Chapter 22

1075 Words
Tawagin niyo na akung tanga pero wala na akung pakialam kung panaginip lang ang lahat ng ito pero para sa akin totoo ang nararamdaman ko Rayle, totoo na unti-unting nagkakagusto na ako sa kanya at hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagkakagusto ko sa kanya basta ang mahalaga kasama ko siya at masaya ako. Alam kung malaking iisipin ito pero hindi ko naman mapigilan ang sarili kuna huwag mahulog sa kanya kung sa pagdilat palang ng mga mata ko siya kaagad ang bumubungad sa akin. Sa pagdilat ng mga mata ko ang mansion na ito ang sumasalubong sa akin at ang ngiti ni Rayle na nagpapabilis ng kabog ng puso ko. Habang nakatingin ako kay Rayle na nakatayo sa dulo habang binabalatan ang prutas na kinuha nito upang ibigay sa akin hindi parin mawala sa akin ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa hindi naman ako nagtatanong sa kanya pero aminado naman ako na dapat may kailangan akung malaman at hindi ko lang alam kung paano at kung sasabihin bas a akin iyon ni Rayle. “Baka matunaw na ako sa kakatingin mo niyan,” sita sa akin ni Rayle ng matapos ito sa kanyang ginagawaat dahan-dahan na itong lumapit sa akin at binigay ang plato na may lamang prutas. Ngumiti ako sa kanya habang pinagmamasdan itong maingat na umupo sa aking tabi. “May gusto kapa ba?” biglang tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay halik dito ng mariin. Ngayon sabihin niyo sa akin kung paano ko mapipigilan ang nararamdaman ko sa kanya kung ganito naman siya palagi sa akin at paano ako hindi sa kanya magkakagusto dahil kahit sinong babae naman siguro mahuhulog sa kanya pero ang kaso nga lang hindi totoo si Rayle at gawa-gawa lang siya ng isipan ko at iyon ang hindi ko matanggap. Nagkakagusto na ako sa lalaking sa panaginip ko lang makikita! “Hindi ko lang alam kug ano na ang gagawin ko dahil gulong-gulo na ako sa mga nangyayari sa paligid ko to the point na mukhang baliw na ako,” mahina kung saad sabay lapag ng kinuha kung prutas at napahilamos sa aking mukha. Kaagad naman akung hinawakan ni Rayle sa kamay dahil mukhang alam niyang gulong-gulo na ako. “Hindi mo lang alam pero hirap na hirap na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin at kung paano ko malalampasan ang lahat ng ito na hindi nasasaktan? Ang hirap lang talaga maniwala sa nangyayari sa akin at sa tuwing na iisipin kung panaginip lang ang lahat ng ito sumasakit ang puso ko at ayaw tanggapin ng buong utak ko ang lahat ng ito pero sadyang suwail naman ang puso ko dahil habang nandito ako sa lugar na ito masaya naman akung kasama ka at kusa ko nalang nakakalimutan ang mga problema ko kapag kasama kita at alam kung hindi maganda iyon dahil panaginip lang naman kita isa ka lang laman ng imahinasyon ko at iyon ang hindi ko kayang tanggapin dahil anytime pwede kang mawala sa akin,” hindi ko alam kung anon a ngayon ang gagawin ko dahil bigla ko nalang iyon nasabi kay Rayle at hindi kuna napigilan ang aking sarili at huli na naman ang lahat para bawiin ko pa ang aking sinabi sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanya lalo na ang sinabi ko dahil mukhang nabigla ito sa aking sinabi at nanatiling nakatingin lang siya sa akin at walang kibo kaya parang nahiya naman ako sa aking sinabi kahit pa sabihin nating panaginip lang ang lahat ng ito pero parang sampal ang sinabi ko kay Rayle at baka iba na ang kanyang inisip. “Pasensya kana Rayle kalimutan mo nalang ang sinabi ko siguro nadala lang ako ng emosyon ko sa dami ng iniisip ko hindi kuna napigilan ang sarili ko at nasabi ko iyon sayo kalimutan mo nalang iyon at huwag alahanin okay na ako,” pinilit ko ang sarili kuna ngumiti sa kanya pero ang totoo natatakot na ako sa kanyang sasabihin ng dahan-dahan itong tumingin sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko sabay haplos ng aking mukha. Haplos palang ni Rayle sa akin iba na ang naging epekto sa akin ang ipinapakita niya pa kaya? “Naiintindihan naman kita Kleyton at hindi kita masisisi kung iyon ang nararamdaman mo dahil talagang namang sasakit ang ulo mo sa kakaisip ng lahat-lahat ng ito at alam kung naguguluhan ka sa mga nangyayari pero ang totoo ay hindi normal na panaginip lang ito kagaya ng iniisip mo,” biglang kumabog ng malakas ang puso ko at kaagad na nanginig nga ang kamay ko at kinabahan ng sobra dahil sa kanyang sinabi pakiramdam ko nasa itaas ako at kaunting galaw nalang tuluyan na akung mahuhulog sa ibaba at mawawalan ng ulirat. “Sino ba naman kasi ang hindi maguguluhan kung araw-araw ito ang laman ng panaginip mo at alam kung darating tayo sa puntong ito pero hindi ko lang kaya kung ano ang magiging reaksiyon mo hindi ko lang kayang harapin kung ano ang sasabihin mo pero hindi ko naman kaya na palagi ka nalang nasasaktan at naguguluhan at sumasakit ang ulo mo,” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Rayle habang sinasabi niya ito at kinakabahan naman ako. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin at mariin akung hinalikan sa noo habang panay haplos nito sa aking ulo na parang inaalo ako at hindi nagtagal bigla itong lumuhod sa harapan ko habang nakatingin ng deritso sa mga mata ko. “Makinig ka sa akin Kleyton,” mas lalong kumabog ang puso ko ng malalim itong napabuntong hininga at bigla nalang napayuko at muling tinignan ako. “Sabihin muna sa akin Rayle,” mahina kung sagot sa kanya at napalunok ng sunod-sunod kung ano man ang sasabihin ni Rayle sa akin nakahanda naman akung harapin ang lahat-lahat ng ito. “Hindi mo lang basta panaginip ang lahat ng ito dahil totoo ako Kleyton,” dahan-dahan akung napanganga sa kanyang sinabi habang gulat na gulat ang buong pagkatao ko. “Ako ang dahilan ng panaginip mo dahil gusto kung makasama ka kahit sa panaginip lang at hindi lang ito gawa-gawa ng imahinasyon mo dahil totoo ako Kleyton,” bigla kung naagaw ang kamay kuna hawak ni Rayle at ang sakit sa kanyang mga mata kaagad ang nakita ko habang ako naman ay hindi kaagad nakagalaw at hindi malaman ang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD