ALYANA'S POV
Here we go again, simula na naman ng mahaba-habang trabaho. Konting tiis na lang at makakatapos na rin ako ng pag-aaral.
Nasan na nga pala tayo? Ay heto nga pala, here I am cleaning the swimming pool wala kasi magawa, eh. Wala namang pinapagawa si Demonyito na trabaho kaya naisipan ko na lang na maglinis dito. Yeah, demonyito na lang ang itatawag ko sa kanya sa halip na senyorito. Pero s'yempre, pag hindi siya kaharap.
"Hija, tapos ka na ba d'yan? Maliligo daw si Keane dito sa pool. " Hilig ba talaga ni Manang na manggulat? Maaga yata siyang aatakihin sa puso dahil kay Manang.
"Ah, yes po, Manang. Pwede na po ito, malinis na po. " s'yempre nakangiting sagot ko kay Manang.
Pagkaalis ni Manang sakto namang dumating si Demonyito na naka-boxer short lang at wow daming abs. I shook my head at binura ang namumuong kahalayan sa aking isipan. Inosenteng isipan..
Di ako affected sa mga ganyan, manhater kaya ako, yes tama. I'm a manhater at study muna. Bawal ang landi!
Diretso lang ang lakad ni Demonyito patungo sa bench na nasa tabi ng pool na may nakalagay na towel. Umupo muna siya at nagmasid sa paligid kung may tao and then boom! Oh my God! Hinubad niya ang suot na boxer shorts kaya brief lang ang natira. Oh my God! My innocent eyes!
Hindi ba niya alam na nandito ako? Oh my God! Ano namang pumasok sa isip niya, alam naman niyang meron siyang inosenteng kasama sa mansyon na'to?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang siya naman ay nagii-streching pa. Para namang hindi niya alam na nandito ako kaya dahan-dahan akong dumaan sa likod niya para di niya mapansin at para makaalis na rin ako pero mukhang mali ako ng akala. He talked.
"And where do you think you're going?" baritonong boses mula sa likod ko. Oh shet! Alam pala niyang nandito ako? Pero bakit naghubad siya? Nananadya ba siya?
"Ah, sir. Tutulong po ako kay Manang na magluto," kinakabahang sagot ko. Sana naman paalisin niya ako, ang awkward kaya. Siya na naka-brief lang tapos ako na babae sa likod niya. Di'ba?
"Stay here. You're my personal maid kaya dapat nasa tabi kita. At huwag kang gagawa ng iba hangga't hindi ko iniuutos. Naiintindihan mo?" masungit na sambit nito na ikinatigil niya.
"Y-Yes, sir." My god! Bakit ako nauutal?
"Here, lagyan mo ako ng sunblock." sabay abot ng lotion sa akin. Wow, hah! Ang arte hindi naman makapaglagay ng kanya. Agad kong kinuha ang lotion at agad na naglagay sa mga palad ko, humiga naman siya sa bench ng padapa.
Dahan-dahan kong inilapat ang mga kamay ko sa maputi niyang likod. Wow ang kinis at ang tigas, siguro nag gi-gym ito.
"Hmm.. Sarap niyan, sige pa idiin mo pa." Batukan ko kaya 'to? Akala niya di nakakangalay, grabeng makautos. Idiniin ko pa ng kaunti dahilan para mapaungol siya ng medyo malakas. " Uhmm...That's it! Ang galing mo mag massage, ah.." I just rolled her eyes and mimicked his words without sound.
After five minutes pinatigil na niya ako. Yes! Akala ko tapos na kaya dahan-dahan akong tumayo at uupo na sana sa may pool ng magsalita siya. I pout.
"Dito naman sa harap." Huwaaaaat! Talagang iniinis ako ng lalaking to, ah! Abot-kamay naman niya 'yon pero bakit ako pa ang gagawa.
"Sir.. Abot niyo naman po 'yan, eh. Baka naman po—" naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinila sa tabi niya.
"Sinusuway mo na ako?" nakataas ang kilay na wika nito. "Kabago-bago mo pa lang dito sumusuway ka na agad? Baka naman gusto mong matanggal sa trabaho?" banta nito. Demonyito talaga.
"Sir naman, wag naman po. Gagawin ko na nga po, oh. Ito na nga po, " mabilis na anas ko. Sungit talaga!
"Okay, no more buts and just do it.." Humiga muli siya ng patihaya naman at pumikit. Tss! Sama talaga ng ugali ng lalaking 'to. Hmph! 'Yong mukha kaya niya ang punuin ko ng sunblock? Kainis naman kasi!
Naglagay muli ako ng lotion at dahan-dahang inilapat sa dibdib niya pababa sa mga abs niya, nagkunwari na lang ako na walang epekto 'yon sa akin. But deep inside nangangatal na ang kamay ko at namamawis na ang aking noo.
"Faster and diinan mo pa.." Kaagad ko namang sinunod ang gusto niya hanggang sa umabot sa may leeg niya at kinuskos ko pati mga balikat niya, mga braso tapos pababa muli sa dibdib niya.
"God.. Feels so good," daing nito.
Hinaplos ko muli pababa hanggang sa tiyan niya pababa sa may garter ng brief niya. Grabe naman ito ang dami naman nitong buhok sa tiyan. Ito ba ang tinatawag na happy line?
Hindi ko na lang pinansin ang naka-umbok sa brief niya at tinuloy ko lang ang pagpapahid ng lotion hanggang sa isang daliri na lang ang ginamit ko mula sa dibdib niya pababa sa abs niya hanggang sa...
"f**k!" sigaw niya bago mabilis na tumayo at kaagad na tumalon sa pool.
Hala! Anong nangyari don? Hindi pa tapos, ah.
"Sir! Hindi pa po ako tapos!" sigaw ko dito. Tiningnan niya lang ako ng masama at lumangoy muli sa ilalim.
"Get me some cold water or ice cubes.." kaagad naman akong tumayo, 'yon lang naman ang hinihintay ko para makahinga ng maayos. Grabe ang tagal kong pinigil ang paghinga ko kanina.
Kaagad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng ice cubes na isang pitcher at kaagad na bumalik sa pool. Habang naglalakad hindi ko maiwasan isipin kong saan ito gagamitin? May juice naman sa may bench, bakit nagpakuha pa ng ice cubes? Weird..
Pagkarating ko natanaw ko siyang nakaupo sa may gilid ng pool, nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko alam kong anong ginagawa niya.
"Sir, heto na po ang ice cubes.Iisa pon—" hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang kunin niya sakin ang pitcher at kaagad na ibinuhos sa katawan niya.
"Hooo! " sigaw niya. Ay! May saltik din pala si Demonyito, nasiraan na yata ng bait. Siguro nakikigaya sa challenge? Nakikiuso? Pero huli na siya sa uso. Haha! Grabe cute din pala ang masungit na ito habang nangangatal sa ginaw.
"W-Where's my t-towel?" Kaagad ko namang ipinulupot sa katawan niya ang towel pero kaagad din namang tumalon muli sa tubig nang lumapat ang kamay ko sa tiyan niya. Hala! Ang weird talaga niya. Promise..