Habang nasa mesa ako at kakatapos lang naming kumain ng hapunan ni Aling Dilia iyong tumulong sa akin at nagpatuloy sa bahay nila kasama ang kanyang anak na babae na kaedad ko din naman pala pero wala itong trabaho dahil hindi nakapag-tapos ng pag-aaral at kahit gustuhin niyang makapag-tapos ng kanyang pag-aaral wala naman daw silang pera at masyadong malaki ang gastuhin kapag nasa college kana.
“Salamat nga po pala ulit sa pagpapatuloy sa akin dito,” nakangiti kung saad habang tinitignan mga bata nitong anak na Magana paring kumakain ng pritong meat loaf at ibang pagkain na dala ko kanina para kainin ko habang nandito ako at masaya naman ako dahil alam kung kahit sa ganito lang nasiyahan sila sa dala ko. Hindi man ako taga bundok pero alam ko ang hirap kapag mahirap kayo na parang isnag kahig at isang tuka pero patuloy parin silang kumakayod upang maka-ahon sa kahirapan na tinatawag.
“Kami nga dapat ang magpasamat sayo dahil sa pagkain na binigay mo sa amin at ang sarap-sarap naman kasi ng mga ito,” nakangiting sagot sa akin ng anak ni Aling Dalia na kaedad ko habang nilalantakan nito ang isang hotdog at mabilis na uminom ng tubig. Napangiti nalang ako sa kanila dahil masaya naman silang kasama at hindi naman sila masamang tao.
Pupunta sana ako kanina doon sa mansion pero mabilis naman nila akung pinigilan at sinabihan na bukas nalang ng umaga ako doon pumunta at hihintayin nila ako sa labas dahil mukhang sila pa talaga ang kinakabahan kaysa sa akin na papasok doon at sa totoo lang hindi naman ako kinakabahan na pumasok doon parang normal lang sa akin ang pumasok doon hindi ko naman alam kung bakit ganon nalang nararamdaman ko.
“Hindi kaba talaga iha natatakot na pumasok ulit doon sa mansion? Alam naman namin na mahirap maniwala sa mga ganito pero ilang beses na kasi itong nangyari at hindi naman pwede na baliwalain nalang ito lalo pa at ikaw palang ang unang tao na nakalabas doon kaya nakuha mo kaagad ang atensiyon ng lahat dito at laking gulat namin na babalik kapa sa loob dahil sa mga tanong na sinasabi mo bakit may nakita kaba sa mansion? Nakita muna ba ang multong iyon?” naging sunod-sunod ang tanong sa akin ni Aling Dalia habang ako naman ay napa-isip sa kanyang sinabi pero kagaya ng dati buo parin ang loob kuna pasukin ulit ang mansion na iyon.
“Wala naman po siguro akung dapat katakutan doon dahil kung nagawa ko pong lumabas doon ng buhay siguro magagawa ko naman ulit iyon at hindi naman kasi ako matatahimik hangga’t wala akung alam sa mga nangyayari sa akin ang alam kop o dito nagsimula ang lahat ng kakaiba sa buhay ko simula ng pinasok ko ang mansion na iyon at isa na doon ay ang kwento sa akin ng Lola kuna kagaya din ng mga kwento niyo,” sagot k okay Aling Dalia at malalim na napabuntong hinga habang bumabalik na naman sa utak ko ang mukha ni Rayle na nakangiti.
Inaantok na nga ako at gusto ko ng matulog pero pinipigilan ko nalang ang aking sarili dahil nakakahiya naman sa kanila kung matutulog ako kaagad ng ganito na kaaga. Gawa sa kawayan ang kanilang bahay at kawayan din ang kanilang sahig maganda nga dahil malamig at hindi mainit ang kanilang bahay literal na simple at maayos ang kanilang buhay dito.
“Kung ano man ang balak mong gawin bukas hihintayin ka nalang namin sa labas dahil kahit kami ang nasa utak namin ay ikaw ang babaeng hinihintay ng multong nakatira doon at mukhang malaki nga talaga ang parte mo sa kanyang buhay,” hindi ko alam kung bakit ganito ang kwento ng mansion na iyon pero kung totoo man ang lahat ng ito hindi kuna alam ang gagawin ko lalo pa at wala naman akung alam sa maga ganito.
“Bahala napo bukas kung ano man ang mangyari basta mahanap ko ang sagot sa tanong kuna kahit tanong ko hindi kuna alam kung ano at kung ano ba dapat ang hahanapin kung sagot,” napatampal nalang ako sa mukha ko dahil sa problima na nasa utak ko at hindi kuna alam kung paano ko pa ito aayusin idagdag mo pa ang kanina pang tumatawag nasi Ivan malamang nag-aalala na siya sa akin kung bakit ako umurong sa trabaho ko at hindi ko naman sinabi sa kanya kung nasaan ako ngayon dahil malamang susundan niya talaga ako at mapipilitan na talaga akung sabihin sa kanya ang mga nangyayari sa akin at ayaw kung pati siya magkaroon ng problema dahil sa akin. “Dito lang ako tinutulak ng utak at puso kuna pumunta upang hanapin ang sagot na hinahanap ko,” biglang napatango sa akin si Aling Dalia at inilapag ang iba nitong hugasin at kaagad na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
“Wala man akung maitutulong sayo pero nandito kami para alalayan ka iha,” ngumiti nalang ako kay Aling Dalia at hinawakan din ang kanyang kamay. “Alam mo bang ang mansion na iyan ang dahilan kung bakita kaunti nalang ang naninirahan dito sa San Nicholas? Pinaniniwalaan na gawa ng iyon ng bruha ang bruha na naging dahilan kung bakit naging multo ang tinaguriang Hari noon at kapag dumating ang kanyang reyna pinaniniwalaan din namin na muling maibabalik ang kasiyahan at kasaganaan dito sa San Nicholas,” tinignan ako ni Aling Dalia sa mga mata habang nagsusumamo ang kanyang mukha. “Umaasa ang mga tao nab aka ikaw na iyon ang kanyang hinihintay dahil simula ng dumating ka dito at nakalabas ng buhay sa mansion ay marami na ang nangyaring maganda dito at naging maayos ang pamumuhay nila,” hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa kanyang sinabi dahil talagang umaasa sila na ako na iyon.
“Baka po nagkataon lang iyon alam niyo naman po masipag naman ang mga tao dito at mapag-mahal sa trabaho,” nakangiti kung sagot sa kanya kaya napangiti naman din ito sa akin at marami pa kaming pinag-usapan mabilis nga napalapit ang loob ko sa kanila. Ang dali naman kasi nilang makasabay sa akin kahit ako din naman sa kanila hanggang sa tumagal pa nga ang usapan naming.