Hindi malaman ni Keane Matthew kung papaano mawawala ang epekto ng kamay ni Alyana sa kanya. Kahit na nagbuhos na siya ng isang pitcher na yelo ay hindi pa rin ito mawala. Kaya ang ginawa niya ay lumangoy na lang siya nang lumangoy hanggang sa mawala ang epekto na init na dulot ng kamay ng dalaga. Ugh! Nababagot na pinapanood ni Alyana ang kanyang amo na paulit ulit na lumalangoy sa magkabilang side ng pool, halos kalahating oras na itong naglalangoy na parang hindi man lamang nakakaramdam ng pagod. Pag tinatawagan naman niya ito ay tinitingnan lang siya nito ng masama, kaya mas pinili na lang niyang mahiga sa bench at nagbilad sa araw hanggang sa dinapuan siya ng antok. Siya muna ngayon ang magpi-feeling boss. Pagkalipas ng isang oras, ramdam na niyang masakit na sa balat ang sikat ng a