ALYANA JANE'S POV Tahimik lang kaming kumakain ng may isang lalaking sumigaw sa likod ko kaya natuon lahat ng atensyon sa kanya pati na rin ang atensyon ni Ken-ken. "Hey, bro! Musta na?" wika ng lalaki na sa palagay ko ay naglalakad palapit sa likod ko. Hindi ko na lang siya binigyang pansin at pinagpatuloy na lang ang medyo naudlot kong paglamon.. char! Pagkain s'yempre. Haha.. Masyadong matakaw pag lamon. Umupo ito sa tabi ni Ken-ken na patuloy lang sa pagkain at parang walang naririnig matapos itong bigyan ng isang sulyap "Bro, naman! Pansinin mo naman ako, oh," nagda-dramang wika no'ng lalaki."Hindi mo ba ako namiss?" patuloy ng lalaki na humawak pa sa may dibdib at umaktong nasasaktan. Medyo napapangiti na lang ako sa inaakto nito. Para kasing magandang kasama ito. Medyo may pagk