Chapter 9

3995 Words
ARYLL'S POV TOGETHER with Nyx and Lorrine, we went to Questhora's woodland para doon kami magpalipas ng oras. Papalapit pa lang ang kadiliman kaya napagpasyahan naming tatlo na magmuni-muni muna sa parke. Wala rin naman kaming gagawin sa sari-sarili naming kwarto kaya hindi muna kami umuwi roon. At isa pa, I want to know Lorrine more. And to do that, I need her time. Kumain kami ng ice cream na gawa ni Nyx. Yes, from this power, he can make an ice cream. Mas masarap pa nga ito kaysa sa mga nabibili sa smorgasbord ng Questhora. Kaya nga minsan, marami ang napapa-ibig kay Nyx na taga-ibang grupo dahil nakakagawa siya ng ice cream na talaga namang paborito ng ibanh mga salamangkera. Ngunit wala sa loob ni Nyx ang magkaroon ng kasintahan. Hindi naman kasi ito ang layunin namin. Wala ni isa sa amin ang nabuhay para umibig. Kusa namang darating iyon sa tamang panahon kaya hindi namin iyon masyadong pinagtutuunan ng pansin. Sa pananatili sa woodland, marami-rami na rin ang napagkuwentuhan namin. Siyempre nangunguna na kami ni Nyx doon. Kinuwento namin kung sino kami, kung ano ang mga magulang namin at kung ano ang kaya naming gawin. Muli ngang bumalik sa alaala namin ang pagiging pasaway namin noong kami ay paslit pa lamang. Ang mga litid sa leeg ng mga nagbabantay sa amin ay talaga nga namang halos maputol na. Kasabay ng pagbulusok ng mga alaala sa isipan namin ng tungkol sa kung paano kami naging magkaibigan ni Nyx ay napag-usapan din namin ang unang beses na nakita namin si Loie noon. "Talaga?" interesadong tanong ni Lorrine. "Oo, kung hindi nga matibay ang iyong loob talagang katatakutan mo siya," saad ko naman atsaka nginitian nang matamis ang babaeng salamangkera. Hindi ko makakalimutan ang unang beses kong nakita si Loie at ang unang beses na kumausap siya ng babaeng salamangkera. Lubhang nakakatakot ang kaniyang hitsura at pananalita. Ngunit hindi kasi ako ang tipo ng babae na madaling sumuko sa pagkakaibigan. If I want to be someone's friend, I'll do everything to earn and win their trust. And that is what I did when it comes to Loie. —Flashback— "Senyorita, nako po! Papagalitan ako ng senyora sa ginagawa ninyo," galit at nauubusang pasensya na wika ng tagapagbantay kong si Neah. Ngunit imbes na lapitan siya, bumungisngis ako kasabay ng pagtaas ng aking kilay. "Don't let mommy and daddy know about this, please?" I begged but not too seriously. Kasi ang sabi ng daddy, bawal daw akong maging bad sa mga servus na nagbabantay sa akin. They are my second parent, kasi lagi namang wala sila mommy at daddy. Lagi silang may inaasikaso sa kabilang bayan kaya minsan ko lang sila makasama. Ang lagi kong kasama ay ang mga servus na nagbabantay sa akin dito sa Questhora. I am just a toddler, yet, I know almost everything here in Questhora. Dito na kasi ako nagka-isip. Halos dito nga ako unang nagsalita. Dito ako natuto ng mga bagay-bagay pero ang rason kung bakit ako nandito ay nananatiling mahiwaga sa akin. Umakyat ako sa matarik na hagdan sa Questhora at nagpadulas sa railings niyon. Iyon kasi ang gusto kong gawin. Palagi akong nag-e-enjoy sa tuwing ginagawa ko ang ganito. Pakiramdam ko, sa bawat pagbulusok ko ay ang pagtanggap ko rin sa mga bagay-bagay. Para bang niyayakap ako ng mga hangin pasalubong sa akin. Pumikit ako habang mabilis ang pagpapadulas ko sa railings ngunit ang pakiramdam ko ay naging mabagal iyon. Dahil sa pinakikiramdaman ko ang pakiramdam na bumubulusok ako. Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang kaunting kiliti sa aking tiyan dahil sa pagkalula. Atsaka ako dumilat nang may ngiti sa labi. Ngunit nang sandaling buksan ko ang mga mata ko, isang estrangherong lalaki ang nakita kong nakaupo sa dulo ng railings na siyang masasagasaan ko. "Senyorita!" Ang kaninang pakiramdam kong mabagal na pag-usad ng pagdulas ko ay naging mabilis. Naging mabilis din ang t***k ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Napalingon ako sa mga servus na kapwa nanlalaki ang mga mata. Gulat at takot ang rumehistro sa kanilang mukha. Ilang sandali pa ay unti-unti nang lumalapit ang sarili ko sa pwestong inuupuan niya at para bang wala naman siyang pakialam doon dahil hindi siya umaalis. Ni tila wala nga rin siyang naririnig. Bingi ba ang batang lalaki na ito? "Waaah!" sigaw ko nang maramdamang mas bumibilis pa ang pagbulusok ko. Naging sanhi iyon para mapapikit ako dulot ng takot. Mayamaya lang, isang matigas na bagay ang tumama sa katawan ko na naging dahilan para malaglag ako mula sa railings ng hagdan. Hinandan ko na ang sarili sa mas matinding sakit na mararamdaman ko sakaling humalik ang katawan ko sa solidong sahig ng Questhora. Lubha iyong mataas kaya natatakot ako na baka ikamatay ko ito o kung hindi man, baka ako ay maparalisado. Ilang minuto kong hinintay ang pagbagsak ko ngunit hindi iyon nangyari. Masyado nang matagal ang hinintay ko para maramdaman ang paghalik ng katawan ko sa semento ngunit hindi matigas na bagay ang dumampi sa katawan ko. Kundi isang basa at malamig na likido. Tubig? Mula sa pagkakapikit ay napadilat ako upang tingnan ang sarili. Gayon na lang ang gulat ko nang makitang nakalutang ako sa isang lumulutang na tubig. "Senyorita!" Nanlalaki ang mga mata ko nang lumingon ako sa isang servus na tumawag sa akin. Habang namimilog naman ang labi ko sa gulat, pabalik-balik ang tingin sa tubig, sa katawan kong lumulutang at sa servus na nag-aalala habang papalapit sa akin. Dinaga ang puso ko sa kaba. Halos lumabas ang puso ko sa malakas na pagtibok nito nang makalapit sa akin ang servus ay siya namang pagkawala ng pwersa sa tubig na bumubuhat sa akin. Dahilan upang malaglag ako sa sahig ng Questhora. Iyon nga lang, hindi iyon kasingsakit ng inaasahan ko. Lumingon ako sa batang salamangkero na nakaupo pa rin sa railings ng hagdan. Sino siya? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Hindi naman siya si Nyx. Hindi siya ang matalik kong kaibigan. Hindi siya iyon. Pero nagtataka ako, anong ginagawa niya sa dulo ng railings? Bakit doon siya nakaupo? At bakit hindi man lang siya nag-atubiling umalis kung alam na pala niyang bubulusok ako? O baka hindi niya alam? At kung hindi niya alam, sino ang may gawa ng tubig na iyon? Kaninong kapangyarihan nanggaling ang tubig na nagsilbing higaan ko upang hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig? "Senyorita, ayos ka lang po ba? Basang-basa ang iyong kasuotan. Maging ang buo mong katawan," nag-aalalang tanong sa akin ng pinakamalapit na servus sa puso ko. Ngunit imbes na sagutin siya at ngumiti ako sa kaniya nang matamis, tanda na ayos lang ako at walang ibang masakit sa akin bukod sa puwetan ko na hindi ko na sinabi pa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lusak pagkatapos ay nilingon ang salamangkerong nakaupo pa rin kung saan siya nakapwesto kanina. Tila wala siyang naririnig. Ganoon na ganoon pa rin ang tindig niya. Katulad sa unang pagkakataon na nakita ko siya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya at nang makaharap ko na siya ay kumunot ang noo ko dahil nakita kong nakapikit siya. Natutulog ba siya? Tumingala ako. Dahil sa ganoong posisyon, mas nakikita ko ang hitsura niya. Mataas kasi ang railings. At dahil nakababa na ako, nasa taas siya. "Hey," untag ko sa kaniya ngunit mukhang hindi niya nga naririnig dahil ganoon pa rin ang postura niya. "Hi, I'm Aryll," dagdag pakikipagkilala ko pa dahil baka gusto niya lang ng friends. I can be his friend, though. Nyx can be his friend or even best friends since they are both men. I can be a neutral and open naman sa lahat ng magiging kaibigan ko. "S-Senyorita," tawag sa akin ng isang servus kaya lumingon ako. "Yes?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "Bakit?" "Magpalit ka po muna ng iyong kasuotan. Mapapagalitan po ako ng mommy at daddy mo kapag nagkasakit ka." Tumawa naman ako nang malakas dahil sinabi niya. As if mom and dad really care for me. They were all busy so I think seeing me having a sickness won't bother them. Mas mahalaga naman sa kanila ang ginagawa nila sa kabilang bayan kaysa sa akin. So, it's fine. Pero dahil mabait ako at hindi ko hilig na maging sakit sa ulo ng kahit na sino, tumango ako sa kanila at ngumiti nang matamis. "Sandali lang po, ah," magiliw kong wika kasunod niyon ay muli kong hinarap ang batang salamangkero ngunit katulad kanina ay nakapikit lang siya. "Hi, ulit. Ako si Aryll. Ang pangalan ko ay Aryll. Dito ako sa Questhora nakatira dahil ito ang sinabi sa akin ng parents ko. And to make this introduction short, I want to say that I want to be your friend and—" "Loie. Iyan ang pangalan ko. Itikom mo na ang iyong bibig at magpalit ka na ng iyong kasuotan." Nanlaki ang mga mata ko nang pagkatapos niyang sabihin iyon ay minulat niya ang mga mata niya. "Waah!" Napasigaw ako sa takot nang makitang pulos itim ang kaniyang mata. Walang ibang kulay ang mga mata niya kundi itim na parang binuhusan ng tinta. "W-What happened to your eyes?" Ano ang nangyari sa mga mata niya? Bakit ganoon ang mata niya? Bakit kakaiba? Ibig bang sabihin, kaya siya nakapikit kanina ay dahil ayaw niyang makita ang mga mata niya? "If you are scared, do not bother me anymore." Nagulat ako sa sinabi niya kaya sunud-sunod akong napailing. "N-No! I mean, no. Hindi naman ako natatakot." "Liar." Kumunot ang noo ko. "Hala! Totoo kaya. Sabi ng parents ko, kahit anong mangyari, lagi akong magsasabi ng totoo kaya totoo ang sinasabi kong hindi ako natatakot sa iyo." Pinakatitigan ko ang mukha niya. Oo, sa una, mukha talagang nakakatakot ang mga mata niya pero kapag nasanay naman ako, hindi naman na. At ang dahilan kung bakit ko siya pinakatititigan ay para masanay ako sa hitsura ng kaniyang mga mata nang sa gayon, kung magkita man kami sa pangalawang pagkakataon ay hindi na ako matatakot o mabibigla pa. "Really? Are you telling the truth?" Umayos siya ng upo at tumalon mula sa mataas na railings na iyon. Muling nanlaki ang mga mata ko dahil ang taas niyon pero nakaya niyang talunin. "What the hell?" Halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkagulat. Narinig ko ang mabibilis na yabag ng sapin sa paa ng mga servus na papalapit sa amin. Tumatakbo. Kita ang pag-aalala sa kanilang mga mata. "Hijo! Ayos ka lang ba?" Napangiti ako sa pagiging busilak ng mga servus. Hindi lang sila sa akin concern. Kundi sa mga kaibigan ko rin. At natutuwa ako dahil ganoon ang kanilang ugali. Hindi tulad ng ibang servus, na kung sino lang ang kanilang alaga at binabantayan, doon lang sila naka-focus. Kaya mahal na mahal ko ang mga servus na napunta sa akin. They are really a parent material. Kahit pare-pareho silang mga babae. Sa katayuan nila ay mayroon akong mga magulang. "Aryll, my best friend!" Mula sa kalayuan ay napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na narinig ko. Kilala ko ang boses na iyon. It was my best friend's voice. It was Nyx. Awtomatiko akong napangiti nang magsimula siyang tumakbo papalapit sa akin. Ako naman ay hinintay lang ang pagdating niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa aking mga labi. "Oh, Loie. Nandito ka pala?" Namilog ang mga mata ko nang makarating sa tabi ko si Nyx pero kay Loie siya nakatingin. At magkakilala sila? Paanong nangyari iyon. "Yo, dude." And dude? What the hell? —Flashback Ends— "Malay ko bang hindi pa kayo magkakilala noon?" nakabusangot na tanong sa akin ni Nyx. "Still, you didn't even bother to tell me, huh?" "So, is it my fault?" Napabuntong-hininga ako. "Since when did I say that it was your fault? What I am saying is that, I am your best friend. You should've mentioned it to me even if it was something I am interested in or not." Hindi naman ako naiinis. Gusto ko lang talaga na iniinis si Nyx. Sa tuwing babalikan namin ang ganitong topic ay nagkukunwari akong galit pagkatapos niyon ay mapu-frustrate na siya dah hindi niya maintindihan ang kinagagalit ko. That is one of the reasons why Nyx is really my halfie. I mean, apektado siya lagi ng emotions ko. When I am happy, he is also happy. When I am sad, he cries. When I am lonely, he will be there with me. When I am mad, he will also be mad at the reason why I am mad. Nyx is my other half. Siguro kasi sabay kaming lumaki. "Are you guys fighting?" naguguluhang tanong ni Lorrine ngunit pareho kami ng sinagot ni Nyx. "No." Pagkatapos ay sabay kaming tumawa. Kinuwento pa namin kay Lorrine ang mga bagay na kailangan niyang malaman tungkol sa pagkatao namin. This is fun and nice actually dahil para kaming nasa getting to know each other stage. Ito rin kasi ang paraan ko para malaman naman ang tungkol sa kaniya. To earn her trust and to make her feel that we are trustworthy. Though, hindi ko naman 'to ginagawa just because of that. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko rin talaga siyang maging kaibigan nang may pagtitiwala at walang halong pagdududa. Gusto kong pagkatiwalaan niya kami dahil wala naman kaming ibang gusto kundi ang magawa niya ang misyon niya sa buhay. Even I know na pinakikisamahan niya lang kami dahil sa rason kung bakit siya nananatili rito. Kahit na ganoon, gusto ko pa ring maging memorable ang pananatili niya rito. Gusto ko, sa oras na magawa na niya ang misyon niya sa buhay at maipawalang-bisa ang pagkakadakip sa tinuturing niyang kapatid na si Nhykira, gusto kong maalala niya hindi lang ang mga bagay na hindi maganda sa lugar na ito. Kundi ang mga alaala namin sa puso niya. Gusto ko, sa tuwing mababanggit at maririnig niya ang kaharian ng Questhora, kami ang maaalala niya. And that is how friendship should be. LORRINE'S POV NANDIRITO kaming muli sa loob ng Arena upang paghusayan ang paggamit namin ng salamangka. Isa ito sa pinakahihintay ko, dahil makikilala ko na kung ano ang salamangkang tinatago ng apat kong kasama. Sinabihan ako ni Miss Felirha na ako ang huling magpapakitang gilas para mas mapanood ko ang aking mga kasama na pabor na pabor sa akin. Hindi dahil sa natatakot ako kundi gusto kong makita kung anong kaibahan nila sa kapangyarihang mayroon ako at kung ano ang kahinaan ng kapangyarihan nila. Kung pupuwede nga lang na hindi ako magpakitang gilas ngayon, eh. Wala kasi talaga ako sa huwisyo. Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil masyado akong binabagabag ng mga nalaman ko rito sa Questhora. Dalawang araw matapos naming manggaling sa Atramentous Temple ay kakaibang kaba ang dinulot sa akin nang huling sinabi ni Lady Aurea. Noong mga panahong iyon, iniisip kong tumalikod na lang sa salitang binitawan ko at bumalik ng Verphasa. Ngunit sa tuwing sasagi sa aking isipan ang mukha ni Nhykira, pakiramdam ko, wala talaga akong pagpipiliin kun'di ang manatili rito. Hindi naman sa labag sa loob kong iligtas si Nhykira, sadyang hindi ko lang maiwasang kabahan dahil buhay ko rin ang nakataya rito. Nahiwagaan pa rin ako sa pintong pinasukan at nilabasan namin upang makarating sa templo. Si Lady Aurea lang daw ang may kakayahang gumawa niyon, at kung bakit kinailangan naming gumamit ng gano'n ay dahil nasa malayong lugar ang templo ng Atramentous. Hindi iyon basta-basta nakikita kahit pa magpunta sa pinakamataas na burol, hindi iyon magagawang tanawin ng paningin. Masyado nilang iniingatan ang templo na 'yon kung kaya't piling tao lamang ang nakakapunta roon. Hindi ko maiwasang hindi humanga roon. Dahil sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasan iyon. Ngayon lang ako nakakita ng mga malalakas na salamangka tanging sa Questhora lang makikita. Kaya pala ito binansagang kaharian ng mga malalakas na salamangkero dahil tunay na hindi pangkaraniwan ang lakas na mayroon sila. Noong gabi ring iyon ay hindi ako pinatulog ng pag-iisip dahil sa digmaang sinabi ni Lady Aurea at kami pa ang mangunguna. Batid ko ring, ito rin ang unang beses na nalaman ito ng apat kong kasama dahil bakas sa kanilang mukha ang gulat at pangamba. Lahat kami ay hindi inasahan na ganoon kalalim ang problema ng Questhora... ang kaharian na tinitingala ng lahat, mayroon pa lang mabigat na pasanin. Ngayon ko mas napatunayan na hindi porke tinitingala ay hindi na nakakaranas ng problema, mayroon pa rin pa lang, tinatago lang ang problemang iyon para hindi mangamba ang iilan. Humanga ako sa taglay na tapang ni Lady Aurea na pamunuan nang mag-isa ang Questhora. At ang paparating na digmaan ay siyang pinakamalaking hamon niya bilang isang reyna. "Unang magpapakita ng kaniyang kapangyarihan, Nyx Blaustein!" sigaw ni Miss Felirha na nasa kabilang dulo ng Arena. Ang puwesto nila'y magkaharap ngunit sobrang layo ng pagitan. Mula sa pinakadulo kung saan nakatayo si Nyx hanggang sa pinakawakas kung saan naman naroon si Miss Felirha. "Go, Nyx! I know you can do it!" pagchi-cheer sa kaniya ni Aryll na katabi ko. "Ano ba, Lorrine? Hindi mo man lang ba ichi-cheer si Nyx?" natatawang tanong nito sa akin nang makita niyang para akong nawiwirduhan sa kaniya. Matapos kasi naming magtungo sa tinatawag nilang woodland ng Questhora ay naging malapit na silang dalawa sa akin. Kung ituring nila ako ay para bang hindi ako bago sa grupong ito. Kung ituring nila akong dalawa, para bang nakalimutan na nila na isa akong mababang uri ng salamangkera galing sa Verphasa. "Tch. Kahit isigaw mo ang pangalan niya, hindi siya mananalo kay Miss Felirha," asik naman ni Czearine na hindi sa amin nakatuon ang paningin kun'di kay Nyx na halatang kinakabahan. "See? He's trembling. He can't stood up straight. Paano siya mananalo?" "Wala ka bang tiwala kay Nyx?" Hindi ko na naiwasang hindi sumabat dahil masyadong binababa ni Czearine ang confidence ni Nyx bagamat malayo kami at hindi nito naririnig. Hindi niya pa rin dapat sinasabihan ng gano'n ang kaniyang kaanib. "Hindi ako tanga, Lorrine ng Verphasa. Hindi niya tayo matuturuan nang tama kung mas magaling tayo sa kaniya. Hindi siya matatawag na tagapagturo kung lalampa-lampa siya," singhal nito sa akin na saglit pang tumingin upang ipakita ang nanlilisik nitong mata saka muling ibalik ang atensyon kay Nyx. "P-pero h-hindi naman sa lahat ng p-pagkakataon ay nananalo ang isang guro," malumanay ko pa ring saad ngunit mahihimigan ang hindi ko pagtanggap sa sinabi niya. Ang hilig niya sa salitang lampa. "Tama na 'yan. Hindi naman tayo nandito para mag-away. At isa pa, magkakampi tayo rito, remember?" maarteng turan pa ni Aryll na pinaikot ang paningin. Hindi ko na rin pa pinahaba ang diskusyon. Napukaw ang atensyon ko ni Loie na tahimik lamang na nakamasid kina Miss Felirha. Paminsan-minsan ay kumukunot ang noo kahit hindi pa man nagsisimula ang laban. "Hindi dapat ako ang pinanonood mo, mahinang nilalang," malamig niyang sabi. Kahit hindi niya ako tingnan ay alam kong ako ang tinutukoy niya kung kaya't ibinalik ko ang paningin sa harapan. Naunang maglabas ng kapangyarihan si Miss Felirha na galing sa kaniyang palad. Kitang-kita ko kung papaanong lumabas sa kaniyang palad ang isang pulang bagay na lumulutang, huli na ng mapansin kong isa iyong bolang apoy nang mabilis niyang ibinato iyon sa gawin ni Nyx. Ngunit mabilis ding inilabas ni Nyx ang kaniyang kanang kamay na para bang mapapahinto niyon ang paglapit ng apoy sa kaniya. Sa halip na umiwas ay iniharang niya ang kanang kamay. Doon mas lalong lumaki ang aking mata ng isang malaki-laking yelo ang lumabas doon. Agad na napuksa ang apoy na ibinato ni Miss Felirha. I am not surprised to see what his power is. Nalaman ko na iyon nang nasa woodland kami kasi siya ang gumawa ng ice cream namin. Ilang beses silang nagbatuhan ng kanilang kapangyarihan at hindi manlang umaalis sa puwesto nila. Muling humugot si Nyx nang hangin. Nagulat na lang ako nang makitang may hawak na siyang espada na gawa sa yelo. This is unbelievable. Nakakagawa siya ng mga bagay gamit lang ang yelo. Nang tumingin ako kay Miss Felirha ay isang matulis na bagay din ang ginawa niya gamit ang apoy. Kapwa sila lumipad sa ere at lumapit sa isa't isa. Sinalubong ng espada ni Nyx ang papalapit na si Miss Felirha. Ngunit hindi nagpadaig ang tagapagturo, agad itong umikot sa likod ni Nyx saka ito sinipa nang malakas sa likuran na naging dahilan ng pagtalsik nito sa pader. Aww! That hurt. Agad iminuwestra ni Nyx ang kamay upang makagawa ng isang bakod na gawa sa yelo nang sa gayo'y hindi niya masalo ang bolang apoy na gawa ng kalaban. Kitang-kita ko kung papaano bumalatay sa mukha ni Nyx ang sakit dulot ng malakas na pagka-untog ng kaniyang katawan sa pader. Tila nakaramdam si Miss Felirha na hindi na kaya ni Nyx ang lumaban kaya't bumaba ito mula sa ere saka nilapitan ang nasasaktan na estudyante. Ngunit lahat kami ay nagulat nang muling kumumpas ang kamay ni Nyx sa ere, bumuo siya ng isang tila kulungan na gawa ng kaniyang kapangyarihan upang ikulong doon si Miss Felirha. Mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. Ganoon din ang bilis na ginawa ni Miss Felirha upang makagawa ng mas malaking bolang apoy ngunit hindi na ito natuloy nang tuluyan itong naging yelo. Nagulat pa ako nang biglang tumayo si Aryll saka pumalakpak. Kitang-kita ang saya sa kaniyang mukha nang manalo si Nyx laban kay Miss Felirha. Nang maka-recover, lumapit si Loie upang tanggalin ang pagkakayelo ni Miss gamit ang kapangyarihan nito. Apoy din? "That was fun, Nyx! Natututunan mo nang manlinlang ng iyong kapwa," ani Miss Felirha saka tumawa nang malakas. "Batid kong iyon ang gagawin mo, tinatantsa ko lang ang bilis ng iyong paggalaw at talas ng iyong isip. Mahusay, Nyx!" Pumalakpak pa ito pagkakuwan. "Salamat, Miss," nakangiting tugon naman ni Nyx saka yumuko bilang paggalang. "Walang anuman. Ang susunod, Czearine Quvriesh." Tumayo si Czearine nang walang pag-aalinlangan. Ngunit ganoon na lang ang nakita kong kaba sa mukha ni Miss Felirha nang makitang ngumisi lang sa kaniya ang dalaga. "I know exactly what you are thinking, young lady," sarkastikong tawa ni Miss. "Simulan na natin, magiging madali lang ito para sa akin," aniya naman saka pumuwesto kung saan nakapuwesto si Nyx kanina. "Ngunit hindi mo maaaring gamitin ang kapangyarihan mo laban sa akin. Heto ang gamitin mo," pagkasabing iyon ni Miss ay may lumipad galing sa kung saan ang isang bagay. Nasambot naman iyon ni Czearine nang hindi nilulubay ang paningin sa tagapagturo. "Gamitin mo ang lakas ng iyong katawan," anito saka pumwesto. Isang sibat? Napaawang ang labi ko nang makita kung gaano kahaba iyon at katulis ang dulong bahagi nito. Gusto kong humanga nang magawang paikutin iyon ni Czearine sa kaniyang katawan hanggang sa makuha nito ang tamang posisyon ng kaniyang armas. Ngunit nagtaka ako kung bakit hindi maaaring gamitin ni Czearine ang kapangyarihan niya. Kapwa sila may hawak na sibat, saka inumpisahan ang laban. "Alam ko ang iniisip mo." Nakangiti si Aryll habang nakatingin sa akin. "Nagtataka ka kung bakit hindi maaaring gamitin ni Czearine ang kapangyarihan niya, tama ba?" Tumango ako. "Oo, bakit nga ba hindi puwede?" "Dahil masyadong tahimik ang kapangyarihan niya. Ngunit masyado ring nakakatakot," "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi kasi normal ang kapangyarihang mayroon siya. Napakadali lang niyang matatapos ang kaniyang kalaban kung tutuusin. Sa sobrang tahimik ng kaniyang kapangyarihan, walang kaalam-alam ang kalaban na unti-unti na siya nitong pinapatay," Mas lalong kumunot ang noo ko at naging interesado. "Paano niya nagagawa iyon? Ano bang kapangyarihan ang mayroon siya?" Muli akong napatingin kay Czearine na mabilis na nakikipaglaban kay Miss Felirha. Hindi ito nagpapadaig, napapantayan niya ang bilis ng pag-atake ng tagapagturo at lubha iyong nakakamangha. "She has the power of her own Voice. If you hear her humming, you'll sleep for a day. If you hear her singing a song that you can't understand it's lyrics, you will be paralysed for seventy-two hours. And when she laughs, it will surely be the end of your life. So don't you dare make her laugh," anito saka tumawa nang malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD