Chapter 4

957 Words
ALYANA'S POV Saan ba kami pupunta? At bakit parang nakakatakot siya? Wait lang! Parang daan ito papunta sa kwarto niya, ah? H'wag niyng sabihin na papasok kami doon? My God! Hindi to maganda! Pero mali pala ako. Dito kami ngayon tumigil sa isang kwarto katapat ng kwarto niya. Napaka-assuming ko kasi.. "This will be your room," emotionless na sambit nito. Binuksan niya ang kwarto at pumasok sa loob. "Come in." Grabe to bakit kailangan pa namin pumasok pwede namang ako na lang. Subukan lang siya nitong halayin, makakatikim ito ng mag-asawang sampal sa kanya. Dahan-dahan akong pumasok at bumungad sa akin ang isang napakalinis na kwarto, na may malaking kama. Wow as in wow! Parang VIP suite ito sa isang mamahaling hotel. Ang swerte ko naman.Yay! "Sigurado po ba kayo na ito ang magiging room ko, senyorito?" manghang tanong ko habang nagmamasid sa loob. Napakaganda talaga ng buong kwarto. "Tss.. Sasamahan ba kita dito kung hindi to ang room mo? " Grabe.. Sungit lang ang peg? Nagtatanong lang naman, ah! Kailan pa naging masama ang magtanong? Di'ba? "S-Sorry po.." hinging paumanhin ko kahit na ang sarap niyang bigwasan. "Ayusin mo na ang mga gamit mo at mamaya mag-uusap tayo about sa kailangan mong malaman about my likes and dislikes. Naririnig mo ba ako!? " sigaw na naman nito. "Yes, sir!" malakas na sagot ko at sumaludo pa na ikinailing nito.  Kaagad kong binuksan ang bag ko at inayos ang mga gamit ko sa closet. Dahil sa sobrang abala ko ay hindi ko na nalaman kung anong oras umalis si Demonyito—este Senyorito pala. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pag-aayos ng ibang mga gamit ko. Pagkatapos kong maglinis-linis sa loob. Humiga muna ako sa kama dahil na rin sa medyo pagod na rin ako. Hanggang sa hinila na ako tuluyan ng antok. After an hour... "Panget! Hoy, babaeng panget!" "Hhm.. Uhm.." Sino ba tong istorbong 'to? Sarap ng tulog ko, eh. Nakakainis naman. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at tumambad sa akin si—oh my goodness! " Sir!? Sorry po, Sir. Nakatulog po ako." Grabe nakakahiya. Baka masesante agad ako nito wala pang isang araw. "Tss! Fix yourself and follow me in my room." Oh my god! Bakit sa room niya? Anong gagawin namin do'n? Ay oo nga pala mag-uusap nga pala kami about his likes and dislikes. Bakit ko ba nakalimutan? Pagkasabi ni Sir Sungit agad din siyang lumabas sa kwarto ko. Mabilis naman akong bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Oh my god! Huwag agad sana akong matanggal sa trabaho. Pagkatapos kong maglinis ng katawan kaagad din akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa silid ni Sir Keane. Kumatok muna ako bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto. "Waahh!" sigaw ko nang makita ko siyang nagsusuot ng brief na nakaharap sa akin. Bakit ang malas ko naman yata ngayon. Ang dami ko ng palpak na nagawa. Tinakpan ko kaagad ng palad ang aking mga mata dahil sa maselang bahagi nito na aksidente kong nakita. "f**k! What the f**k are you doing here!?" Ay baliw ba 'to? Sabi niya sumunod ako tapos ngayon itatanong kung anong ginagawa ko sa kwarto nya? Baliw lang ang peg? Naramdaman kong mabilis ang mga naging kilos niya at parang taranta sa mga ginagawa. "Okay na. You can now open your eyes at lumapit ka dito" maawtoridad na wika nito kaya't mabilis niya itong sinunod. Agad ko namang inalis ang kamay ko at lumapit sa couch na nasa gilid ng table na inuupuan niya ngayon. Grabe nakakahiya. Hindi ko man nakita ng sakto ang junior niya pero parang ganun na rin 'yon, may brief nga lang. "Hoy, panget! Are you listening? Kanina pa ako dada ng dada dito hindi ka naman nakikinig!" "Ay junior mo!" sigaw ko dahil sa nagulat ako sa pagsigaw niya. "Sorry po, sir.." Grabe nakakahiya na talaga. Parang gusto ko ng kainin ng sahig. "Pfft! Kaya pala tulala ka. Wag mong sabihing first time mong makakita ng junior?" wika nito habang nakangisi. Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko sa sinabi niya. Kailangan pa bang ulit-ulitin? "Haha! By the way here is my rules. Read it before you leave my room," natatawang wika nito bago iniabot sa'kin ang isang folder. Sigurado akong gumawa na siya ng maraming copy dahil sa papalit-palit siya ng katulong. Para di na mapagod ang bibig niya. Tss.. Nang buksan ko ang folder. s**t! Two pieces of bond paper? One for likes and one for dislikes. Medyo mahaba at daming nakasulat na mga ganito... LIKES: MABILIS MAGTRABAHO TAMA LAGI SA ORAS LAHAT NG GUSTO KO GAGAWIN NO BUTS MALINIS SA LAHAT ETC.... DISLIKES: MAINGAY MABAGAL TAMAD T*NG* MAARTE MATANONG MADALDAL ETC..... Grabe naman lahat na yata bawal ah at lahat yata gusto niya. Paano ba to? Kailangan kong maging perfect assistant slahsh maid base sa mga rules and conditions nito? Parang di ko yata makakaya. "Ah.. eh.. Sir? Pwede pa bang umatras pa, pwede bang magback-out?" Grabe naman kasi parang ang hirap naman yata. "Tss..It's up to you. Sayang naman 'yong opportunity that can bring you in a good life." Oo nga naman, tama naman siya. Pero... "Okay. Lumabas ka na at maglinis sa bahay. Wala pa naman akong kailangan sa'yo," Grabe ang sungit talaga. "Sungit.." bulong ko pero parang narinig niya yata. "What!? " he shouted habang salubong ang mga kilay. "Wala po, sir. Sabi ko po lalabas na ako," nakangiting wika ko bago dahan-dahang lumabas sa silid ng sobrang bait niyang amo, sa kabaliktaran. "Tss.." 'Yon lang ang narinig ko sa kanya bago ko maisara ang pinto ng kwarto niya. Napaka-sungit talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD