Habang nasa biyahe ay sinusulyapan ni Keane si Alyana na mahimbing na natutulog. Hindi niya alam kung ano ang nagtutulak sa kanya para laging protektahan ang dalaga sa kung ano mang uri ng sitwasyon kapag kailangan siya nito. Tulad na lang kanina. Minsan naiisip niya kung ano ba ang magandang gawin para hindi na ito ma-bully pa at tumigil na rin ang mga babaeng sobrang obsessed sa kanya. At may naiisip na siya kung ano ang dapat at magandang gawin pero hindi pa sa ngayon. Sa susunod na lang siguro para mapagplanuhan niya ng maayos. Hanggang sa makarating sa mansyon ay tulog pa rin ang dalaga. Sa halip na gisingin ay pinagmasdan niya muna ang maamong mukha ni Alyana na natatakpan ng isang medyo may kalakihang makapal na salamin. Medyo may katagalan na rin silang magkasama sa iisang bah