Nanatili akung nakatingin kay Ivan habang hindi ako umiimik at walang ibang ginagawa kundi tignan nalang siya paano ba naman para akung natulos sa aking kinatatayuan at hindi alam ang sasabihin sa kanya matapos kung marinig ang kanyang sinabi na mahal niya ako mahal niya ako higit sa pagkaka-ibigan naming dalawa para akung nilamigan at si Rayle kaagad ang pumasok sa utak ko dahil baka narinig ni Rayle ang usapan namin ni Ivan naalala ko pa naman na sinasamahan ako ni Rayle kahit hindi ko pa siya nakikita.
“Im sorry kung sinabi ko ito ngayon sayo kahit alam kung may problema kadin hindi kuna din naman kasi na itago pa sayo ang lahat ng ito kasi pakiramdam ko sasabog ang buong puso ko kapag mas lalong tatagal ang nararamdaman ko sayo na hindi ko nasasabi hindi naman ako naghihintay ng sagot mula sayo gusto ko lang sabihin ang lahat ng ito pero hindi ibig sabihin non titigil na ako siguro hindi lang basta siguro pero gagawa ako ng paraan para makuha ang puso mo hindi basta matalik na kaibigan kundi bilang mahal ko,” mas lalong hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ivan dahil sa kanyang mga sinasabi.
Wala akung ibang nagawa kundi ang mapahilamos nalang sa aking mukha at hindi alam ang gagawin kasi nandito parin ako sa state ng pagkagulat at hindi alam ang gagawin o sasabihin sa kanya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Kung ganon noon palang sobra pasa kaibigan ang kanyang tingin sa akin ng lalaking ito at sobra-sobra ang kanyang pagmamahal sa akin na hindi ko manlang nahalata.
“Ivan hindi ko alam ang sasabihin ko sayo ni hindi ko alam ang gagawin ko matapos mo iyang sabihin sa akin,” talaga namang hindi kuna alam ang aking sasabihin sa kanya pero siya mapait lang itong ngumiti sa akin at kaagad na tumayo sa kanyang kinauupuan sa kama ko at dahan-dahan akung nilapitan sabay hawak sa aking kamay. Kung noon wala lang sa akin ang paghawak ni Ivan ng kamay ko pero ngayon para akung pinapaso at sumasakit ang puso ko kaya mabilis kung binawi ang kamay ko sa kanya kasi pumasok na naman sa utak ko ang mukha ni Rayle at ang sinabi nito na ako ang babaeng nakatakda para sa kanya. Paano ko ngayon haharapin si Ivan kung ito pala ang tingin niya sa akin ayos lang sana kung patas kami ng nararamdaman pero hindi dahil may iba na akung mahal at sa loob ng kaunting panahon na iyon minahal ko ng sobra si Rayle pakiramda ko nga matagal kuna siyang mahal na parang nakatakda nga talaga ang puso ko sa kanya kasi noon hindi naman ako nagkakagusto sa ibang lalaki hindi katulad ngayon na si Rayle lang ang lalaking nakikita kuna mamahalin ko ng ganito at sa kanya ko lang ito naramdaman. “Hindi ko alam kung ano na ako ngayon maraming tanong sa utak ko kung paano ito nangyari na kapatid naman ang tingin mo sa akin ano nalang ang sasabihin ni Tita kapag nalaman niya ito kahit sabihin pa natin na walang magbabago pero alam muna may magbabago talaga sa ating dalawa,” mahaba kung saad sa kanya pero kaagad kung nakitaan ng sakit sa mga mata nito si Ivan ng sinabi ko ito kaya mas lalong napahilamos ako sa aking mukha.
“Alam nila na mahal kita Kleyton alam nila na matagal na kitang mahal tanging ikaw lang ang walang alam dito,” mas lalong napahilamos ako sa aking mukha at biglang napatalikod kay Ivan sa hindi malamang dahilan sino ba naman kasi ang hindi magiging ganito ang reaksiyon kapag iyon na ang sinabi ng matalik mong kaibigan na halos kapatid muna siya tapos alam pa ng buong pamilya nito na mahal niya ako. “Matagal kun asana itong sasabihin sayo pero natatakot ako na baka lumayo ka sa akin at hindi muna ako pansinin ayaw ko ng ganon Kleyton pero hindi nadin kinaya ng puso ko at nasabi kuna sayo ngayon, mahal na mahal kita Kleyton noon palang hanggang ngayon ikaw parin ikaw ang una at huling babae na mimahal ko. Sinubukan kung pigilan ang nararamdaman ko sayo at humanap ng ibang babae pero ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko pangalan mo parin ang sinisigaw nito at mas lalo lang lumalim ang pagmamahal ko sayo kaya sana hayaan mo ako na patunayan iyon hayaan mo akung pumasok sa buhay mo hindi lang basta matalik mong kaibigan kundi isang lalaking mag-aalaga sayo hanggang sa huli,” doon na sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa sinabi ni Ivan dahil alam kung masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niya ang totoo at ayaw ko din namang makita na nasasaktan siya sobrang mahalaga sa akin si Ivan.
Hindi lang si Ivan ang mahalaga sa akin kund pati narin ang kanyang pamilya at marami na kaming pinagsamahan ni Ivan marami na kaming nalampasan na problema tapos sa huli ito pala ang makakapag-pabago ng lahat-lahat dahil lang sa minahal niya ako kaya magbabago ang lahat. Hindi naman ako galit na minahal ako ni Ivan pero masasaktan ko si Ivan kapag sinabi ko sa kanya na may iba na akung mahal at hindi siya iyon. Hindi lang siya ang masasaktan kundi pati ang kanyang pamilya at magiging malaki ang epekto nito sa akin at sa kanyang pamilya.
“Ivan huwag namang ganito please,” mahina kung sagot sa kanya habang nanatili akung nakatalikod at hindi alam ang gagawin sa dinami-dami ng sinabi ni Ivan wala akung naintindihan o naiwan sa isipan ko dahil ayaw ko din tanggapin na mahal niya ako mahigit pa sa pagkaka-ibigan. “Naguguluhan ako na hindi ko alam ang isasagot ko sayo o sasabihin mabuti pa siguroiwan mo muna ako Ivan,” iyon nalang ang naisip kung gawin o dapata gawin ngayon kasi hindi kuna kaya ang emosyon na pinapakita sa akin ni Ivan at baka kung ano ang masabi ko sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. Dahan-dahan ko siyang nilingon alam kung nagulat siya sa sinabi ko dahil nakita ko pa ang medyo paglaki ng kanyang mga mata ng sabihin ko iyon pero kaagad naman siyang nakabawi at matamis na ngumiti sa akin. “Masyado lang akung nagulat sa sinabi mo Ivan sana maintindihan mo ako kasi talagang hindi ko inaasahan ito mula sayo sana maintindihan mo ako kasi ngayon hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko hayaan mo muna akung mag-isip at maliwanagan sa mga sinabi mo kasi parang mabibiyak ang utak ko sa lahat-lahat ng sinabi mo para kasing sinampal ako ng katotohanan na hindi ko alam,” kaagad namang napatango si Ivan sa aking sinabi at mukhang naiintindihan naman niya ako.
Totoo naman na nagulat talaga ako sa kanyang sinabi na halos bumalik lahat-lahat sa alaala ko ang kanyang sinabi at ginawa sa akin noon kung ganon ako ang babae na tinutukoy nito na mahal na mahal niya ang babaeng sinabihan niya kanina na manhid talagang manhid na nga ako kanina na hindi ko kaagad nahalata at naramdaman na ako pala ang babaeng tinutukoy nito noon palang ako ang babaeng sinasabi sa akin noon ni Tita na mahal na mahal ni Ivan tapos ako naman kilig na kilig para sa babaeng iyon tapos ako pala tangina! Sinasabi nila sa akin na o mas tamang sabihin na palagi kung sinasabi na sobrang swerte ng babaeng mapapangasawa ni Ivan o ang babaeng mahal nito tapos ako pala?
Para akung sinampal na hindi ko alam kasi all these years minahal ako ni Ivan na hindi ko manlang nahalata at ngayon hindi ko alam ang gagawin kasi mukhang maaapektuhan ang pagkaka-ibigan naming dalawa. Tinignan ko sa mga mata si Ivan na ngayon ay sobrang lungkot nito at punong-puno ng emosyon na hindi ko kayang tignan ng matagal ito din kasi ang tingin sa akin ni Rayle kaya mas lalo lang akung naiilang kapag mas lalong nagtagal siya dito.
“Kung iyan ang gusto mo handa naman akung hayaa ka muna Kleyton alam kung nagulat kita sa mga sinabi ko pero palagi mo lang tandaan na totoo ang lahat-lahat na sinabi ko sayo at handa akung patunayan at iparamdam sayo ang pagmamahal na iyon kung hahayaa mo lang ako,” nagulat na naman ako ng bigla nalang ulit ni Ivan hinawakan ang kamay ko at mariin itong hinalikan at kaagad akung hinila ng mabilis at niyakap ng mahigpit. “Hayaan moa kung yakapin ka kahit sandali lang Kleyton kasi masyadong mahal na mahal kita kahit sa ganito nalang kumalma naman ang t***k ng puso kahit sa ganito nalang maibsan ang emosyon na nandito sa puso ko, alam ko namang nagulat ka at kailangan mo pang mag-isip huwag kang mag-alala ibibigay ko ang gusto mo at handa naman akung maghintay kung ano man ang maging desisyon mo,” ibinaon ni Ivan ang kanyang ulo sa leeg ko habang ako naman ay nanatiling nasa gilid ko ang aking kamay hindi ko alam kung yayakapin ko pabalik si Ivan kung noon ayos lang sa akin ito dahil nga kaibigan ko siya pero ngyaon na alam ko ng mahal niya ako higit pasa kaibigan hindi ko alam kung makakaya ko pa.
“Im so sorry Ivan hindi ko lang talaga kasi alam ang gagawin ko o ano ang sasabihin ko matapos mo iyong sabihin sa akin talagang nagulat ako ng sobra-sobra kasi hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito,” mabilis na kumalas sa pagkakayakap nito sa akin si Ivan at sunod-sunod na umiling at hinawakan ako sa pisngi sabay tingin deritso sa aking mga mata. Naninibago ako habang tinitignan ang mga mata ni Rayle na nakatingin sa akin kasi ngayon ang kanyang tingin ay punong-puno na ng pagmamahal.
“Mahal kita Kleyton at handa akung tanggapin kung ano ang mangyayari hanggat ikaw ang nasa dulo nito handa akung harapin ang lahat-lahat at handa akung gawing pagmamahal sa isang lalaki ang pagmamahal mo sa akin bilang kaibigan,” natameme ako sa kanyang sinabi dahil walang kaalam-alam si Ivan na may iba na akung mahal at kung gaano niya ako kamahal ganon ko din naman kamahal si Rayle at hindi ko din naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya. “Ngayon pana nasabi kuna sayo hindi ako susuko kaagad hanggat hindi ko nakukuha ag pagmamahal mo,” matamis na ngumiti sa akin si Ivan at dahan-dahan akung binitiwan sabay halik ulit sa aking kamay. “Mag-iingat ka dito tawagan mo ako kapag may problema ka o may nais kamang sabihin sa akin,” tumango nalang ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng nawala sa harapan ko si Ivan at ng narinig ko ang pag-lock ng pinto ko kaagad akung napaupo sa sahig dahil parang nawalan ng lakas ang mga binti ko at natulala ako sa kawalan.
Hindi ko lubos akalai na ang lalaking itinuring kung kapatid at pamilya ay mahal ako ngayon paano kuna siya haharapin ulit matapos kung malamanang lahat ng ito ayos lang sana kung pareho kami ng nararamdaman pero may mahal naman akung iba at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may nagmamay-ari na ng puso ko, hindi ko namang kayang saktan si Rayle dahil masyado ko namang mahal si Rayle para iwan siya at nangako ako sa kanya na sasamahan ko siya hanggang sa dulo tanging kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Ivan matapos kung malaman ang totoo. Napahilamos ako sa mukha ko ng wala sa oras pero mabilis naman akung napatayo ng maalala kuna baka asa paligid ko lang kanina si Rayle at nakikinig sa usapan naming dalawa at kung ano na ang kanyang isipin kaya mabilis akung tumakbo palabas sabay sara ng mga bintana pati nadin ang mga pinto at pinatay ag ilaw pati kuryente pinatay ko din dahil baka matagalan ako sa pagtulog at ng ma secured kuna lahat-lahat mabilis akung nahiga sa aking kama at sinunod ang sinabi ni Rayle sa akin para makabalik ako doon.
Hindi nga nagtagal at dinalaw na ako ng antok at sa pagdilat ng mga mata ko isang madilim na lugar ang sumalubong sa akin kung saan ang ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid kaya medyo kinabahan ako dhil baka kung anong nilalang na naman ang sasalubong sa akin dito pero tinapanganko ang loob ko at mabilis akung naglakad papasok sa palasyo at sa pagpasok ko palang kaagad na umilaw ang buong paligid pati ang chandelier sa taas ay nagbigay ng maliwanag na ilaw sa buong palasyo kaya kitang-kita kuna ang nilalakaran ko. Ito ang unang beses na gabi ako pumunta dito at doon nakita ko kaagad ang bulaklak na tinatawag ni Rayle na moonrise kung saan dahan-dahan na kumikinang ang kanyang bulaklak at dahon habang tinatamaan ito ng sinag ng buwan.
“Rayle!” malakas kung tawag kay Rayle habang hindi mawala ang tingin ko sa bulaklak na moonrise dahil talagang nakuha nito ang aking atensyon kahit tinatawag ko si Rayle kasi baka narinig niya ang usapan naming ni Ivan kanina ayaw kung mag-isip ng kung ano-ano si Rayle at ipapaliwanag ko ito sa kanya. Pero ng inilibot ko ang tingin ko sa aking paligid hindi ko naman nakita si Rayle at hindi na ako lalabas ng palasyo para hanapin siya paano ba naman gabi na at kung ano ba ang makasalubong ko mamaya sa labas. “Nasaan naba ang lalaking iyon bakit wala naman siya dito wala naman akung mapag-tanungan kung nasaan siya,” napakamot ako sa aking ulo habang nakatingin parin sa bulaklak at naupo nalang ako sa semento, dito ko nalang hihintayin si Rayle hindi na ako aalis dito baka kapag umakyat pa ako sa itaas na bahagi ng palasyo kung ano na naman ang makita ko.
“Kanina kapa ba dito?” kaagad akung napabalikwas ng marinig ang boses ni Rayle kaya kaagad akung napatiningin sa kanya kung saan kakapasok lang nito sa pinto at hawak niya ang kanyang espada na may dugo pa kaya mas lalong nanlaki ang aking mga mata at mabilis na sinalubong siya at tinignan kung okay lang ba siya. Kaagad niya naman akung sinalubong ng yakap kaya mahigpit ko din naman siyang niyakap pabalik.”Mas lalong napa-aga kapa talaga ha na miss muna ako kaagad?” mabilis akung tumango sa kanyang sinabi kaya kaagad naman siyang napakalas sa yakap niya sa akin at tinignan ako sa mukha. “Bakit parang malungkot ka may problema ba?” marahan nitong hinawakan ang pisngi ko sabay mariin na hinalikan ako sa noo.
“