamdaman ko ay pangungulila at takot kasi ibang mundo ang ginagalawan naming dalawa, ang mundo ng pagmamahalan naming ay nasa panganib ko kaya ngayon niyo sa akin sasabihin kung hindi masakit kapag sa inyo ito nangyari? Masaya na ako ng makita ko siya pero iba parin ang saya kapag kasama mo sa totoong buhay ang mahal mo at kaya patuloy parin akung lumalaban kahit na minsan ang sakit-sakit na at hindi kuna kaya pero para sa aming dalawa ni Rayle kinakaya ko kasi mahal na mahal ko siya at gusto ko siyang makasama sa totoong mundo, iyong hindi kuna kailanganng matulog para makita at makasama ko siya kasi nandito na siya sa tabi ko. Iyong tipong paggising ko nasa tabi kuna siya at at nakayap sa kain pero ngayon kailangan ko pang matulog ng ilang araw bago ko makasama ang mahal ko, ayos lang naman sa akin iyon kasi naiintinidhan ko pero hindi mo naman mawwala sa akin ang umasa n asana may himala at makasama kuna si Rayle dito, wala naman sigurong imposible sa nagmamahalan at hanggang ngayon iyon ang pinang-hahawakan ko ang balang araw na mag-kakasama din kami.
Dinamdam ko nalang ang yakap sa akin ni Rayle kahit sa hangin nalang maramdaman ko manlang siya, miss na miss kuna talaga siya at hindi ko kayang hindi siya makita pero hindi naman sa lahat ng oras pwede kuna siyang makasama kailangan din naman ako ni Ivan dito at may tamang oras para makasama ko si Rayle. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon kasi kapag kasama ko si Rayle mabilis lang akung nagiging okay pero kapag malayo siya sa akin wala akung ubang magagawa ang maging malakas at harapin ang problema ko ng mag-isa. Alam ko naman na hindi sa lahat ng oras kasama ko si Rayle pero kasi nasanay na ako na nasa tabi ko siya at alam niyo naman kung gaano ko siya kamahal, alam kung sobra-sobra na ang pagmamahal ko sa kanya pero alam ko naman kung hanggang saan lang ako.
Hindi nag tagal nawala na ang malamig na hangin ang yumakap sa akin at doon na ako nalungkot ulit at ngumiti nalang ulit at kahit nandito lang ako alam kung nakabantay lang sa akin si Rayle at hindi niya ako iiwan. Rayle will always be my hero at siya lang ang lalaking mamahalin ko ng buong-buo at hindi ko nga alam kung makakaya ko pabang magmahal ng ibang lalaki katulad ng pagmamahal ko sa kanya kasi sa tingin ko hindi talaga. Mbailis na akung pumasok sa loob at itinuloy ang plano kuna gisingin na si Ivan kasi anong oras na at kailangan pa naming dalawa na mag-usap.