Habanng nasa bintana ako ng kwarto ni Rayle at tinitignan ang mga halaman at paru-paru sa labas hindi ko parin lubos maisip ang lahat-lahat ng nangyayari sa akin to the point na nakapatay na ako dito sa mundong ito. Malalim akung napabuntong hininga at tinignan ang hawak kung espada na ngayon ay naging kutsilyo nalang at kapag may kalaban nagiging espada nalang ito bigla. Hindi ko pa nasusubukang gamitin ang espada na ito simula ng mapatay ko ang kapatid ni Esmeralda at may kung anong gamot na pinainom sa akin si Rayle para tuluyan na akung gumaling ang pangit ng lasa pero mabisa naman siya. Ilang linggo na din ako dito at wala nading nanggulo sa amin pero ang sabi ni Austin naghahanap lang ng tamang oras at araw si Esmeralda ngayon na wala na ang kanyang kapatid at napunta din naman sa espada ko ang kanyang kapangyarihan, ano ang magagawa ko dahil kailangan ko siyang patayin at hindi din naman naming basta-basta hahayaan na sila ang manalo sa laban na ito. Mahal ko si Rayle at nais ko siyang makasama sa kabilang mundo kung saan wala na kaming iisipin kundi ang buhay naming dalawa dahil tapos na ang kalbaryo naming at wala din akung alam kung ano ang mangyayari sa lugar na ito.
Akmang babalik na ako sa pagkakahiga ng bigla nalang may sumabit at tumalon sa aking bintana at handa na sana akung batuhin ito ng hawak kung espada ng makita kung si Ace ito kasama si Aris. Mabilis naman silang napa-urong ng makita nilang nakataas na ang hawak kung espada, alam naman nila na dahil sa nangyayari ngayon dito naging alerto na ako sa mga bagay-bagay pero isang ngiti nalang ang tanggap ko mula sa kanila at kaagad na napangiti nadin ako. Kung kayo ba naman ang nasa posisyon ko malamang ito din ang gagawin niyo.
“Hindi na ako magtataka na kapag ginulat ka naming ulit matatarak muna talaga sa amin ang espada na hawak mo,” nakangiting saad ni Aris sa akin at kaagad na umakbay kay Ace. Hindi ko alam kung saan nagmana ang limang lalaki na ito na ang gwapo at kahit sinong babae mahuhulog naman sa kanila pero ako mananatiling si Rayle ang mahal ko kahit ano man ang mangyari, aaminin kuna siya lang talaga ang lalaking minahal ko ng ganito to the point na hindi na ako tumitingin sa ibang lalaki dahil para sa akin siya na ang magiging kasama ko habang buhay. “Hindi kana pala pwedeng biruin dahil sa isang iglap pwede muna kaming mabura dito sa mundo ng walang kahirap-hirap,” mabilis na naman sila napatingin sa hawak kung espada at nagsi-kilabutan. As if naman sa kanila ko itatarak ang espada na hawak ko hindi ko naman sigurong kayang gawin iyon sa kanila.
“As if naman na magagawa ko iyon sa inyo huwag niyo lang talaga akung gulatin dahil baka makalimutan ko talaga at mabato ko sa inyo ang espada na ito,” doon naman sila tuluyang napangiwi habang ako naman ay napatawa sa kanila at binaba ang espada. “Bakit nga pala kayo napatalon diyan sa bintana?” tanong ko sa kanila at doon kaagad na naging seryoso ang kanilang mga mukha kaya ako naman biglang kinabahan at na alarma. Alam kung may problema na naman, hindi pa nga ako tuluyang gumaling may problema na naman at kung ano man ito ano na naman kaya ang magagawa ko para malampasan ito. “Sabihin niyo na sa akin,” mahina kung saan siguro kaialngan ko ng ihand ang sarili ko sa kung ano man ang kanilang sasabihin.
“Si Ivan ang sunod na pinupunterya ng mga goblin ngayon at hindi naming alam kung kailan nila pupuntahan si Ivan,” parang sinampal na naman ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Aris dahil alam kung darating ang pagkakataon na ito pero hindi ko inaasahan na masyado namang mapapa-aga. “Hindi naming akalain na maiisipan nilang idamay dito sa gulo ang kaibigan mo siguro dahil pilit niyang inaalam ang katotohanan na hindi niya dapat pwedeng malaman para mapalayo sa gulo ang buhay niya pero kilala mo naman siguro ang kaibigan muna kahit anong sabi mo sa kanya talagang hahanap siya ng paraan para malaman ang totoo kaya siya madadamay ngayon,” mabilis akung napahilamos sa aking mukha at naptingala sa kisame habang hindi alam ang gagawin at mas lalong nadagdagan ang problema ko. Paano ko ngayon ililigtas siya na kailangan din naman ako dito, sinabi kuna sa kanya na huwag na niyang subukan na alamin ang katotohanan dahil mas lalong magugulo lang ang lahat. “Kung ako din naman Kleyton iyon na ang nakita at nalaman ko sa tingin mo matatahimik pa ako lalo na at alam niyang hindi lang iyon basta-basta pero baka buhay niya naman ang maging kapalit ng lahat ng ito,” sunod-sunod akung napailing sa sinabi ni Aris dahil hindi ko din naman kayang basta nalang hayaan si Ivan, ako ang punot’ dulo nito kaya kailangan ko siyang tulungan at iligtas.
Mabilis akung napahilamos na naman sa aking mukha at napaupo sa upuan habang sinusubukang isipin kung ano ang pwede kung gawin at wala akung ibang maisip kundi ang umalis muna dito at balikan si Ivan doon pero paano naman si Rayle dito matapos kung malaman na nasasaktan siya kapag may kasama akung ibang lalaki, hindi naman ginusto ito ni Rayle ito sadyang ganyan lang ang kanyang nararamdaman kaya hindi niya ito sinabi sa akin noon dahil hindi naman tama pero kasama na ito sa kanyang sumpa kaya wala na akung magagawa, hindi naman pwedeng pumili ako sa kanila kasi kapag pumili ako hindi ko alam kung saan ako lulugar.
“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, sinabi kuna sa kanya na huwag na niyang alamin ang lahat ng ito at huwag na niyang alamin pa ang totoo dahil mapapahamak siya pero bakit hindi siya nakinig! Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko sa kanilang dalawa ngayon, ayaw ko ding iwan nalang dito si Rayle dahil kailangan niya din naman ako,” gusto kung umiyak pero hindi ko alam kung may luha paba akung mailalabas dahil pakiramdam ko ubos na ubos na ako pero kailangan ko padding lumaban. “Kapag umalis ako dito masasaktan na naman si Rayle pero kapag hindi naman ako umalis dito baka ano na ang mangyari kay Ivan doon,” biglang lumapit sa akin si Ace at hinawakan ang aking kamay kaya kapatingin ako sa kanya.
“Alam na ni Rayle ang tungkol dito at ang sabi niya sa akin bumalik kana muna sa lupa at susundan ka nalang niya doon kahit hindi mo siya nakikita doon pero palaging mo lang isipin na nandiyan lang siya tabi mo at handa ka niyang protektahan kapag nasa panganib ka,” hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko kasi kahit iyon na ang sinabi ni Rayle alam kung nasasaktan ko padin siya at kahit ano pa ang sabihin niya na naiintindihan niya masasaktan ko padin siya. “Sinabi niya sa akin na kailangan mong iligtas ang kaibigan mo alam naman ni Rayle na kaya mo, walang ibang makakatulong sa kanya kundi tanging ikaw lang,” ako na ang nasasaktan dahil sa sinabi ni Ace para kay Rayle kasi si Rayle ang tao na nakilala kuna kahit nasasaktan na siya mas pipiliin niya parin intindihin ang lahat-lahat kaya mas lalo din naman akung nasasaktan pero hindi ko naman pwedeng pabayaan nalang si Ivan doon.
“Alam kung masasaktan si Rayle kapag ginawa ko dito at kapag nasaktan ko siya nasasaktan din naman ako pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Ivan doon,” mahina kun sagot kay Ace kaya kaagad na naman niya akung hinawakan sa kamay at napabuntong hininga. “Mahalaga sila sa akin at kung sumunod lang sana sa akin si Ivan hindi n asana umabot pasa ganito pero pilit niya paring inaalam ang katotohanan kahit sinabi kuna sa kanya na tigilan na niya at hayaan na ako pero bakit hindi niya nakinig,” hindi ko alam kung sino ang sinisisi ko ngayon ang sarili ko ba o si Ivan pero mas lalo kung sinisisi ang mga hamimaw na iyon pero ano paba ang magagawa ko kundi ang harapin na naman ito.
“Alam namin na kaya mo at kapag naligtas muna siya sabihin mo sa kanya na tigilan na niya ang paghahanap niya ng sagot sa mga bagay na hindi naman para sa kanya at hayaan kana niya kung nais niya pang mabuhay dahil hindi siya papaltusin ng mga halimaw sa oras na makialam pa siya,” kaagad naman akung tumango sa sinabi Ace. “Alam naming mahalaga din naman sayo si Ivan kaya naming sinabi sayo ang bagay na ito Kleyton kasi ayaw ka naming masaktan kapag nalaman mo ito kaya habang maaga sinabi na namin sayo. Bumalik kana ngayon at ikaw na ang bahala sa kaibigan mo,” ngumiti sa akin si Ace at kaagad naman itong tumayo at binigay sa akin ang coat ni Rayle. “Isuot mo daw iyan sabi ni Rayle at huwag ka ng mag-alala kasi hidni na masisira ang pagitan sa dalawang mundo dahil nagawan na naming ito ng paraan pero tatlong araw lang ang itatagal ng paraan na iyon kaya sa bilis ng makakaya mo gawin mo ng mas maaga ang pagligtas sa kanya upang makabalik kana kaagad dito,” dahan-dahan kung kinuha ang binigay ni Ace na coat ni Rayle at inisip ang kanyang sinabi nasa loob ng tatlong araw, mahaba na siguro ang tatlong araw para tapusin ko ang pakay ko doon at sana sa loob ng tatlong araw na iyon matatapos ko ang pakay ko doon at makinig sa akin si Rayle, hindi nagtagal nawala nalang silang dalawa sa harapan ko. Mariin akung napatingin sa kama ni Rayle at dahan-dahan na akung pumunta doon habang sinusuot ko ang coat ni Rayle at nahiga sa kama. Ng tuluyan na akung makahiga doon at nakatulog sa pagdilat ng aking mata nandito na ako sa aking apartment sa loob ng glass.
Mabilis akung bumangon sa glass na iyon at kinuha ang aking espada at mabilis na nagpalit ng damit at muling isinuot ang coat ni Rayle bago itinago sa beywang ko ang aking espada. Hindi ko alam na darating ang araw na aabot ako sa ganito, noon isang hamak na tour guide lang naman ako pero ngayon isa na akung babae na handing pumatay at lumaban para sa mga mahal ko. Ang problema ko ngayon ay paano ko ipapaliwanag kay Rayle ang lahat at sana makinig siya sa akin na hayaan na niya ako at kalimutan ang lahat, sasabihin ko naman sa kanya ang lahat-lahat pero huwag lang ngayon siguro kapag natapos na talaga ang kaguluhan para hindi na malagay sa panganib ang kanyang buhay. Kagaya ko noon walang alam si Rayle sa mga nangyayari kaya alam kung magugulat siya ng sobra at baka hindi pa siya maniwala at mas lalong lumalala lang ang problema kapag nagkataon.
Kinuha kuna din ang aking sombrero at mask at mabilis itong sinuot para sabay labas ng aking apartment, alam kung wala ngayon si Ivan sa kanilang bahay malamang nandoon ito sa kanyang condo at kailangan ko siyang puntahan doon. Hindi ko man siguro nakikita si Rayle pero sana nandito siya sa tabi ko para kahit paano may lakas ako ng loob na lumaban at makipag-p*****n mamaya kung may kalaban man doon, hindi ko man alam kung anong lakas at kung paano gamitin ang lakas ng bruha na iyon basta ang mahalaga maligtas ko lang si Ivan at makumbinsi siya na tigilan na niya. Ang ayaw ko lang ay baka huli na ako pero tatlong araw ang binigay sa akin nina Rayle kaya malamang mahihirapan talaga ako knowing kay Ivan na hindi naman sa akin nakikinig kung hindi talaga importante, nakikinig naman sa akin si Ivan pero alam ko kapag ganito na mahihirapan na ako kaya hanggat sa makakaya ko pipilitin ko siyang sundin ako. Mabilis akung sumakay ng taxi at tinignan pa ako ng driver pero hindi ko nalang iyon pinansin alam ko naman na may nagbago sa akin, ang dating itim kuna buhok ngayon ay naging kulay grey na ang iba nito na parang naging highlight nalang at alam kung maganda sabi sa akin ni Rayle epekto ito ng pagkakapatay ko sa bruha.