Pagkagaling sa restroom, bumalik ulit ang pagiging snob ng amo niya mostly pag may bumabati dito lalo na pag babae. Akala niya ay may nagbago na sa amo niya mula nang marinig niya itong tumawa pero paglabas ng restroom poker face agad ang sumalubong sa kanya. "Dito sa school, you don't have to call me señorito, boss or sir. Just use my name or anything na nasa pangalan ko. Okay?" basag ng binata sa katahimikan habang naglalakad sila patungo sa room niya. Hindi niya inaasahang ihahatid pala siya ng amo niya, kahit naman papano may kabutihan din pala ito sa loob. Hindi lang pala kasungitan at kabastusan. She smiled. "Oh, anong nakakatawa at nakangiti ka d'yan?" masungit na puna nito sa kanya. Napangiti na pala siya ng hindi niya alam dahil sa iniisip niya. "W-Wala po señ—este Ken-ken?" na