Halos araw-araw na lang ay iniinis ni Keane si Alyana mula ng nangyari ang tagpong 'yon sa kwarto ni Alyana. Araw-araw pinapaalala ni Keane kay Alyana ang nangyari na lalong ikinaiinis nito sa binata. Hindi na iba ang turingan nila at para bang palagay na ang loob nila sa isa't-isa na lalong ikinatuwa ng magulang ni Keane. Medyo nawala na ang parang aso at pusang Keane at Alyana. May pagbabago nang napapansin sa binata mula nang dumating si Alyana sa mansion. Ngumingiti na ito at hindi na masyadong snob sa kanya, minsan nga nakikipagbiruan pa ito sa kanya at nauuwi sa malakas na tawanan. Pero minsan naman bumabalik ang tunay na ugali nito na nakapagpatunay na bipolar talaga ang binata. Natural na yata 'yon dito.. "Hija, kamusta na ang pag-aaral mo?" tanong ni Mrs. Valiente ng minsan ay