Chapter 3

911 Words
ALYANA'S POV "Ouch! Ang sakit ng braso ko." Kainis naman ang lalaking 'yon. Bakit ba naman ako hinila palabas ng bathroom? Siya na ba ang magiging amo ko? Mukhang matapang at masungit pa. Kawawa naman siya pag ito ang magiging amo niya. Total naman wala ng lilinisan sa room na'to. Mabuti pang lumabas na lang at baka lumabas na ang masungit na 'yon sa bathroom. Nasaan na ba ang mga tao dito? Bakit ba kasi hindi ko agad nalaman na lalaki pala ang amo ko? Pero ayos na rin 'yon. Malaki naman ang sweldo at mabait naman si Mrs. Valiente. 'Yon lang anak niya ang problema ko. But i think i can handle him naman ng maayos. Ako pa! Lahat ng hirap kakayanin ko para sa pamilya ko at para sa pangarap ko. "Oh, hija.." Ay! Anak ng palaka! Grabe naman to si Manang Celia, nagulat ako do'n, ah. Kung saan-saan ba naman sumusulpot. Ang haba-haba naman kasi nitong hallway na ito. Hindi ko na malaman kung saan ako lumabas kanina. Saan nga ba yon? "Ah.. Hello po, Manang Celia." "Tapos mo na bang linisin ang kwarto ni Señorito?" Grabe tong si Manang, sobrang linis pa naman ng kwarto. "Ah, yes po, Manang. Mayroon nga pong lalaking masungit na pumasok do'n at hinila ako palabas ng bathroom." Grabe talaga ang lalaking 'yon. Pag naaalala ko ang scene sa banyo kanina, ugh! Nakakapag-init talaga! Nakakapag-init ng ulo. "Nakita mo na pala siya. Siya nga pala si Señorito Keane Matthew Valiente. Siya ang magiging amo mo. " Oh my God. Siya nga ang amo ko. Mukhang malaking problema 'to.. "Siya po pala ang amo ko. Naku, manang, parang masungit naman at bastos pa. Hilahin po ba naman ako palabas ng bathroom. Ang sakit nga po ng braso ko, eh." Gaganti din ako sa'yong lalaki ka. Kahit na ikaw ang amo ko. Aba! Lintik lang ang walang ganti. "Pagpasensyahan mo na 'yon, hija, sadyang ganun lang 'yon. Pero mabait naman si Keane. Kailangan mo lang ng mahabang pasensya. Ay siya hinahanap ka nga pala ni Mrs. Valiente sa office niya at may pag-uusapan yata kayo. Kararating lang niya kanina." Mabait!? Mabait ba ang tawag do'n? Ugh. Halos baliin na nga ang braso ko kanina. "Ganun po ba, Manang? Sige po, pupunta na ako kay Mrs. Valiente. Salamat po." Kung ganoon, siya pala ang amo ko. At ano nga ulit pangalan? Keane? Nice name ah, hindi lang bagay sa ugali niya. "Magandang hapon po, Mrs. Valiente, " bati ko s ginang nang makapasok ako sa office niya. Grabe ngayon ko lang napagmasdan ang loob nito, ang ganda pala. "Take a seat, hija.. " nakangiting ganti naman nito. "Hinahanap niyo daw po ako? " nahihiyang tanong ko. "Ah oo, hija. Sandali lang at wala pa ang anak ko. Gusto ko kasing pormal kayong magkakilala para naman maging maganda ang simula niyo.." Para daw maganda ang simula? Eh hinila-hila niya nga lang ako palabas sa bathroom, eh. Naku, Mrs. Valiente, kung alam niyo lang ang ginawa ng unico hijo niyo. We stayed silent for awhile habang naghihintay. Inabala ko muna ang aking sarili sa pagmumuni-muni sa loob hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang masungit na lalaking 'yon na nakapoker face lang. "Mabuti at nandito ka na, anak. Maupo ka para makapagsimula na tayo.." Diretso lang na naglakad ang masungit na 'yon at agad na sumalampak ng upo sa harap ko. "Keane meet Alyana Jane Sarmiento your new P.A. And Alyana meet Keane Matthew Valiente my son and your boss, " panimula ni Mrs. Valiente habang nakangiting nakatitig sa anak. Iniabot ko ang kamay ko para sana makipag-shake hands pero tinitigan niya lang ito at umismid pa. Grabe ang sungit talaga at ang bastos. Ibinaba ko na lang ang kamay ko at medyo nangangalay na. Wala din naman yatang planong abutin ng bastos na kaharap niya. "Si Alyana ang makakasama mo sa lahat ng oras. Total naman malapit na ulit magsimula ang pasukan kaya simula ngayon sasamahan ka na niya. Everytime and everywhere. Kaya dapat magkasundo na kayong dalawa para makilala niyo ang isa't isa." Grabe si Mrs. Valiente. Parang sinasabi niyang getting to know each other muna kami, ah. At naging body guard pa yata siya ng masungit na 'to. "And Alyana, h'wag na h'wag kang mauubusan ng pasensya dito sa anak ko. Sa simula lang 'yan ganyan. Actually, pang sampo kana sa naging P.A niya ngayong buwan, lahat kasi sumuko ng maaga." SAMPO!? nakakatakot naman. Baka kung anong gawin nito sakin, ah. "Don't worry po, Mrs. Valiente. Mahaba naman po ang pasensya ko at gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para po mabantayan ko po ang anak niyo." Sana nga lang makayanan ko. Para kasing nakakatakot ang lalaking ito eh. "Siya nga pala. Kay Keane nga pala manggagaling ang budget mo. Total naman same school lang kayo para na din every break ay magkasama kayong dalawa,'' pahabol pa ni Mrs. Valiente bago kami lumabas ng office niya. "Follow me," seryosong sambit nito bago mabilis na naglakad pataas. Kakatakot naman siya. Ang sama makatingin at laging naka-snob pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD