Mabilis na lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang set-up ng dalawa, parang mga aso't pusa. Hindi pa rin tinitigilan ni Keane si Alyana sa pagpapahirap at pang-iinis dito para mag-quit ito sa trabaho pero talagang matatag ang babae. Kaya hinayaan na lang niya ito dahil nararamdaman niyang wala naman itong masamang balak sa kayamanan nila. At parang wala talaga itong balak na sumuko. Isang araw bago magsimula ang pasukan, naisipan ni Keane na bumili ng mga bagong gamit niya. Sa kanya rin naman ibinigay ng kanyang Mommy ang allowance ni Alyana kaya kailangan niyang bumili rin ng para dito. Isasama na lang niya para may magdadala ng bibilhin niya. He smirked. Nang makapagbihis para sa pagsa-shoping, kaagad niyang hinanap ang dalaga subalit hindi niya ito makita sa loob ng mansion. Nagpunta