Pagkarating galing sa mall kaagad na inayos ni Keane ang kanyang mga gamit. Kahit naman lalaki siya ay malinis pa rin siya sa lahat ng bagay, kahit na sa sariling katawan, sa sariling kwarto at sa lahat ng pag-aari niya. Pagkatapos ayusin ang mga gamit, nakaramdam siya ng gutom kaya nagtungo siya sa dining room para kumain. "Nana, maghain na po kayo at kakain na po tayo," wika niya kay Nana Celia nang makita ito sa kusina. Abala ito sa paglilinis ng ginamit nito sa pagluluto. Nang matapos sa paghahain ay naupo na siya para sana kumain ng maalala niya si Alyana. Oo nga pala, nasaan na ba ang babaeng 'yon? "Nana, nakita niyo po ba si Alyana?" "Naku, hijo. Simula nang dumating kayo ay umakyat na siya sa kanyang kwarto at hindi pa bumababa hanggang ngayon. Baka busy pa ang batang 'yon