Chapter 10

2629 Words
LORRINE'S POV NATAPOS ang laban nilang dalawa nang nakabusangot siyang bumalik sa gawi namin. Natawa lang si Aryll at Nyx sa kaniya dahil sa hitsura nito. Kung ako man ay pinipigilan ko ring matawa. Natalo kasi si Czearine ni Miss Felirha at halata sa kaniya na hindi niya iyon matanggap. Pero hindi ba't siya ang nagsabi na hindi kami mananalo sa tagapagturo dahil hindi ito matatawag na tagapagturo kung lalampa-lampa? Siya ang nagsabi niyon kaya dapat ay tanggap na niyang hindi siya mananalo sa aming guro. Hindi siya dapat magdamdam dahil hindi naman nananalo ang isang estudyante sa guro. Nais ko sanang pakawalan ang ang kanina ko pa pinipigilan na pagtawa ngunit nangangamba akong baka sa akin na naman ibaling ang kaniyang init ng ulo. Ayoko na ng sa akin na naman nila ibuhos ang lahat ng sama ng loob nilang hindi naman dapat. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Aryll tungkol sa kapangyarihan ni Czearine. Napakalakas ng kapangyarihang iyon pero alam kong wala namang perkpetong kapangyarihan. Ang kailangan kong malaman ay kung ano ang kahinaan ng kapangyarihan na iyon. At kung ano ang epekto sa kaniya kapag binigay niya ang buong pwersa niya roon. "Nakakainis! Nakakayamot! Nakakasuklam! Napakaduga!" pagmamaktol ni Czearine nang walang pakundangan na sumalampak sa aming inuupuan. Marahas iyon ngunit tila hindi naman sumakit ang kaniyang pang-upo. "Kung pinayagan niya lang sana akong gamitin ang kapangyarihan ko ay kanina ko pa siya natapos," dagdag pa nito habang hindi inaalis ang pagkabusangot ng kanyang mukha. Iyon naman hindi maaari. Base lamang sa aking personalidad at pag-uugali. At base sa aking palagay, hindi mo maaaring hamakin ang iyong kaanib sa kahit anong paraan, sa kahit anong bagay. Ang kaanib ay isang kaanib. Kahit pa sabihing ito ay isang pag-eensayo lamang, hindi pa rin maaaring hamakin ni Czearine na tapusin si Miss Felirha— kung iyon nga ang gusto niyang ipahiwatig base sa naiintindihan ko. "Huwag ka nang magmaktol pa riyan, lalo kang papangit." Napatingin ako sa nagsalita, ang lumanay ng pagkakasabi niyang iyon at bakas ang sinseridad sa kaniyang tinig. Kaya naman, hindi ko maiwasang hindi panlakihan ng mga mata. Hindi ko iyon pinahalata at yumuko na lamang dahil hindi ko kakayanin kung sa akin na naman nila ibaling ang init ng ulo kapag nakita nila ang aking naging reaksyon. Pero sandali lamang, si Loie ba talaga ang nagsalita? Maaari naman palang maging malumanay ang pagsasalita niya. Ang pagiging matapang ng kaniyang boses ay tila nawala. Ganoon ba siya kapag si Czearine ang kausap niya? Sabagay, baka sa akin lang siya masungit. Wala naman akong pakialam doon. Wala rin naman kasi akong pakialam sa kaniya kahit sungitan niya ako. Wala rin naman kasi siyang magagawa kahit umiyak pa siya ng dugo. Hindi niya ako mapapabalik ng Verphasa dahil lang sa gusto niya. Kung gusto niya, siya na lang magpunta roon. Kahit nami-miss ko sina Inay Serra at Tatay Kulim, sadyang kailangan kong tiisin dahil kailangan kong protektahan ang kanilang anak. Inangat ko ang paningin ko at nakita kong nakangusong tiningnan ni Czearine si Loie at nang magkatinginan sila'y may kung ano'ng pandidiri akong naramdaman. Nanlaki ang mga mata ko dahil kung tumingin sila sa isa't isa ay kakaiba. Para bang mahal nila ang isa't isa. At oo, nandiri ako. Sa init ng ulo nilang pareho. I wonder kung sino nananalo sa kanila kapag sila ay nagtalo. Siguro, walang nagpapatalo sa kanila dahil pareho ang kanilang ugali. Pero bakit ko ba iniisip 'to? Wala naman dapat akong pakialam sa kung ano ang mayroon sila. Pagkatapos naman ng digmaan, babalik na ako ng Verphasa kung saan, hindi ko na sila makikita. Siguro iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang mawala silang dalawa sa paningin ko. "Nakakainis pa rin!" Humalukipkip si Czearine at inis na inilapat ang likod sa sandalan ng aming inuupuan. Parang bata siyang kumilos ngayon. Siguro ay nagpapalambing sa kasintahan niyang si Loie. Eww. Nasaksihan ko namang tumayo si Loie sa pagkakaupo at lumuhod sa harapan ni Czearine. Pagkatapos niyon ay mas nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang ngumiti. "Ikaw pa rin ang pinakamalakas na salamangkerang nakilala ko," ani Loie at mas kinilabutan ako sa sinabi niyang iyon. Geez! This is so awkward! Bakit kailangan nilang maglambingan sa harapan ko? I mean, they should have privacy. Give themselves a private life. Hindi iyong ganito na kung saan-saan na lang sila nagsasabihan ng mga matatamis na salita. Though, I know na wala naman akong pakialam sa kanila. Pero ang sakit sa tainga ng mga salita nila. Hindi talaga magandang nakikinig sa usapan nang may usapan dahil hindi nakabubuti sa pandinig. Pero ano ang magagawa ko? Nasa tabi ko lang silang dalawa at naririnig ko nang malinaw ang pinagsasabi nila? Teka. Magkasintahan ba sila? Kung totoo man ang nasa aking isip... wala pa rin akong pakialam! Magkasintahan man sila o hindi, wala na iyon sa akin. Labas na ako roon. At kung hindi man sila magkasintahan, bakit ganito ang paraan nila ng pag-uusap? Kunsabagay, mayroon din naman akong kaibigang lalaki. At kapag napapahamak ako ay nagagalit din siya. Kapag nasasaktan ako ay nalulungkot naman siya. At kapag masaya ako, mas masaya siya. Nalungkot ako bigla nang maalala si Miandro. Siya ang lalaking kasundo ko sa lahat. Siya ay isang kuya material. Kung ituring niya kami ni Nhykira ay para bang walang pinagkaiba kahit na hindi naman niya ako kapatid. Kahit na alam namin sa sarili namin na hindi niya ako pamilya. Still, they treat me with no difference. Muling namutawi sa akin ang alaala ng huling araw na magkasama kami ni Miandro sa itaas ng puno. Kung saan iniisip ko pa lang ang mga sinabi sa akin ni Inay Serra na ngayon ay nangyari na. Lihim akong napangiti nang mapait nang maaalala ang mga araw na kasama ko pa sila. Pakiramdam ko'y nasasaktan ako sa katotohanang... namimiss ko sila. "Ang susunod, Aryll Schyler!" Nabigla ako nang tawagin ang pangalan ni Aryll. Siya na ang sunod na mag-eensayo. May kung ano sa akin ang nananabik na makita siyang mag-ensayo. Masayang tumayo si Aryll at para bang wala lang sa kaniya ang pagsasanay na ito. Siya iyong tipo ng babae na hindi siniseryoso ang seryosong bagay. Kumbaga, palagi niyang ginagawang biro ang mga iyon. Para nga talaga siyang bata. Iyon ang isang bagay na nagustuhan ko siya. Kung sina Czearine at Loie ay pareho ng ugali bilang mainitin ang ulo, si Aryll naman ay punong-puno ng pagiging busilak ang puso. Isama pa ang kwelang si Nyx. Silang dalawa ang dahilan kung bakit sumasaya ang nasirang araw ko dahil sa dalawang pinaglihi sa sama ng loob. Muli kong tinuon ang paningin sa panonood dahil natigil na rin sa pagsasalita ang dalawang magkasintahan na ito. Nagpokus ako nang maigi na tingnan kung ano ba ang kapangyarihan ang mayroon si Aryll. Ilang beses ko na rin siyang nakausap ngunit hindi ko man lang natanong-tanong kung anong salamangka ang kaya niyang gawin. Pumuwesto siya na animo'y handang-handa sa pagsugod na gagawin ng tagapagturo. Matamis pa siyang nakangiti na tila ba'y paglalaro lang ang kanilang ginagawa. Hindi ko maiwasang ma-cute-an sa bawat reaksyon at galaw ni Aryll. Para bang hindi niya pa kakayanin ang lumaban sa digmaan kung gayo'y hindi niya siniseryoso ang pagsasanay. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang mabilis na inatake ni Miss Felirha ng isang bolang apoy ang kalaban at mabilis ding naiwasan iyon ni Aryll. Napabuntong-hininga ako dahil kaunti na lang ay mapupuruhan agad doon si Aryll kung hindi ito nakaiwas. Heto na nga ba ang sinasabi ko, e. Hindi siya nagseseryoso. "Relax, Lorrine. Alam ni Aryll ang ginagawa niya. Masyado kang tensyanado," pagpapakalma sa akin ni Nyx na inakbayan pa ako saka tumawa nang bahagya. "Hindi ko lang maiwasan. Para kasing hindi niya siniseryoso ang laban," nangangamba kong turan. Bakas ang pag-aalala sa tono ng aking boses at hindi ako magdadalawang isip na ipakita iyon. Totoo naman ang aking sinambit. Wala sa postura ni Aryll ang pagiging seryoso. Para bang sisiw lang sa kaniya ang labang ito. "Well, that's one of her talents," pagpapaliwanag ni Nyx ngunit talagang hindi ako kumbinsido. Talent? Oo nga't isa sa maituturing na pinakamalakas na salamangkera si Aryll dahil isa siyang Atramentous at dito siya sa Questhora lumaki. Ngunit hindi sapat na dahilan iyon para maliitin ang kakayahan ng aming guro upang hindi seryosohon ang pagsasanay na ito. "What do you mean by that?" tanong ko pa rin dahil parang iba naman ang sinasabi ni Nyx sa pagkakaintindi ko. Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin nang mataman. Seryoso ang mukha niya at hindi kinakikitaan ng pagiging mapagbiro niya. "She shows no interest. But believe me, she really is serious." Muli na naman siyang tumawa. "Go and watch her." Sinunod ko ang sinabi nito. Tinutukan ko nang husto ang laban na ito dahil nangangamba ako sa kinikilos ni Aryll. Kahit pa sinasabi ni Nyx sa akin na seryoso siya ay hindi ko maiwasang mag-alala. Bawat galaw niya ay sinundan ko hanggang sa tumigil siya sa pagsugod at ngumisi. "Woah!" Namamanghang turan ni Nyx nang magpalit ng anyo si Aryll bilang si... Lady Aurea. She really did that? Hindi makapaniwalang usal ko sa isip. Nakakamangha ang ganoong kapangyarihan bagaman nakakapangilabot. Kung ako sa posisyon ni Miss Felirha ay hindi ko na lalabanan si Aryll dahil kahit ginaya niya lang ang anyo ni Lady Aurea, nakakatakot pa ring labanan ang reyna. Iyon, eh, kung iwawaksi sa isipan na si Lady Aurea iyon. At itatatak na ginagaya lang siya ng kalaban. "You can't fool me, Aryll. I know your power," matigas na saad ni Miss Felirha. "Oh, really, Miss?" Humagikgik ito, "Nah, I'm not fooling you. Gusto ko lang gamitin ang katawan ni Lady Aurea nang sandali," sagot pa nito. Maging ang boses ay kuhang-kuha niya. Kung hindi ko lang alam na si Aryll ito ay aakalain kong si Lady Aurea ang nasa harapan namin ngayon. "Let's end this." Iminuwestra ni Miss Felirha ang dalawang kamay niya at ipinaikot sa ere na gumagawa ng mas malaki pang bolang apoy. Umatras nang umatras si Aryll ngunit hindi nababasa rito ang takot sa kaniyang mata. Ngumisi lang ito saka unti-unting lumuhod hanggang sa tuluyang mapahiga. Kumunot ang noo ko sa sumunod na eksena. Ipinagulong ni Aryll ang sarili palapit sa puwesto ni Miss Felirha. Habang palapit nang palapit ay nagbabago ang anyo nito. Mula sa pagiging si Lady Aurea hanggang sa... isang malaking bolang tubig? Paano niya nagawa iyon? Malakas na ibinato ni Miss Felirha ang hawak niyang bolang apoy sa gawi ni Aryll na hindi pa rin tumitigil sa paggulong. Animo'y sinasalubong ito. Ngunit nang malapit sa gitna ay bumalik sa kaniyang katawan si Aryll saka muling ngumisi. Mabilis niya muling pinalitan ang anyo... anyo ng isang batang babae. "s**t!" asik ni Miss Felirha saka gumawa ng isang malakas hangin na may kasamang tubig upang puksain ang ginawa niyang bolang apoy. Bago pa man makarating sa kinaroroonan ng batang babae ay nawala na ang apoy na iyon. "Aryll. Tapos na ang laban, maaari ka nang bumalik sa iyong tunay na anyo," Humagikgik ang maliit na bata saka nagsalita. "Masusunod po, Mama," usal nito at bumalik sa pagiging si Aryll. M-Mama? Tinawag niyang Mama si Miss Felirha? "Sino iyong bata?" Hindi makapagpigil na tanong ko. Kita ko ang pagguhit ng sakit mula sa mga mata ni Nyx. "Anak ni Miss Felirha na pumanaw. Pinaslang ito ng mga taga-Thadelux," si Nyx ang sumagot. "That's foul. Aryll should not do that." Naging malungkot naman ang sandali na iyon. Kitang-kita ko na tila naubos ang lakas ni Miss Felirha at bahagyang lumaylay ang balikat nito. Totoo ang sinabi ni Nyx. Sa unang pagkakataon ay kokontrahin ko ang ginawang iyon ni Aryll. Hindi tamang samantalahin niya iyon nang dahil lang sa gusto niyang manalo. Tama si Nyx, hindi dapat iyon ginawa ni Aryll dahil lubhang masakit iyon sa damdamin ni Miss Felirha. Ang mawala pa lang ang anak nito sa kaniya ay masakit na. Ano pa kaya kung ipaalala pa? Hindi ko maiwasang hindi mainis kay Aryll ngunit pinipigilan ko dahil sa wala naman ako sa posisyon oara maramdaman iyon. Ngunit sadyang namumutawi ang habag sa puso ko nang makita ang pagguhit ng ibayong sakit sa mukha ng aming guro. "Paumanhin, Miss, sa nagawa ko. Hindi ko sinasadyang pasakitin ang kalooban ninyo," ani Aryll habang inaalalayan sa pag-upo sa aming gawi ang nanghihinang tagapagturo. Tumayo naman ako upang bigyang espasyo ang pag-upo nito. Huminga ako nang malalim. Mabuti na lang at alam ni Aryll na hindi maganda ang nagawa niya. "It's okay, Aryll. Batid ko namang ikaw iyon. Sadyang hindi ko lang kayang saktan ang aking anak kahit batid kong hindi siya ang nasa harap ko," himihikbing ani Miss Felirha habang nakasubsob ang mukha sa mga palad nito. "Paumahin po, Miss," puno ng lungkot din ang mababasa sa mukha ni Aryll. Animo'y sising-sisi sa ginawa. "Sa kagustuhan kong manalo ay nilinlang ko kayo nang lubos. Patawarin ninyo ho sana ako," pagsusumamo pa nito. Inangat ni Miss Felirha ang paningin at saka matamis namang ngumiti sa kaniya pagkatapos ay nalok siyang maupo sa tabi nito. "Maaari mo bang gawin ulit iyon, Aryll?" "Ang alin po?" Naguguluhang tanong ni Aryll. "Ang gayahin muli ang katauhan ng aking anak?" Mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pagsusumamo sa tinig ng aming guro. Para bang ayoko nang masaksihan ito dahil masyadong nadadala ng senaryong ito ang emosyon ko. "P-Pero, Miss—" "Pakiusap..." at tuluyang pumatak muli ang luha sa mga mata nito. Walang nagawa si Aryll kundi ang magpalit ng anyo. Doon ay niyakap siya ni Miss Felirha habang umiiyak. Napakasakit naman ng ganitong tagpo. Hindi ko akalaing iilang araw pa lang ako rito sa Questhora pero iba't ibang klaseng kaganapan na ang naranasan ko. So far, ito yata ang pinakamasakit na nasaksihan ko. "Maaari na kayong magtungo sa inyong silid. Paumanhin kung hindi natin ipagpapatuloy ngayon ang pag-eensayo," anito saka tumayo at umalis sa lugar na iyon. So, hindi tuloy ang pagpapakitang gilas ko? Gusto kong pumalakpak dahil hindi pa ako handang ipakita kung ano pa ba ang kaya kong gawin. Pero masyadong nakakalungkot ang tagpong ito kung kaya't nanahimik na lang ako. Umiyak si Aryll sa amin nang bumalik siya sa tunay niyang anyo. Lumapit siya sa amin saka yumakap nang mahigpit. "Hindi ko sinasadya, guys! Sorry na kung hindi natuloy ang ensayo ngayon dahil sa akin," usal niya habang patuloy pa rin sa paghikbi. "Ano ka ba? Ayos lang iyon," kontra ko. "Hindi ayos iyon, Lorrine. Paano tayo magiging pinakamalakas kung hindi tayo mag-eensayo? Hindi pupuwedeng sasabak tayo sa gera nang wala tayong laban. Nag-iisip ka ba? O masyadong maliit ang utak mo para maintindihan lahat?" Nanginig ang kalamnan ko dahil sa narinig. Hindi na ako makapagtimpi sa babaeng ito, eh. Masyadong brutal ang bunganga. Laging mainit ang ulo. Pwede bang respetuhin niya na lang kung ano ang naganap ngayon? Pwede bang kahit isang beses lang, huwag naman siyang kontrabida sa sarili niyang ka-grupo? "Ikaw nga, eh, huwag akong subukan! Naririndi na ako sa bibig mo. Hindi ka ba puwedeng magsalita nang mahinahon at hindi nakakapanakit ng damdamin?" "Ikaw lang naman ang kausap ko, bakit pa ako magsasalita nang mahinahon?" "Aba't!" Akmang susugurin ko siya nang may pumigil sa aking braso. At pagtingin ko roon, kamay ni Loie ang nakahawak sa akin. Tila napaso ako sa pagkakahawak niyang iyon kaya bigla kong binawi ang aking braso. "Chill, guys! Bakit ba kayo nag-aaway? Hindi pa naman tapos ang araw, puwede pa tayong mag-ensayo?" Nyx suggested. "Paano?" humihikbing tanong ni Aryll. "Sino na lang ba ang hindi pa lumalaban? Si Lorrine at Loie ,'di ba? Edi sila ang mag-ensayo! Sila ang maglaban!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nyx. Talagang iyan ang mungkahi niya? Seryoso ba siya? "Ano?!" sabay naming sigaw ni Loie na nagkatinginan pa. Eww!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD