Keane's POV "Matthew naman, eh.. Sabihin mo na kung saan tayo pupunta," nakasimangot na wika ni Alyana sa kanya. Napakadaldal talaga nitong babaeng 'to. Kanina pa itong tanong ng tanong kung saan kami pupunta pero hindi ko sabihin sa kanya. Plano ko kasi siyang i-surprise sa pagbisita namin sa mansion total naman ay matagal na kaming hindi nakakapunta doon. At miss ko na rin si Mommy at Nana Celia. "Matthew naman.. Please sabihin mo na.. " patuloy pa rin niyang pangungulit kaya sinabi ko na rin sa kanya. Simula kasi nang lumabas kami sa bahay ay 'yon na ang itinatanong niya eh. Napakakulit pero natutuwa ako sa pagiging ganun niya. Atleast hindi kami maiinip sa biyahe... "Okay-okay.. Bibisita tayo sa mansion. Happy?" nakangiti kong wika dito habang nakatutok ang mata sa daan. "Talaga!