Chapter 11

4902 Words
ARYLL'S POV I AM FEELING nothing but sadness. Hindi ko alam na napaka-insensitive ko sa ginawa ko. I ruined our practice. I ruined someone's feelings. I played with someone's emotion. Sobra-sobra ang hiyang nararamdaman ko ngayon dahil sa nagawa ko. Alam kong walang excuse ang pwede kong sabihin para ipagtanggol ang sarili ko. I am completely aware na hindi maganda ang nagawa ko kay Miss Felirha. Yet, I do not know how to return her happiness. I ruined her. And now, she is really sad because of me. "Hey, come on." Nyx patted my head and leaned against his shoulder. I cried once more habang inaalala ang kasamaang nagawa ko. This is not me. This is not Aryll Schyler that they used to know. I am a monster. "Shh…" "N-Nyx, I am a monster, do you know that? Your best friend is a monster!" saad ko habang hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng luha ko galing sa aking mga mata. "I know for sure, Miss Felirha was mad at me. All of you, you are mad at me." I wanted to hurt myself. Gusto kong gantihan ang sarili ko dahil sa insensitive and impulsive act na ginawa ko. Gusto kong magwala. I wanted to hide myself. Gusto ko na lang maglaho. "Don't say that, 'kay?" Good thing, I have Nyx with me. Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. Lahat ng frustrations ko, binuhos ko sa pag-iyak. Para bang sa ganoong paraan gagaan ang pakiramdam ko pero parang hindi naman. Sa tuwing maiisip ko ang paglinlang na ginawa ko kay Miss Felirha ay bumibigat ang paghinga ko. Sumasakit ang puso ko. Pero kulang pa ito. Alam kong kulang pa 'to sa bigat ng nararamdaman ni Miss Felirha. Lumabas kami ni Nyx after magkaroon ng gulo. Gusto ko kasing makahinga. Pakiramdam ko, nasu-suffocate ako sa arena. Pero kahit lumabas ako, pakiramdam ko, hindi pa rin ako tuluyang makahinga. "Pasok na tayo?" biglang tanong ko na ikinagulat ni Nyx. "Baka nag-uumpisa na sila Lorrine. I want to watch her." "Are you sure?" Kitang-kita ko ang pag-aalala sa matalik kong kaibigan na si Nyx. Pero tumango ako bilang sagot atsaka ngumiti nang tipid. "Let's go?" Naaalala ko pa kung paano kami nag-umpisa maging magkaibigan. Halos ganito rin ang sitwasyon noon. Siya lagi ang nagpapagaan ng nararamdaman ko. Siya ang laging nandyan kapag hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Siya ang nasa tabi ko kapag gusto kong mapag-isa. Isa siyang kuya sa akin. Kapag mali ang ginawa ko, magagalit siya, pagagalitan niya ako pero alam kong kapag ginagawa niya iyon, tinatama niya ang mali ko nang sa gayon ay hindi ko na ulitin. Noong mga bata pa kami, kapag nakasakit ako ng kapwa ko salamangkero, hindi niya ako tino-tolerate. Mas inaasikaso niya nga iyon kaysa sa akin. Pero pagkatapos niyon, babalikan niya ako. Para pagsabihan at tanungin kung bakit ko iyon ginawa. Pagkatapos ay iintindihin na niya ako kung ano ba ang nasa isip ko. He loves me so much. He loves his sister so much at nararamdaman ko iyon. Kahit kailan, hindi niya pinaramdam sa akin na wala akong parents. Na ang nandiyan lang sa tabi ko ay mga servus at ang grandmom ko. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na walang kulang sa akin. Kapag gusto kong mapag-isa, hindi niya hinahayaan iyon. Lagi niyang pinipilit na sasamahan niya ako sa lungkot at ligaya. Na lagi ko dapat siyang kasama kahit anong emosyon ang nararamdaman ko. Sa tuwing down ako, sa tuwing naguguluhan ako, sa tuwing natutuwa ako, sa tuwing nagdiriwang ang puso ko, ang gusto niya, kasama ko siya sa lahat. At iyon naman ang ginagawa ko. Parang I can't live without Nyx with me. Gaya nga ng sinabi ko, he is my other half. Siya ang kalahati ng buhay ko. At nagpapasalamat ako sa mga magulang niya dahil binuhay nila si Nyx. Dahil nagkaroon sila ng isang Nyx. At dahil doon, nagkaroon din ako ng isang mabuti at matalik na kaibigan na alam kong kahit anong gawin ko, hindi ako iiwan, hindi ako pababayaan, hindi ako sasaktan. "Hey, you are spacing out," untag sa akin ni Nyx at doon ko lang napansin na wala na pala ako sa sarili ko. Masyado akong kinain ng pagpapasalamat ko dahil mayroon ako siya sa tabi ko. Muling akong tumango at bumuntong-hininga. "Thank you, Nyx." Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa kaniya. Pagkatapos niyon ay hinalikan niya ang noo ko na siyang nakapagpapikit sa akin. I can feel his warm lips on my forehead at doon, naramdaman kong kumalma ako. Mayamaya lang ay humiwalay na siya sa akin. Nananatili ang dalawa niyang braso sa magkabilang balikat ko. "Basta ikaw," ngumiti siya sa akin at kumindat. And that made my heart flutter. Good thing I have my best friend with me. I have my Nyx Blaustein. NYX'S POV "BASTA IKAW," saad ko kay Aryll atsaka ngumiti. Kahit manhid ka, gusto pa rin kita. Gusto ko sanang isatinig iyon pero hindi ko na ginawa. Ayokong mas maguluhan pa ang isip niya. Ayoko nang makadagdag pa sa magulo niyang isip. I just want to stay like this. Dahil baka kapag umamin ako sa kaniya, mawala ang pagkakaibigan namin na matagal kong tinago at pinahalagahan. Ayaw kong nang dahil lang sa nararamdaman ko, mawawala siya sa akin nang ganoon ganoon na lang. Maayos na ako sa ganitong sistema. Magkaibigan. Ayos na sa akin iyon. Hindi na ako naghahangad pa ng mas malalim pa roon dahil kuntento na akong sa akin siya tumatakbo sa tuwing may problema siya. At kapag masaya siya, ako rin ang hinahanap niya. Masaya na akong maramdaman na katulad ko, hindi niya rin kayang mawala ako sa kaniya. Alam kong hindi maganda ang ginawa niya kay Miss Felirha at kinausap ko naman na siya tungkol doon. Naiintindihan ko ang rason niya. Iyon nga lang, mali talaga. Mali ang ginawa niya. Hindi ko lang talaga makayang nalulungkot siya. Atleast, she is aware of her wrongdoings. She is aware of her mistakes. And she regrets it. I think that is also important. Iyong alam mo ang ginawa mong mali at pinagsisisihan mo. I remember the day when she was like this. That was the time that I worried too much about her. And that was the first time we knew each other. We were just five years old before, yet, we already know of our purpose. Dito na kami sa Questhora nabuhay noon dahil mula nang isilang kami, hinandog na kami ng mga magulang namin para maging bayani ng Questhora. Mula nang isilang kami, alam na namin na para kami sa Atramentous. Mag-isa noon si Aryll, nakaupo sa isang bench sa woodland. Naglalaro ako noon ng mga yelo dahil noon, tuwang-tuwa pa ako sa kapangyarihang mayroon ako. Kadidiskubre ko lang kasi noon ng kapangyarihang mayroon ako. At nakita ko ang babaeng malungkot na si Aryll. Noon, hindi ko pa alam ang pangalan niya, pero alam kong siya ang anak ng kaibigan ng parents ko. Sabay kaming lumaki at nagkaisip pero hindi ko alam ang pangalan niya. Naglalaro kami noong mga bata nami pero kapag may mga bantay lang kaming servus. Kapag tumatakas kami, hindi namin kasama ang isa't isa. But that day… I was captivated by her sadness. I wanted to comfort her. I wanted to see kung ano ang hitsura niya kapag nakangiti siya. Ngumiti ako sa kaniya niyon at nilapitan siya. Tinanong niya ako kung ano ang kailangan ko. Ngunit imbes na sagutin siya ng mga material na bagay o kung ano. Ang sinagot ko sa kaniya ay… —Flashback— "Smile." Kumunoot ang noo niya dahil sa sinagot ko. Pero nananatili akong nakangiti sa kaniya. Kahit kunot ang noo niya, hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata niya kaya lalo akong nagkaroon ng interes sa kaniya. Yes, I am interested in her. I want to know her story and make her feel that she is not alone. I want to be with her side no matter what. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman pero gusto kong maramdaman niya na simula ngayon, hindi na siya mag-isa. Na lagi na niya akong kasama. Bakit may batang nalulungkot? Nasaan ba ang friends niya? Nasaan ba ang parents niya? Bakit siya mag-isa? Bakit wala ang mga servus na nagbabantay sa kaniya? Sa pagkakaalam ko, lahat kami ay may mga servus na nagbabantay sa amin. Pasaway lang talaga ako dahil lagi kong tinatakasan ang mga servus na nagbabantay sa akin. Paano'y lagi silang nakasunod. Lagi nilang nililimitahan ang galaw ko dahil natatakot na baka ako'y masugatan. Tch. Wala ba silang tiwala sa akin? "What?" She curiously asked. Natawa naman ako dahil halata sa kaniya ang pagtataka. "I want your smile. I want to see your smile." "Why?" Tumawa ako nang malakas dahil natagumpay ako sa pag-iiba ng mood niya. From being sad to being curious now. Next goal is to make her happy. "Do you want some ice cream?" tanong ko sa kaniya. Nagliwanag naman ang mukha niya. "May nagtitinda ba rito ng ice cream? I want one! I want one!" Iyon naman ang kinalungkot ko. Hindi ko kayang gumawa ng ice cream dahil kadidiskubre ko pa lang sa kapangyarihang mayroon ako. Ni hindi ko pa nga kayang kontrolin ito. Ni hindi ko pa alam kung paano mapapalabas at maitatago ito sa oras na gusto ko. Bigla na lang kasi siyang lumabas. Bigla na lang lumabas ang mga yelo sa kamay ko nang subukan kong hawakan ang isang puno. Naging yelo iyon ngunit hindi ko naman gusto. "Hehe." Tumawa ako nang naiilang. Dahil alam kong hindi ko alam kung paano gagawa ng ice cream na gusto niya. Pinananabik ko lang siya dahil baka iyon ang maging dahilan para ngumiti siya. Nagtagumpay naman ako. Pero alam kong magiging malungkot din siya kapag sinabi ko ang totoo. "Wala, eh." Gaya ng inaasahan ay lumungkot na naman ang mukha niya. "It's okay. Hindi naman talaga lahat ng gustuhin ng isang salamangkera, kahit pa mayroon siyang malakas na kapangyarihan, makukuha niya. And I am used to it. So, it is okay," malungkot niyang saad. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para gumaan ang pakiramdam niya. Hindi ko alam kung sasayaw na lang ba ako sa harap niya o magiging kwela. Ang gusto ko lang talaga, sumaya siya, bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko. What's with this girl? Bakit gusto kong makita siyang masaya, eh, mabubuhay naman ako kahit malungkot siya. I mean, ano naman kung malungkot siya, 'di ba? Kawalan ko ba 'yon? But I can't help myself to get worried. Lalo na sa tuwing makikita ko sa isipan ko ang malungkot niyang mata. Para bang sinasabi niyon na kailangan may gawin ako para hindi na siya malungkot. Not that I am obligated but it feels like I need to do something. Pumikit ako at inisip na parang may umuulan na nyeba sa kinauupuan namin ngayon. Habang hindi siya nakatingin sa akin at nakatuon ang paningin niya sa kawalan, pwinersa ko ang sarili ko upang makagawa ng mga maliliit na nyebe para pumatak sa pwesto namin. Dahil ang kapangyarihan ko ay tungkol sa yelo, hindi naman siguro masama kung pipilitin ko? Para naman ito sa babaeng kasama ko ngayon. Hindi naman para sa akin. "Wow! Snow!" Awtomatikong dumilat ang mga mata ko nang marinig ang boses ng batang babae na katabi ko. At bigla akong napatingin sa itaas ng aming ulohan. Mayroon isang kumpol ng tila alapaap, doon lumalabas ang mga nyebe na parang totoo. Napangiti ako nang makita siyang ngumiti. Kilala ko siya. Siya iyong anak ng kaibigan ni mom and dad. Nakakalaro ko na siya noon pero hindi naman totoong tuwa ang nararamdaman niya kapag may mga kasama kaming servus. Dahil alam kong pinipilit lang naman siya ng mga ito na makipaglaro sa akin. Ngayon na mag-isa siya at wala siyang mga bantay, kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya. "Ang ganda!" Pumalakpak pa siya habang sinasabi iyon kaya napangiti ako nang todo. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa akin, nakangiti, bakas ang sayang nararamdaman sa kaniyang reaksyon. Inilahad niya ang kamay sa akin. "My name is Aryll. From the family of Schyler," pagpapakilala niya. So, that is her name. Alam ko ang apelyido niya pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang pakikipag-kamay niya. "I am Nyx. From the Blaustein Family." —Flashback Ends— At doon nag-umpisa ang tunay naming pagkakaibigan. Hindi sa unang beses na maglakad kami, hindi sa unang beses na nagkausap kami, hindi sa unang beses na nagkita kami. Kundi sa unang beses naming nalaman ang pangalan ng isa't isa. Lumalim nang lumalim iyon hanggang sa ang pagiging magkaibigan namin ay nagkaroon na ng malisya sa akin. Pero pinili kong huwag ipahalata, huwag iparamdam at huwag ipakita. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko, mag-iba ang turing niya. Lalo na at alam ko kung sino talaga ang sinisigaw ng puso niya. Iyon ay hindi ako. Huminga ako nang malalim at marahas iyong ibinuga kaya napatingin sa akin si Aryll habang kunot ang noo. Papasok kami ngayon sa arena, nauuna siyang naglalakad samantalang ako ay nasa likuran niya kaya nang bumuntong-hininga ako ay nilingon niya ako. "Are you okay? Is there something bothering you? What's wrong? Come on," sunod-sunod niyang tanong. Halata sa boses niya ang pag-aalala kaya tumawa ako. "What's funny, Nyx?" Tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko siyang nag-aalala sa akin. Dahil nararamdaman kong mahalaga ako sa kaniya. "Nothing, okay? Let's go. We wouldn't want to miss a good fight, would we?" tanong ko at nilapitan siya saka ini-akbay ang braso ko sa balikat niya. "Yeah, you're right." Sabay na kaming pumasok sa arena. Tamang-tama at mag-uumpisa pa lang ang laban. Sakto lang pala ang dating namin. Umupo na kami sa pwesto namin kanina habang matamang nakatingin sa dalawang naglalaban. Bakit hindi pa sila kumikilos? Ano ang balak ng dalawang 'to? LORRINE'S POV "EŞTI GATA SĂ MOARĂ?" (Are you ready to die?) Hindi ko pinansin ang bulong na iyon ni Loie kahit na alam kong maaari akong malagutan ng hininga dahil sa ginawa niya. Tinatanong niya ako kung handa na akong mamatay, bakit hindi niya iyon itanong sa sarili niya? At talagang may balak siyang patayin ako? Ganoon na ba siya kamuhi sa akin para gawin iyon? Kung ganoon ay hindi na rin ako magdadalawang-isip na ibigay ang laban na gusto niya. Kahit mas malakas siya sa akin. Kahit batid kong mula ako sa Verphasa— bayan ng mga mahihinang nilalang at siya naman ay sa Questhora— kaharian ng mga malalakas na salamangkero— ay hindi pa rin ako aatras sa laban na ito. Sino ba siya para atrasan ko? Sino ba siya para hindi ko labanan? Sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan niya sa akin na talaga namang sumugat at umikit sa puso ko, ito na ang panahon para gantihan ko ang lahat ng iyon. Gusto kong matawa nang maalala ang sinabi ni Lady Aurea. Na magiging kaanib ako nila. Na magiging kaanib ako ng grupong ito. Magkaanib? Kami? Iisipin ko pa ba iyon, eh, siya nga itong nais na paslangin ang buhay ko? Siya itong sa umpisa pa lang ay hindi na gustong narito ako. Paano ako naging kaanib sa kanila? Ni halos isuka nga nila ako sa grupong ito. Naramdaman ko ang hininga ni Loie sa tainga ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahil nasa likuran ko siya. Ang kaniyang braso ay nakakawit sa aking leeg dahilan upang hindi ako makagalaw nang maayos. Sinisikip kong tanggalin ang pagkakasakal niya sa akin ngunit sadya siyang malakas. Mas nagulat pa ako nang iminuwestra niya ang kamay upang muling pagalawin ang burda sa kaniyang kanang balikat. Paibaba sa kaniyang braso hanggang sa ang burda ay bumaba sa kaniyang palad. "Do you know how much I hate you?" nanggagalaiti niyang tanong. Rinig ko pa ang pagkiskisan ng ngipin niya, tanda na nanggigigil ito sa galit. "I hate you to the point that I don't think twice of killing you," dagdag pa nito. Kinapa ko ang sarili kung naroon ang kaba sa puso ko pero wala. Kung talagang wawakasan na niya ang buhay ko ay ayos lang. Wala naman akong pamilya na uuwian. Wala naman akong kahit na sino na mag-aalala para sa akin. Kung ligtas ako, kung nanganganib ako, o kung hindi maayos ang kalagayan ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga na nagdulot sa akin ng kaunting kilabot. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Mas pinakita kong hindi ako nasisindak sa kaniya. "Sa tingin mo ba'y may pakialam ako sa mga sinasabi mo?" matapang na tanong ko sa kaniya na siyang naging dahilan upang mas higpitan niya ang pagkakasakal sa akin. Unti-unti ay nararamdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko dulot ng pwersang tinatanggal ko ang braso niyang nakapaikot sa aking leeg. "Shut up." Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Kahit habol ang hininga ay sinikap kong magsalita. "Kakausapin mo lang ba ako o kakalabanin? Ganiyan ka ba kahina para labanan ako sa salita?" Mas tumindi ang tensyon sa aming dalawa nang tumawa nang malakas si Nyx. Ramdam kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin dahilan para lalong maipit ang leeg ko. "You don't know how to manage your power, right?" sarkastiko ang tinig ni Loie habang sinasabi iyon. "Says, who?" Ngumisi ako pagkakuwan atsaka hinayaan siyang mas higpitan pa ang pagkakasakal sa akin. Instead, I closed my eyes to feel the presence of nature. Saka ko pinaglaro sa aking isip ang pagkakaroon ng malakas na lindol. Ang pagyanig ng lupa ay talagang idinetalye ko sa aking isip. Walang detalye sa gusto kong mangyari ang hindi ko pinagtuonan ng pansin. Sa pagmulat ng aking mata, isang malakas na pagyanig ang nangyari. Agad akong nabitawan ni Loie na siyang inaasahan ko na, iyon ang naging hudyat ko upang makatakas sa kaniya at umangat sa ere. Dala ng hangin na pumapaikot sa ilalim ng aking mga paa ang siyang naging dahilan kaya ako nasa ere ngayon, nakalutang at mistulang lumilipad habang matayog na nakatayo, pinagmamasdan ang lalaking gusto kong gantihan. Hindi natapos doon ang aking paghihiganti. Mas pinalakas ko ang pagyanig ng lupa sa aking isip, hiningi ko na rin ang tulong ng hangin upang gumawa ng malakas na buhawi. Saka ko ipinadaan sa gawi ni Loie. Sa pagmulat ko nang mata, sigurado akong malalagutan siya ng hininga. I could see his body floating in a tornado that I made. And I wanted to laugh out loud because of it. Kitang-kita kong hirap na hirap siyang kontrolin ang paggalaw ng hangin sa kaniyang paligid. "Destul!" banggit ko sa mahikang ginamit ko kay Nhykira noon upang mapahinto siya sa ginagawa. "Încet, veți pleda pentru aer." Pagkasabi kong iyon ay nakita kong napahinto siya sa ginagawa, nasaksihan ko kung papaanong hinahabol niya paunti-unti ang paghinga. Gusto ko nang matapos ang larong ito. Iminuwestra ko ang aking kamay saka naglabas ng malakas na puwersa. Inipon ko ang lahat ng lakas ko upang mabuo ang isang malakas na hangin na aking ibabato kay Loie. Ngunit gayon na lang ang gulat ko nang makita ang ginagawa niya. A powerful explosion occurred at the same time, the tornado I had made was gone... using water? Nasaksihan ko kung papaanong ginamit niya ang parehong kamay upang magpakawala ng tubig at apoy... nang magkasabay! Paano niya nagawa ang bagay na ito? Nanlaki ang mga mata ko habang kitang-kita ang ginawa ni Loie? Paano siya nagkaroon ng ganiyang kalakas na kapangyarihan? Hindi ba't isa ito sa pinakadelikadong mahika? Ang magkaroon ng apoy at tubig sa kanilang kapangyarihan? Bigla ay natakot ako sa posibleng mangyari. Bumalik sa aking alaala ang sinabi sa akin noon ni Inay Serra... na isa sa pinakadelikadong kapangyarihan ang magkaroon ng apoy at tubig na magkasabay, maaari iyong ikamatay ng salamangkerong gagamit nito nang sabay lalo na kung hindi nito kontrolado ang paggamit nito. Kinabahan ako. May kung ano sa puso ko na nais na itong ihinto at siya na ang kilalanin bilang panalo. Upang hindi niya lang magamit ang dalawang salamangka na iyon nang sabay. "Loie! Stop this! You don't know what you are doing!" galit na sigaw ni Czearine saka sinikap na pumunta sa gawi namin. Hindi pa rin nawawala ang pagyanig na ginawa ko kung kaya't ilang beses pa itong natumba bago tuluyang makalapit sa lalaking nagliliyab ang kabilang kamay, at ang isa'y tila gripo na kusang lumalabas ang tubig mula roon. "Lorrine! Make this stop! Please!" Narinig ko rin ang pagsigaw ni Aryll na takot na takot kung kaya naman, mabilis akong pumikit at ibinalik sa normal ang lahat. Bumaba ako saka lumapit sa gawi ni Loie. Nang makabalik sa normal ang paligid ay magkasabay na tumakbo sa amin si Nyx at Aryll na kapwa nangangamba ang mukha. "Ano ang nangyari?" Naabutan kong sinalo ni Nyx si Loie dahil tuluyan itong bumagsak. Butil-butil ang pawis nito sa noo't namumuti ang labi sa putla. Umupo si Czearine upang tingnan ang lagay ni Loie, kinapa niya ang buong mukha nito saka mabilis na tumayo at hinarap ako. Galit na galit ang mukha niya, nanlilisik ang mga mata niya nang harapin ako. Sa isang iglap, dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa malakas niyang palad. Halos pangiliran ako ng luha dahil sa sakit at hapdi ng pagkakasampal niya ngunit sinikap kong maging matibay. "What have you done?!" sigaw nito sa mukha ko. "Nais mo bang patayin si Loie? Nais mo bang mawalan ng kaanib?!" Nakuyom ko ang aking kamao habang sa loob ng aking bibig ay nagkikiskisan ang aking mga ngipin. Ano bang klaseng tanong 'to? Kasalanan ko ba kung ginamit ni Loie nang mali ang kaniyang kapangyarihan? Bakit parang kasalanan ko na naman? Huminga ako nang malalim. "Natural iyon dahil naglalaban kami," sarkastiko kong turan. "In case, hindi mo alam na nag-eensayo kami—" "Ngunit hindi siya ang iyong kalaban! Ang inyong paglalaban ay parte ng pagsasanay. Nasaan ba ang iyong maliit na utak at nakalimutan mo iyon? Maglaban kayong dalawa hanggang sa kaya ninyo, pero walang sinabi na dapat magpatayan kayo!" Napapikit ako sa inis. Binasa ng aking dila ang pang-ibabang labi ko at tiningnan siya nang masama. Humakbang ako papalapit sa kaniya na para bang sa ganoong paraan ay sinisindak ko siya. "Kasalanan ko?" Ilang beses akong lumunok upang maikalma ang sarili ngunit nabigo ako. Lubhang sumisikip ang dibdib ko sa galit. Para bang gusto kong sumigaw at patayin ang lahat ng salamangkerong makikita ko. "Czearine! Dalhin na natin sa kaniyang silid si Loie! Mukhang hindi maganda ang epekto sa kaniya ng kapangyarihan ni Lorrine gayon na rin ang paggamit niya ng dalawa niyang salamangka," singit ni Aryll na tila maiiyak na sa nangyari. Nananatili akong nakatingin kay Czearine na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang panlilisik ng kaniyang mga mata. Saglit siyang sumulyap kay Loie saka ibinalik ang matatalas na tingin sa akin. "Kapag may nangyaring masama kay Loie, bumalik ka na ng Verphasa!" sigaw niya kaya lalo akong natawa. Ano ba ang nasa isip ng babaeng ito? Bakit kahit hindi ko naman kasalanan ay parang mali ko? Mali ko ba na hindi ginagamit ni Loie ang utak niya para isiping makakasama sa kaniya ang paggamit ng dalawang salamangka nang sabay? "Siya ang naunang pagtangkaan ang buhay ko!" Hindi makapagpigil na sigaw ko. Oo, sumigaw na ako dahil sa pagkakataong ito, makikilala ninyo ang tunay kong ugali. Pinagpapasensyahan ko lang ang mga salamangkerong naririto lalo na si Czearine dahil nais kong manatili... dahil kailangan kong iligtas ang buhay ni Nhykira. Ngunit sadyang sinasagad nila ang pasensya ko. Hindi ako simbait ng iniisip nila na lagi na lang iintindihin kung may nangangalawang na sa kanilang utak. May hangganan ang pasensya ko, sinagad pa nila. "Hindi pa rin iyon rason para gawin sa kaniya ang balak niya para sa iyo!" Humakbang ako papalapit sa kaniya atsaka siya pinandilatan ng mata. "At ano ang nais mong gawin ko? Ang tumunganga habang pinapatay ako ng lalaking iyan?" Ngumisi ako sa kaniya upang ipakita ang pagkasarkastiko. "Hindi yata ako ang maliit ang utak dito," pagkasabi kong iyon ay tumalikod na ako sa kanila at tuluyan nang lumabas ng Arena. Masama ang loob ko. Lalo na sa Czearine na iyon. Umpisa pa lang ay hindi ko na gusto ang kaniyang pag-uugali. Bakit gano'n niya ako kung tratuhin? Eh, hindi naman niya ako kilala, wala rin akong nakikitang rason para tratuhin niya ako nang ganoom. Dahil ba sa bago lang ako sa kaharian nilang ito? O dahil taga-Verphasa ako't isang milagro na nakarating ako lugar na ito? Alinman sa dalawang iyon ay hindi ko nakikitaan ng dahilan para pakitaan niya ako ng hindi magandang pag-uugali. Tunay ngang hindi lahat ng maganda ay maganda rin ang ugali. Isang patunay si Czearine na hindi nabibili ng milyon-milyong gitno ang tunay na ganda ng isang babae. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit naisip ni Loie na gamitin nang sabay ang kapangyarihan niya. Batid nitong mapanganib sa kaniyang buhay ang paggamit niyon, pero ginawa niya pa rin. At kasalanan ko pa talaga 'yon? What a nice joke. Tumaas ang gilid ng labi ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa nakarating ako sa malawak na lawa. Naging banayad ang takbo ng aking isip nang makita sa hindi kalayuan ang isang maarkong tulay sa gitna ng lawa. Tila inaakit ako nitong magpunta roon. Lakad-takbo ang ginawa ko upang mabilis na makarating doon. Nang tuluyang maitapak sa tulay ang aking paa tanda ng unang hakbang ay abot-abot saya na ang aking nadama. Mas nagiging kalmado kasi ang aking isip kapag nakakakita ng tubig. Para bang... kasabay ng pag-agos niyon ay ang paglaho ng hindi magandang nangyari. "Nasaan ang mga kasama mong salamangkero?" "Ay halimaw!" Natutop ko ang aking bibig dahil sa hindi magandang salita na lumabas doon nang magulat sa pagsulpot ng isang lalaki. Nakaputing polo ito na may mahabang manggas, ang pang-ibaba nama'y isang pantalon na gawa sa itim na tela. Nakakapa ito na kulay puti rin. At nakasalamin bagaman hindi ito matanda tingnan. Kung susumahin, para bang ka-edad lang namin siya. Ngunit mas lamang ang edad niya ng mga ilang taon. "Lubha kang nakatutuwa. Ano'ng ginagawa ng isang maganda ngunit malungkot na salamangkera dito sa lawa?" Nais kong matawa nang magbiro pa siya sa akin. Sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan ng aking pagtungo rito? Ngunit hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi. Pero sabi nga ni Inay Serra, ang dapat ko raw pagkatiwalaan ay iyong mga salamangkerong hindi ko kilala. Dahil makakalimutan din nila ang kwentong aking ikukwento kapag naglayo na ang aming landas. Sino ay dapat kong pagkatiwalaan si Inay roon. Bumuntong-hininga ako "Nais kong kumalma ang aking isip sa pag-iisip," saad ko. Itinuon ko ang atensyon sa lawa. Kasunod no'n ang pag-upo ko sa gilid ng tulay. Naramdaman ko namang tumabi sa akin ang ginoo. Napangiti ako nang bahagya nang maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Hindi naman sa galit ako kay Czearine kaya ako tumungo rito. Sadyang hindi lang maalis sa isip ko ang nangyari kay Loie. Hindi naman kasi ako masamang nilalang. Hindi ako pinalaki nina Inay Serra na may ganitong pag-uugali. Hindi ako pinalaki ng mga taong nagpalaki sa akin ang pagiging masama kaya kahit papaano ay nag-aalala ako sa nangyari kay Loie. Kasalanan ko ba talaga? "Dahil ba sa nagawa mo kay Auxworton?" diretsong tanong nito na naging dahilan ng mabilis kong pagsulyap sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko. "P-Paano ninyo ho nalaman?" "I just know. You are Lorrine Kirschtein, right?" Maski iyon ay alam niya? Mukhang hindi yata ako dapat na magtiwala sa nilalang na ito dahil isang pandaraya na alam niya kung sino ako ngunit siya ay hindi ko kilala. Pero kahit na ganoon, hindi ko naman naramdaman sa kaniya ang takot at pangamba. Sa totoo nga lang, bigla ko na lang naramdaman na napalagay na ang loob ko sa kaniya kahit saglit na saglit ko pa lang siyang nakakausap. Magaan ang loob ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit. Kaya minabuti ko na lang na ituloy ang pakikipag-usap sa kaniya. "O-Opo. Kayo po, ano'ng pangalan ninyo?" "Ako si Mark," ngumiti siya sa inilihad ang kamay upang makipagkamay, agad ko naman itong tinanggap. "Kinagagalak kong makilala ka." Ngumiti ako sa kaniya nang tipid, naiilang. "Ganoon din ako, Mark." "Bakit ka nga muling nandito?" tanong na naman niya. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan iyong ibuga. Naguguluhan ang isip ko. Maraming senaryo sa isip ko na paulit-ulit kong iniisip kung dapat ko bang gawin. Sa palagay ko kasi ay hindi na makabubuti para sa akin na manatili pa rito. Sa tingin ko, ako talaga ang dahilan kung bakit magulo ang grupong iyon. Kasalanan ko talaga ang lahat. "Gusto kong makapag-isip-isip. Gusto kong timbangin ang aking sarili. Nais ko ring sukatin ang desisyon na aking ginawa. Pakiramdam ko, nalilito na ako sa sarili kong utak at puso. Masyado nang nagugulo ang pag-iisip ko at wala na akong maisip na matino. Gusto kong kumalma ang utak ko sa pag-iisip. Ngunit isa lang ang sigurado ako sa nararamdaman ko." Kunot ang kaniyang noo na tumingin sa akin. "Ano iyon?" Bumuntong-hininga ako saka malungkot na tumitig kay Mark. "Nais ko nang iwan ang lahat ng narito. Gusto ko nang lisanin ang lugar na ito dahil pakiramdam ko, isa lang akong malaking panggulo. Nais ko nang bumalik sa pamilya ko… nais ko nang bumalik sa Verphasa..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD