"Ang ingay naman ng alarm clock na 'to!" inis na wika ni Alyana nang gisingin siya ng alarm clock isang umaga. Tamad na tamad siyang gumalaw dahil antok pa siya at dahan-dahang hinanap gamit ang kamay ang alarm clock habang nakapikit pa rin ang mata. Hindi siya kaagad bumangon dahil sa araw naman ng Sabado at wala siyang klase. Muli sana siyang babalik sa pagtulog ngunit sunod-sunod na katok buhat sa pinto ang narinig niya. Na sinundan agad ng malakas na boses ni Keane.. "Panget! Bumangon ka na d'yan at nagugutom na ako!" boses ng amo niya sa labas ng pinto. Heto na ang daily routine nila tuwing weekend. Sa halip na siya ang gumising sa binata, siya pa ang ginigising nito. Naiinis na ginulo niya ang sadya na niyang gulong buhok bago sinagot ang binata. "Yes, boss!" inaantok na tugon ni